TWENTY SIX
*Year 202x*
DENNIS' POV
Nakita ko agad si Julian nang makababa ako ng jeep. Kumaway naman siya sa akin, inangat ko pa ang pagkain na pinabili nila.
"Nand'yan na ba ang ate mo?"
"Wala pa. Pero, nakasakay na raw siya ng tren." Patuloy kami sa hallway ng ospital.
"Nakakuha naman kami agad ng kwarto, nandoon si ate Lira at si Dallia."
Napatingin agad ako sa kanya, "bakit niyo pinapunta?"
"Wala magbabantay sa kanya. Ayaw niya na naiiwan siya sa bahay." Tumango naman ako saka kami pumasok sa elevator. Pinindot ni Julian ang button 3.
"Kailan pa nagsimula ang sakit niya?"
"Pagka-alis kasi ni ate, tulog pa 'yon dalawa. Tapos, tinawag kami ni Dallia, masakit daw ang ulo niya. Nalaman na namin na may sinat siya. Buti may gamot na pambata, hindi pa expire."
"Kailan nataas ang lagnat niya?"
"Hapon na, kuya. Akala namin, kaya pa bumaba ang lagnat niya, e."
Okay na rin na sinugod nila agad sa ospital. Lalo na't galing sila sa hinaharap, hindi pa namin alam kung ano ang mga sakit nila. Wala naman sila sinabi kung anu-ano ang mga bawal sa kanila.
Nang bumukas ang elevator, tumakbo agad kami ni Julian palabas. Hindi na kasi ako mapakali, gusto ko na makita ang anak ko.
Anak ko.
"Dito kuya 'yon room."
L13 ang room number, kumatok muna si Julian saka niya binuksan ang pinto. Nakita ko na lang kausap ng mama ni Erillia ang doktor.
Lumingon agad silang dalawa sa amin, saka lumapit ang mama ni Erillia sa'kin. "Heto ang Papa ni Reinard, dok." Saka pa niya kinuha ang pagkain na bitbit ko.
Gustuhin ko man tanggihan ang sinabi niya pero, nagsalita na agad ang doktor tungkol sa sakit ni Reinard na, mahimbing natutulog ngayon habang may swero na nakakabit sa kanya.
Bigla ko na lang naaamoy ang pabango na 'yon, amoy ng cherry blossom na ewan. Hayun kasi ang nakita kong pabango niya na nilabas ni Dallia sa bag.
Lumingon na lang ako para sigurado. Nandito na pala siya.
"Kayo po ba ang mother ni Reinard?" tanong ng doktor. Agad naman siya tumango tapos bigla siya tumingin sa akin. Saka na nagsalita ang doktor sa amin.
Sa totoo lang, wala na pumapasok sa utak ko ngayon. Pinoproblema namin ang mga materials na gagamitin para sa machine kaso, hindi naman available ang mga 'yon dito. Kaya, gumagawa na lang kami ng replica ng mga item.
Tapos, saka naman tumawag ang mama ni Erillia, nakakahiya dahil si sir Logan ang sumagot. Sa kanya ko tuloy nalaman na sinugod dito si Reinard.
"Thank you po, doc."
Ngumiti sa amin ang doktor saka siya lumabas. Tinignan ko si Erillia ngayon, ang gulo na ng buhok niya.
"Dito muna kayong dalawa, uuwi lang kami sa bahay para kumuha ng damit ni Reinard," sabi na lang ng mama niya. "May ipapakuha ba kayo?"
"Hindi ko alam, nay." Nilapag niya ang bag sa upuan na nandito ngayon.
Tumango na lang siya kay Erillia saka tumingin sa akin, "alam na ba ng pamilya mo tungkol kay Reinard?"
"Hindi pa po. Kailangan ko po ba sabihin sa kanila?"
"E, hindi ko alam, ah. Ikaw ang magulang ng batang 'to. Ikaw magdesisyon."
Ako ba o si Erillia?
"Sama kami ni Dallia," napatingin na lang ako sa mga kapatid niya, "need ko na pumasok. Tapos, si Dallia gusto matulog dito. Sa bahay na rin kami kakain ng dinner."
