TWO


*Year 202x*


Erillia's POV


Tapos na ang unang linggo ko sa trabaho! Kapagod!


Kung anu-ano ang tinuro sa akin sa office. Akala ko, hindi ko ma-ge-gets 'yun pinapagawa nila. Simple lang pala, hehe.


Pauwi na ko. Friday naman kaya nag-window shopping muna ako. Nag-grocery na din, bumili ako ng gamit sa office at. . . Magagandang stationary paper.

Gugustuhin ko man mag-taxi pero, namamahalan talaga ako. At the same time, natatakot na rin kasi ako lang mag-isa. Baka i-rape ako ng taxi driver.

Kaya nagje-jeep lang ako papunta at pauwi. Siksikan pa rin, partida, tapos na ang rush hour. Tapos, traffic pa. Ang saya!


Nakaramdam ako ng pag-vibrate kaya hinanap ko ang phone. Hindi ko pa sinalpak sa tenga ko ang earphones, maya-maya na lang.

Kapatid ko lang pala, nagpapabili ng burger. Pasalubong daw sabi ng nanay ko.

Hay nako, mukha ba kong may sweldo ngayon?



SA-BA-DO ! ! ! ! 


Ganito pala ang feeling kapag working na. Masaya naman ang mga ka-trabaho ko. Puro babae kami sa accounting department. Hindi ko pa nakikilala ang may-ari.

Nakahiga lang ako ngayon sa kama. Tumitingin lang sa mga social media na mayroon ako ngayon.

May kanyang-kanya silang mundo ngayon sa living area. Tapos naman ako mag-breakfast, hindi ko rin alam ang gagawin ko ngayon araw. Baka manood na lang ng series na hindi ko natapos last week.


Hindi ko pa rin china-chat si Dennis. Bakit ko pala icha-chat 'yon? Wala pala siyang pake sa akin.


"Ate!" napatingin ako sa pinto nang sumigaw ang bunso kong kapatid. "Kain tayo ng ice cream!"

"Sige!" sigaw ko. Bumangon naman ako at lumabas na ng kuwarto.

Cookies and cream ang flavor ng ice cream na kinakain ko ngayon. Ang sarap!

"Hoy, ate." napatingin ako kay tita. Nakangiti siya ngayon sa akin. "Kumusta first week mo?"

"Oo nga, ate." tumingin ako kay Lira, ang pangalawa kong kapatid na nauna na nagka-work. "Panahon na para ilibre mo kami!"

Agad naman nagpalakpakan ang mga tita ko ngayon sa sinabi niya.

"Hala! Hindi pa 'ko sumusweldo!" sigaw ko sa kapatid ko.

"Kaya nga! Sa sweldo mo!" sigaw pa ni Lira.

"Kayo talaga, huwag niyo pine-pressure si Eri." suway na lang nanay ko. "Manlilibre 'yan sa ating lahat. Buffet ba, anak?"

Nag-scoop muna ako ng ice cream saka ko siya sinagot. "Next month, kain tayo sa buffet."


Hayan, tuwang-tuwa na ang mga tita ko. Gustong-gusto talaga ni ang buffet na kainan. Mahilig kasi kami sa unli. Hindi naman kami mayaman na mayaman. Kapag lang may extra budget ang isang tao rito, saka na siya pwede manlibre. Pero kung walang-wala na talaga, aasa muna kami sa biyaya. Haha!


"Mama!"

"Hoy, ako muna ang maglalaba, ha? Bukas ka na lang." sabi ko na lang kay Lira habang nilalagay ko ang mga baso sa lababo.

"May pasok ako bukas, ate." Napatingin ako sa kanya. Nandito pala siya sa likod ko.

"Mama!"

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay.

"May event sa hotel bukas, dalawang beses gagamitin 'yong event room. Baka nga hindi rin ako makauwi."

"Mama!"

"Eh, 'di sige. Maglaba ka na. Baka umulan pa mamayang hapon." sabi ko na lang sa kanya. Kumuha na siya sa cabinet ng detergent powder.


Nakakapagod naman ang ginagawa niya. Pero, alam kong masaya naman siya.


