THREE
*Year 202x*
ERILLIA'S POV
Isang batang lalaki ang naka-upo ngayon sa cleopatra na upuan namin. Oo, pinapasok siya ni nanay dito sa loob. Kawawa naman daw, ang tirik ng araw ngayon.
"Naman, bata ka." napatingin ako sa nanay ko, inaayos niya ang pwesto ng electric fan. Tinapat niya sa bata. "Nasaan ba kasi ang magulang mo?"
"Siya po ang magulang ko!" sigaw niya habang tinuro ako. Nakatingin pa sa akin. "Ikaw 'yong Mama namin, eh!"
"Hoy, ate." bulong ni Lira. "Hindi ka naman nabuntis, ah."
"Siraulo ka ba? Paano ako mabubuntis?" sabi ko na lang. Napatingin ako sa bata na 'to. "At saka, ang laki na niya."
"Seven years old na po ako." sabi na lang ng bata habang nakangiti sa akin.
"Kita mo! Seven years old na siya. Pa'no nangyari 'yon?!" nasigawan ko tuloy si Lira. Imposible naman kasi na anak ko 'to.
"Huwag mo 'ko sigawan! Nagtatanong lang naman ako, eh!" sigaw na lang niya.
"Palagi na lang po kayo nagsisigawan ni tita L, Mama."
Hayun, may nasabi ang bata.
"Sino'ng tita L?" tanong ko.
"Tita Lira po." sagot niya tapos tinuro ang kapatid ko.
"Hala, pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" tanong na lang niya.
"Kasi po, siya ang Mama ko. Magkapatid po kayo, kasama si tito J." sagot ng bata sabay tumingin kay J na, kumakain ngayon ng ice cream. Nakita ko na nakanganga siya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan, ha? Gusto mong upakan kita?" tanong na lang niya habang hawak pa ang kutsara at nakaturo sa bata.
"Bibig mo, Julian!" sigaw ni nanay.
"Tsk. Kahit na kailan talaga, oh!" sigaw na lang ni Lira.
"Baby boy." napatingin ako kay nanay. Magkatabi na pala sila ngayon ng bata. "Ano ba ang pangalan mo?"
"Reinard po." oh, Reinard pala ang name niya. Nice.
Tumango naman si nanay. "Teka nga, may pamunas ka ba diyan sa bag mo? Kanina pa tumutulo 'yan pawis mo."
"Meron po ata nilagay si Mama sa bag ko. Wait po." sabi na lang ni Reinard tapos binuksan niya ang bag. May nilabas siya na puting bimbo at pinakita niya kay nanay.
"Heto po!" kinuha naman ni nanay at pinunsan ang mukha ni Reinard.
"Hayan, may Mama ka naman pala. Alam mo ba ang address mo?" tanong ni nanay nang matapos niyang punasan si Reinard.
"Opo. Kinabisado po namin 'yon kasi, sabi ni Papa, in case of emergency daw po."
"Sige nga, i-recite mo sa amin para ihatid ka na namin sa bahay niyo." sabi na lang ni nanay.
Pero, hindi na nakapagsalita si Reinard. Tahimik lang siyang nakatingin kay nanay.
"Bakit ayaw mong sabihin ang address mo?" tanong ni nanay.
"Oo nga boy, para mahatid ka namin." singit na lang ni J.
Umiling si Reinard. "Masyado pong malayo ang bahay namin mula rito po."
"Ano bang pinagsasabi nito?" tanong ni Lira na nasa tabi ko pa rin. "Baka hinahanap na siya ng parents niya."
Tumingin si Reinard kay Lira tapos tinuro ako. "Siya po kasi talaga ang Mama ko, tita Lira."
"Bakit mo ba 'ko tinatawag na tita Lira?! Hindi naman kita pamangkin!" at dahil sumigaw na ang kapatid ko, nabatukan ko na siya.
"Aray, ang sakit ate!"
"Bibig mo kasi!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit po ba ayaw niyo maniwala sa akin!?" hala, sumigaw na rin si Reinard.
Bigla na lang niya 'ko tinuro. "Siya po kasi. . . Siya po kasi si Mama! Ang tagal ko pong hinanap ang bahay ni lola nanay, eh! Gusto ko lang po makita si Mama! Siya nga po si Mama!"
"Hala, ate. Paiyak na 'yon bata." bulong na lang ni Lira. Hindi ko naman inaaway ang batang 'to, bakit paiyak na siya?
Naghy-hysterical na si Reinard habang umiiyak. "Bakit po ba ayaw niyo maniwala sa'kin na si. . . Erillia Patrailo ang Mama ko! Iyon po ang name ni Mama! Bilin ni Mama! Pupunta kami sa bahay ni lola nanay at lola Mama! Tagal ko pong naglakad mula sa bahay hanggang dito! Gusto ko po makita si Mama!"
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi na rin nakapagsalita ang mga kapatid ko, pati na rin si nanay. Sa pagkaka-alam ko, nasa hagdanan ang mga tita. Sumilip naman ako sa hagdan, naroroon nga sila. Nakiki-chismis sa nangyayari rito.
