TWENTY ONE
*Year 202x*
Dennis' POV
"Ay talaga, pwede na sila umuwi?"
"Ah, opo, tita. Kaya lang po, more than a year pa ang hihintayin nila para mabuo 'yon machine."
Ngumiti sa akin ang mama ni Erillia, "ayos lang 'yon. Ang importante, may paraan na para maka-uwi sa bahay nila ang mga bata."
Hinanap ko naman ang mga bata, nakikipaglaro pala sa mga kapatid ni Erillia. Kaya naman ako nandito kasi...
"Tita, gusto po ni mama sa bahay matulog ang mga bata."
"Ay, gano'n ba? Sige, sige. Teka, ayusin ko lang ang mga gamit nila." Pagkatapos, tumayo siya at nilapitan ang dalawa. Hindi ko alam kung ano 'yon binulong niya.
"Ihahanda ko lang ang mga gamit nila. Kasi, sabi ni Erillia wala na raw sila-"
"Ayoko pong umuwi, lola nanay."
Agad naman ako tumingin kay Dallia na naka-yuko ngayon.
"Apo, bakit?"
Hindi na siya sumagot.
"Bakit ayaw mo umuwi sa bahay ni lola Mama at lolo Papa?" tanong ni Reinard.
Pero, hindi pa rin niya sinagot.
"Dallia," lumapit na ako sa kanya. Hindi pa rin niya inangat ang ulo. Hinipo ko ang noo niya, wala naman siyang lagnat or sinat.
"Ayos ka lang?"
Yumuko pa ako para makita ang mukha niya, hindi naman siya nakapikit. Hindi rin naman siya umiiyak.
Tinignan ko naman si Reinard, "gusto mo sumama?"
"Ayoko po, Papa." Niyakap niya si Dallia, "hindi po pwede kami maghiwalay ni Dallia, Papa."
"Sure?"
"Sure!" Nakita ko na naman ang bungi niyang ngipin. Ang cute niya talaga kapag ngumingiti.
"Papa."
Hayun, nagsalita na rin. "Ano 'yon?"
"Ayoko pong umuwi."
"Sige. Pero, hindi ako matutulog dito, ayos lang?"
Dahil do'n, napa-angat ang ulo niya at tumingin sa akin. May sakit ba 'to na hindi namin alam?
"Bakit po kayo uuwi?"
"E, bukas, nandoon ako sa garahe ng teacher namin. Inaayos na namin ang..."
Ano bang term nila sa machine na 'yon?
"Malaking flashlight po, Papa?"
"Ah, oo. 'Yon. Malaking flashlight nga." Ang galing talaga ni Reinard.
Bakit ganyan ang tingin nila sa akin? May masama ba akong sinabi?
"Ayos ka lang, kuya?"
Tumango ako sa kapatid ni Erillia. Julian ang pangalan niya, 'di ba?
"Kung ayaw ng mga bata na umuwi sa inyo, ayos lang naman." Napatingin ako kay tita na nasa hagdanan ngayon, "basta sabihin mo lang kay Erillia, ha? Baka kasi, may mga plano 'yon tapos hindi na naman siya matutuloy gawa nang walang magbabantay sa mga bata."
"Plano?"
"Ay, oo. Lalo na kapag weekends," sumingit na lang bigla ang isa pa niyang kapatid, "gusto niya pumasok sa office kasi natambakan na siya ng gagawin. Kaso, walang tao rito kaya, hayun."
"At saka, may araw na gusto niya rin makipagkita sa mga naging friends niya noong college. Kaso, sumakto naman na walang tao kaya, udlot." dagdag pa ni Julian habang nakatingin lang siya sa phone.
Tinignan ko ulit ang mga batang 'to, nakatingin lang si Reinard kay Dallia na nakayuko ngayon. Masabihan nga si Erillia.
Tumayo na ako at tumingin kay tita, "baka hindi po ako makauwi sa amin bukas. Doon po ako matutulog sa bahay ni sir Logan."
