TWENTY FIVE


*Year 203x*

[January 31, 203x]


"Mama, mabuti na lang po kayo ang nagsundo sa amin."

"Bakit naman?"

"Kasi po, hindi po pumasok si kuya school driver, e."

Tumango na lang ako kay Reinard habang kinukuha ko ang mga uniform nila. Kaming tatlo lang ang nandito. Pero, sana naman may bumisita sa amin.

"Mama, nag-text po si ninang Maia! Pupunta po siya rito!"


Salamat naman, may kasama kami ngayon.


Dapat siguro, gumawa na ako ng resignation letter. Mas mabuti na bumalik ako sa opisina ni Gio.


Sinigurado ko na hindi nila bubuksan ang TV. Habang nasa loob ako ng kotse para sunduin sila, puro mga nawawalang bata ang nababalita sa radyo. Malamang, ganoon din sa TV news ngayon.


Nahinto na lang ako sa paglalagay ng damit sa washing machine nang marinig ko ang pagtunog ng door bell. Ang bilis naman makarating ni Maia rito.


Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin. Ang weird lang niya dahil nakasuot siya ng kanyang sunglasses. Pero, naiintindihan ko naman 'yon dahil maaraw.


"Ah, sino po kayo?"

"Kaibigan mo ba si Availla?"


Sasagutin ko ba siya?


"Huwag ka matakot, hindi ko kukunin ang mga anak mo."


Nang sabihin niya 'yon, sinara ko agad ang gate. Pero, hindi napipigilan pa niya.


"Nakiki-usap ako sa'yo, Eri. Kailangan mong malaman about kay Availla."

"Siya ang asawa ni Availla, Eri."

Nahinto na lang ako nang marinig ko ang boses ni Maia. Nakita ko siya naglalakad papunta rito.

"Hindi mo ba siya nakikilala?" tanong pa niya.


Nang dahil do'n, napatingin ako sa lalaki na 'to mula ulo hanggang paa. Sana man lang, alisin niya ang sunglasses niya, 'no?


"Don't worry. Hindi niya tayo ipapahamak. Ako ang una niyang nilapitan at ako ang nagbigay ng address ng house niyo."

"E, bakit siya nandito?"

"He wants to tell you about Availla."