"Mama!"

"Sino ba 'yang mama ng mama?" tanong ko na lang. Kanina ko pa kasi naririnig.

"Baka naman si J 'yon." sabi na lang ni Lira. Si Julian, ang bunso naming kapatid. J talaga ang tawag namin sa kanya. Mas gusto niya iyon kaysa sa buong pangalan niya.

"Mama!"

"Hoy J! Ano'ng kailangan mo kay na..."


Teka, mama ang sinasabi niya. Nanay ang tawag namin sa mama namin, eh.


"Ano'ng problema mo, ate?" napatingin kami ni Lira sa banyo na nasa tabi lang ng kusina na 'to. "Tumatae ako." sabi na lang niya pero nasa loob siya ng banyo.


"Mama!"


"Bata, sino'ng hinahanap mo?"

Napatingin kami kay nanay, nasa bintana siya.


"Nay, sino 'yan?" tanong ko nang makalapit ako sa bintana.

"Si Mama po!" batang lalaki ang sumagot. Binuksan ko na ang pinto para makita ang bata.


Nakasilip ang bata sa maliit naming gate. May dala siyang backpack na kulay blue at nakatingin kay nanay. Kitang-kita ko pa ang pawis sa mukha ng batang 'to.

"Nandiyan po ba si Mama?" tanong ng bata.

"Sino ba ang Mama mo?" tanong ni nanay.


Tumingin ang bata sa akin at ngumiti.


"Mama!"


Ano raw?


Binalik niya ang tingin kay nanay saka niya ako tinuro. "Siya ang Mama ko! Ikaw ang lola nanay ko!"


Napatingin ako kay nanay. 


Ang sama na ng tingin sa'kin ng mga tita ko. Si nanay, nakatingin sa bata. Si Lira, nakanganga.


"Ate, anak mo ba talaga 'yan?" tanong ni Lira.


Mukha ba kong nabuntis?!



Dennis' POV


"Pakiramdam ko, babae ang susunod na magiging presidente."

"Di bale kung lalaki man 'yan o babae, kaya ba niya patakbuhin nang maayos ang bansa na 'to?"

"Eh, malay mo naman mas magaling pa ang susunod na magiging presidente kaysa sa lecheng presidente natin ngayon."

"Itigil mo 'yang bibig mo, baka may makarinig sa'yo na supporter niya."

"Hay nako! Wala akong pake! Magdadaldal ako hangga't gusto ko!"


Kailan kaya titigil ang mga matatandang babae na 'to na magreklamo tungkol sa presidente?


Gusto ko lang naman mag-load kasi iche-check ko pa kung may schedule na ba ang board exams namin o baka na-postponed. Kaso, nakaharang ang dalawang matanda na 'to sa tindahan. Mukhang hindi pa ako napansin dahil dumadaldal sila. Tungkol naman sa mga asawa nila ang topic.


"Hoy!" sigaw ng may-ari ng tindihan. Si ate Marilene. "May nabili! Hindi kayo tatabi?"

Agad naman lumingon ang dalawang matanda sa akin at ngumiti. "Naku, sorry hijo." sabi nila saka sila gumilid.

"Ate, pa-load po."

"Ay, teka. Kunin ko 'yong phone. Isulat mo na lang dito 'yong number mo." utos na lang ni ate nang ibigay sa akin ang notebook.


"Alam mo, hijo..." utang na loob, ayoko makipagdaldalan sa inyo! "Ang swerte ng mapapangasawa mo."

Napahinto na lang ako sa pagsusulat. "Bakit po?" pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya.

Tinignan niya ko mula sa paa papa-akyat sa mukha ko. "Guwapo ka. Malaki." 


Tangina, ano na naman ang pinagsasabi nito?


"Naku! Maniwala ka kay Tere, hijo. Manghuhula 'yan!" napatingin ako sa kasama niya na nasa likod ko ngayon. "Hoy, hulaan mo nga kung anong mangyayari sa kanya."

"Makikilala mo ang anak mo!" sigaw niya. "Makikilala mo ang mapapangasawa mo!"