Ang lakas naman ng iyak nito. Baka mahirapan na siyang huminga niyan.
"Tahan na, apo. Oo."
Teka, tama ba ang narinig ko?
Nahinto na lang si Reinard sa kaka-iyak at tumingin kay nanay. "Po?"
"O, sige. Kung talagang siya ang Mama mo. . ." sabi na lang ni nanay habang tinuro ako. "Ano ang pangalan ko?"
Pinunasan muna ni Reinard ang mga mata niya gamit ang kamay bago siya sumagot. "Illi Arni Patrailo po. Wala po kayong asawa, sabi ni Mama."
"Oh my God, ate!" sigaw ni Lira.
"Hoy." si J, "Pa'no mo nalaman ang pangalan ni nanay?"
Magsasalita na sana si Reinard kaso, tinignan siya ni nanay. "Anak nga 'to ng ate niyo."
"Ha?!" tanong na lang ng dalawa kong kapatid.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Ganito na ganito ang pag-iyak ng ate niyo noong hindi kami naniwala sa kanya na nawala nga siya sa school niya noong elementary pa lang siya. May halong pagdadabog pa ang ginawa niya noon." sabi na lang ni nanay tapos tumingin kay Reinard. "At saka, kamukha niya ang ate niyo."
"Ha? Sa'n banda?" nilapitan na ni Lira si Reinard at tinignan nang maigi ang mukha ng bata.
"Hala! Kamukha mo nga ate!"
"Ha? Sa'n banda?" si J naman ang sumunod na nagtanong at lumapit din kay Reinard. Nakita ko na lang na lumaki ang mga mata ni J.
"Ay oo nga, ate! Kamukhang-kamukha mo nga 'to!"
"Huh? Sa'n banda?" oh, 'di ba? Napatanong na rin ako.
"Sa mata." sagot nilang dalawa.
Tumingin sa akin si Reinard. Hindi ko masasabi kung magkamukha ba kami sa mata dahil hindi naman ako mahilig makipag-titigan sa salamin.
Pero, 'yon buong mukha niya, medyo familiar sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging hitsura niya kapag lumaki na siya. Pero, sa tingin ko, siya ang tipikal na lalaki na cold tumingin sa ibang tao. 'Yon bang, ayaw na niya mamuhay dito sa mundo.
Pero, sana, hindi siya maging ganoon paglaki.
"Eri." Napatingin ako kay nanay. "Feeling ko, galing siya sa hinaharap."
"Galing nga po ako sa hinaharap, lola nanay." sabi na lang ni Reinard.
Teka, hindi naman nagsisinungaling ang mga bata, 'di ba?
DENNIS' POV
Paano ko ba sasabihin kay Mama 'to?
"Papa, bakit po ayaw niyo pa po pumasok?" tanong na lang ng bata sa akin. Hawak pa rin niya ang kanan kamay ko.
"Sigurado ka ba na ako ang Papa mo?"
Napakamot na lang siya sa ulo niya. "Papa naman, eh. Kanina pa po kayo nagtatanong, eh."
"Eh, kasi, imposible na ako ang Papa mo."
"Eh, kayo naman po talaga ang Papa ko."
"Anak mo 'yan, kuya?"
Napatingin ako sa kanan, si Ella pala 'to. Mukhang galing school. Nakanganga siya ngayon at nakaturo sa batang babae na hawak ko ngayon.
Naglalakad na siya papunta rito."Sino 'yan, kuya?"
"Hello po, tita Ella!" napatingin ako sa bata, kumaway ito sa kanya.
Paano niya nalaman na Ella ang pangalan niya?
Nakita ko na kumukurap ang mga mata ngayon ni Ella. Tumingin siya sa akin at huminto sa paglalakad nang makarating siya sa gate. "Kuya, kaninong anak 'yan?"
"E-ewan ko." hayan ang nasagot ko.
"Siya po ang Papa ko."
Tumingin ako sa batang 'to. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya sa amin ngayon o hindi. Pero, mukhang nagsisinungaling siya. Kasi, imposible talaga na may anak ko.
"Sino 'yan?"
Oh, shit. Boses ni Mama. Tumingin ako sa pinto at, yes. Siya nga 'yon. Nakasilip din si Papa sa pinto. May bitbit pala ako na-
"Lola Mama! Lola Papa!" bumitaw sa akin ang bata at hinila ang gate saka siya pumasok. Nakita ko na nag-mano ang bata kina Mama at Papa.
"Hoy, baby girl. Sino ka?" tanong ni Mama saka siya tumingin sa akin. "Sino 'to?"
Sasagutin ko na sana siya nang makita ko na sumilip si lola. Nasa likod siya ngayon ni Mama.
"Papa!" sigaw nang batang babae at dahan-dahan tumingin sa akin. Nakanganga siya ngayon at tinuro niya si lola.
"Lola niyo po ba 'to?" mukhang excited na excited siya sa mga nakikita ngayon, ah.
