TWENTY THREE


*Year 202x*


DENNIS' POV

Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ni Erillia sa asawa ng kilala niya. Siyempre, hindi ko rin naman kilala ang tao na 'yon.

Nakapag-paalam naman ako sa mga bata na hindi ako makaka-uwi ngayon. Gusto kasi ni sir Logan na bantayan ang machine na 'to. Baka, bukas na ako makaka-uwi.

"O, Dennis, ayos ka lang?"

Napalingon na lang ako nang marinig ko ang boses ni sir Logan, "gusto mo na ba umuwi?"

"Ay, hindi naman po. Bukas na lang ako uuwi."

Umupo siya sa bench na 'to, sakto naman na humangin. Kaasar, hindi man lang ako nagdala ng jacket. Nakalimutan ko rin kasi na taglamig dito kapag December.

"Ilang araw na ba ang nakalipas magmula nang hindi ka nagpapakita sa mga bata?"

Tumingin muna ako sa malaking kalendaryo malapit sa pinto papasok ng bahay niya. "Almost a month na, ata."

"Malapit na pala ang pasko, 'no?"

Napatingin ako kay Davill, napansin ko na may bitbit siya na tray at papunta rito. Amoy na amoy ko ang chocolate drink.

Favorite pala ni Dallia ang chocolate.

"O, heto sa'yo, Dennis. Matamis na matamis 'yan, ha!" sigaw niya saka niya inabot ang blue na mug sa akin.

Ugh, hinawakan ko pa lang ang mug, sobrang init.

"Birthday ng mga sa 24, 'di ba?"

Tumango ako kay Davill saka ko na hinigop ang chocolate drink na 'to. At tama nga siya, sobrang tamis ng gawa niya.

"Ang daya mo, bakit hindi matamis na matamis 'to?" narinig kong tanong ni Kael tapos, umupo siya sa tabi ko.

"Papuntahin mo kaya ang mga bata rito."

"Baliw ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hmm!" aniya nang makainom na siya ng chocolate drink, "bakit? Alam naman nila tungkol diyan, 'di ba?"


Oo nga naman, nakita na nila ang machine na 'to.


"Na-nandiyan pa sila, Papa?"

"Sino?"

"M-may gustong ku-kumuha sa ami-amin. Ni... Reinard."


Nahihiya akong magtanong kay Dallia kung ano'ng nangyari sa kanila ni Reinard no'ng sinabi niya na may gustong kumuha sa kanila. Baka, hindi rin ako sasagutin no'n.

Ayoko lang makita ulit sa mga mata niya 'yon takot.


"Ayoko pong umuwi."


Aba naman! Tuwing maririnig ko ang malamyang boses ni Dallia, nanghihina ako na ewan. Hindi siya pwede maging malungkot.

Alam naman siguro ng future version namin ang gagawin kapag ganoon ang nangyayari kay Dallia, sana man lang nag-note sila sa amin.


Kainis, kailangan ko na umuwi.


"Hoy."


Napatingin ako harap, isang basket na puro tinapay ang laman. Mukhang bagong bake ah, ang bango.


"Kanina pa kita tinatawag para kunin 'to, hindi mo pala ako naririnig."

"Hala, sorry po ate Dison." Agad ko naman kinuha ang basket at nilapag sa table.

"Samahan mo ko, may cookies pa na naghihintay sa'yo sa kusina." Pagkatapos, nauna na siyang bumalik sa loob.

"Dalian mo, sumunod ka na." Napatingin ako kay Kael, "magsusungit 'yan kapag hindi ka agad sumunod diyan."

"Dennis!"

"Ah, opo!"

Agad naman ako tumayo at tumakbo papasok sa loob. 


Wala pa ako sa kusina pero amoy na amoy ko na ang chocolate cookies. Kaya pala hindi siya tumutulong sa amin kanina.

"Nasaan ang dadalhin ko?" tanong ko nang makapasok ako sa makalat na kusina.


Literal na makalat ang kusina dahil sa harina na nagkalat sa lababo at sahig. Pati sa pader, may harina rin. Hindi ko alam, baka nga pati kisame may harina.


"Ay, teka." 

Napatingin ako kay ate Dison, may nilalabas galing sa oven toaster niya. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng tinapay 'to.

Pero, may naamoy ako ang chocolate.

"Mahilig ka ba sa chocolate?"

Napatingin ako sa kanya, "medyo."

"Oo o hindi?"

"Oo."

"Hayun," inalis niya ang pot holder sa mga kamay niya, "puro chocolate ang filling ng mga tinapay ko ngayon. Para naman magising tayong lahat."

Tumango na lang ako at kinuha ang isang tray ng cookies. Sayang, kung nandito lang si Dallia, matutulog na nakangiti 'yon dahil sa mga tinapay na 'to.

