THIRTEEN


*Year 202x*

ERILLIA'S POV


Madaling-araw na akong naka-uwi rito sa Manila. Hindi ko nasabi kay Dennis kung ano'ng oras ako uuwi. Nawala rin sa isip ko dahil may dapat akong gawin.


Kailangan mabasa ko na ang mga sulat na binigay sa akin ni Dallia.


"O, ate, ang aga mo naman makabalik."

Dire-diretso lang akong pumasok ng bahay. Tinignan ko ang wall clock namin, 4:30 a.m. pa lang.

"Pinuntahan mo na ba ang mga anak mo kay Dennis?"

Umupo ako sa hagdanan para magtanggal ng sapatos, "mamaya 'nay. Susunduin ko sila."

"O, sige, pahinga ka muna." Sakto naman na tapos na ko mag-alis ng sapatos, umakyat na 'ko sa 'taas bitbit ang mga gamit ko. Mukhang dala ko pa ata ang mga strawberry at mga jams nila.


Naka-lock ang pinto, meaning hindi umuwi si Lira. Kitang-kita ko na nasa living area natutulog si Julian. Kinuha ko agad ang susi mula sa bag para mabuksan.


Tinago ko sa drawer ko ang mga sulat. Inabot ni Dallia sa akin iyon na nakaplastik. Bago ako umalis, tinago ko nang maigi sa drawer ko kasama ang iba pang mga importante na documents lalung-lalo na ang mga sulat ko para sa future.


Sulat ko para sa future?


Nang makuha ko na ang plastik, napa-upo ako sa kama. Tumayo ulit ako at pumunta sa pinto para i-lock, baka kasi may biglang pumasok dito at maki-chismis tungkol sa mga sulat.


Dilaw na papel ang laman. Hindi ko matukoy kung matagal na ba ang mga sulat na 'to. Pero, galing sa hinaharao ang mga 'to. Nakatupi lahat ang mga 'to, hindi ko alam kung ilang piraso ang mga 'to. Hindi ko nga alam kung alin ang uunahin ko.


Pero, nakita ko na kung paano.


(1)


Lahat ng papel, may number. Mukhang sunud-sunod ang mga 'to. Kaya naman, inuna ko na 'tong basahin.


(Jan. 18, 203x)


Hindi ko alam kung bakit kailangan ko magsulat dito. Natatakot ako. Ayoko ilayo ang mga anak ko sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan sila ang dalhin sa nakaraan namin ni Dennis. 

Ayoko madamay ang mga bata.




Teka, wala ako maintindihan. Kulang pa.


(2)

(Jan. 19, 203x)

Unting-unti na nawawala ang mga bata sa village ni Sia. Nagkataon lang ba o totoo ang narinig ko galing sa kanya?


(3)

(Jan. 20, 203x)

Kung siya nga ang may pasimuno ng mga 'to, kailangan na kumilos ni Dennis about sa project nila. Ayoko mamamtay ang mga anak ko.


(4)

(Jan. 25, 203x)

Tama nga ako, si Availla ang may pasimuno nito.



Availla? As in 'yon naging classmate ko no'ng college?


(5)

(Jan. 26, 203x)

Kung pupunta ang mga bata sa nakaraan namin. Kailangan maipadala ko 'to kay Eri at Dennis.


(6)

(Jan. 29, 203x)


Eri,

May masamang nangyayari sa bansa natin. Si Availla ang naging presidente ngayon. Siya ang dahilan kaya maraming bata ang nawawala ngayon at the same time, siya rin ang nagpapatay. Inaalam ko pa ang dahilan kung bakit niya ginagawa 'yon.

Nagtatrabaho ako ngayon sa President's Office as accountant, siya ang nagpasok sa akin nang maging presidente na siya.



Hala, bakit gagawin ni Availla 'yon? Mas mabait pa nga siya kaysa kay nanay. Bakit ang mga bata ang dinadamay niya?


(7)

(Feb 1, 203x)

Alam ko na ang dahilan. Dahil lang namatayan din siya ng anak. Gusto niya gumanti. Gusto niya ubusin ang mga bata na makikita ng mga tauhan niya. Hindi ko alam kung bakit hindi nalalaman ng mga pulis 'yon. Hindi ko alam kung isusumbong ko na ba o hindi. Alam kong mapapahamak ang mga anak ko kapag ginawa ko 'yon.

Ginagawa na ni Dennis pati ang mga kasama niya ang project kaya hindi siya umuuwi rito.

Ang problema ko ngayon, hindi ko maipaliwanag sa mga bata ang nangyayari. Madaling-araw ko na 'to sinulat. Sana naman, mamayang umaga, wala ako mabalitaan sa t.v. na may natagpuan na bangkay ng isang bata.