"Ah, o, sige. Sabihin mo rin kay Erillia 'yan, ha?"
"Opo." Tumingin ulit ako sa mga batang 'to, "alis na ko."
Si Reinard lang ang tumingin sa akin, "Papa, pasalubong po."
"Ayoko."
"E, sige na po. Para po hindi na po malungkot si Dallia po." Sakto naman na tinignan ko si Dallia ngayon.
Hindi talaga ako komportable ngayon. Kailangan malaman 'to ni Erillia.
"Dallia," lumuhod na ako sa kanya, "babalik agad si Papa, ha?"
Tumango lang siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya. Isang beses lang naman kami nag-away... or tampuhan. At dahil do'n, muntikan pa siya mawala sa amin.
Hinatid ako ni tita hanggang gate, rinig ko pa rin ang pagsigaw ng "ba-bye" ni Reinard habang nakasilip siya sa pinto. Hindi ko nakita si Dallia.
Sana naman, may magawa 'tong nanay kay Dallia.
Speaking, kailangan ko na masabihan ngayon. Baka makalimutan ko.
[Hello?]
"Pauwi ka na?" Ugh, gutom na 'ko!
[Oo.] Hmm, mukhang nasa daan siya.
"Hindi ko muna inuwi ang mga bata, ha?" Kainis, bakit ba ang daming nag-iihaw dito? May inihaw na bangus pa akong naamoy. Nakakagutom.
[Ha? Bakit?]
"Hindi ko alam, ayaw umuwi ni Dallia." Nahinto na lang ako sa isang stall na puro ihaw ang binebenta. Hindi ko na kaya, gusto ko na kumain.
"Wala nga pala ako bukas, ha?"
[Ah, e, sige.]
Parang, ang lapit ng boses ni Erillia.
Ah, oo. Nasa likod ko na kasi siya. Pero, hindi naman niya ako nakita kaya ako na ang naglakad papunta sa kanya saka ko binatukan.
"Aray!" agad naman siya lumingon sa akin, "Dennis?!"
"O, bakit?"
"Problema mo?" tanong niya habang hinihilot ang ulo.
"Hindi naman masakit, 'di ba?"
"Buwiset ka! Gusto mo i-try ko sa'yo!" Bago pa niya magawa ang ginawa ko sa kanya, lumayo na 'ko. Kunot na kunot ang noo niya, e.
"Huwag ka naman magalit diyan!"
"E, siraulo ka ba? Sino'ng hindi magagalit sa ginawa mo, ha?!"
Oo nga naman kasi, Dennis. Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?
"Kain na lang tayo."
"Kita mo! Lakas ng loob mo na yayain akong kumain."
"O, bakit na naman Erillia?"
"Wait," lumingon muna siya sa paligid. Ano namana ang problema nito?
"Do'n tayo sa walang tao." Agad naman siya lumapit sa akin tapos hinawakan ang kaliwang kamay ko saka kami naglakad sa...
"Saan?"
"Basta." Nahinto siya bigla at lumingon sa akin, "libre mo, ha?"
"Oo na."
~
"Okay."
Bigla na lang siya nahinto sa pagsubo nang isagot ko 'yon. Ang sarap naman ng tinda rito, sulit ang presyo.
"Ano'ng okay? Sa dinami ng sinabi ko, okay lang ang sasabihin mo?"
"E, ano'ng gusto mong sabihin ko?"
"Paraan kung paano ko mahahanap ang asawa ni Availla."
Lumingon muna ako sa paligid, malayo kami sa mga tao ngayon. Plus, malalakas ang sound system ng lugar na 'to kaya safe naman pag-usapan ang tungkol sa mga bata.
"Ano'ng meron sa asawa ni Availla?"
"Actually," pinunsan muna niya ang kanyang labi gamit ang tissue rito, "mapapangasawa pa lang niya. Single pa lang ngayon si Availla, e. Ata."
