TWELVE


*Year 202x*


Erillia's POV


Nakapagpaalam naman ako sa mga bata, kumaway lang ako kay Dennis. Psh, alagaan na lang niya ang mga bata, okay na ko roon.

Alam ko naman ang papuntang Baguio kaya hindi na 'ko nagpahatid kay sir Jeorgio, nakakahiya.

Sinabi naman niya sa akin kung saan kami mag-me-meet kasama ang secretary niya. Na-curious tuloy ako sa secretary niya, kasi never ko pa naka-usap 'yon magmula na matanggap ako sa trabaho.

Huminto na ang bus sa terminal. Nang makakababa ako ng bus, pumunta ako sa bilihan ng ticket para magpa-reserved ng upuan pauwi. Binigyan naman ako ng budget ni sir since, ayoko nga na sumabay sa kanya.

After no'n, na-received ko ang text ng secretary niya, pinapapunta ako sa cafeteria ngayon. Hindi pa raw dumarating si sir kaya nagpapasama sa akin. Ayos na rin, gusto ko na kasi kumain.

Actually, hindi ko pa nakikilala ang secretary niya. Malamang, bagong boss namin si sir Jeorgio, so, iba na rin ang secretary.

Nakarating na ako rito sa caféteria, hindi ko alam ang hitsura niya kaya ako ang tumawag. Buti sumagot agad, magsasalita na sana ako nang may nakita akong babae na kumakaway.

[Pasok ka, Erillia.]

Oh, so siya na pala 'to. Kasing-edad ko lang ba 'to?

"Good morning, Erillia." Bati niya sa akin nang mapuntahan ko siya. Nakipag-shake hands ako, hindi ko alam ang pangalan niya.

"By the way, I'm Isla Reslo. Ako ang bagong secretary ni sir Jeorgio." saka niya tinuro ang upuan para umupo kami. Amoy na amoy dito ang kape. Gusto ko rin ng kape.

"Actually, matagal na akong nag-wo-work sa company natin. Hindi niyo lang ako nakikita sa main office kasi inassign ako rito sa Baguio."

"Hala, e, nasaan po talaga ang dating secretary ni sir?"

Grabe, gutom na gutom na ako.

"Nag-resign na siya. Bale, ako na ang papalit sa kanya." sagot niya nang inabot sa akin ang kape. Black coffee ang binigay.

"Hala, okay lang sa'yo? Maiiwan mo ang pamilya mo-"

"Nasa Manila ang anak ko."


Anak?


Tama ba ang narinig ko?


"May anak ka na?"

Nakangiti siya habang hinihiwa niya ang croissant. "8 years old na ang anak ko."

Hala siya.

"Magkasing-edad lang tayo, Erillia." dagdag pa niya tapos kumain na ng croissant.


23 years old pa lang ako. Tapos, eight years old na ang anak niya? Kung same kami ng age, ibig sabihin...


"Hoy, Erillia, kumain ka na."

Napatingin ako sa kanya, may hawak siya na plato, doughnut ang nakalagay at nilapag sa harapan ko.

"Iniisip mo kung ilan taon ako nabuntis, no?"

"Ah, hindi naman. Ano kasi..."

"Hmm?" nakangiti pa siya sa akin.

"Huminto ka ba sa pag-aaral?"

Tumawa siya pero saglit lang. "Tingin mo ba, matatanggap ako rito kung huminto ako sa pag-aaral?"

Hindi na ko nakapagsalita.

"Siyempre, tinuloy ko pa rin pag-aaral ko. Ang hirap pero, kinaya ko naman."

Tumango na lang ako at kumain na ng doughnut. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi naman ako magulang-ay hindi!

Magulang na pala ako!

Uminom muna ako ng kape bago ako magtanong sa kanya. 

"Mahirap ba magpalaki ng bata?"

Nahinto siya sa paggamit ng phone at dahan-dahan tumingin sa akin.

"Bakit? Buntis ka ba ngayon?"

"Ay, hindi! Tinatanong ko lang. Siyempre, iba naman ang pag-aalaga ng kapatid sa pag-aalaga ng anak, 'di ba?"

Kumurap-kurap pa ako, hindi naman kasi ako buntis. Hindi naman halata sa katawan ko ngayon.

