TWENTY NINE


*Year 203x*

[February 9, 203x]


*beep beep*


Hindi na sinasagot ni Dennis ang tawag ko mula umaga. Hindi ko alam kung bakit natataranta ako ngayon. Kasama ko naman ang mga bata.

Nangako sina Maia at Binnie na pupunta sila rito. Sana naman...

"Mama, sa kwarto lang po kami ni Dallia," paalam sa akin ni Reinard. Tumango na lang ako sa kanya saka na sila umakyat.


Nag-aalala na rin ako dahil tuloy pa rin ang pagpunta ng mga ambulansya at pulis sa subdivision namin. Ayoko muna lumabas hangga't ako lang ang tao rito.


Nag-ring ang phone ko, agad ko naman sinagot nang makita ko ang pangalan ni Maia.

"Makakapunta ba kayo?"

[We're stuck, Erillia. Traffic na nga papunta sa inyo, maraming ambulance ang binibigyan namin ng way. Weird kasi, liliko ang mga ambulance papunta sa subdivision niyo.]

"Ibig sabihin, malapit na kayo?"

[Yes. You better pack your things na when we get there.]

Tumingin muna ako sa hagdanan, baka nakikinig sila sa akin. "Bakit?"

[Eri.]

Boses na ni Binnie ang narinig ko.

[Hindi na maganda ang lugar niyo. May nagsabi sa amin dito kanina na paubos na ang mga bata sa subdivision niyo.]

"Kanino mo narinig 'yan, e, magkasama naman kayo ni Maia sa kotse?"

[May nakita kasi kaming isang pamilya, nag-aabang ng taxi. Sinabi sa amin na huwag na raw kami umalis kung may bitbit kaming mga bata.] Si Maia ang sumagot.

[Aalis tayo, ha? Huwag ka mataranta para hindi matakot ang mga anak mo.] sabi na lang ni Binnie.

Bigla na lang naputol ang tawag nila. Paano ako mag-aayos ng gamit namin nang hindi ako natataranta?


Uminom muna ako ng isang baso ng tubig para kumalma. Uminom kasi ako ng kape kanina. Tinignan ko ang orasan, 10:40 na ng umaga. 

Kung susunduin kami ni Maia ngayon, saan naman kami dadalhin?

Tahimik akong umakyat sa second floor. Sumilip muna ako sa kwarto nila, si Dallia nagbabasa ng paborito niyang libro. Habang si Reinard, nagsha-shade ng kulay sa makapal niyang coloring book.

Nakaligo naman sila. Kaya, kinuha ko na ang malaking bag sa kwarto namin ni Dennis, na usually ginagamit ko kapag may outing kami. 

"Mama, ano pong ginagawa niyo?" tanong ni Dallia nang magsimula na akong kumuha ng damit sa cabinet nila.

"Aalis tayo. Susunduin tayo ni ninang Maia niyo."

"Yehey!"

Napatingin na lang ako sa kanila, nakangiti sila ngayon. Kailan ko kaya masasabi sa kanila ang nangyayari sa bansa na 'to?

"Mama, ano pong susuotin ko?"tanong ni Reinard habang nagtitiklop ako ng damit ni Dallia.

"Kahit ano na lang diyan."

Hindi nila dapat maramdaman na natatakot ako ngayon. Napatingin ako sa aking mga kamay, nanginginig na. Kailangan hindi makita 'to ni Reinard, mahilig kasi 'yon makipag-holding hands, e.

"Mama, saan po tayo pupunta?"

Hayan na, nagsimula na magtanong si Dallia.

"Oo nga po, Mama. Saan po tayo dadalhin ni ninang Maia?"

Kung hindi ko sila sasagutin, buong araw nila ako hindi titigilan.

E, hindi ko maipaliwanag sa kanila na ang mga kaklase niya ay unting-unti na nawawala. Lalo na 'yon 'special project' na ginagawa ng Papa nila.

"Mama."

Lumingon na ako sa kanila, nakahubad pa ang upper body ni Reinard. Samantalang si Dallia, hindi pa nagbibihis.

"Kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin, saka ko sasabihin sa inyo. Okay?"

Sabay naman silang tumango. Pagkatapos, kanyang-kanya na rin sila ng pag-aayos sa mga gamit nila.


~~


Nakarinig kami ng busina ng sasakyan. Hindi ko muna binuksan, kailangan ma-confirm ko na kay Maia ang kotse.

"Erillia."

Agad naman ako pumunta sa gate para lang mabuksan, si Maia at Binnie ang bumungad sa akin.

"Ready?" tanong ni Maia.

Tumango naman ako. Tinawag ko na ang mga bata, nilagay ko na sa loob ng sasakyan ang mga gamit namin. Ni-lock ko na ang bahay lalo na ang gate. Hinintay muna ako makasakay sa likod ng passenger seat bago pumasok si Maia sa loob.

Saan kaya kami dadalhin?

"Doon muna tayo sa condo ko, ha?" sabi ni Maia. "Kapit-bahay naman natin si Binnie so, you don't have to worry."

"Aba, kailan ka pa bumili ng unit?" tanong ko kay Binnie.

"Ssh. 'Wag mo na tanungin. Basta, kapitbahay ko na si Maia. At sana," lumingon naman siya sa akin, "kapitbahay na rin kita."

"Unang-una sa lahat, ang mahal ng unit. Pangalawa, malayo sa school ng mga anak ko."

"Ay, oo nga pala."


Tahimik lang kami sa loob. Nakatulog na ang mga bata. Chineck ko naman si Binnie, tulog na rin. Nakita ko na tumingin sa rear mirror si Maia, tumama ang tingin sa akin. Ngumiti na lang ako.

Alam niyang hindi pwede kami magsalita tungkol sa nangyayari.

"Hoy, naiihi na ako," sabi na lang ni Binnie. Tinignan ko, dilat pala ang mga mata.

"Sige. Hanap lang ako ng fast food then, let's have our lunch na."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Maia. Ginising ko na rin ang mga bata. Siyempre, tuwang-tuwa sila nang malaman nila kung saan na kami kakain. Sa favorite nilang restaurant na, doon din naganap ang first date namin ni Dennis.


"Hoy, sikat na restaurant 'to, ah." Napatingin ako kay Binnie habang naghihintay kami ng mga inorder namin. "Eto ba 'yon kay Bianca Lester?"

"Oo, heto nga 'yon."

Lumaki naman lalo ang ngiti niya nang sabihin ko 'yon. No'ng na-discover 'to ni Dennis, ni-recommend ko agad ito kina Maia at Binnie. Si Sia na lang ang hindi nakaka-alam sa restaurant na 'to. Naalala ko kasi, idol niya si chef Bianca.

"Here's your order po."

Masaya naman namin kinain ang mga pagkain. Kahit papano, nawala ang takot ko magmula nang umalis kami ng bahay. Mukhang tama nga ang nagsabi sa kanila, hindi na safe ang subdivision na 'yon para sa amin.

Hala, hindi ko pa nasasabi kay Dennis na wala kami sa bahay ngayon. Baka, bigla na lang siya dumating.

"Mama. Wee-wee po ako."

Napatingin ako kay Reinard. "Tara, hanapin natin 'yon CR."

"Sama po ako, Mama."

Tumayo naman kaming tatlo para magpunta sa restroom. Medyo marami ang nakapila sa ladies' room kaya pumila na lang kami. Alam naman ng dalawa 'yon kaya, maghintay sila.

Nang may lumabas sa cubicle, agad naman tumakbo si Reinard. Ayoko na pumasok siya mag-isa sa men's room. Hindi lang ako sanay na wala siyang kasama na lalaki.

Sakto naman na may lumabas sa cubicle, sa tabi ni Reinard. Pumasok na agad kami ni Dallia para umihi.

"Mama?"

"Anak, bakit?" tanong ko naman kay Reinard habang hawak ko si Dallia.

"Done na po!"