"Bakit ang daming mong chocolate ngayon, Dison?" tanong ni sir Logan nang makalabas na kami.

"E, may bagong bukas ngayon na bentahan ng candy at chocolate."

"Saan po?" tanong ko nang mailapag ko na ang tray.

Umupo siya at tumingin sa akin, "Sweet Lovelyz Corner."

"Po?"

"Sweet Lovelyz Corner, Dennis."

"Po?"

"Ah!" napatingin ako kay Kael, "hayan ba 'yon tindahan na nagpasama ka sa akin no'ng nag-simba gabi tayo last year?"

"Yap." Tumingin ako sa kanya, sinawsaw niya ang cookie sa gatas niya. Parang, siya lang ang nag-gatas sa amin ngayon, ah.

"Homemade ang mga products nila ro'n. Kaya puro ako chocolate ngayon kasi sale sila every December. Since hindi naman ako makakabenta ng cookies dahil sa project namin, share ko na lang sa inyo."

Tumingin si ate Dison sa akin, "search mo na lang sa FB. Lalabas agad do'n and naka-indicate naman ang address nila in case na gusto mong puntahan."

"Aba, ang sweet naman ni miss Dison ngayon, ah. Ano'ng nakain mo ngayon?" tanong ni Emmett.

"Shut up, Metmet."

"Tangina, ano'ng Metmet—"

"Bibig mo, Metmet." 

Nakita ko na lang na may pinasok si sir na tinapay sa loob ng bibig ni Emmett. "Hindi ka pinalaki ng Papa mo na magsabi ng bad words sa mga babae."

Nilabas ni Emmett ang tinapay galing sa bibig niya. "Tinawag niya kong Metmet, e."

"Bagay naman sa'yo, ah."

Agad siya tumingin kay Kael, "subo mo nga!"

"Taena, kadiri!" 

Hayan, nagtakbuhan na ang dalawa palabas ng bahay. Makukulit din pala ang mga 'to lalung-lalo na si Emmett. Kaya, walang away na nangyayari rito. Kung meron man, tungkol lang sa pagpapa-deliver ng pagkain ang pag-aawayan namin.

"So, balik tayo sa'yo, Dennis."

Napatingin ako kay ate Dison, "bakit?"

"Ilan taon na ba ang mga future kids mo?"

"Uh, going eight na sila sa 24."


Two days pala bago mag-December 24. 


"Oh, okay. Ano ba ang gusto nila?"

"Ha?"

"Bibilhan ko sila ng gift. And, magba-bake ako ng cookies. I'm sure, gusto ng mga bata ang cookies."

Hindi ko mapigilan ngumiti. "Favorite ni Dallia ang cookies, e."

Lumaki naman ang mga mata niya, "really? Good, makakatikim din ng cookies ko galing sa future!"

Sakto naman na dumating ang dalawa, hingal na hingal nang maka-upo sila rito.

"O, sino'ng nanalo?" tanong ni sir.

"Wala," sabi ni Kael habang naghahabol siya ng paghinga, "nanalo 'yon pusa."

"Oo, pusa 'yon nanalo," sabi na lang ni Emmett, "siya ang kumain, hindi siya."

"Baliw na talaga ang mga 'to, 'no?" Tumango na lang kami sa sinabi ni Davill. Uminom na lang ako  ng chocolate drink, sarap.


Pasama na lang ako kay Jeydan doon.


~


"Welcome po."

Bati sa amin ng nagbabantay ng store. Hindi naman siya kalakihan pero, ang daming mga naka-display na candy at chocolate. Hindi ko pa natitikman, natatamisan na ako.

"Heaven naman ang tindahan na 'to, bff."

Napatingin ako kay Jeydan, may hawak na pala siya na malaking swirled lollipop.

"Bibili ka ba niyan?"

Nakita naman niya na tinuro ko ang hawak niya. "Hmm, pwede naman. Para sa mga inaanak ko, gano'n."

"Ah, sige."

Nilibot ko muna ang store na 'to. Wala pa ako maisip na birthday gift para sa mga bata. Hindi ko nga alam kung art materials pa rin ba ang ireregalo ko kay Reinard or Math books, para naman may alam siya sa Math pag-uwi nila.

Tapos kay Dallia naman, baka chocolate. Alam kong hindi siya okay nitong mga nakaraang araw, napansin din ni Mama 'yon no'ng pumunta sila sa bahay. Chocolate lang ang magpapangiti sa kanya.

"Nakapili ka na, bff?"

Nasa dulo na ako ng shelf, "wala pa nga, e."

"Hingi tayo ng suggestion kay ate. Tutal, siya naman ang may gawa ng mga 'to."

Napatingin ako sa kanya, "weh?"

"Oo, hayan, o. May nakalagay na siya ang gumawa." May tinuro siya na hindi ko naman makita.