"Hmm, parehas lang naman din sila ng gawain. Kaya lang, ibang pagmamahal ang kailangan  ng bata."

"Ha?"

Tumawa siya. "Hindi ko alam kung maiintindihan mo ba 'tong sasabihin ko. Kasi, may mga kapatid din naman ako, you know, panganay duties."

Oh, so ate pala siya.

"Seven years old 'yong bunso kong kapatid nang maipanganak ko si Isaac. Noong una, kaya ko alagaan si Isaac kasi ako ang nag-alaga kay Sabel, 'yong bunso namin. Kaya lang, nararamdaman ko na parang may kulang sa pag-aalaga ko sa kanya noon."

"Bakit naman?"

Uminom muna siya ng kape bago siya magsalita. "Hindi ko siya gaano nilalambing. Hindi ko siya gaano nilalaro-laro. Hindi ako nakikipag-usap sa kanya. Parang, hindi ko anak ang inaalagaan ko noon, e."

"Hala."

"Promise, Erillia, wala talaga akong kwenta mag-alaga ng baby noon. Kaya, napansin 'yon ni Mommy, e. Galit na galit siya sa akin. Bakit daw ako ganoon mag-alaga? Parang hindi ko raw pinaghirapan iluwas ang bata sa mundong 'to, gano'n." 

"Baka kasi, bata ka pa noon kaya hindi mo pa naiintindihan ang lahat."

Tumango siya. "Exactly."

Wow, ang galing mo naman, Eri.

"Kaya kung anu-anong tips ang sinasabi sa akin ni Mommy. 'Yong bang, ngayon ko lang nalaman bilang magulang ni Isaac. Kasi, hindi naman niya sinabi sa akin noong inaalagaan ko si Sabel no'n baby pa lang siya."


Ang hirap siguro no'n, teenager ka pa lang pero, may responsibility ka na kailangan mong gampanan. Masaya naman ako noong teenager pa ko, walang stress. Kung mayroon man, pag-aaral at mga kaibigan ko lang.


Pero ngayon, may mga kailangan na kong bayaran. Traffic na kailangan kong pagdaanan araw-araw. Tambak na trabaho sa opisina.


At mga bata na dumating na lang basta-basta rito.


"Teka, nasaan pala ang ama ng bata?" Parang hindi niya binanggit sa kwento ang ama ng anak niya, e.

"Pinatay ko na."

"Ha?!" Ay, bwiset, lakas ng boses ko.

"Pinatay ko na nga siya, Erillia."

"Di nga?"

Tumawa muna siya bago kumain ng croissant. May kriminal na pala akong kausap ngayon. Buti hindi siya hinahanap ng mga pulis.

"Loka, hindi ko pinatay ang ama ni Isaac. Pinatay ko lang siya sa puso ko dahil gago siya."

"Ah." Napahinga na lang ako nang malalim. Nakakagulat naman kasi 'to.

"Kaya ikaw," sabi niya habang nakaturo ang tinidor sa akin, "huwag ka magpapakantot kung hindi pa kayo kasal, okay?"

Tumango na lang ako. Hindi niya alam na dumating dito ang mga anak ko. Lalo na 'yong ama nila.

"May boyfriend ka na, 'no?"

"Wala, ah!"

Ngumisi siya sa akin.

"Wala talaga!"

"Bakit wala?"

"Kasi, wala."

"Ano'ng 'kasi, wala' ka diyan?"

"Wala naman kasi talaga, ma'am."

"Don't call me ma'am. Isla na lang itawag mo sa akin."

"Ano'ng spell ng pangalan mo?"

"Isla. I-S-L-A." Tumango na lang ako.

Maya-maya, nag-ring na lang ang phone niya. Gulat na gulat ang kausap ko.

"Si sir, mukhang nandito na siya." Agad naman niya sinagot ang phone at lumabas ng cafeteria.


Kumusta na kaya ang bata sa bahay ni Dennis. Kapag talaga may nangyari sa kanila, papatayin ko rin siya katulad ng ginawa ni Isla.

Hmm, may plano kaya mag-asawa si Isla? Sayang naman kung hindi. 