"Hoy! Tere! Nababaliw ka na naman!" sigaw bigla ni ate Marilene. Nakita ko na umiling siya. "Pagpasensyahan mo na ang mga baliw na 'yan. Nasobrahan na." sabi na lang ni ate sa akin. 


Nang pumasok na ang load ko, inabot ko na kay ate ang bayad at lumayas na sa tindihan niya. Baka kung ano pa ang gawin sa'kin.


"Makikilala mo ang anak mo!"


Sige, umecho pa sa tenga ko.


Anak daw. Mukha ba 'ko magkaka-anak? Kailangan maging engineer muna ako bago mangyari iyon.


Napatingin ako sa playground, ang daming mga bata na naglalaro. Mayroon pa nga sa labas ng playground, mga naglalaro ng ten-twenty at langit-lupa. Amoy araw ang mga 'yan pag-uwi nila.


"Papa!"


Nakaka-tuwa talaga ang ingay ng mga batang 'to kahit na may halong mura pa na sinasabi.


"Papa!"


Lagot talaga ang mga 'yan kapag nahuli sila ng magulang nila.


"Papa!"


Kanina ko pa naririnig 'yong Papa. Kaninong anak ba 'yon?


"Papa!"


Huminto ako. Hindi pa ako nakakalayo sa playground kaya lumingon ako. Nasaan ang boses na 'yon?


"Papa!"


Boses ng batang babae.


"Huli ka!"


Naramdaman ko na lang na may bumunggo sa akin. May nakayakap sa akin na batang babae sa likod ko. Muntikan pa maipit ang salamin niya kaya agad niya ko pinakwlaan at inayos ang salamin niya.


Tumingala siya sa akin at ngumiti. "Papa."


"Ha?"

"Kanina ko pa kayo tinatawag, ayaw niyo pong lumingon sa akin." sabi niya habang naghahabol siya nang kanyang hininga.

"Hindi ako ang Papa mo."

"Ikaw po ang Papa ko!" sigaw niya habang nakangiti siya sa akin. "Ikaw po si Dennis Kirk Montengra."


Anak ng... Paano niya nalaman ang pangalan ko? May nagsabi kaya sa kanya?


"Maniwala po kayo sa akin. Kayo po talaga ang Papa ko." dagdag pa niya.

"Bata, umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng magulang mo."

"Pero, kayo po ang magulang ko!" sigaw pa niya.


Ano'ng gagawin ko ngayon sa kanya? May naging girlfriend naman ako pero, wala naman nangyari sa amin.


Oo, wala naman talaga.


Kaya imposible na maging anak ko 'to. At saka, ang laki na niya.


Lumuhod ako sa kanya para naman hindi siya nakatingala. "Ilan taon ka na?"

"Seven years old po." sagot niya habang nakangiti siya sa akin. Kitang-kita pa sa noo niya 'yon pawis na tumulo galing sa noo niya.

Hindi pa maayos ang pagsuot niya ng eyeglasses niya. Kinuha ko muna sa kanya para lang mapunasan ko. "Nasaan ang lagayan ng salamin mo?"

Hindi niya ako sinagot. Mula sa backpack niya na pink, nilabas niya ang lagayan ng kanyang salamin na silver at inabot sa akin. Ang ganda naman nito.

"Si Mama ang pumili niyan pati 'yong salamin po." sabi na lang niya.


Nakakapagtataka, kaninong anak ba 'to?


Nakangiti siya ngayon sa akin. Hawak ko pa ang salamin niya. 


"Ang init init, hindi nakatali 'yang buhok mo."

"Eh, ayoko pong itali. Tinatamad po ako." sabi na lang niya saka siya tumawa.


May kamukha ang batang 'to. Pero, baka kasi common na ang mukha kapag bata lalung-lalo na kapag ngumiti.


Or baka mali lang ako? Dahil kamukhang-kamukha niya. Sa mata at sa pag-ngiti niya.


Kamukha niya si Eri.



*Year 203x*

July 24, 202x


FUTURE ERIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

MAY ANAK DAW AKO!!!!!!!!!!!! PAANO NANGYARI 'YON?!?!?! I mean, oo, paano ba?


Jusmiyo!


#Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top