◎ 1

Nakatayo kaming dalawa ni ate sa harap ng gate ng magiging bagong bahay namin. Excited na excited ako dahil new environment, new neighbors, and of course, new house.

"Haaay. Malalayo na ko sa mga friends ko." Napatingin ako sa kanya. Nakasimangot siya at parang lantang lanta habang naglakad papasok ng gate.

"Graduate ka naman na ate. Mag wowork ka na, so ibig sabihin, bihira na lang kayo mag kikita ng mga friends mo. Kasi parepareho na kayong mag tatrabaho."

"Kahit na... maganda naman yung dati nating bahay. Two-storey din yun... contemporary yung style. Eh ganito din naman to eh. Wala namang halos pinag kaiba."

"Mas maganda to ate. Tignan mo nga tong first floor, glass. Ang gaganda pa ng blinds na binili ni mama. May mga terrace yung mga rooms natin tapos merong sariling cr, meron pa tayong guest room, isa pa, meron ding swimming pool. Eh yung dati nating bahay, tatlo lang kwarto. Kila mama lang yung may cr, tapos yung satin, connecting lang. Tapos pag may bisita tayo, nag shishare pa tayo ng room, kasi kwarto ko yung ginagamit. At... mas malapit tayo sa mall. Isang sakay lang ng trike pag labas ng subdivision."

Tinignan ako ni ate at ngumuso siya.

"Ang galing mo talagang mag motivate eh no?" Inakbayan niya ko at nginitian. "Pag papasok ka sa school, isasabay na kita. Para hindi ka na mahirapang mag abang ng taxi sa labas ng subdivision."

Nung nalaman ni ate na lilipat kami ng bahay, sinabi niya sakin na dun na lang siya malapit sa school ko mag hahanap ng trabaho. Para pareho lang yung way namin. Niregaluhan kasi siya ni papa ng kotse.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, naabutan namin si mama na nag aayos ng mga furnitures sa living room kasama yung dalawa naming kasambahay.

"Iriza, Aria, nandun na yung mga gamit niyo sa mga kwarto niyo, ayusin niyo na ha? Nalagyan na ni Manang Sally ng mga bagong bed sheets yung kama at napalitan na rin niya ng mga kurtina yung sa terrace at bintana."

"Opo mama." Sabay kaming umakyat ni Ate Iriza. Ngayon lang kami nakarating dito eh. Kasi hindi kami kasama nila mama ng bilhin nila to.

"Aria... gusto mong sumama sa class bonding trip namin?" Tanong sakin ni ate nang makarating kami sa second floor.

"Wag na lang. Kakagraduate niyo lang, delikado. Baka masama pa ko sa kamalasan ng mga gagraduate."

"Sira! Graduating yun. Eh kami kakagraduate lang namin last week. Isa pa, kasabihan lang yun. Tignan mo ko oh! Buong buo pa."

"Next time na lang ate. Mag aaral pa ko."

"Anong mag aaral? Bakasyon na. Tigilan mo ko! Sumama ka na sakin please?"

"Duh! Class bonding trip niyo yun. Hindi namang tayo magkakaklase. Outcast ako, te."

"Bahala ka nga diyan. Mabobored ka dito pag umalis ako."

"Hindi no. Pag nag hanap ka na ng work at natanggap ka, araw araw ka ng wala dito. Dapat masanay na kong walang magbabalita sakin ng mga chismis sa labas."

"Ang sama mo!"

Dinilaan ko lang siya at pumasok na ko ng kwarto ko. Napangiwi ako ng makita kung gano kakalat ang kwarto ko. Malinis naman siya dahil wala ng mga alikabok at mga basura. Dahil nalinis na nga ni Manang Sally. Pero yung mga box, nagkalat sa loob ng kwarto. Wala pa rin sa tamang ayos yung full-length mirror, table, sofa, at kama. Kaya pala pinaiwan na ni mommy yung mga cabinet sa dati naming bahay dahil meron ng malalaking built-in cabinet na nakalagay sa left side ng pinto pagpasok. Yung tinitumbok naman nun eh yung cr. Gusto ko yung pwesto ng cr. Kasi nagkaroon ng maliit na hallway papasok dun gawa ng mga built-in cabinet. Sinilip ko na din yung cr. Hindi siya ganon kalaki, pero hindi rin naman ganong kaliit. Sakto siya para sakin. Hiwalay yung toilet sa mismong liguan. Meron na ding lavatory set, at may maliit na cabinet na may salamin.  Malinis na rin yung tiles sa floor at dingding. Wala pa nga lang shower curtain.