"Hindi ko naman kilala si Availla. Tutal, magiging ex-friend mo naman siya, ikaw na gumawa ng paraan kung paano sila hindi magtagpo."
"Hindi 'yon, e. Hindi ko pa nga nakikilala ang mapapangasawa no'n. Hayun ang problema ko."
"Wala bang pangalan na binanggit do'n?"
Umiling siya, "sabi sa sulat, sa Christmas party ko siya makikilala. E, walang nakalagay kung kailan ang Christmas party. Baka nga, next year pa magpakita 'yon lalaki na 'yon."
Hindi ko maiwasan na tignan nang maigi ang mukha ng babae na 'to. Hindi siya mukhang nagtatrabaho sa isang opisna. Parang, galing siyang defense sa school. Kung hindi defense, intern.
Mukha kasing 18 years old. Loka-lokang 18 years old.
Natigil lang siya sa pagsubo at tumingin sa akin. "Ano na naman ba ang problema mo?"
"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon?"
"E, kasi nga! Uulitin ko na naman, Dennis." Napa-ayos siya ng upo at inubos ang natitirang tubig sa plastic cup.
"Hindi ko alam kung kailan magpapakita ang mapapangasawa ni Availla."
"Ah."
"O, hayan ka na naman sa maikling sagot mo."
"Huwag ka mag-alala, hindi ko rin alam ang gagawin sa part mo."
Pumikit na lang habang hinihilot ngayon ang kanyang batok. Parang ganyan ang ginawa ko kahapon no'ng wala ako maintindihan sa pinapagwa ni sir Logan sa akin.
"Bakit ayaw umuwi ni Dallia?" tanong niya habang nakapikit pa rin.
"Hindi ko alam. Nakayuko lang siya no'ng sinabi niya na ayaw niya umuwi sa amin."
"Jusko, ano'ng nangyayari sa kanya ngayon? Iniwan ko naman siya na nakangiti, tapos, bakit gano'n?"
"Ha?"
"May nangyayari sa loob ng utak ni Dallia ngayon. Hindi ko lang matukoy kung ano 'yon."
"Sa tingin mo, may tinatago siya sa atin?"
"Baka nga may tinatago siya pero hindi niya sasabihin sa atin 'yon," nakita ko na lang na nagsasalin siya ng tubig sa baso ko, "lalo na kung wala naman kinalaman sa pinapagawa sa atin."
"Ano'ng ginagawa mo?"
Nang mapuno na niya ang baso ko, "halos ako na ang umuubos ng tubig sa pitsel. Ni hindi kita uminom ng tubig."
"Bakit? Buhay pa naman ako, ah."
"Baliw, kulang ka na ng tubig diyan sa katawan mo."
"Concern ka?"
"Si Dallia ang concern sa'yo, hindi ako."
Napansin niya pala.
"Palagi niya sinusumbong sa akin na hindi ka palagi umiinom ng tubig. Puro ka raw softdrinks tapos iced tea ka lang daw ng iced tea."
"O, bakit? At least binibigyan ko siya ng iced tea-"
"Baliw ka, baka hayun ang dahilan kaya siya nagkakaganyan ngayon."
Puwede ba maging dahilan 'yon?
"May plano ba tayo sa 24?" tanong niya habang hinihiwa ang liempo. Ang bagal naman niya kumain.
"24?"
"Tanga," nahinto siya sa ginagawa niya tapos tinignan ako, "birthday ng mga bata 'yon."
Ay, hala, December 24 pala ang birthday nila. Tapos, kinabukasan, pasko.
Pucha naman, o.
*Year 203x*
[January 30, 203x]
Papasok ba ako o hindi?
Papasok ba ako o hindi?
Papasok ba ako o hindi?
Papasok ba ako o hindi?
Papasok ba ako o hindi?
Friday pa naman bukas. Tama lang ba na umabsent ako bukas?