"E, bakit sa akin?" napatingin na lang ako sa lalaki na 'yon, palingon-lingon siya sa paligid.


~~~


"Sorry Jesse kung hindi kita nakilala agad. Tagal na kasi natin hindi nagkita, e."

"Ayos lang, Eri. Sinadya ko talaga na ibahin ang mukha ko," sabi niya nang maiabot ko sa kanya ang kape. Nakita ko na umakyat si Maia, sabi niya makikipaglaro lang siya sa mga bata.

"So, ex-husband ka na pala niya."

"Oo. Ayos lang naman dahil hindi alam ng buong tao na may asawa si Availla."

"E, bakit ba ayaw niya ipaalam?"

Hinintay ko muna na ubusin ang kape niya, "hindi talaga kami maayos after the wedding."

"Hmm?"

"Nahuhuli niya ako na may kasama na ibang babae." Pagkatapos, nakita ko na nilabas niya ang kanyang phone at nagsimula na siya mag-scroll.

"Kung marunong lang sana siya magtanong, e 'di sana, misis ko pa rin siya."


Inabot na lang niya sa akin ang phone. Isang picture ng babae na kumakain loob ng restaurant ang pinakita niya. Tinignan ko naman nang maigi ang picture, wala naman si Jesse rito.


"Availla always told me na siya ang babae ko. Malamang, isa siya sa babae ko dahil secretary ko siya. Alam lahat ng mga tao sa opisina 'yon, Eri."

"Sinabi mo ba sa kanya 'to?"

"Ilang beses ko na sinabi sa kanya na bagong secretary ko 'yan. Huling punta niya sa office, lalaki pa ang secretary ko."

"Dahil lang do'n kaya kayo naghiwalay?"

"Hindi naman bababa ang mga bata, 'di ba?" tanong niya sabay napatingin siya sa hagdanan na nasa tapat lang namin.

"Kasama naman nila si Maia."

Tumango-tango siya saka siya tumingin sa akin, "may bumaril sa anak ni Gail, seven years old. Una, hirap sila malaman kung sino ang pumatay sa anak niya. Pero, nalaman na lang namin kung sino."

"Sino ba?"

"Si Availla."


Kung siya nga ang nagpa-utos, ibig sabihin tama talaga ang narinig ko sa opisina.


"Sinabi ko naman sa kanya ang nalaman ko. Kaya niya raw pinagawa iyon dahil ako raw ang ama ng batang 'yon."

Nakunot na lang ang aking noo matapos niyang sabihin 'yon.

"Akala ko, naiintindihan na niya na hindi ako ang ama ng batang 'yon. Pero, nalaman ko na lang na ipapatay niya lahat ng bata rito."

"Saang area, Jesse?"

"Buong bansa, Erillia."


Hala.


"At saka..."

"Meron pa?"

Tumango siya sa akin na nakangiti, "namatayan kami ng anak."

"Huh? Kailan? Parang hindi naman halata sa hitsura ni Availla na nabuntis siya."

Bigla na lang siya natawa pero natigil agad, "nabuntis ko 'yon. Bago siya pumasok sa pagiging presidente, nanganak na 'yon. Two years old namatay ang anak namin dahil sa cancer."

"Aw, sorry."

"Ayos lang, Eri. Hindi kasi iyon ang pwede maging dahilan niya para lang pumatay ng mga bata. Daig pa niya ang demonyo ngayon sa ginagawa niya."


May point naman si Jesse. Pwede na siya i-hire ni Satanas.


"Kaya ako lumapit sa'yo dahil ikaw lang ang malapit sa kanya."

"A-ano'ng gagawin ko?"

"Kausapin mo siya nang maayos. Kailangan mong pigilan si Availla na—"

"Ayokong lumapit sa kanya."

Napalaki na lang ang mga mata niya. "Bakit? Sabi ni Availla sa akin, madalas ka pumapasok mismo sa office niya."

"A-ayokong kausapin siya, Jesse. After ko malaman tungkol sa ginagawa niya, natatakot na ako pumasok."

"Kung gano'n, magre-resign ka?"


Resign?


"Oo. Ayokong madamay ang mga anak ko." Mabuti na lang may isang pitsel na tubig at malinis na dalawang baso ang nadala ko kaya, nagsaling ako at uminom.

"Paano na?" napahinga siya nang malalim at sumandal sa sofa, "wala na akong kilala na pwede magpigil pa sa kanya."

Kinokonsensya ba ako nito?

"Pwede ko naman gawin 'yan as long as safe ang mga anak ko," sabi ko.

"Kaso, alam ni Availla na may anak ka. Wala pa ngayon ang asawa mo," aniya pagkatapos bigla siya napa-upo nang maayos.

"Nasaan pala 'yon?"

"Nasa trabaho siya, hindi lang siya makakauwi gawa ng project nila."



Time machine ang project nila na super confidential.



*Year 202x*


ERILLIA'S POV


January na, ang dami na naman pinapagawa sa amin ngayon. Hindi nga ako maistorbo ni Sia dahil may mga deadline siyang hinahabol. Panay na ang tawag sa amin ni sir Gio at ng manager kaya, pinapalitan ko ang sandals ko.

Heto, naka-tsinelas na ako.


Pero, kahit papaano, masaya naman ako every time na nasa bahay namin ang mga anak ko. Kasi, tuwing uuwi sila sa bahay ni Dennis, hindi ako mapakali. May tiwala naman ako sa pamilya niya kaso, wala kasi siya roon, e.

