TWENTY SEVEN


*Year 202x*

ERILLIA'S POV


Masama ba ang sinabi ko sa kanya? Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko.


"Ate?"

"Ano?!"

"H'wag mo naman ako sigawan."

"Hindi kita sinisigawan!"

"E, ba't ganyan ka sumagot sa'kin?"

"Alam mong nakasara 'yon pinto kaya nilalakasan ko ang boses ko."


Babangon na sana ako para kunin ang phone kaso, napabalik ako sa kama dahil may nalipad sa ulo ko.


"Aray! Ano ba!" 


Bumangon naman ako at lumingon sa pinto... na naka-bukas na pala.


"Akin na 'yon sapatos ko, ate."

"Bakit mo ko binato?" tanong ko kay Lira.

"Nag-e-emote ka masyado, e."


Teka, alam na ba niya ang nangyari sa ospital?


"Akin na ang sapatos ko, mala-late na ko!"

Agad naman ako bumango nang makita ko ang nag-iisa niyang sapatos.

"At saka, tawag ka ni nanay. May itatanong daw siya sa'yo."


So, nakarating na nga sa kanya?


Nang maibigay ko kay Lira ang sapatos, agad naman siya bumaba. Sumilip muna ako sa kabilang kwarto, naka-headset si Julian habang may sinusulat. Wala ang mga tita ko ngayon, bale, tatlo lang kami.


Dahil nagpa-iwan pa si Dallia roon.


Dahan-dahan naman ako bumaba ng hagdanan. Nakita ko si nanay, nanonood ng TV habang nag-ga-gantsilyo.


"Nay."

Natigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin, "ano'ng nangyari sa ospital?"

"Nangyari?"

"Nag-text sa akin ang mama ni Dennis, nagsigawan kayo habang nasa harap si Dallia."

"H-hindi ko alam na nasa pinto si Dallia, nay."

"Baka nakakalimutan mong may isa ka pang anak na natutulog."


Si Reinard.


"Erillia, hindi naman kailangan magbilangan para masabi namin kung sino talaga ang magulang ng mga 'yon."

"E. ewan ko, nay." Napa-upo na lang ako sa sahig, malapit sa pinto. Mukhang nag-walis naman siya bago mag-gantsilyo.

"Ginagawa niyo naman ang lahat para mamuhay ang dalawa, hindi ba?"

Tumango naman ako sa kanya.

"Isipin mo, ikaw ang may opportunity na kumita ng pera para may pampagkain ang mga bata habang nandito sila. Si Dennis, gumagawa ng time machine para maka-uwi ang mga bata, tama?"

Tumango ulit ako.

"Hayun naman pala. Iwasan niyo nga ang magbilangan, ha? Huwag kayo umasta na parang kapatid niyo ang mga bata. Anak niyo sila, ha?"


Bakit ba ang bigat pakinggan ang phrase na anak niyo sila


"Nahihirapan ka na ba, Erillia?"

"Napapagod."

"Hmp, pasalamat ka nga malaki na ang mga bata nang dumating dito. Kung galing pa 'yan sa sinapupunan mo, mas nakakapagod 'yon."

Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Tapos, ngayon ko lang naalala, hindi pala ako kumakain ng dinner. Kumain na kaya si Dallia roon?


E, si Dennis?


"Pumunta ka ng ospital, ikaw na magbantay kay Reinard at magpaliwanag ka kay Dallia kung bakit kayo nagsisigawan ni Dennis."

Nakita ko na tumayo siya saka pumunta sa harap ng TV para i-off. Dala pa niya 'yon sinulid.


"Napagod ka ba sa amin?"


Hay nako, Eri, bakit mo tinanong?!


"Anak, tao lang naman ako. Nag-iisa lang ako nang ipinangak kita. Iniwan ako ng mga tatay ng dalawa mong kapatid. Nakakapagod 'yon, ah."


Oo nga pala, patay na ang tatay ko. 


