THIRTY TWO
*Year 203x*
"Ano'ng nangyayari?"
Hayan ang naitanong ko kay Dennis nang makarating kami sa kwarto ng mag-asawa. Dito kami pinapunta ni Jesse.
"Hindi ko rin alam," sabi ni Dennis, "pinuntahan na lang ako ni Jesse sa lab saka kami pumunta sa bahay. Hindi naman namin inexpect na tinutok ni Availla ang baril sa'yo. Mabuti na lang, dala niya ang pampatulog."
Pagkatapos, tumingin ako kay Jesse. Nakaupo siya ngayon sa kama habang pinupunasan niya ang mukha ni Availla.
Sa laki ng kasalanan ni Availla, nagagawa pa rin niyang alagaan ang dati niyang asawa.
"Nakipag-usap na ako sa Vice President, sinabi ko sa kanya ang totoo." Napaayos siya nang upo para humarap sa amin.
"Hindi ako sigurado kung may sakit na ba talaga siya sa utak. Alam kong ipapakulong siya ng vice president kapag naka-upo na siya bilang presidente—"
"Ano?"
Tumingin siya sa akin. "Hayun siya sa likod mo."
Lumingon naman ako sa likod. Isang babae ang nasa pinto, nakatingin sa amin habang nakangiti.
"Ma-madam Ledes," sabi ko.
Ledesma Roberna. Ang bise presidente ng bansang ito. Unang pagkakita ko sa kanya sa opisina, akala ko hindi ko siya malalapitan hindi dahil sa mga PSG niya. Marami talaga ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Kahit si Availla, gustong-gusto siya na maging vice president ng bansang ito. Hindi na ako nagtaka kung bakit kinuha siya ni Availla noong eleksyon.
Ano ba ang mangyayari pagkatapos niyang malaman ang mga pinaggawa ni Availla sa bansa na 'to?
"Hello, miss Eri. Kumusta naman kayo ng asawa mo?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin.
"A-ayos lang po," sagot ko saka siya nakipag-shake hands sa akin.
"Ang mga anak niyo, ligtas ba sila?"
"Opo, vice president, nasa ligtas na lugar sila," sabi ni Dennis.
Nasa nakaraan sila.
Tumingin siya sa likod namin. "Kumusta naman ang asawa mo, Jesse?"
"Natutulog nang mahimbing, madam."
"Mabuti naman," sabi niya.
Tumingin siya sa akin. "Hayaan niyo, aayusin namin itong gulo ng bansang ito. Kaya naman ligtas na ang mga—"
"Makukulong ba si Availla?"
Mahal ko pa rin ang kaibigan ko kahit ganyan ang pinaggawa niyan.
Tumikhim muna siya. "Malaki ang posibilidad na makukulong siya, miss Erillia. Malaki ang haharapin niyang kaso once na bumaba na siya sa pwesto."
Tumango na lang ako sa kanya. Alam kong hindi niya matatanggap ang makukuha niyang balita. Pero, hayun naman ang haharapin niya.
Wala na siyang takas ngayon.
"Iwan ko muna kayo."
Tumingin ulit ako kay vice president, bigla siya tumingin sa akin.
"Kung magkaroon man ng pagkakataon na maupo bilang pangulo ng bansang ito, gusto kitang imbitahan na magtrabaho sa opisina."
Uhhh...
Hindi ko na mapigilan na ngumiti sa kanya. "S-sige po, ma'am. Maasahan niyo po ako."
Lumawak naman ang ngiti niya. "Maraming salamat." Pagkatapos, umalis na siya ng bahay na ito. Wala naman second floor 'to kaya kita namin na nakalabas na siya.
"Sigurado ka ba na safe ka rito?"
Napatingin ako kay Dennis nang tanungin niya iyon kay Jesse.
"Baka bigla na lang may sumugod dito tapos patayin 'yan asawa mo," dagdag pa niya.
"Marami naman mga securities dito. Nagpa-request na rin ako kay madam na magpadagdag ng security dito sa village namin."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Tumingin pa siya sa akin.
"Safe na ang mga bata. Pwede na sila makalabas."