Kita ko na lang si Dallia, nakayakap sa kapatid ni Erillia na babae. Nakatingin siya ngayon kay Reinard.
"Sige. Ako na lang ang magbabantay sa kanya. Magafi-file ako ng VL mamaya," sabi ni Erillia.
"O, sige. Text kayo kung ano pa ang kailangan niyo, ha?" Nakita ko na tumango si Erillia, ningitian ko naman ang mama niya saka ako nag-thank you.
Nang makalabas na silang tatlo, napatingin ako kay Erillia na nasa gilid na ng hospital bed.
"Uhh, ano'ng nangyayari kasi? Hindi naman siya ganito kanina no'ng umalis ako."
"Next time, kailangan lang talaga natin maglinis lalo sa kwarto. Doon naman sila tumatambay, e."
"Kwarto ba ng bahay namin o kwarto mo?"
"Parehas, Erillia."
"Malinis naman ang kwarto ko, ah. Hayun ba ang naging dahilan no'n para magka-dengue siya?"
"Wala ako sinasabi, Erillia. Ang sabi ko, kailangan lang natin maglinis ng mga kwarto natin sa bahay mo at sa bahay namin."
Napatingin na lang siya akin saka ako nilapitan. "So, sinasabi mo na galing nga sa kwarto ko? Kaya siya nagkasakit?"
"Ano ba ang ang dahilan ng sakit niya?"
Hindi na siya nkasagot.
"Umalis ba kayo kahapon?" tanong ko pa.
"Oo, silang dalawa ang kasama ko sa park kahapon."
"Ah, kaya pala." Tinignan ko ulit si Reinard, "kaya pala nagkasakit siya ngayon."
"Naninisi ka ba dahil lang sa lumabas kami kahapon?"
"Hindi kita sinisisi, Erillia."
"Hindi, e. 'Yang pananalita mo pa lang, parang ako na ang may kasalanan kaya siya nandito ngayon. Gano'n ba?"
"Hindi sa gano'n, Erillia. Ano ba—"
"Manahimik ka nga. Por que hindi mo nakakasama ang mga anak mo, malakas na ang loob mo manisi, ha?"
"Ano ba 'yan pinagsasabi mo?"
"Ipapaalala ko lang sa'yo, ha?" tinuturo pa niya ako gamit ang kaliwang hintuturo niya, "wala ako pagkukulang sa kanila magmula nang dumating sila rito."
Fuck.
"Bilangan ba tayo ngayon, Erillia? Tingin mo, wala ako ginagawa ngayon para sa kanila?"
"O, bakit? Binibigay mo ba ang pangangailangan nila? Ni hindi ko maramdaman na inalagaan mo sila."
"Para kanino ba 'tong ginagawa ko, ha?! Sa kanila naman, 'di ba?! Bakit? Ano ba ang basehan para masabi mo na wala ako pake sa kanila? Ha?"
Nakunot na lang ang noo niya.
"Kung hindi ko anak ang mga 'yan, hindi na ko nag-aaksaya ng oras para lang gumawa ng machine na 'yon. Dapat, nag-e-exam na ako ngayon. Pero, ano? Pagod na mga kamay ko kakabuo sa lintek na machine na 'yon, Erillia. Tapos, hayan ang sasabihin mo sa'kin ngayon?"
Teka. Nasobrahan ba ako? Pero, totoo naman ang sinabi ko.
"Hoy, itigil niyo 'yan."
Si Mama ba 'yon?
"Bakit kayo nag-aaway sa harap ng mga bata?"
Nakita ko na kayakap na ni Dallia si Mama, nasa likod lang din niya si Ella, mukhang kakagaling lang ng school.
"Umuwi muna kayong dalawa. Mukhang kailangan niyo magpahinga."
"Hindi, Ma. Babalik ako sa bahay ni sir—"
"Hindi, Dennis. Umuwi ka sa bahay."