At least, kapag ang mga bata nandoon sa bahay namin, alam ko ang mga nangyayari dahil tinetext or china-chat lang ng nanay ko. Or kaya minsan, sina tita at mga kapatid ko ang nagu-update.


"Uhh! Shit! Ang sakit ng likod ko!"

Napatingin na lang ako kay Sia, nagse-stretching. "May massaging chair naman sa lounge, ah."

"Hay nako, alam mong nakakatulog ako sa massaging chair na 'yon, e. Naalala mo naman 'di ba, nasa meeting si sir tapos ginamit ko 'yon. 'Di ko namalayan na nakatulog ako."

"Ah, oo. Naalala ko 'yon."

"Di ba? Nakakahiya, siya pa ang gumising sa akin."

"Oo, talagang nakakahiya Sia. Kasi, nandiyan na naman siya sa likod mo."

Napalaki agad ang mga mata niya, "ha!?" at hayan, lumingon naman siya agad.

"Sir!"

"Ililipat na talaga kita sa office ko kapag hindi mo tinapos ang hinihingi ko sa'yo ngayon."

"Ay, hala sir! Malapit na sir, huwag ka na magalit sa'kin honey este, sir."

Nakita ko na lang na kumunot ang noo ni sir Jergio sa kanya. Pagkatapos, saka siya ngumisi.

"May asawa't anak ka na ba, miss Sia?"

"Jusko sir, wala nga akong boyfriend, asawa't anak pa kaya?"

"Good!" aniya tapos lumingon siya sa paligid, "Isla!"

"Sir?" napalingon ako sa likod nang makita ko siya naglalakad papunta rito. Tinap niya ang ulo ko nang dinaanan niya ako. Ang sweet niya talaga sa akin.

"Mago-overtime ka ba ngayon?" tanong ni sir.

"Uh, opo."

Tumango naman si sir, "pwede ka na umuwi. Si Sia na ang gagawa sa natira mong trabaho."

"What?" hayan ang natanong ni Sia saka siya tumingin sa akin.

"Ay, sure po kayo, sir?" tanong ni ma'am Isla.

"Yes. Ituro mo sa kanya ang kailangan niyang gawin." Tapos, tumingin siya sa akin.

"Sa ibang araw ka na mag-overtime, miss Erillia, okay?"

"Ah, sige po." Hayan na lang ang nasabi ko saka siya umalis.

"Kunin ko lang 'yon ibang papers na gagawin mo, ha?" sabi na lang ni ma'am Isla saka na rin siya umalis. 

Dahan-dahan lumingon sa akin si Sia. "Bakit ako?"

"Ayaw mo no'n, dalawa lang kayo mamaya sa opisina."

"Hindi, e. May mga gagawin, Erillia!" sigaw niya saka siya napatungo sa table na puro mga papel. Kawawa naman 'to.


~~


Sa dami na nagawa ko kanina, ngayon ko pa lang iche-check ang phone ko habang naghihintay ng tren. Sunud-sunod pumasok ang mga text at chat nila.


Teka...


1:30 p.m.

Nanay:

ate, bili k ng gmot na pambata. si reinard, may sinat.


4:30 p.m.

Nanay:

ate, bili k ng pgkain ni reinard, soup ha?


6:02 p.m.

Nanay:

mama, nasa ospital po si reinard.


6:03 p.m.

Julian:

ate, sinugod si reinard sa ospital. 40 degrees na ang temp. niya eh.



40 degrees? Shit, ang taas na ng lagnat niya.


Pinindot ko agad ang number ni Julian. Mabuti sinagot niya agad.


[Ate, pauwi ka na?]

"Ah, e, o-oo."


Kumalma ka, Eri. Maraming tao ngayon dito sa station.


[Nay, pauwi na si ate.]

[Ay, akin na ang phone. Hello, ate?]

"Nay, ano'ng nangyari kay Reinard?"

[Ate, baka may dengue ang anak mo. Hinihintay pa lang namin ang resulta. Dumaan ka muna rito ha?]

"Dengue? Pa'no nangyari yon? Okay naman siya bago ako umalis, ah." Napatingin ako sa kaliwa nang marinig ko na ang busina ng tren.

[Mukha siyang okay pero masakit na raw ulo niya kanina pagka-alis mo.]


Hala, Reinard.


"Sa'n ospital ba 'yan?" Huminto na ang tren at nagbukas na rin ang pinto. Mabuti na lang nasa unahan ako kaya makakaupo agad ako pagkapasok.

[Malapit lang sa mall na pinuntahan natin no'ng December.]

Tinignan ko ang mapa na nakadisplay sa pader ng tren, dalawang station pa tapos, sasakay ako ng jeep.

"Sige, nakasakay naman agad ako. Diretso na ako riyan."

[Sinabi ko na rin kay Dennis tungkol kay Reinard, ha?]

"Ha?"

[Ano'ng ha? E, anak niya rin 'tong nagkasakit.]


Bakit bigla ako natakot? Pupuntahan ba niya si Reinard?


[Papupuntahin ko si Lira saka si Dallia rito, ha? Para makita nila si Reinard.]

"E, opo."

[Ayos ka lang, ate?]

"O-opo."


Joke lang, siyempre hindi.


[Sige na. Ingat ka ha?]

"O-opo." 


Nang binaba ko na ang tawag, naramdaman ko na may luha na sa mga mata ko. Pinunasan ko na agad, baka kasi makita pa ng mga tao rito lalung-lalo na 'yon mga nakatayo sa harapan ko.


Gagaling naman si Reinard, 'di ba? Ay, no, no. Gagaling si Reinard. Gagaling si Reinard bago sila umuwi.



~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top