Hayun ang palaging nababalita sa t.v. kaya hindi ko na binubuksan, kahit gusto manood ni Dallia ng t.v., hindi ko talaga pinapabuksan.


(8) 

(Feb 10, 203x)

Muntikan na makuha ang mga anak ko.

Mabuti na lang nakita ni Janice ang mga bata sa daan. Pakiramdam ko, nakilala ni Availla ang mga bata dahil minsan ko na siya pinapunta sa bahay, nagkataon na nandoon ang mga anak ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpa-suspend na sila ng pasok dahil sa nangyayari. Nawawala na rin ang mga kaklase ng mga anak ko. 

Iyak nang iyak si Dallia sa takot. Mabuti na lang, dito natutulog si Ella para ma-comfort siya. Si Reinard, madaming sugat ang nakuha niya nang makita sila ni Janice. Mabuti na lang din, doktora siya. Kaya niya gumamot.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.


(9)

(Feb 13, 203x)

Nag-resign ako. 


(10)

(Feb 18, 203x)

Alam na ng mga bata ang nangyayari. Isang taon na ang nakalipas. Hindi na rin naka-uwi si Dennis. Pero, tumatawag pa naman siya sa akin. Tine-test na raw nila ang machine. Ayaw niya ako papunta sa project area nila. 


(11)

(Apr. 15, 203x)


Eri,

Pinaalam ko na kay nanay at sa magulang ni Dennis ang mangyayari sa mga bata. Pumayag naman sila.

Kailangan na nila pumunta sa nakaraan namin. Tumawag ang isa sa mga naging ka-trabaho ko, hinahanap nila sina Dallia at Reinard.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa mga anak ko.

Nandito kami ngayon sa bahay ni nanay. Kasama pa naman namin ang anak ni Lira. Mabuti na lang, safe siya nanganak dito sa bahay. Salamat talaga kay Janice.


(12)

(Apr. 21, 203x)

May bali-balita rito.

May pumupunta sa bawat bahay, nagtatanong kung may nakatira ba na mag-asawa. Kung nalaman nila na meron, inaalam nila kung may mga anak ang mag-asawa.

Akala ko, tsismis lang 'yon. Kaso, nangyari na sa lugar ni Binnie. Mabuti na lang, single pa siya. Plano pa nila ng fiance niya na next year sila ikasal. Kaso, mukhang mau-udlot.

Hindi ko alam kung may pupunta rin ba rito. Itatago lang namin ang mga anak ko at anak ni Lira kung dumating man sila rito.


(13)

(May 2, 203x)

Malapit na matapos ang testing ng machine sabi ni Dennis.

Kung mapunta man sa'yo si Reinard, please lang, bilhan mo siya ng mga art materials. Hayun ang gusto niyang gawin habang wala si Dallia sa tabi niya. At the same time, para na rin makalimutan niya ang nangyari sa pagkuha sa kanila noon.

Si Dallia naman, panoorin mo lang ng cartoons sa t.v. Please lang, manonood siya na suot ang salamin niya. Baka kasi mahilo siya kapag wala siyang suot na salamin. Para naman hindi siya umiyak nang umiyak habang wala si Reinard sa tabi niya.


(14)

(May 3, 203x)

Gusto ni Dallia ang chocolate. Kahit ano'ng klaseng chocolate; biscuit, drinks, ice cream, kahit tinapay pa 'yan, kakainin pa rin niya. Pero, painumin mo ng maraming tubig 'yan. Baka ubuhin siya.

Si Reinard, cheese burger. Kung may work man kayong dalawa, pasalubungan niyo siya ng cheese burger.


(15)

(May 4, 203x)

Mamasyal kayo kapag nagkita kayo ni Dennis, ha? Halos isang taon na naming hindi namamasyal ang mga batang 'to. Dalhin niyo sila sa arcade, malapit sa simbahan sa lugar ni Dennis. Pero, wag kayo magpapakita kay Availla. Madalas siya pumunta sa lugar na yon. Okay?


(16)

(May 18, 203x)

Eri, pigilan mo si Availla na tumakbo sa kahit ano'ng position sa gobyerno. Please. Sana mabasa mo 'to bago pa siya manalo.


(17)

(May 19, 203x)

Kung hindi mo siya mapipigilan, gumawa ka ng paraan para hindi sila magkakilala ng asawa niya ngayon. Ka-officemate mo siya...


Officemate? Ako ba ang tinutukoy nito or kay Dennis? Wait, wala pa naman work ngayon si Dennis, ah.


Nahinto na ko sa paghahalungkat ng mga sulat dahil tumunog ang phone ko. Text ni Dennis.


