THIRTY
*Year 202x*
ERILLIA'S POV
Inannounce ni sir Jeorgio na nandito si sir Jesse sa office. Hayun pala, dito siya magwo-work. Hindi lang ako sigurado kung araw-araw ba siya nandito o hindi. Kaya heto, may pa-welcome party ang mga staff sa kanya, saglit lang naman 'yon.
Tumugma ang nasa sulat, ka-officemate ko ang mapapangasawa ni Availla. Or, baka mali ako? Pero, sinabi naman ni sir sa akin noong Christmas party na si Availla ang magiging asawa niya.
Eh! Ang mahalaga, malapit na sa akin si sir Jesse. Kailangan ko lang i-confirm na si Availla ang magiging asawa niya. As in, confirm na confirm talaga.
Siguro, kailangan ko rin kausapin si Availla. Baka kasi, hindi pa niya alam tungkol dito.
"Eri, ano ba."
Lumingon ako kay Sia, may bitbit pala siya na mga papel. "Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman lumilingon sa akin."
"Ay, sorry." Kinuha ko naman sa kanya ang mga papel na... ako ata ang nakisuyo na kunin sa table ng HR namin.
"Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin naka-move on kay sir Jesse?"
"Hindi naman."
"E, bakit ganyan ang hitsura mo? Parang, may gusto kang sabihin sa kanya kanina habang ini-introduce siya ni sir Jeorgio."
Hinintay ko muna na maka-upo siya. "Wala naman."
"Wala naman? Utot mo, Eri."
"Wala nga."
"Okay. E 'di wala, wala." Humarap na lang siya sa kanyang monitor at sinimulan na niya ang work.
Ano na ba ang dapat kong gawin?
"Alam mo, may kumakalat na tsismis dito, ah."
Lumingon ako kay Sia, busy pala siya sa pagta-type. "Ano na naman ang tsismis?"
"About do'n sa ano ni sir... sa magiging asawa niya."
Oh no.
"Mukhang legit na nga 'yon arranged marriage ni sir Jesse."
"Mukhang tuloy?"
"Oo." Huminto siya saka lumingon sa akin, "business matters kuno ang dahilan kaya may kasal na magaganap."
"Tingin mo ba, gusto ni sir Jesse 'yon?"
"Feeling ko, ayaw niya ng gano'n. Lalo na kung mapapangasawa niya, galing sa pamilya ng pulitika. My god."
Tumango na lang ako sa kanya. Hindi ako pwede magpahalata na interesado ako kay sir Jesse. Interesado lang naman ako sa kanila dahil sa mga bata.
Kapag ba pinigilan ko ang kasal nila, maso-solve na ba ang issue sa future? Or baka mas lalo lumalala kapag umuwi na ang mga anak ko. Malamang, issue 'yon sa future at sa present time namin. Baka mawalan pa ko ng trabaho kapag ginawa ko 'yon.
Ano ba naman 'to? Pwede ko bang malaman kung ano'ng mangyayari kapag pinigilan ko sila na magpakasal? As in, sa mismong simbahan.
Ay kaso, baka mabaril ako roon dahil sa family ni Availla. Scandal pa ang mangyari sa akin. Hay.
"Phone mo ata ang nag-vi-vibrate, Eri."
Nang makita ko ang phone na nasa tabi ng keyboard, chineck ko kung sino ang tumatawag.
CALLING: AVAILLA C.
Jusko, heto na siya.
"Hello?"
~~~
"Hindi ka ata busy ngayon."
"Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makipagkita sa'yo," sabi niya pagkatapos niyang inumin ang frappe. Strawberry frappe ang inorder ko, sa kanya naman ang chocolate.
Hinintay niya talaga ang out ko sa office. Mabuti na lang, dala niya ang laptop nang pinuntahan ko siya rito. At least, nakapag-work naman siya.
"Salamat, ha?"
Nahinto ako sa pagsubo ng strawberry cheese cake. "Salamat saan?"
"Nagkaroon ka ng time para makipagkita sa akin. Wala ng oras 'yon iba kong colleagues after we graduation. E, no'ng may free time sila, ako naman ang hindi available."
Tumango ako. "Ayos lang 'yan. Magkakaroon din kayo ng sched in future. Huwag mo isipin na, ayaw nila sa'yo, 'no."
"I know, Eri." Tumingin naman siya sa akin, "e kayo ng mga college friend mo? Nakakaroon ba kayo ng time para mag-get together?"
"May time pa naman para makipag-kita, oo."
Lol, 'yon mga bata kasi ang dahilan kaya sila nakikipagkita sa akin.
"Hindi talaga ako okay ngayon, Eri."
"Sige, go. Magwala ka, Availla. Papanoorin kita," sabi ko saka ako ngumisi.
