Dear Glenn, (3)

Dear Glenn,

Ang tagal na nating hindi nag-uusap pero naaalala pa rin kita. Araw-araw. Hmm, tanda mo ba 'yong sinabi ko sa iyo na may sakit ako? May findings na sila, Glenn. At sobrang sakit noong nalaman ko 'yon.

May Leukemia daw ako, Glenn. Alam mo, noong nalaman ko iyon ay sobrang nanghina ako. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Basta, gusto kong umiwas sa lahat ng tao noong nalaman ko iyon.

Kahit si Mama, nilayuan ko. Ang hirap. Kapag sinabing Leukemia, mamamatay na iyon di ba? Ang unfair lang talaga ng mundo, kung sino pa 'yong gustong mabuhay eh siya pa 'yong kukunin.

Ang dami ko pang gustong gawin. Madami pa akong pangarap. Tapos, kukunin lang nang ganun-ganun? Paano na ako? Paano na tayo? Di ba, may pangarap pa tayo na kasal?

Ilang araw pagkatapos naming malaman 'yon ay sinabi naman pala agad ni Mama kay Tita kung ano ang nangyari sa akin. Actually, hindi ko alam kung anong reaksyon mo noon. Natatakot na akong makita ka. Basta, gusto kong maglaho noon.

"Mai, gusto daw pumunta ni Glenn dito para bisitahin ka. Ayos lang ba sa iyo, anak?"

Iyan ang eksaktong sinabi sa akin ni Mama sa akin noon. Hindi ko nga nasagot agad eh. Alam mo 'yong feelung na gusto kitang makita pero hindi rin dahil nahihiya ako sa iyo? Ganoon ang nararamdaman ko.

"Mama, ikaw na lang muna ang sumagot sa kanya. Ayaw ko. Ayaw ko pang makita o makausap siya."

Ginawa naman agad ni Mama 'yong sinabi ko. Sa totoo lang, miss na miss na kitang makausap pero ayaw ko muna dahil mahina pa ako sa ngayon.

Gabi noon, nagulat na lang ako nang makita kita sa panaginip ko. Nasa tapat daw tayo ng wishing well at todo hiling daw ako. Tawa ka raw nang tawa kasi ayaw kong tumigil.

"Mai, ano ka ba? Tama na ang isang coin. Kung ano man ang hiniling mo ay sigurado naman akong matutupad iyon."

"Ha? Paano naman mangyayari 'yon eh Leukemia na nga ang sakit ko? Hindi mo ba alam na pwede akong mamatay dahil doon? Glenn naman."

"Alam mo, kung mamamatay ka rin lang dahil sa sakit mo, eh di mamatay na lang tayo pareho. Ayos lang naman sa akin. At least, doon tayo magsisimula ng kwento natin."

"Siraulo ka ba? Ano naman at sasamahan mo ako mamatay?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin, huwag mo akong talikuran dahil lang sa sakit mong iyan. Gusto kitang samahan. Kung pwede nga, ako na lang ang masaktan."

Dahil sa panaginip kong iyon, sinabi ko kay Mama na pwede mo na akong puntahan. Gulat na gulat nga si Mama noon eh. Sobrang saya niya dahil pumayag na ako. Naisip ko lang na tama ka. Hindi ko dapat ilayo ang sarili ko sa mga taong gusto akong samahan dito sa sakit kong ito. Kailangan kong maging malakas para sa kanila dahil laban namin ito. Laban natin ito.

Pagkaraan ng ilang araw ay dumating ka na. Hindi agad tayo nakapag-usap dahil tulog ako noong dumating ka pero nakita kong todo ang ngiti mo sa akin pagkagising ko. Kahit paano ay naibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

''Ayos na ba ang pakiramdam mo? Alam mo, akala ko ay hindi na tayo magkikita dahil ang sabi ni Tita sa akin ay ayaw mo raw pero masaya ako dahil nagbago ang desisyon mo. Hindi ko na tatanungin kung bakit. Ang importante ay nandito na ako at mababantayan kita lagi.''

Ewan ko ba naman sa iyo kung ano ang nasa isip mo noon at gustong-gusto mo akong alagaan. Oo, masaya naman ako na gagawin mo iyon sa akin pero naiisip ko rin noon na deserve mong maging masaya. Ýong malaya, walang ako na nakakaabala.

Isang araw, habang binabantayan mo ako ay napatanong ako sa iyo. Hindi ko kasi mapigilan na hindi isipin. Alam kong magtatampo ka sa akin pero tinanong ko pa rin iyon. 

''Glenn, bakit binabantayan mo pa rin ako kahit alam mong wala namang patutunguhan lahat ito? Alam naman natin na malubha na ang sakit ko, di ba? Bakit ka pa nandito?''

''Ano na naman bang tanong iyan? Iyan ka na naman, nagiging negatibo na naman ang lahat sa utak mo. Akala ko ba, lalaban ka? Lalaban tayo, di ba? Kaya nga nandito kami ni Tita para sa iyo eh. Ano na naman ang gumugulo sa isip mo at ganyan ka na naman?''

''Wala naman, naisip ko lang na mas maayos siguro ang buhay mo kung hindi mo ako kasama. Hindi ka siguro ganito. Nagbabantay ng taong mamamatay na rin naman-''

''Hindi! Hindi ka mamamatay. Walang mamamatay! Gagaling ka. Kailangan lang nating hintayin ang araw na iyon. Okay? Ayaw ko na maririnig iyan sa iyo simula ngayon. Kailangan mong lumaban para sa amin at para sa sarili mo. Madami pa tayong pangarap di ba?''

Tumigil na ako noong sinabi mo iyon. Hindi naman na ako mananalo dahil naasa ka pa na gagaling ako. Ako? Hindi na. Hindi ko na iniisip iyon pero hindi ko rin naman masabi sa inyo. Tinatago ko na lang sa inyo kasi alam kong masasaktan lang kayo sa kung paano ako mag-isip sa ngayon.

Pero Glenn, gusto kong magpasalamat dahil nanatili ka sa akin kahit na sobrang binababa ko na ang sarili ko. Huwag kang mag-alala, hindi kita makakalimutan kahit na nasa kabilang buhay na ako. Hindi ko makakalimutan na ikaw ang nag-iisang kasama ko sa paglaban ko dito sa mundo na sobrang gulo at sobrang unfair.

Salamat sa pagmamahal, Glenn. I love you. Mahal na mahal kita pero hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Kung maiwan man kita dahil sa sakit ko? Pasensya ka na. Huwag kang mag-alala. Gusto ko, gusto kong ikaw ang huling kasama ko sa laban na ito.

Mai.

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                              

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top