"Iwan na lang po ako rito. Ako na po ang—"
"Hindi, Eri. Magpahinga ka na. Kami muna ni Ella ang magbabantay kay Reinard."
"Dito na lang din si Dallia, ate Eri. Nagpaalam naman kami sa nanay mo, nagkasalubong kami sa labas," sabi pa ni Ella.
Napadako ang mga mata ko kay Dallia ngayon, nakayakap siya kay Mama. Pero, hindi siya nakatingin sa amin.
Kanina pa ba siya nandiyan sa pinto?
Nauna na lumabas ng kwarto si Erillia, nag-mano naman siya kay Mama tapos kinawayan niya si Ella. Hindi niya pinansin si Dallia.
"Naghihintay na ang Papa mo, Dennis."
Napatingin ako kay Mama, "hindi siya dadalaw dito?"
"Bukas pa 'yon pupunta, kuya. Pagod siya." Si Ella ang sumagot kaya tumango na lang ako sa kanya.
Lumabas na ako ng kwarto, hindi rin nakatingin si Dallia sa akin. Hinintay ko na tatawagin niya ako, pero wala.
Sana wala narinig si Reinard habang nakahiga siya. Sana naman gumaling siya.
Nakaka-asar. Nahihilo na ako sa mga nangyayari. Hayun pa ang nasabi ko, nakita pa ni Dallia. Maling-mali ka na naman, Dennis.
Matutulog na lang ako sa bahay.
*Year 203x*
[February 1, 203x]
Kakatapos ko lang gawin ang sulat para sa araw na 'to. Hindi rin naman ako nakatulog kaya hayun ang ginawa ko.
Tinignan ko ulit ang mga bata na nasa kama, sinasanay ko na sila tumabi sa akin ngayon. Dito sila sa kwarto namin ni Dennis.
Speaking, hindi niya sinasagot ang tawag ko magmula nang umalis si Jesse at Maia. Tinext ko naman sa kanya ang nalaman ko. Sana mabasa niya agad.
Pahiga na ako nang tumunog ang phone ko. Akala ko, alarm clock.
Nang makita ko ang pangalan niya, dahan-dahan ako tumayo para maglakad palabas ng kwarto. Dahan-dahan ko rin sinara.
"Hello. Bakit ngayon mo lang sinagot?"
[Sensya naman, nakatulog ako. Kakagising ko nga lang, e.] naghikab pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Nabasa mo na ba 'yon text ko?"
[Oo.]
"Tuloy na talaga 'yan?"
[Gusto mo ba na ituloy ang pag-alis nila, Erillia?]
"Teka, bakit ako ang tinatanong mo?"
[Magulang ka nila, hindi ba?]
Napa-upo na lang ako sa hagdanan. "Teka, magulang ka rin, ah.]
[Kung ayoko man sila papuntahin sa nakaraan natin, e 'di sana, hindi na namin binubuo 'to.]
"Hayun lang ba ang pwede natin gawin?"
[Hayun ang paraan hanggang sa matigil na niya ang pinaggagawa ng kaibigan mo.]
"Hindi ko kaibigan 'yon, Dennis."
"Mama?"
Nalingon naman ako nang marinig ko si Dallia. Nakasilip na pala siya sa pinto.
"Bakit gising pa kayo?" tanong ko.
"Si Papa po ba ang kausap niyo?" tanong niya.
"Si Papa?" nakita ko ang ulo ni Reinard na nasa balikat ni Dallia, "si Papa po 'yan, Mama?"
"Mukhang narinig ata ako," sabi ko na lang kay Dennis.
Narinig ko na tumawa siya, [sige na. Kakausapin ko sila.]
Hindi na ako nakasagot dahil nasa tabi ko na ang mga anak ko. Inon ko naman ang speaker button saka ko binigay kay Dallia. Mas maingat maghawak ng phone si Dallia kaysa kay Reinard.
[Hello?]
"Papa!"
Saka sila tumakbo papasok sa kwarto. Hindi nila sinara 'yon pinto, mabuti naman.
Uhh, ano ba ang dapat kong gawin ngayon?
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top