"Mabuti naman." Hayan na lang ang nasabi ko.
Pwede na sila makauwi rito.
Tahimik lang kami ni Dennis habang nagmamaneho siya. Napatingin ako sa labas, wala akong nakikitang mga tao. Kada kanto or street, may kotse ng pulis. Kung hindi pulis, ambulansya.
"Alam na kaya nila na si Availla ang pasimuno ng mga 'to?" tanong ko habang nakatingin pa rin ako sa paligid.
"May kumakalat na balita na si Availla. Pero, may iba naman na ayaw maniwala na si Availla ang gumawa dahil malabo niyang gawin 'yon."
Napatingin ako kay Dennis. Hayan din ang akala ko noon.
Nakita ko ang pagpula ng traffic light. Huminto ang kotse at tumingin sa akin. "Wala na tayo magagawa ngayon. Marami na nadamay na mga bata dahil sa kabaliwan niya. Ang importante, ligtas na ang mga anak natin."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Inandar na lang niya ang kotse nang mag-go ang traffic light. Huminto na lang ito sa tapat ng bahay namin.
"Kuha lang tayo ng mga damit saka kita ihahatid kay nanay," sabi niya nang makapasok kami sa bahay.
Nahinto ako sa paglalakad papuntang kusina nang sabihin niya iyon, lumingon naman ako sa kanya. "Saan ka pupunta?"
Huminto siya sa pag-akyat. "Doon muna ako sa lab."
"Bakit?"
"Kailangan ko na paghandaan ang pagbalik ng mga bata. Sino ulit ang susundo sa kanila?"
"Si J." Tumango naman siya saka siya umakyat sa taas.
Sana man lang sumabay siya sa akin na kumain. Pero, naiintindihan ko naman 'yon na kailangan niyang bumalik. Baka naghihintay na ang mga anak namin kay J.
Naglilinis na lang ako rito sa kusina. Medyo madumi kasi nang umalis kami rito. Rinig ko na ang mga yabag mula sa hagdanan.
"Kapag may nangyari, tawagan mo ako agad—"
Nahinto ako sa pagpupunas nang nilingon niya ang katawan ko sa harap niya at dinikit ang labi ko sa labi niya.
Ugh, kailan ba ang huling naka-halikan ang asawa ko? Bago pa ata niya sabihin na may time machine silang nabuo.
Labi niya ang unang bumitaw saka niya hinawakan ang pisngi ko. "Miss na miss na miss na kita, Eri."
'Yon puso ko, teka!
"Miss na rin kita. Kung alam mo lang kung gaano kahirap na matulog mag-isa, lalo na ngayon."
Tumingin ako sa kanya, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Malapit na matapos 'to, Eri. Magkasama na tayo matulog, magkasama na tayong kakain."
Hindi ko na kaya, niyakap ko na ang asawa ko. Heto muna ang kailangan ko para ipagpatuloy sa paghihintay sa mga anak namin.
"I love you."
"I love you, too." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
Ako na ang unang kumawala sa pagkakayakap sa kanya, tinignan ko siya nang maigi. Pagod na pagod na ang loko.
"Pag-uwi mo, gawa tayo ng baby," sabi ko.
Napalaki naman agad ang mga mata niya. "Seryoso ka talaga sa sinabi mo noon?"
Malugod akong tumango sa kanya.
Hinalikan niya ulit ako, pero this time, nakikipag-torrid kiss na ang asawa ko.
Bago pa lumaganap ang init sa katawan ko, ako na ang unang bumitaw sa halikan namin. "Dennis!"
"Shit, sorry. Hindi ko na mapigilan," aniya.
Niyakap ko na lang ang asawa ko. "Gusto ko na rin gawin. Pero, pupunta ka ng lab 'di ba?"
Tumango naman siya. Tinignan ko ulit ang gwapo kong asawa.
"Saka na natin ituloy 'to kapag maayos na talaga, okay?"
"Okay po, ma'am." Nakangiti siya sa akin nang sabihin niya iyon. Kinuha niya ang backpack na, nasa dinning table at dumiretso na sa pinto.