"What do you—no! Hindi pwede, Erillia."
Natawa ako sa hitsura niya, teka. "Alam mo..."
"Alam mong hindi ako pwede sa public kapag inuman."
"Alam ko. Alam ko. Natatawa lang kasi ako sa hitsura mo ngayon. Hahahhaha!" Hayan, napalakas na ang tawa ko. Bahala na kung titigan ako ng mga tao rito.
"Soon. Sa private area tayo mag-inuman. Of course, 'pag may time na us."
Doon na ako nahinto sa pagtawa. "E, bakit hindi ka okay ngayon?"
"Do you remembered, in our college days, of course no'ng Pol Sci student ka. We hate reading love stories about fixed marriage. Naalala mo 'yon?"
"Oo naman. Bakit?"
Mukhang alam ko kung saan papunta 'to, ah.
Napabuga na lang siya ng hangin. "Last month, nag-uusap sina Mama at Papa. Gusto nila makipag-negotiate sa mga Pasucua. You know, partnerships."
"Tapos?"
"Narinig ko sa usapan ni Mama at Papa na, gusto nila ako ikasal sa anak ng Pasucua. Sa pagkaka-alam ko, nag-iisang anak lang 'yon."
Wait, ano ba ang surname ni sir Jesse?
"Nakilala mo na ba 'yon?" tanong ko nang ininom ko ang frappe.
"Jesse Pasucua ang pangalan niya."
Shit. Shit. Shit. Kumalma ka, Eri! Kailangan hindi niya malaman na kilala mo si sir Jesse.
Gumawa ka ng paraan!
"Gusto mo ba?"
Umiling siya.
My god! Ganyan!
"Alam mo..." napaayos pa ako nang upo. "Kaya mong tumanggi sa kanila."
"Hindi ako tumatanggi sa kanila, Eri."
"E, 'di ngayon ka tumanggi sa gusto nila, Availla. Hindi ka na bata, isa ka ng governor sa lugar niyo. Sila lang ang makikinabang sa yaman ng kabilang pamilya after niyo ikasal. Hindi naman sila ang magsu-suffer kung 'di, ikaw. Or kahit 'yon... Jesse na 'yon. I'm sure, hindi naman din papayag 'yon."
"P-pa'no ko sila tatanggihan, Eri? Sila kasi ang—"
"Alam kong sila ang magulang mo, Availla. Nagpakain sa'yo, nagpa-aral sa'yo, nag-alaga sa'yo," pinutol ko na ang sasabihin niya. "Pero, matanda ka na. Sa ganyan edad, ikaw na ang magdesisyon sa buhay mo, hindi na sila."
Hindi na siya nakasagot.
"Natatakot ka pa rin hanggang ngayon sa kanila?"
Tumango siya sa tanong ko.
"Matakot ka kung hindi mo na nagagawa ang mga gusto mong gawin once na sinunod mo ang utos nila."
Dahil kapag sinunod mo ang utos nila, matatakot na ang buong bansa sa magiging desisyon mo sa pagpatay sa mga bata.
"H-hindi pa naman nila sinasabi sa harap ko," sabi niya.
"Freedom mo ang nakasalalay dito, Availla. Baka nga, heto na ang huling pagkikita natin kapag nangyari iyon."
Tama ba na sabihin ko 'yon?
"No! Ayoko! Mag-iinuman pa tayo, 'di ba?"
"E, hayun naman pala. Kapag sinabi na ng parents mo about fixed marriage, tanggihan mo na agad."
"E, paano kapag pinagpilit pa nila?"
"Huwag ka umattend ng kasal niyo. Kung pinapilit pa nila, mag-divorce agad kayo after ng kasal."
Nang sabihin ko 'yon, saka na siya napatawa nang malakas. Kung anu-ano pa ang pinagkwentuhan namin hanggang sa umabot na kami ng 8:30.
Kumaway ako sa kanya sa parking nang nakasakay na siya ng van. Kanina pa raw naghihintay ang bodyguard niya sa kanya.
Mukhang close na close ang bodyguard kay Availla, ah.
Yiee.
Hala, wait.
Ay, hindi. Sabi sa sulat, Christmas party ko makikilala ang asawa ni Availla. So, si sir Jesse nga 'yon dahiiiil sinabi niya na si Availla ang magiging asawa niya...
Tama, tama. Very good, very good ka Erillia.
Nahinto ako sa paglalakad papuntang terminal nang mag-vibrate ang phone ko. Si Dennis.
"Bakit?"
[Nandito kami sa bahay, ah.]
"Okay. Kumain na ba—"
[Dito ako matutulog, ha?]
"Ha? Teka, teka. Saan bahay..."
[Bahay mo.]
