TWENTY FOUR


*Year 202x*


ERILLIA'S POV


"Happy birthday, kids!"

"Thank you po mga ninang!"


Si Reinard pa lang ang sumalubong kay Maia, nasa cr pa kasi si Dallia, naliligo.


December 24 ang birthday ng mga bata. Umaga pa lang, nagsisimula na sina tita magluto para sa birthday at pang-handa mamayang 12 a.m.

Pasko na kasi.


"Mama!"

Dumiretso naman ako sa cr para ibigay kay Dallia ang damit. Masyadong excited si Reinard kaya 8 a.m., naligo na siya. 

"Nasaan pala si Binnie?" tanong ko habang tinutulungan ko na ayusin ang dress ni Dallia na binili namin ni nanay kahapon. Sa January 3 na ang balik namin sa office.

"Namimili pa ng mga regalo. At saka, kasama niya ata 'yon kaibigan ni Dennis, Jeydan ba ang name?"

"Opo, ninang. Jeydan po ang name ni ninong Jeydan," narinig ko na lang na sinabi iyon ni Reinard. Nang lumabas na kami ng c.r., dumiretso kami sa kwarto na malapit lang sa kusina na 'to. Dito nila pinapatulog si Dennis kapag wala ang tita at pinsan ko.

"Ano po kaya ang gift ni ninang Maia, Mama?" tanong ni Dallia habang sinusuklay ko ang buhok niya.

"Actually, hindi ko alam. Hindi naman ako kasama sa pagbili ng gift niyo, e."

Nang matapos ko na ilagay ang purple hairband sa kanya, tumingin siya sa akin. "Gusto mo buksan niyo na agad ang gift niyo?"

"Wala pa po si Papa, e. Sana po nandito po siya kapag po magbo-blow na po kami ng cake."

"Mama!" napatingin ako kay Reinard, papunta na pala siya rito habang may hawak siya na dalawang paper bag, "ice cream cake po ba ang cake namin, Mama?"

"Oo, hayun ang gusto niyo 'di ba?"

Nakita ko na lang tumingin si Dallia kay Reinard, "sayang wala ang mga friends natin dito."

"Paborito nila ice cream cake, e."

Pagkatapos, tumingin si Dallia sa akin. "Mama, alam niyo po ba, may friend kami na palagi pumupunta sa house natin po."


Sige, Eri, magpanggap ka muna na kilala mo ang sinasabi niya. Makinig ka na lang.


"Talaga? Sino?"

"Kilala mo 'yon, Mama, e!" sigaw na lang ni Reinard.

"Hindi! Si Papa lang ang kilala ni Coretine!"

"Kilala na ni Mama 'yon! Nakalimutan lang ni Coretine na nakilala na niya si Mama!"

Lumingon ulit si Dallia sa akin, "mama, makakalimutin po siya."

"Opo, Mama, ang daming gamit niya na nawawala sa school." Napatingin ako kay Reinard, nagkakamot pa sa ulo. "Muntikan na niya po mawala 'yon mga colored pencil ko, e."

"At saka po, muntikan na rin niya mawala 'yon purple na notebook ko po."

"Lahat po Mama, muntikan na niya mawala!"

"Grabe ka naman, Reinard. Baka na-misplace lang niya."

"Hayan po lagi ang sinasabi niyo kapag po sinasabi namin na nawala ni Coretine."

"Babae ba siya?" 

Sabay naman sila tumango.

"So, best friend niyo?"

"Opo."


Mabuti naman may mga kaibigan sila sa school. Akala ko tutulad sila sa akin na walang naging best magmula elementary hanggang high school. 


"Ate."

"Po?" Sumilip ako sa labas nang marinig ko ang boses ni nanay.

"Nandiyan na si Binnie at saka 'yon boyfriend niya."

"Tita! Hindi ko po boyfriend ang pangit na 'to!" Boses nga ni Binnie 'yon. Sino ba ang kasama niya?