"Mag-leave ka, ha? Samahan niyo si Reinard sa ospital. Doon ka ba kakain o dito na?"


Napatayo na ako at tumingin sa lamesa, wala naman ulam na tinira sa'kin.


"O-order na lang ako."



~~~


Bitbit ang inorder kong pagkain na may kasamang kape, naglalakad na ako papasok ng ospital. 10:55 na ng gabi pero, alive pa rin ang mga tao sa labas.


Pumasok ako sa elevator at pinindot ang button 3. Tinext ko muna ang HR namin para magfile ng leave. Hindi naman mabigat ang gagawin ko kaya, ayos lang.


Nang nakalabas ako ng elevator, nahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko siya na naka-upo sa tapat ng room kung saan, doon naka-admit si Reinard.


Bakit gano'n? Ang gwapo pa rin niya kahit na nakayuko lang siya?


Kaso, bigla niya inangat ang kanyang ulo at tumingin sa'kin. Kaya naman naglakad na ako papunta sa kanya, napatayo na rin siya.


"Kumain ka na?" tanong ko.

"Oo."


Pero, rinig na rinig ko ang pagkulob ng tiyan niya. Tiyan niya, ah. Hindi sa'kin.


"O, heto. Kain muna tayo. Binilhan na rin kita ng kape." Pinakita ko sa kanya ang bitbit kong pagkain. Itinuro niya ang waiting room chair, dito raw kami kumain.


 Sinadya ko talaga na dalawa ang binili kong kape, para sa akin talaga 'yon. Kaso, hindi ko naman ine-expect na mandito si Dennis. Mabuti na lang, pang-dalawang meal ang nabili ko.


"Mabuti naisipan mong pumunta rito," sabi ko na lang sa kanya

"Bakit? Nandito 'yon mga anak ko, e."

Nahinto na lang ako sa pagsubo ng kanin saka tumingin sa kanya. Tuluy-tuloy lang siyang kumain.

Kaso, bigla na lang siya tumingin sa akin, "may problema ba?"


Madami, Dennis.


"Napapagod ka ba?"

Ngumisi siya saka niya tinuloy ang kumain, "isipin mong may project kayo sa school. Tapos, hirap kayo ng mga ka-grupo mo na hanapin ang ibang item para sa project na 'yon. Kailangan pa gumawa ng replica niya para lang gumana ang machine na 'yon."

Inangat niya ang kanyang tingin sa akin, "sa tingin mo, hindi nakakapagod 'yon?"

"Nakakapagod."

"Hayun naman pala." Ininom muna niya ang kape bago siya magsalita, "naiintindihan din kita Erillia. Naghahanap-buhay ka na hindi lang para sa pamilya mo, para na rin sa mga bata. Pero, sana sa susunod, huwag mo ulit sasabihin na wala akong ginagawa para sa kanila."


Bibig mo kasi, Erillia. Nakaka-inis.


"S-sorry, Dennis. Hindi ko ine-expect na lalabas 'yon sa bibig ko." Tumungo na lang ako saka ko tinuloy ang kumain. Nakakahiya, nagiging masamang tao ako nito.


Maya-maya, may kung ano'ng mabigat na lang ang naramdaman ko sa ulo. Medio tumingala naman ako, kamay pala 'yon ni Dennis.


"Ayos lang. Parehas tayong pagod kaya tayo nagkakaganito."


Ang gwapo nya talaga kapat ngumingiti. Kaya nga naging crush ko 'to no'n college pa kami, e.


Narinig na lang namin ang boses mula sa kwarto kaya napatingin kami. Sakto naman na bumukas na, ang mama ni Dennis at kapatid niya ang bumungad sa amin.


"O, nandito lang pala kayo. Tamang-tama, uuwi na kami," sabi na lang ng mama niya.

"Kumakain lang kami," sabi ni Dennis saka niya inalis ang kamay niya sa ulo ko.

"Si Dallia, tulog na. Kausapin niyo siya kapag nagising, ha?"

"Opo." Sabay pa kami nagsabi no'n.