"Tumawag ka kapag may nangyari, ha?"
Lumingon naman siya sa akin at tumango. "Tumawag ka rin kapag may nangyari, ha?"
Natawa na lang ako, gaya-gaya talaga. "Opo!"
Sinundan ko siya hanggang sa makalabas na siya ng gate. Pagkatapos, nag-lock na ako ng gate at pinto. Magpapasundo na lang ako kay Maia kapag tapos na ako rito, tumingin ako sa wall clock dito, six na nang gabi.
~~~
"Malapit na namin matapos ang portal, konting test na lang ang gagawin para malaman namin kung safe ba 'yon o hindi."
Tumango na lang ako kay Dennis nang sabihin niya iyon habang nasa loob kami ng kotse. Sinundo niya ako sa bahay ni nanay kaninang alas-sais nang umaga. Pumasok pa siya sa kwarto para lang gisingin ako.
Kung hindi kami kasal nito, malamang nagtago na ako sa kahihiyan dahil sa dami ng laway na natulo sa unan ko.
"Bakit kaya tayo pinapapunta ni Jesse sa bahay niya?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam. After natin doon, mag-almusal tayo."
Nang sabihin niya iyon, sakto ang pagtunog ng tyan ko. Alam kong narinig niya kaya natawa ang loko.
"Oo. Mag-almusal tayo," hayan na lang ang nasabi ko.
Pinasok naman kami agad ng security dito, ine-expect na darating kami. Nang makarating na kami sa bahay nila, isang katulong ang nagbukas ng gate sa amin saka kami pinapasok.
Bumukas ang pinto, si Jesse ang bumungad sa amin. "Good morning."
"Good morning din," bati namin sa kanya nang makapasok na kami sa loob.
"Kanina pa gising si Availla. Kaya ko kayo pinapunta rito, gusto ko sana na kausapin mo siya, Erillia."
Lumingon ako kay Jesse. "A-ako?"
"Oo. Ikaw lang naman ang natitira niyang kaibigan dito, e."
Natitirang kaibigan?
Kung sa bagay, naging kaibigan ko rin naman 'yon. Totoong kaibigan.
"S-sige, puntahan ko na lang siya sa kwarto," sabi ko.
"Safe ka naman dito sa bahay lalo na sa kwarto niya. No guns, no knives or any harmful objects na pwede niyang ipambato sa'yo," sabi ni Jesse.
"Huwag mo na lang i-lock ang pinto para madali kami makapasok," bilin pa ni Dennis.
"Sige."
Naglakad na ako papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Hindi ko alam ang mga sasabihin ko kapag nakaharap ko na siya.
Bahala na.
Binuksan ko na ang pinto at sumilip sa kama nila, nakita ko lang na magulo ang kumot. Wala roon si Availla. Saan kaya siya nagpunta?
Lalabas na sana ako ng kwarto nang may napansin ako sa vanity dresser niya.
Teka... ano 'tong...
Paa?
H-hindi.
Si Availla ba 'tong... hindi.
"Dennis!"
Paa pa lang nakikita ko. Pero, baka hindi si Availla 'to. Hindi niya iisipin na gagawin niya iyon.
Hindi. Hindi siya iyon.
"Eri! Ano'ng—shit!"
Bigla na lang ako niyakap ni Dennis na hindi nakatingin sa mga paa na 'yon. Nasa likod niya si Jesse na... nakanganga ngayon dahil sa nakita niya.
"A-availla!"
Nang sumigaw si Jesse, hindi ako pinaharap ni Dennis. Hawak lang niya ang ulo ko habang nakayakap sa kanya.
"Ano'ng nangyayari?"
"Huwag mo na alamin, lumabas muna tayo."
Habang palabas kami ng kwartong 'to, ilang security na ang pumasok ngayon sa kwarto nila. Hindi pa rin niya binibitawan ang ulo ko hanggang sa makarating kami sa kotse.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
Binitawan niya ang ulo ko pero hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.
"Uwi muna tayo, Dennis."
"Sige, uuwi na tayo," naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"Please, uwi na tayo, Dennis."