Ano ba 'to? Bakit malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon? Hindi naman siya takot.
[Erillia.]
"Ah. Okay, sige. Pero, baka hinahanap ka sa lab."
[Nagpaalam naman ako. At saka, gusto ng mga bata pumunta sa amusement park this coming weekend sana. Kaya ba ng sched mo?]
"Weekend? Libre naman ako ng weekend."
[Walang pasok ang Mama niyo sa sabado!]
[Yehey!] boses ng mga bata ang narinig ko.
[Nakabili na ko ng ticket online. Hihiramin ko na lang ang kotse ni sir para makatipid tayo sa pamasahe. Siya na raw bahala sa pang-gas]
Teka, apat kami na pupunta sa amusement park? As in... apat kami? Lang?
[Ayos ka lang diyan?]
"Ah. Oo, ayos lang ako." Sakto naman may jeep na dumaan, bakante pa.
"Pasakay na ako. Pasabi sa mga bata, kumain sila ng dinner kasi may pasalubong ako sa kanila."
[Okay. Ingat ka, Erillia,] sabi niya saka inend ang call.
Hala. Ba't gano'n? Madami naman nagsasabi no'n pero kinilig ako sa kanya?
Eh! Bwisit ano ba!
*Year 203x*
"Nasaan ang mga anak mo, Erillia?!"
"Walang kinalaman ang mga anak ko sa buhay mo!"
"I don't care. Nalaman nila na ako ang nagpa-utos no'n!"
"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit ba—"
"Bakit? Naiintindihan mo ba ako, ha? Paano mo ko maiintindihan kung masaya ka naman sa buhay na mayroon ka ngayon, Erillia."
Nakatutok sa akin ngayon ang baril niya. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa bahay namin.
"N-naging mabuting asawa mo naman si Jesse, ah."
"No! He cheated on me! Nagkaroon pa sila ng anak ng secretary niya!"
"Pinakinggan mo na ba ang side niya, Availla?" mahinahong tanong ko. Iyak siya nang iyak ngayon habang dahan-dahan ako umaatras papunta sa kusina.
"For what? Para matanggap ko na may anak siya sa labas? Samantalang hindi niya ako mabigyan ng anak, gano'n ba, Eri?!"
Kainis, paano ako hihingi ng tulong ngayon? Medyo kampante pa ako dahil nasa nakaraan ang mga bata.
"Siguro, ikaw ang nagpakalat ng balita tungkol sa akin, 'no? That's why you immediately resign, tama ba?!"
"Wala ako pinagsabihan, Availla. Ni hindi ko sinabi sa mga anak ko ang narinig ko sa office mo."
"So, nasaan nga ang mga anak mo? Gusto kong sabihin mismo sa harapan nila na ako ang bumaril sa kaklase nila."
"Putangina. Kriminal na kriminal ka talaga, Availla."
Ngumisi pa siya, "I know, Eri. Kaya isusunod ko ang pamilya mo para luminis ang pangalan ko sa publiko!"
Bigla na lang may bumukas sa main door ng bahay namin, kaya lumingon si Availla. Kinuha ko agad ang kutsilyo para may pang-depensa ako. Agad ako naglakad papunta sa kanya at...
"Itigil mo na 'to, Availla!"
Malapit ko na maabutan ang buhok ni Availla nang marinig ko ang boses ni Jesse.
"Shit. You're here."
"Ano'ng sa tingin mo ang ginagawa mo, ha!?" Agad naman siya lumapit kay Availla at ibinato ang baril sa labas.
"Tingin mo malilinis ba ang pangalan mo kung itutuloy mo ang pagpatay sa kanya?" galit na tanong niya.
"Why? Isa ba si Erillia sa mga babae mo?"
"Wala siyang kinalaman sa away natin. Dinamay mo na ang buong bansa dahil lang sa galit mo sa akin!"
"Bakit?! Ilang babae na ba ang nakantot mo mula nang magpakasal tayo, ha!? Ilang anak na ba ang mayroon ka na hindi ko alam, Jesse? Ano!?"
"Tumigil ka na."
"Sumagot ka!" Pinapalo na ni Availla si Jesse habang umiiyak siya. Nambabae ba talaga 'tong si Jesse?
Maya-maya, may nilabas na syringe si Jesse. Tinanggal niya ang takip at tinusok niya sa leeg ni Availla. Dahan-dahan na sa pagtigil sa iyak si Availla hanggang sa mawala siya nang malay.
Binuhat naman 'yon ni Jesse saka siya lumingon sa akin. "Nasa loob ng kotse ko ang asawa mo. Sumama kayong dalawa sa bahay."
Ha?
Sige, sumama ka Eri. Kasama mo naman si Dennis kaya safe ka.
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top