Pero, baka priority niya ang anak niya kaya hindi niya iniisip 'yon. Malaki pa naman ang sweldo ng secretary sa company namin, parang, same lang siya ng sweldo ng accounting manager namin.


~~~


Buti na lang, share kami ng room ni Isla. Akala ko mag-isa lang ako ngayon dito sa hotel.

Bukas daw ang day 1 ng seminar, kaya pwede raw kami mamasyal dito sa Baguio.

Kaya heto, nasa lobby kami ngayon ni Isla para mag-check in. Nasa ibang hotel si sir, kasama niya kasi ang iba pang Board of Directors ngayon.

Lumapit sa akin si Isla habang hawak ang susi ng room. "Akala ko pa naman makakasama natin si sir ngayon dito. Kahit mag-lunch man lang."

"E, mukhang busy si sir ngayon."

"Hmmp, katampo. Type ko pa naman din siya."

Napalaki ang mga mata ko. Lagot, may karibal na si Sia.

"Ganoon bang lalaki ang gusto mo?"

Umupo muna siya sa tabi ko habang inaayos ang mga gamit niya. "Hmm, type lang sa physical features niya. Pero, hindi ko pa alam ang ugali no'n, e. Ayoko naman na pangit ang ugali niya, lalo na't ipapakilala ko 'yon kay Isaac."

Tumango naman ako. Pinuntahan na namin ang room dahil ihing-ihi na si Isla. Nasa second floor lang naman ang room namin kaya agad namin nakita.

Dire-diretso si Isla sa c.r. samantalang ako, napahiga lang sa malambot na single bed na 'to. Dalawang single bed ang mayroon dito, may TV na nakakabit na sa wall, may vanity dresser at mga cabinet. May aircon din dito pero, hindi ko alam kung magagamit ba namin 'yan o hindi.

Ma-a-access namin ang wifi rito kaya chineck ko na ang phone ko, baka nag-message si Dennis sa akin.

Oo, friends na kami ni Dennis. Kaloka, inunfriend na pala niya ako. Inadd ko rin ang kapatid niya, in case lang na hindi ako replyan ni Dennis.

At tama nga ako, nag-chat nga siya. Pero, picture ang sinend sa akin. Alam kong si Reinard ang kumuha ng picture na 'to. Paa na naman niya, e.

Voice record na si Dallia naman ang nagsalita. Pabili raw ng strawberry, sabi niya.

Nag-send naman ako ng picture ko para sa mga bata, tinanong ko rin kung ano ang gusto nila. Online naman ang account ni Dennis kaya sana, magreply ang mga bata.

Pero...

Siya ang nag-reply


Dennis:

Bakit ang cute mo diyan?




Dennis' POV


Bakit ko ba chinat 'yon?


Hayan, hindi na tuloy siya nakapag-reply. Kinilig ba?


Pucha.


"Papa!"

"Ow?" tanong ko na lang kay Reinard. Napatingin ako sa labas ng kwarto, hayun pala siya.

"Nag-reply na po ba si ninong Jeydi?"

Tumingin ulit ako sa phone. "Papunta na raw siya."

"Yey!" sigaw niya saka siya umalis. Ano ba ang gagawin ni Jeydan dito?


"Dennis."

"Po?"

Sumilip si Mama sa pinto. "Aalis lang kami, sasama si Ella sa amin."

"Sa'n kayo pupunta?"

Nakita kong dumaan si Ella sa likod ni Mama.

"Sasabay ako sa kanila, magkikita kami ng mga kaibigan ko."

"Ikaw muna bahala sa bahay, ha? Sasama rin sa amin ng lola mo."

"Saan nga kayo pupunta?" tanong ko nang makalapit ako kay Mama.

"Sa mall lang. Mamamasyal, ganoon."

"Hindi niyo isasama ang mga bata?"

Umiling siya. "Mag-bonding kayo ng mga anak mo habang wala pa ang mama nila." saka na siya bumaba.


Hanggang ngayon, hindi pa matanggap ng sistema ko na may mga anak ako ngayon. May kinalaman na kasi 'to sa hinaharap ko...at ni Erillia.


Samahan ko na lang ang mga bata habang wala pa si Jeydan.


~~~


Jeydan:

Pakisabi sa mga bata, malapit na ko.


"Nandito na raw si ninong Jeydan niyo."