Tinignan ko si Mama at Papa, hindi ko na mabasa kung ano ang reaction nila. Tumingin ako kay Ella, nakanganga pa rin siya hanggang ngayon. Tumingin din ako kay lola, nakangiti siya ngayon sa bata dahil nakatingin ang bata sa kanya.
Pa'no ba 'to?
~~~
"Talaga? Ako ang tita mo?" masayang tanong ni Ella sa bata habang nakaupo sila ngayon sa sofa.
"Opo! Ikaw po ang the best na tita nurse namin!" sagot na lang ng bata habang nakangiti siya ngayon kay Ella. Tuwang-tuwa naman ang kapatid ko.
"Dennis."
Sa tono pa lang ng boses ni Mama, malapit na magalit 'to. Ramdam ko na ang aura niya dahil nandito siya sa likod ko ngayon.
Huminga ako nang malalim. "Ma naman."
"Ano'ng Ma naman?" tanong niya kaya lumingon na ako sa kanya. Galit na nga po siya. "Kailan ka pa nagkaroon ng anak? Bakit hindi mo sinasabi sa amin ng Papa mo?"
Tumingin ako kay Papa, nakaupo lang siya sa hagdanan ngayon. Si lola, nasa kwarto. Nagro-rosary daw siya. "Ma, hindi ko anak 'yan."
"Ano'ng hindi mo anak? Kamukhang-kamukha mo siya, Dennis." halos pabulong na niyang sinabi 'yon sa akin. "Sino ang nanay n'yan? Kailangan maka-usap namin siya."
"Mama."
"Anak, mapapatawad ka pa namin kung may nabuntis ka. Pero, ang talikuran mo ang responsibilidad mo bilang ama ng batang 'yan, hayan ang huwag na huwag mong gagawin." sabi na lang niya. "Bata pa ang naghanap sa'yo."
"Mama, imposible na magka-anak ko. Wala naman akong binuntis." sabi ko na lang sa kanya. Ayoko talaga makipag-away kay Mama, hindi hihinto ang bibig nito.
"At saka, seven years old na siya. Kaya imposible na-"
"Dennis naman! Bago ka pumasok ng college, may anak ka na?!" hayan, tumaas na ang boses niya.
"Lola Mama."
Napatingin kami sa bata. "Engineer na po si Papa bago pa lang kami ipinangak, sabi po ni Mama."
Lumapit naman si Mama sa kanya at lumuhod ito sa kanya. "Baby girl, hindi pa nag-e-exam ang Papa mo. Pero, magiging engineer siya."
Umiling ang bata. "Engineer na po talaga siya. Si tita Ella po, registered nurse na. Sabi ni Mama, siya po ang nag-asikaso sa kanya noong pinagbubuntis niya po kami."
Ano?
Napatayo na lang si Ella habang nakatakip ang bibig niya at umiling. "Ma, estudyante pa lang ako."
Lumapit na ako sa bata at lumuhod na rin sa kanya. "Ano'ng pangalan mo?" tanong ko.
"Dallia Kirsten Montengra po."
"Alam mo ba ang address ng bahay niyo? Ihahatid na kita. Or, baka may phone number ka ng parents mo, tatawagan namin." sabi ko na lang sa kanya. Hindi na biro 'to.
"Wala po akong phone number ng parents ko po kasi po, kayo po ang Papa ko. At saka po, malayo po ang bahay namin dito, Papa."
"Ano?" tanong ko na lang sa kanya. "Dallia, sabihin mo na lang ang address ng bahay niyo, please?"
"Kuya."
"Ano?" tumingin ako kay Ella.
"Hindi kaya, galing siya sa hinaharap?" baliw na ata 'to.
"Opo! Galing po akong hinaharap!" sigaw na lang ni Dallia kaya napatingin ako sa kanya, nakangiti siya ngayon.
"Pinapunta kami rito para po puntahan kayo ni Mama." sabi na lang niya.
"Kami?" tanong ko. "Sino'ng kami ang sinasabi mo."
"Kakambal ko po." sagot niya habang nakangiti sa akin. "Sigurado po ako, kasama na niya si Mama ngayon sa bahay niya."
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa batang 'to.
"Kung galing kang future, baby girl, bakit ka nandito?" tanong ni Mama sa kanya.
Nawala na lang ang ngiti niya tapos tumingin kay Mama. "Hindi ko po pwede sabihin ang dahilan, sabi ni Papa. Kailangan magkasama kami ng kakambal ko para na rin po malaman ni Mama ang dahilan."
Totoo kaya ang sinasabi ng batang 'to?
Tumingin siya sa akin. This time, hindi na talaga siya nakangiti. Ang seryoso na ng mukha niya.
Ano na ang gagawin ko?
*Year 203x*
July 31, 202x
Dear future Eri,
Shet na malagket, baket mey bete diteeeeeeeee?! Bakit nandito ang anak ko!?!?
Seryoso talaga 'to? Hindi talaga 'to joke di ba?! DI BA?!?!?
#How
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top