"Pa'no mo nalaman na siya ang gumawa?"

Pagkatapos kong itanong 'yon, lumapit kami sa counter. Isang babae ang nag-aayos ngayon ng paninda niya.

"Kayo po ba si miss Dulchie?"

Sakto naman na humarap siya sa amin nang itanong 'yon ni Jeydan, may hawak pa siya na malaking swirled lollipop. 

"Yes? Ako nga 'yon."

"Nagcu-customize ba kayo?" si Jeydan ng tanong.

"Yes, kayo po ang mamimili ng flavor for your candy."

"Pa'no pag chocolate lang?" ako naman ang nagtanong.

Tumingin siya sa akin, "pure chocolate lang? Walang halong nuts, raisins or something?"

"Yuck, raisins." Narinig ko na bulong ni Jeydan.

"Yuck ka rin," sabi na lang ni ate tapos tumingin siya sa akin.

"Magpapagawa ba kayo ng chocolate candy, sir?"

"Oo."

"All right," aniya tapos may kinuha siya mula sa drawer na nasa likod niya.

"Pa-fill up na lang 'tong form, sir."

May binigay siya sa akin na papel at ballpen. "Ilagay niyo po ang gusto niyong ihalo sa chocalate, shape, pieces and date kung kailan niyo po kukunin."

"Two boxes ang gusto ko, okay lang?"

"Iisang flavor po ba ang ipapagawa niyo?"

"Yes."

"Sige po, sir. Pakisulat na lang po."

Napatingin ako sa suot niyang damit. May pangalan na nakalagay, pati na rin sa pink na cap niya ngayon.


So, siya si Dulchie.



December 24 ang inilagay ko na date para kunin ang mga chocolate. Hayun na lang ang ireregalo ko sa mga bata. Okay lang naman dahil kinabukasan, pasko na.

"Ano ba ang pwedeng iregalo sa mga bata?" tanong ko na lang kay Jeydan.

"Pagmamahal, bff."

"Baliw, ano nga."

"Hindi ko rin alam, bff. Siguro, anything na pwede nila dalhin sa future."

Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung siya pa ba 'to o ibang tao na ang kasama ko ngayon na naglalakad.

"Kailan pala sila uuwi?"

"Wala pang exact date. Nahihirapan kami maghanap ng materials dahil hindi pa available sa panahon na 'to."

"Kaya, sinabi ng prof niyo na more than a year matatapos?" tumango na lang ako sa kanya.


Inaantok na ako, pagod pa. Hindi na ko nakapagreview for board exam. Next month na kasi 'yon. Hindi ko alam kung paano ko isisingit 'yon schedule ko sa pagre-review.


'Di bale, uuwi muna ako para makapagpahinga. Miss ko na ang ingay ng mga bata.


Mali, mga anak ko.



*Year 203x*

[January 31, 203x]

[Ma'am, may nangyayari po ba?]

[I'm sorry kung hindi ko muna kayo pinapasok, ipinaalam ko naman kay sir ang reason.]

[Ma'am, bakit po?]

[Marami sa atin ang may mga anak na, right?]

[Yes po.]

Sumilip muna ako sa main door namin, nakasara naman.

Narinig ko na lang ang lalim ng paghinga ni ma'am sa online meeting namin ngayon. [Nagpaalam ang isa natin kasama na mag-vl dahil nawawala ang anak niya.]

[Hala...]

[Ang nakakatakot, sunus-sunod na sila nagpaalaam sa akin and iisa lang ang dahilan..]

Oh, no.

[Nawawala ang mga anak nila,] aniya, [kalahati ng tao sa department natin ang nag-file ng leave. May mga humabol pa kaninang madaling-araw.]

Oh my gosh.

[Kaya isa-isa ko kayo tinawag kagabi para i-check kung kasama niyo pa ba ang mga anak niyo. Wala naman akong anak pero, concern pa rin ako sa family niyo.]

Ang bait naman niya.

[Miss Eri.]

Nag-unmute agad ako, "yes, ma'am?"

[May pasok ba ang mga anak mo?]

"O-opo."

[Puwede bang doon ka muna sa school nila?] tanong ng supervisor sa akin.

[Yes, pwede ka naman mag-leave ng meeting. I'll chat you later for the reports kapag naka-uwi na kayo.]

Unting-unti na nanginginig ang mga kamay ko. Hindi naman ako uminom ng kape ngayon.

"Si-sige po, ma'am. Thank you." Pagkatapos, nag-leave na ako ng online meeting at inoff ang laptop ko.


Chineck ko ang wall clock, 9:40 a.m. Half-day ang mga bata ngayon kaya, ako na lang ang magsusundo sa kanila.


Availla, ano'ng kasalanan namin sa'yo? Bakit kailangan madamay ang mga bata sa mga plano mo?


~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top