Hindi ko na binuksan yung aircon dahil nakabukas naman yung glass na sliding door sa terrace. Kahit summer, mahangin dito.

Sinimulan kong iusod yung kama ko sa may tabi ng wall. Hindi kasi ako sanay na naka center yung kama. Pakiramdam ko kasi hihilahin na lang ako ng mga monster sa magkabilang side. Pero kung nakadikit na sa wall, atleast pag hihilahin ako ng monster, makakausod ako sa wall at alam kong safe ako. Nilagay ko yung table ko sa may gilid ng glass ng terrace. Mas okay siguro yung lighting nun sa umaga, para pag mag lalagay ako ng makeups. Pinuwesto ko yung salamin sa may gilid ng cr. Para malapit na din sa cabinet. Isa pa, nakaside yun ng kama ko. Ayoko kasi yung nakahiga ako, eh nakikita ko yung sarili ko sa salamin. Baka pag katingin ko may katabi na kong multo.

Binuksan ko yung tatlong malalaking box na puro damit ko. Buti na lang tinulungan ako ni Manang Sally na ilagay yung mga damit ko sa box dahil tiniklop niya talaga yun at pinag hiwahilay niya yung mga bags, pantalon, shorts, pambahay, dress, pang alis na tops, and mga undies kaya hindi ako nahirapang ilagay yung sa cabinet. At sa ilalim na drawer ko naman nilagay yung mga footwear ko. Sa kabilang drawer yung mga books ko at mga school papers. Nilabas ko yung mga box na wala ng laman at nakasalubong ko si Manang Sally na may dala dalang tray ng pagkain. Kakalabas niya lang sa kwarto ni Ate.

"Aria, eto ang meryenda mo oh. Mukha tapos ka na sa pag aayos ng kwarto mo ah?"

"Malapit na Manang. Konti na lang."

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"Hindi na manang. Kaya ko na po."

"Nakung bata ka. Aba eh buti ka pa. Yung ate Iriza mo, wala pang nasisimulang imisin. Lahat eh nakasalanlan pa."

"Mukha si ate po ang may kailangan ng tulong."

"Aba'y ganon na nga."

"Papasok na ko Manang sa loob. Salamat sa meryenda."

Matagal na naming kasambahay si Manang Sally. Namasukan daw siya samin nung bagong kasal sila mama. Kaya naman nasubaybayan niya yung pag laki namin ni Ate. Sinasabi sakin ni mama na ako daw ang paborito ni Manang. Pero si ate... siya ang paborito ni papa.

Ipinatong ko lang yung tray sa ibabaw ng table ko at sinimulan ko ng tapusin yung pag aayos ng kwarto. Nung matapos na ko, kinuha ko lang yung laptop at naupo ako sa kama. Balak ko sanang mag youtube, pero wala pa palang internet. Sa isang araw pa maikakabit. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kumuha ako ng sandwich sa tray at nagpunta kong terrace. Meron palang maliit na steel round table dun at isang steel chair na may sandalan. Kaya kinuha ko yung tray at ipinatong sa mesa.

Meron akong narinig na talbog ng bola kaya sumilip ako sa ibaba ng terrace. Dun pala sa kabilang bakod. Merong apat na lalaking nag babasketball. Pero sa isang lalaki lang natuon talaga yung atensyon ko. Nakasuot siya ng number 20 na red jersey at may nakalagay na 'PlayEr'.

Natigil sila dahil itinuro ako nung isa pang lalaki. Bago pa ko makaalis sa kinatatayuan ko, tumingala na sila ng tingin sakin.

My heart almost jumped out of my chest when Mr. PlayEr smiled and wave at me. Hindi ko alam kung gaganti ba ko ng kaway or tatalikuran ko sila...

But there's one thing I know for sure... he's  so damn handsome... he's a bae... he's a hottie... hawig siya ni James Reid... ako na ata ang Nadine Lustre ng buhay niya... 

Shettt, Aria... sparks na ituuu


(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top