Nagpaalam na ang dalawa sa amin. Kinuha namin ang dala naming pagkain at kape sa loob. Tulog na tulog si Dallia sa sofa kaya dahan-dahan magsara ng pinto si Dennis. Napansin ko na may bitbit siyang bag.


"Ano'ng laman niyan?" tanong ko.

"Ah," tumingin naman siya sa bag, "damit at natirang damit ng dalawa sa bahay. Pati libro na gustong basahin ni Dallia, dinala ko na rin."

Napahinga ako nang malalim. "Mabuti naman, dala ko rin kasi 'yon coloring book ni Reinard saka mga damit na rin. Tutal, naka-leave naman ako, pwede ka na umuwi."

"Huh? Pinagsasabi mo?" 

Kita ko na may hawak siyang kumot, lumapit sa sofa saka kinumutan si Dallia. Pagkatapos, niyakap na rin niya.

"Dito ako matutulog ngayong gabi."

"Ha? Baka hanapin ka roon."

"Nakapag-paalam naman ako kay sir. Sila muna ang bahala."


Hala, plano ko pa naman na matulog dito kasi nakita kong sofa bed 'to. Saan na ako matutulog nito?


"Tabi na tayo."

"Ha?!"

Dahan-dahan siya umupo, "kasya naman tayo rito, e. I-gitna lang natin si Dallia, baka mahulog."


Potek, bakit ba kasi ganitong kwarto ang nakuha ni nanay?


"Ay, hindi. Dito na lang ako sa tabi ni—"

"Mama?"


Napatingin na lang ako kay Dallia, dilat na pala ang mga mata niya.


"Good evening." Umusog naman 'tong si Dennis sa kanya saka siya niyakap.

Napatingin siya kay Dennis, "Bati na po kayo ni Mama?"

Agad naman siya tumango. Tapos, tumingin siya sa akin.

"Bati na po kayo ni Papa?"

"Oo naman." Ngumiti pa ako sa kanya.


Pero, maayos na ba talaga kami?


"Mama, may pasalubong po kayo?"

"Oo naman." Kinuha ko ang paper bag sa table at nilabas ang chocolate bar na paborito niya. Nang pinakita ko sa kanya, agad naman siya tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Thank you po, Mama. Buti na lang po may chocolate po kayo. Kasi po, matagal na po ako hindi nakaka-kain ng chocolate po, e."

Huling kain niya ng chocolate, pasko pa. Hindi na ko nakakapag-uwi ng pasalubong sa kanila after Christmas break.

"Kapag po nag-aaway kayo ni Papa, wala ka po lagi pasalubong, e. Huwag na po kayo mag-away, Mama."

Huh? E, ngayon lang naman kami nagkasagutan ni Dennis.

Lumuhod ako sa kanya para mapantayan ko siya, "hindi na kami mag-aaway. Last na 'yon."

"Promise po?"

"Yup. Promise."

Ngumiti siya sa akin. Kinuha naman niya ang chocolate bar at tumakbo papunta kay Dennis saka niya niyakap.

Napadako ang tingin ko kay Reinard. May dala akong cheese burger, sana magising na siya para naman makain na niya 'to. Naamoy ko na kasi kanina pa, bagong gawa pa.

"Mama."

"Po?" tumingin naman ako kay Dallia.

"Sleep na po tayo."

"Sige, babantayan ka na lang namin. Kakatapos lang namin kumain—"

"Hindi. Matutulog na tayo."

Nahinto na lang ako nang magsalita si Dennis. Inaayos ang kumot na ginamit ni Dallia kanina. Inextend niya ang sofa para maging kama. Pati unan na dinala ata ng mama niya, inayos niya rin.

"Bukas mo na lang kainin 'yan para mabigyan mo si Reinard, okay?"

Tumango si Dallia kay Dennis. "Opo."


Bakit gano'n? Nakikita ko sa ngiti ni Dallia si Dennis. Dapat sa akin namana 'yon ngiti, hindi sa kanya.


"Mama, tabi po tayo."