Nahinto na lang ako sa pagbabasa ng notes ko. Bakit hindi nagsalita ang mga bata?


Tinignan ko naman sila, bakit nasa nagtatago sila sa ilalim ng hagdanan? Tumingin sa akin si Dallia, huwag daw ako maingay.


"Dennis!"

Pumunta ako ng gate para puntahan si Jeydan. Nakangiti pa ang loko sa akin ngayon.

"Ang sungit sungit mo naman, bff."

"Nandito ka kasi kaya nagsusungit ako ngayon." Pinapasok ko na siya.

Nauna na kong pumasok, nagtatanggal pa ng sapatos 'tong si Jeydan, e. Nakita ko na lang ang dalawa, nakatakip ang mga bibig nila gamit ang kamay.

Ano'ng problema ng mga 'to?

"O, nasaan ang mga inaanak ko galing future?" tanong ni Jeydan. Tumingin ako sa mga bata, umiiling sila.

"Hanapin mo raw sila."

Napanganga na lang ang loko at ngumiti. 

"Nasaan ang mga inaanak ko?" 

Hayan, naghahanap na ang loko. Pero, mukhang alam naman niya kung nasaan ang mga bata. Tingin ako nang tingin sa ilalim ng hagdanan, e. Sorry, kids.

"Nandito ba sila sa ilalim ng sofa na 'to?" Sumilip si Jeydan sa ilalim ng sofa. Ang tanga talaga maghanap nito.

"E, dito kaya sa likod ng kurtina na 'to?" tanong niya habang sumilip siya sa kurtina namin. Makapal naman 'yan kaya puwede sila magtago riyan.

"Aba, wala sila rito, bff." Kinuha niya ang bag at may nilabas na... ano 'yan?

"Kainin na lang natin ang cheese burger at chocolate, bff." Ah, 'yan pala ang laman ng paper bag na 'yan.

Tinignan ko ang dalawa, mukhang gulat na gulat sila sa narinig nila. 

"Ano, kainin na natin?" tanong niya nang inalis na ni Jeydan ang nakalabalot sa cheese burger. Ang bango.

"Mainit ba 'yan?" tanong ko.

"Mainit na mainit pa, bff."

Tinignan ko si Reinard, nakanganga na siya ngayon. Heh, ang cute niya.

"Hala, bff, 'yong chocolate."

Tumingin ulit ako kay Jeydan. "Natunaw na. Pa'no natin kakainin 'to?"

"Akin na, ilalagay natinsa freezer 'yan para tumigas."

Binigay naman sa akin ni Jeydan ang chocolate. Sakto naman na napatingin ako kay Dallia, nakatingin siya sa hawak ko ngayon.

"O, ano, hatiin na natin 'to?"

"Sige. Teka, kunin ko 'yong knife bread."

Nang makuha ko na ang knife bread, nasa dining area na si Jeydan. Kitang-kita ng mga bata ang hawak ng lalaki na 'to. Inabot ko na sa kanya ang knife bread, dahan-dahan niyang nilalagay ang knife bread sa kutsilyo. Si Reinard, parang gutso na niyang sumigaw.


"Ninong Jeydaaaaann!"

Tinaas agad ni Jeydan ang knife bread at tumingin sa kanya.

"Akin 'yan, e!" sigaw ng bata. Mukhang ayaw niya talaga na kainin namin ang cheese burger niya.

"Hindi kaya 'to sa'yo."

"Akin 'yan, ninong!" Lumapit na nga siya kay Jeydan at kinuha ang burger. Nakangiti na siya habang ngumunguya.

"Pahingi naman si ninong."

Nagdadalawang-isip pa si Reinard, pero, mukhang bibigyan naman niya si Jeydan.

"Ayaw!"


Aba.


"Hoy, Reinard!" si Dallia, "mamigay ka!"

Tumingin naman si Reinard na nasa likod lang niya, "e, mahilig din si ninong Jeydan nito, e."

"Kahit na! Mag-share kayo ni ninong!"

Humarap naman ang bata kay Jeydan at inabot ang burger.

"Pahati po, ninong."

Tumawa naman ang loko, "ano ka ba, may cheese burger din ako rito. Hindi mo na kailangan hatiin 'yan."

Lumaki ang mga mata niya, "talaga po? Yehey!"