"Ay, akala ko siya 'yon boyfriend mo? Nak-kwento kasi sa'kin ni Maia."

Napalabas na ako ng kwarto para malaman ko kung sino 'tong boyfriend ang tinutukoy ni nanay.

Nang makita ko na ang mga bisita sa sala...


"Naku po tita, hindi po ako ang boyfriend ng pinipig na 'to."

"Ano'ng pinipig ang sinasabi mo? Ha?"

"O bakit? Pinipig talaga ang mukha mo, e. Favorite ko pa namang ang pinipig."

"Erillia, nasaan ang mga bata?"


Napatingin na lang ako kay Maia, si Jeydan pala ang katabi ni Binnie ngayon. 


Teka, bakit hindi niya kasama si Dennis?


"Ninong Jeydaaaan!"

"Reinard!" Nakita ko na lang na tumakbo ang bata papunta kay Jeydan.

"Ninang!"

"Oh my! Dallia come here!"

Nang isigaw 'yon ni Maia, agad naman tumakbo si Dallia papunta sa dalawa niyang ninang. Ang cute nila tignan ngayon.


Ayos na rin na hindi malungkot si Dallia ngayon birthday nila. Pero, kapag talaga hindi nakahabol 'tong si Dennis, babalik na naman ang malungkot niyang mukha.


"Ate."

Lumingon ako kay nanay. "Po?"

"Tulungan mo muna kami ni Lira sa pasta."