Hanggang ngayon, tumatakbo pa rin sa utak ko ang narinig ko sa office ni Availla. Gusto kong alamin kung ano ang dahilan niya. Kasi, napakabait niyang babae. Imposible na gawin niya 'yon basta-basta.
Hindi ko alam kung paano. Kung malaman ko nga ang dahilan, baka mawala naman ang mga anak ko.
Pahingi naman po ng sign, Lord. Thank you po.
"Mama?"
Nahinto na lang ako sa paghuhugas ng pinggan nang tawagin ako ni Dallia. Bigla na lang siya lumapit sa akin tapos niyakap ako.
"Nak, ayos ka lang?"
Hindi niya ako sinagot.
Sakto naman na huling kaldero na ang nahugasan ko. Sinara ko na ang gripo, nagpunas muna ng kamay sa towel saka ko hinawakan ang maliit niyang mga kamay na nasa tyan ko ngayon.
"Ano iniisip mo?"
"Nanginig po ako, Mama. Nagsusulat lang naman po ako, Mama."
"Nanginig?" Ayokong humarap sa kanya, baka hindi siya magsabi sa akin kapag tinitigan ko siya sa mata.
"Feeling ko po, may nang-iwan po sa akin, Mama."
"Tapos?"
"May hinahanap po ako kasi iniwan po ako, Mama."
Humarap na ako sa kanya at niyakap ang cute kong anak.
"Hayan, nararamdaman mo pa rin ba na iniwan ka?"
Ang higpit naman ng kapit sa'kin ni Dallia, "konti pa po, Mama."
"Ah, alam ko na kung ano 'yon kulang."
Kumawala muna ako sa pagkakayakap at hinanap ang Teddi Teddi nila. 'Yon human size na white teddy bear na niregalo sa kanila ni Maia at Binnie no'ng Christmas. Mabuti na lang umuwi si Dennis no'ng birthday nila at pasko.
Nakita ko agad ang Teddi Teddi nila, naka-upo sa sofa. Nakasabay din namin kumain kanina si Teddi Teddi. 'Yon bang katabi na ni Reinard ang teddy bear nila na akala mo, isang tao. Mabuti nga hindi natapunan ng kaldereta si Teddi Teddi.
"Heto ang kulang," nang sabihin ko 'yon, agad naman niya niyakap nang mahigpit ang teddy bear.
"Teddi Teddi!" sigaw na lang ni Dallia.
"Hala! Ako rin! Pa-hug kay Teddi Teddi!"
Nakita ko na lang si Reinard, mabilis bumba ng hagdanan at patakbong pinuntahan ang kapatid niya.
"Saan ko siya pwede yakapin?"
"Sa likod." Niyakap na lang ni Reinard si Teddi Teddi sa likod.
Ang cute nila ngayon. Sana makita 'to ni Dennis ng personal.
"Mag-ayos na kayo sa room namin ni Papa, doon kayo matutulog kasama si Teddi Teddi."
"Yehey!" sigaw nila. Pagkatapos, sabay sila umakyat habang hawak nila magkabilaan ang kamay ni Teddi Teddi.
Nilibot ko muna ang buong living area namin, malinis naman na. Nilock ko na rin ang mga pinto. Inon ko na ang dim light para i-off ko na ang mga main light dito.
Paakyat na sana ako nang mag-ring ang phone na hawak ko ngayon.
Bakit tumatawag si ma'am ng ganitong oras?
Sige, sagutin ko na lang, "hello?"
[Nasaan ka ngayon, Erillia?]
"Bahay po."
[Kasama mo ang mga anak mo?]
"Yes po."
[Oh my god, good. Huwag ka muna pumasok bukas, ha?]
"P-po? Bakit po ma'am?"
[I-I'll discuss something tomorrow via online meeting.] Pagkatapos, siya na ang nag-end ng call.
Hay salamat naman, mababantayn ko ang mga anak ko.
Pero, bakit kinukumusta ako ni ma'am lalo na ang mga bata?
Hindi kaya...
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top