Tumango naman ako sa kanya. Kinuha ko muna ang chocolate saka ko nilapag sa table. Nang humiga na ako sa kaliwang side, nasa kanan side naman si Dennis. Bale, nasa gitna namin si Dallia.


"Nakapag-pray na po kami ni lola Mama. Okay lang po ba na bukas na po ako mag-pray?" tumingala si Dallia kay Dennis.

"Sige, bukas mapa-pray tayo para gumaling na si Reinard, ha?" aniya pagkatapos tumingin siya agad sa akin. 

"Opo." Hayan ang narinig ko kay Dallia pero nakatingin pa rin si Dennis sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Dallia na kumapit sa braso ko. Nakita ko na nakakapit din pala siya kay Dennis.

"Pa-kiss po sa pisngi ko, Mama. Papa."


Demanding din pala 'to. Akala ko hindi siya nahawa kay Reinard.


Nauna na akong i-kiss si Dallia sa kaliwang pisngi niya. Sumunod si Dennis pero nakatingin lang siya sa akin. Amoy na amoy ko na naman siya. Kulang na lang, umalis si Dallia para lang maabot ko ang labi ni Dennis.


Erillia, ano na naman kamanyakan ang iniisip mo?!?!?


"Good night." Nakatingin pa rin siya sa akin nang sabihin niya 'yon. Tinignan ko si Dallia, nakapikit na pala.

"Good night, anak." Nakatingin lang din ako sa kanya nang sabihin ko. Maya-maya, ngumisi siya saka na siya pumikit.


May topak talaga si Dennis, 'no?


*Year 203x*

[February 9, 203x]


[Good morning to all parents.

Magkakaroon muna po tayo ng one month suspended due to the unexpected reports that we received for the past week.

Nakikipag-cooperate na po ang school sa mga pulis. Kahit ang pangyayari ay naganap outside of the school, concern pa rin po ang ating principal dahil most of the kids na nawawala ay mga estudyante ng Bright Future Academy.

In regarding to this, please always keep an eye to your kids. Tripleng pag-iingat po ang kakailangan natin, parents.

God bless us all.

- Teacher Emerald]


Sunud-sunod na ang mga naibabalita sa TV tungkol sa mga nawawala nilang mga anak. Gising na ang mga bata pero hindi pa nila alam na wala silang pasok for one month. Mas okay na 'to, para alam ko na nandito lang sila sa bahay.


"Mama, maliligo na po ba kami?" nalingon na lang ako kay Dallia, may dala na siyang towel.

"Hindi. Mamaya na kayo maligo. Wala kayo pasok ngayon."

"Yehey!" Kita ko na lang na tumakbo pababa si Reinard, "magco-color ako ngayon!"

"Bakit daw po, Mama?" tanong ni Dallia.

"May problema sa school, sabi ni teacher Emerald."

"Po?" lumapit naman sa akin si Reinard, "e 'di po, may pasok na po kami bukas?"

Umiling ako. "One month kayong walang pasok."


Bigla na lang lumaki ang mga mata nila. Pero, lumingon agad sila sa bintana nang may marinig kaming ng ambulansya at sirena ng pulis. Pumunta naman ako roon para sumilip.


"Akala ko po, nananaginip po ako, Mama."

Napatingin na lang ako sa kaliwa, nakasilip na rin pala ang dalawa sa bintana. Na, saktong may ambulansya ulit na dumaan.

"Kanina ko pa po naririnig 'yon wang-wang-wang, e."

Ngumiti na lang ako sa kanya saka ko sila pinapunta sa table para kumain. Sakto ulit na may dumaan na ambulansya.


Hindi na talaga maganda ang ginagawa ni Availla. Pa'no ko ba pahihintuin ang ginagawa niya? Baka madamay ang mga anak ko.


Papasok ba ako o hindi?


~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top