Pagkatapos no'n, pumunta sila sa sofa, binuksan ni Dallia ang t.v. saka na sila nanood ng cartoons.


"Kain tayo, bff."

Nakita ko siya, may nilalabas sa bag niya na mga pagkain. Spaghetti, burger steak at cheese burger. Huli niyang nilabas ang fries.

"Tubig muna tayo, bff. No to soft drinks."

"Baliw, may beer dito." Papunta na sana ako sa ref nang pigilan niya 'ko.

"Water therapy muna tayo, bff. Ano ba," aniya.

"Kalma, kukuha lang ako ng tubig. Sinabi ko lang na may beer sa ref." Tumango naman siya.


Sayang.



~


"Buti na lang, umalis ang pamilya mo," sabi niya habang kumakain ng cheese burger.

"Gusto ko nga isama nila ang mga bata para naman makapasyal sila. Kaso, ayaw nila."

"E, mag-bonding daw kasi kayo."

"Kailangan ko na mag-review, Jeydan. 3 months na lang, board exam ko na."

"E, wala ngayon ang nanay nila. Teka, nasaan ba siya?"

"Nasa Baguio. May seminar daw." Gusto ko rin pumunta ng Baguio.

"Nalaman niyo na ba ni Erillia kung bakit sila nandito?"

"Hayun na nga, e." Tinignan ko muna ang mga bata, medyo malakas naman ang volume ng t.v. kaya hindi nila kami maririnig.

"May binigay na mga sulat si Dallia kay Erillia. Nandoon ang sagot."

Tumango naman siya habang umiinom ng tubig. Nabasa na ba niya ang mga 'yon?

"Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit sila nandito," aniya, "dapat pumapasok sila ngayon sa school. Dapat nakikipaglaro sila sa mga friends and classmates nila. Dapat kasama nila ang mga totoong magulang nila. Hindi 'yon ganito, parang nakakulong sila."

Tinignan ko ang mga bata. "Naawa rin naman ako sa mga 'yan. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ba nila ang sitwasyon dito."

"Baka, pinaliwanag naman sa kanila ng future version niyo ang nangyayari."

Tumingin ako sa kanya, "sa ganyan edad, naiintindihan na ba nila ang lahat-lahat? Kasi, noong bata pa 'ko, hindi ko naiintindihan ang mga problema ni Mama at Papa noon."

Hindi na siya nakasagot.

"Pakiramdam ko nga, ang mga bata ang naapektuhan sa mundo nila ngayon."

"Huh? Pa'no mo nasabi?"

"Naisip ko lang, bakit ang mga seven years old na anak namin ang pupunta rito? Hindi 'yon teenager version nila?"

"Ibig sabihin ba, mga bata ang naapektuhan? Parang, virus. Ang mga bata ang delikado kapag nahawaan sila, ganoon ba, bff?"

"Puwede nga ganyan ang nangyayari sa mundo nila ngayon," sabi ko.


Kainis, kailan ba babasahin ni Erillia ang mga sulat?




*Year 203x*

[January 18, 203x]


"Erillia."

Oo, boses na niya 'yon.

Agad naman ako bumangon sa sofa at binuksan ang pinto.

"Dennis," hayan na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na mapigilan ang umiyak.

Naramdaman ko agad ang yakap niya. "Tahan na, magiging maayos ang lahat."

Pumasok muna siya sa loob at ni-lock ang pinto. Sinigurado niya na nakatakip ang bintana namin gamit ang makakapal na kurtina.

"Tulog na ba ang mga bata?"

Tumango ako.

Tumungo siya sa dining area kaya sumunod ako. Kumuha muna ako ng baso para bigyan siya ng tubig.

"Sinabi ko na kay Davill ang balita," sabi niya nang binigay ko ang baso na may tubig, "mukhang may nabubuo na siyang plano."

"Plano?"

Tumingin siya sa akin, "may gagawin kami simula bukas. Next year siya mabubuo kaya, baka hindi ako maka-uwi araw-araw dito."

"Teka, ano bang plano 'yon, Dennis?

Huminga muna siya nang malalim at hinawakan ang mga kamay ko.

"Dennis?"


"Erillia, ang mga bata ang gagamitin namin para sa project na 'yon."


Hindi.


~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top