Isang security ang tumawag kay Dennis. Hindi ko alam kung ano'ng pinag-usapan nila dahil sa gate sila nag-uusap.
"Thank you!" sigaw niya saka siya tumingin sa akin, "pinapasabi ni Jesse na tatawag siya sa atin kapag naayos niya ang mga nangyari sa bahay."
Tumango na lang ako sa kanya. Inalalayan niya akong ipasok sa passenger seat.
Kung nangyari iyon ngayon, handa na ba ang batang Availla sa mangyayari sa kanya?
Sana may himalang mangyari kung mag-iiba man ang takbo ng buhay ko kapag naka-uwi na ang mga bata rito.
*Year 202x*
ERILLIA'S POV
"Awww! May family picture na rin sila!
Napatingin ako kay Binnie nang isigaw niya iyon. Hawak niya ang phone ko ang nakatingin sa picture naming apat no'ng nasa amusement park kami last week.
"Ang mga bata ang may gusto niyan, hindi ako."
"Hay naku, gusto mo rin naman. And, I think gusto rin ni Dennis."
Tumingin ako nang masama kay Maia nang maidala na niya rito ang baked cookies niya.
"What?" tanong niya saka siya umupo sa tabi ni Binnie.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"
"Yeah. For remembrance na rin 'yon."
"Remembrance."
Seryoso talaga siya sa sinabi niya? Nakakaloka.
"Anyway, ano'ng ginagawa ng mga bata ngayon?" tanong ni Binnie.
"Hayun, nandoon sila sa family ni Dennis. Alam kasi nila na malapit na matapos 'yon project kaya—"
"Awww! Uuwi na sila?"
"Oo. Kailangan na nilang umuwi. One year na silang nandito."
Pero, parang nabitin ako sa pag-stay nila rito.
"Pahiram naman ng mga bata bukas."
Napatingin ako kay Maia. "Ano na naman ang gagawin mo?"
"Arcade. Don't worry, safe na safe naman sa amin ang mga bata," sabi niya.
"Oo nga. At saka, naging busy lang kami sa trabaho kaya hindi na kami nakakapag-bonding sa mga future inaanak namin," sabi pa ni Binnie.
Pagbigyan ko na lang, tutal, sila naman ang mga ninang ng mga 'yon.
"Okay, sige. Pagsabihan ko na lang ang mga bata mamaya kapag naka-uwi na ko."
Nag-yehey na ang dalawa. "Kaya, mag-relax ka muna ngayon. Manood na lang tayo ng movie," sabi na lang ni Binnie saka niya in-on ang T.V. dito.
Tama, magre-relax muna ako. Hehe.
~~~
"Bakit ka ba nagmamadali?!"
Hindi ako sinagot ni Sia. Payapa lang naman akong naglalakad papuntang office nang hilahin niya ako pagkatapos, tumatakbo kami ngayon. Buti na lang hindi ako naka-heels!
"Si sir Jesse kasi!"
"Oh? Ano'ng meron kay sir Jesse? Close ba kayo?"
"Gaga! Basta!"
Nakapasok na kami ng office. Huminto lang kami sa pag-scan ng ID namin saka kami tumatakbo. Hindi kami dumiretso sa elevator pero nakarating kami sa...
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya nang mahinto kami sa visitor's lounge.
"Makikisagap tayo ng chismis."
Tumingin ako sa kanya habang naghahabol siya ng paghinga. "Ang aga-aga, Sia."
Tumingin naman siya sa akin pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
"Gaga, nandito raw ang fiance ni sir Jesse. Titignan lang natin kung maganda ba o hindi."
Fiance?
Shit ka! Si Availla ba ang tinutukoy niya?!
"Hayan na pala sila."
Dahan-dahan akong tumingin sa tinuro ni Sia. May mga tao na sumalubong nag pagbukas ng elevator.
At... bwiset!
Si sir Jesse at Availla nga. Hindi sila magka-holding hands pero, parang nag-uusap sila.
Akala ko ba hindi niya itutuloy ang arranged marriage nila?
Shit, pa'no na 'yon mga bata?
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top