Tumango ako saka ulit ako tumingin sa mga bata. Sila muna ang maglibang sa kanila habang wala pa si Dennis.



~~~


Madaming pagkain ang gusto nila kaso, dumoble. Kung ang isa, gusto ng spaghetti, 'yon isa naman gusto ng carbonara. May gusto ng shanghai, may gusto na fried siomai. May gusto ng fruit salad, 'yon isa buko salad. Ayaw niya raw sa buko salad, kadiri raw.

Sa cake lang talaga sila nagkasundo. Ang nakakatawa, ako na raw bahala sa flavor. Kaya sige, ice cream cake na mango flavor.

Tapos magluluto pa kami para sa pasko. Kakain na naman!


"Erillia."

"Hmm?" nahinto na lang ang pagtatakal ko ng carbonara nang tawagin ako ni Binnie.

"Nasaan si Dennis?"

Tinignan ko agad si Jeydan, nahinto siya sa pagsubo ng spaghetti saka kami tinignan.

"Kanina ko pa tinatawagan, ayaw niya i-pick up ang phone," aniya sabay sinubo na ang pagkain.

"Tapos na natin katahan ang mga bata ng happy birthday, wala pa rin siya."

Tinuloy ko na lang ang pagtatakal ko. Okay naman sila no'ng kumanta kami ng happy birthday sa kanilang dalawa. Parang, hindi nila alam na kasama si Dennis dito.

Pinuntahan ko na lang ang tatlo at naki-siksik sa kanila, sa sahig. "Baka bukas na 'yon pumunta. Kailangan nila matapos 'yon time machine para sa mga bata."

"Ano ka ba, birthday ng mga anak niya at saka, paskong-pasko tumutulong pa siya?" tanong na lang ni Binnie.

"Hindi ko alam, Bin. Hindi naman kami close na close na close na close para itanong ko sa kanya 'yon," mahinang sagot ko sa kanila. Pero, nonsense rin dahil maiingay ang mga tita ko.

"Close na close na close na close man kayo or not, dapat nagbibigayan kayo ng information sa isa't-isa. Anak niyo ang tutulungan niyo," sabi na lang ni Maia.

"Oo, tama tama."

Napatingin na lang ako kay Jeydan na, katabi ko pala. Mukhang nahinto siya sa pagnguya ng spaghetti. May sauce pa siya sa labi.

"O, bakit?"

"Ang dugyot mo." Hayan na lang ang nasabi ko saka na 'ko kumain. Kaso, wala pala ako inumin.

"Nasaan pala ang mga bata?" matinong tanong ni Jeydan.

Tumayo muna ako bago ko siya sagutin. "Nando'n sa kwarto kasama ng mga kapatid ko."

Pumunta ako sa lamesa para kumuha ng softdrinks. Kaso, nahinto ako at lumingon kay Jeydan.

"Hoy."

Nahinto na naman siya sa pagsubo ng shanghai, "ano na naman?"

"Papuntahin mo kaya ang kapatid niya?"

"Kapatid?" tumango ako, "ah, si Ella ba? Sige, chat ko lang."


Tinignan ko ulit ang mga bawas na pagkain dito. Sa pagkaka-alam ko, umalis ang iba kong tita para bumili ingredients para sa pasko. Feeling ko, ganito rin naman ang ihahanda, magdadagdag lang sila.


Tumingin ako sa wall clock, 5:30 na rin ng hapon. Wala pa siya.


"Mukhang hindi ko na kailangan i-chat."

"Ha?" lumingon ako sa kanya, nakatingin siya sa phone, "bakit?"


Hindi ko na hinintay ang sagot niya nang may kumatok sa gate. Si nanay na ang sumilip saka siya tumingin sa akin.


"Bisita mo ata."

"Ay, sila na nga 'yan."

Agad naman tumayo si Jeydan at lumabas. "Pasok po kayo."

"Eri, sino ang mga 'yon?"

Hindi ko na sinagot si Maia kaya lumabas na ako. Kausap na pala ni Jeydan ang mga 'to...


Ang pamilya ni Dennis.


"Ate Eri!"

Agad naman tumakbo si Ella para lang yakapin ako. Nakita ko ang mga magulang ni Dennis, nakangiti sila sa akin ngayon.


Kalma, Eri. Mga bata ang pinuntahan nila.


"Tita, heto pala ang pamilyang Montengra." Pagpapakilala ni Jeydan kay nanay. Parang tanga naman 'to, oh.

"Ay, naku, hindi alam ng mga bata na pupunta kayo ngayon. Sabi nila kasi, bukas sila ang pupunta sa inyo," sabi na lang ni nanay.

"Birthday kasi ng mga bata kaya kailangan namin pumunta. Pwede naman sila pumunta bukas sa bahay kasama si Erillia."

Sakto naman na tumingin ang mama niya sa akin, "po?"

"Oo, ate. Bukas doon muna kayo sa amin matulog," napatingin na lang ako kay Ella nang sabihin niya 'yon.


Nahihiya akong itanong pero, paano nila nalaman ang bahay ko kung hindi nila kasama si Dennis?


"Pasok muna kayo para kumain."


Nang sabihin 'yon ni nanay, ako na agad ang unang pumasok. Nakatayo na pala sina Maia at Binnie.