"Okay. Maghugas ka saka mo kami hintayin."

"Opo." Narinig ko ang pag-flush at pagbukas ng pinto. Nang tapos na si Dallia, nauna na siyang lumabas saka na ako umihi.


Hala.


Ano 'tong kutob na 'to? Kutob ba 'to after ko umihi or iba?


Paglabas ko sa cubicle, wala nang pila at the same time...


Nasaan ang mga bata?


Teka, kalma. Baka bumalik na sila sa table.


Pero, may mali.


"Nasaan ang mga anak mo?" tanong agad ni Binnie nang lumabas ako ng restroom.

"Hindi ba pumunta sa table niyo?"

Nagkatinginan lang ang dalawa.


Oh no.


"Shit. Tama nga tayo. Silang dalawa 'yon nakita natin!" 

Hinila agad ako ni Maia matapos niyang sabihin 'yon saka kami lumabas ng restaurant at pumunta sa kotse niya.

Hindi.

"N-nawala s-s-sila?"

"Calm down, Eri. Hindi pa nakakalayo ang mga 'yon," sabi na lang ni Maia.

"Sumakay ka na bago pa sila makalayo."

Hindi naman ako makakilos dahil nanginginig na ang mga tuhod ko. Tinulungan na lang ako ni Binnie na makapasok sa kotse, saka na inandar ni Maia.

"Naalala mo pa 'yon kulay ng van?"

"Pula 'yon. Pula."

"Okay. Nakita naman natin na may bitbit silang bag, right?"

"Eri?"

Tumingin lang ako kay Binnie, nakatingin siya sa akin. Pagkatapos...

"Shit, nandito ang mga bag nila."

"Tangina. Mag-seatbelt ka, Bin. Kumapit ka, Erillia."


Binilisan na ni Maia ang pagtakbo ng sasakyan. Napatingin na lang ako sa kamay ko, nanginginig na. Ayokong mataranta dahil alam kong mahahanap din namin ang mga anak ko.


Hindi na talaga ako natutuwa kay Availla.


Dahil lang sa kasalanan ng ex-husband niya, idadamay na niya ang buong bansa.


Ang nakaka-inis pa nito, mga bata pa ang dinamay niya sa kabaliwan niya.


Ikaw dapat ang mamatay, Availla.


"Hayun!"


Niliko naman ni Maia ang sasakyan saka kami huminto sa isang bodega na may pulang van sa tapat.

Lumabas na agad ang dalawa, pinagbuksan ako ng pinto ni Maia at tinulungan ako na makababa.

Papasok na sana kami kaso, may narinig kami na busina. Kotse ng pulis ang nakita namin. Pinadaan na lang namin sila na pumasok sa malaking bodega na ito. Nagtatanong ang mga pulis kina Maia at Binnie. Sumilip lang ako sa loob ng pulang van, wala naman kalaman-laman.

Maya-maya, nakita na lang namin na may lumalabas. Nakaposas na ang mga kidnappers.

"Yon presidente po ang nagpa-utos na patayin ang mga bata," sabi na lang ng isa sa kanila.

"Huwag mo idamay ang presidente. Kailangan niyo makarating sa presinto."


Huh?


Bakit ayaw nila maniwala sa mga kidnapper?


"Hoy! Nasaan ang mga bata?!"

Nalingon ako sa kanan nang marinig ko ang boses ni Binnie. Sinusuntok-suntok na niya pala ang isang kidnapper dito.

"H-hindi ko alam kung saan sila—"

"Ano'ng hindi mo alam kung saan sila? Mga kidnapper kayo! Malamang, kayo ang kumuha sa kanila!"

"Ma'am, wala na po kaming makitang mga bata sa loob bukod sa kanila."

Napatingin na lang ako sa isang pulis na nagsalita. Saka na ako lumapit.

"Si-sigurado po ba kayo?" tanong ko.

"Ma'am, maniwala po kayo. Nakatakas po ang mga bata." Pagkatapos magsalita ng isang kidnapper, sinapak agad ni Binnie. Pinipigilan na siya ni Maia at isang pulis dito.