"Family ni Dennnis 'yon?"

Lumapit ako kay Maia nang tanungin niya 'yon, "hindi ko alam kung paano nila nalaman ang bahay ko. Hindi naman nila kasama si Dennis ngayon."

"Ate, kumuha ka na ng mga pinggan sa cabinet. Tawagin mo na rin ang mga bata."

Napatingin na lang ako kay nanay, kasama na pala niya ang pamilya ni Dennis.


Sumugod agad ako sa kusina, sakto naman na naririnig kong nagtatawanan ang apat sa kwarto.

"Dallia! Reinard! Nandito ang lolo at lola niyo kasama si tita Ella!" sigaw ko habang kumukuha ng mga pinggan dito sa cabinet.

Una kong nakitang lumabas ang dalawa kong cabinet, nakiki-marites na naman ang mga 'to. Sumunod naman ang dalawang bata na nagmamadaling tumakbo. Ang gulo-gulo na ng dress ni Dallia.



"Papa!"


Papa? Tama ba narinig ko?


Bitbit ang mga pinggan, lumabas ako ng kusina. Nakita ko na lang ang mga bata nakayakap sa kanya.


Shit, nandito si Dennis.


Kumalma ka, heart. Alam kong gwapo siya ngayon sa suot niyang white polo na long sleeve at itim na maong kaya, kumalma ka.


At nakakainis, naaamoy ko pa ang pabango niya kahit ang layo ko sa kanya ngayon.


"Ayos ka lang?"

"Ah, o-oo. Ayos lang ako." Nilagay ko na sa lamesa ang mga pinggan, kaso kailangan ko pa kumuha dahil may ibang tao rito.

"Sino ang mga 'yan?" 

Binilang ko ang mga nasa likod ni Jeydan nang itanong ko 'yon, lima sila.

"Ah," tumayo siya at pinuntahan ang lima, "sila po pala ang mga mag-aayos ng machine para makabalik ang mga bata sa tamang panahon nila."

Napansin ko ang dalawa, mukhang nakatingin sila sa mga 'to.

"Ninong Davill?" tanong na lang ni Dallia.

Isang lalaki ang lumuhod kay Dallia, "oo. Kilala mo pala ako?"

"Opo, ninong. Kayo po 'yon gumawa ng time machine namin kasama nila," itinuro ni Reinard ang apat.

"Heto ang gift ko sa inyo, happy birthday." Isang babae ang nag-abot sa kanila ng paper bag.

"Hoy, 'yon ice cream cake."

Napatingin na lang ako kay Jeydan nang sabihin niya 'yon kay Dennis. Maya-maya, lumapit siya sa akin at may inabot na... box ng cake.

"Ice cream cake 'yon cake na binili ko na—"

"Na mango flavor?" 

Hala, paano niya nalaman?

"Chocolate flavor 'to. Experiment ni ate Dison. Success naman kaya dinala na namin." Kinuha ko na lang ang box ng cake at pinasok sa ref.

"Cake ba 'yon, Dennis?" tanong ni nanay.

"Opo."

"Ah. E 'di, hayun na lang ang buksan natin para mag-blow ng candle ang mga bata."

Napatingin ako kay nanay, "nag-blow na sila ng candle, ah."

"Kasama sila, magbo-blow ng candle ulit ang mga bata. Kailangan may picture kayong apat."


Hala, kami?


"I have my polaroid camera here." Napatingin ako kay Maia, may hawak siya na polaroid camera.

"Ayan, para may bitbit silang picture pag-uwi," sabi na lang ni Ella saka siya tumingin sa mga bata, "ayos ba 'yon?"

"Opo!" sabay nila tugon.

"E, sa mga magulang, ayos ba 'yon?"


Ayos nga ba?


"Oo naman, ayos lang 'yon, 'di ba Eri?"


Shit, nasa tabi ko na pala siya. Bakit hindi ko napansin 'yon?


"Oo. Ayos lang din sa akin."


Bakit hindi ako nakatingin sa kanilang lahat? Bakit naka-stuck lang ang mata ko kay Den—


"Ay, bwiset!"


Hayan na lang ang nasabi nang may nag-flash. Tumingin agad ako kay Maia, nakatutok pala ang camera niya sa amin.


"Here," nakita ko na lang na may inabot siya sa mga bata, "ipakita niyo 'to sa parents niyo pagbalik."

"Sabihin niyo, nagka-inloveban sila no'ng birthday niyo," sabi na lang ni Jeydan saka siya natawa. 

Nakakatawa 'yon?


"Teka, ha!"

Napalingon kami sa pinto, nandiyan na pala sina tita bitbit ang mga grocery.

"Ang dami niyong bisita! Mabuti na lang, madami rin kami nabili," aniya habang naglalakad na sila papuntang kusina.

"Mabilisan luto ang gagawin namin para makakain ang lahat!"

Naghiyawan na ang mga tao rito nang isigaw 'yon ni tita. At dahil diyan, mas lalo nag-ingay ang bahay namin.


"Ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Dennis, hawak na pala niya ang kaliwang kamay ko.

"Oo, ayos lang ako."


Pwede bang huwag kong bitawan ang kamay na 'to?



~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top