Saan sila pwedeng pumunta kung tumakas sila? Hindi naman nila alam ang lugar na 'to. Hindi nila dala ang mga bag nila dahil nandoon ang mga maliit nilang cellphone.


"Let's go. Hanapin natin ang mga bata bago pa tayo abutin ng dilim," sabi na lang ni Maia saka ako inalalayan papasok sa sasakyan.

"Binnie, stop that!"

"Teka, last na!" 

Tinignan ko si Binnie, isang malutong na sampal ang binigay niya sa huling kidnapper na sasakay na sa loob, saka na siya pumunta rito at umupo sa passenger seat.

"What did you do?" tanong ni Maia.

"Sinampal ko 'yon kidnapper."

"Dapat si Erillia ang gumawa no'n, not you."

"Ako na ang gumawa para sa kanya," aniya saka siya lumingon sa akin at ngumisi.


Wala na talaga ako masabi sa babae na 'to.


~~


5:53 p.m.


Nakikita ko na ang buwan. Hindi pa rin namin sila mahanap. Naniniwala kami na around city lang tumakbo ang mga bata. Malayo pa rito ang expressway papuntang probinsya.


"Should we report this to the police?" tanong ni Maia.

"Feeling ko, marami na ang nagrereport na mga nawawalang bata sa kanila," sabi ni Binnie.

"May point ka rin naman. Kung matatagpuan man sila, bangkay na lang."

"Hoy, hindi pa patay ang mga inaanak natin, ha?"

"I know, Binnie. What I mean is, they are all dead once na makita ng mga pulis 'yon."

"So, tayo na lang ang maghahanap?"

"Tayo talaga ang maghahanap, Binnie. Baka hindi rin tayo maasikaso ng mga pulis ngayon."


Gusto kong ipikit ang mga mata ko. Pero, hindi pwede.


"Nasabi mo na ba kay Dennis ang nangyayari?"


Tumingin ako sa rear mirror, nakatingin kasi roon si Maia. "Hindi pa."

"Pero, may plano kang sabihin sa kanya?" tanong ni Binnnie.

"Dapat niya malaman. Kasi kapag hindi ko sinabi—"


Kinapa ko agad ang bulsa ko nang marinig ko ang tunog ng aking phone. Nang makita ko ang pangalan ng caller, sinagot ko agad.


"Janice?"

[Mama!]


OH MY GOD!


"Salamat sa Diyos, buhay kayo."


[Mama, nandito po kami sa bahay ni doctor Janice po.] boses 'yon ni Dallia.

[Mama, Mama, Mama!] boses naman 'yon ni Reinard.


Maraming salamat po Panginoon.


"Eri?" 

Tumingin ako kay Binnie. "Kasama nila si Janice ngayon."

Kumunot naman agad ang noo niya. "Sino'ng Janice?"

[Hello, Eri?]

"Janice."

[Tapos ko na gamutin ang mga sugat ni Reinard. Dito na lang kayo mag-dinner before you go home, okay?]

"S-salamat talaga, Janice." Hindi ko na napigilan na umiyak. Wala na rin ako pake kung marinig ng mga anak ko.

[No. Your kids found me. Nakakatuwa dahil nakilala nila ako.]

"J-janice!"

[Ssh. Don't cry na. Okay na ang mga anak mo.]

"Salamat talaga."

[No problem, Erillia. Take care, ha?]

"O-opo." Binaba ko na ang tawag niya saka ako huminga nang malalim. Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan agad ang mga mata ko.

"Alam mo kung saan ang bahay ni Janice?" 

Napatingin ako kay Maia. "Oo. Lumiko ka sa kanto na 'yan."

"Okay."


Siguro, heto na ang sign para i-kwento sa kanila ang mga nangyayari.


Paano ko ikukwento? Saan ba dapat ako magsimula?


Mamaya ko na lang tatawagin si Dennis. Kapag nakapag-pahinga na ang mga bata.



~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top