Dennis:

Nasaan ka na?


Aba, marunong pala mag-text 'to. Hay, gusto ko na makita ang mga bata.


Me:

Papunta na ko diyan.


Tinago ko na lang ang mga sulat. Kailangan malaman na ni Dennis ang mga nabasa ko.


Wait, sasabihin ko na ba sa kanya? Malamang, kailangan ko na sabihin sa kanya ang mga nabasa ko. Kainis, gusto kong umidlip pero, gusto ko makita ang mga bata.


Kaya mo 'yan, Erillia.



*Year 203x*

[January 17, 203x]


"Ate Eri, gising na."

Agad naman ako bumangon at tinignan ang tabi ng kama namin, wala nga pala si Dennis ngayon.

"Ate, ayos ka lang?"

Lumingon ako kay Ella. "Ano'ng oras na?"

"Ano, five na ng umaga. Gigisingin ko na ba ang mga bata?"

"Ako na lang," sabi ko saka ako tumayo para magtiklop ng kumot, "wala kang pasok?"

"Mamayang tanghali pa, ate." Nakita ko siya na binuksan ang side drawer ni Dennis.

"May nangyayari ba na hindi maganda ngayon, ate?"

Nahinto ako sa pagtiklop ng kumot at tumingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa hawak niya na charger.

"Isang araw ka pang ganyan," aniya.

"Pa'no mo nasabi?"

Sumilip muna siya sa labas, sinarado ang pinto at umupo sa kama. "Hindi ko sinasadya na mabasa 'yon chat ni miss Sia sa'yo about sa presidente."

"Alin do'n?"

"Siya ba ang nagpa-utos na patayin ang bawat bata na nabubuhay dito?"

Tama lang ba na magsabi ako sa kanya?

Napabuntong-hininga na lang ako. "Hindi pa ako sigurado kung nagkataon ba ang mga nangyayari ngayon."

"Ate, one week na nangyayari 'to. Natatakot na 'ko para sa mga pamangkin ko." Nang sabihin niya iyon, unting-unti bumibilis ang tibok ng puso ko.

Magsasalita na sana ako nang makarinig kami ng katok mula sa pinto. Bumukas naman 'yon, sina Reinard at Dallia ang sumilip.

"Mama."

"Oh, good morning mga pamangkin!" agad naman tumakbo ang mga bata papunta kay Ella, may dala pala silang mga towel.

"Good morning po, tita Ella!" bati nila habang nakayakap sila kay Ella.


Ano ba ang dapat kong gawin?


"Maligo na kayo," sabi ko sa kanila kaya naman agad sila kumawala kay Ella, "ako na ang maghahatid sa inyo."

"Yehey!" sigaw nila sabay tumakbo papunta rito at niyakap ako. Yumakap naman ako sa kanila. 


Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi dapat ako matakot dahil kasama ko pa ang mga bata, nandito pa sila sa bahay. Nandito si Ella para magbantay sa kanila. Mamaya, darating naman sina J at Lira para magbantay sa mga 'to. Ayokong pumasok sa office, pero, kailangan kong pumasok.


Kailangan ko ng sagot. Pero, paano? Saan?


"Mama," napatingin ako kay Reinard, "ayos lang po kayo?"

"Kailan po uuwi si Papa?" tanong naman ni Dallia.

Tumingin muna ako kay Reinard at ngumiti sa kanya. "Ayos lang si Mama, don't cha worry."

Sumunod naman kay Dallia. "Mamayang gabi tatawag sa atin si Papa. Gugustuhin man niya umuwi pero, hindi niya puwede iwanan ang project nila."

Napakurap na lang ang mga bata.

"Hala, pati si Papa po may project po?"

"E, pumapasok po si Papa sa school?"

Nakakatawa naman ang mga 'to. Alangan naman sabihin ko about sa work niya, hindi naman nila maiintindihan 'yon. "Oo, parang gano'n na nga, 'di ba tita Ella?" 

Tumingin naman ako kay Ella, nakangiti na rin siya. "Oo, mga pamangkin. Kaya naman, maligo na kayo. Si Mama ang maghahatid sa inyo."

Tuwang-tuwa naman ang mga batang 'to. Alam ko naman na gusto nila na ako, or kahit si Dennis, ang maghatid sa kanila papuntang school. Mas nakakapaglaro sila kapag silang dalawa lang compare sa school service nila.

Nang makalabas na ang mga bata sa kwarto, tumingin si Ella sa akin. "Ate, magiging maayos din ang lahat, okay?"

Tumango naman ako. "Natatakot ako, Ella."

"Kitang-kita ko nga sa mukha mo kanina no'ng niyakap mo ang mga bata," aniya.

Napadako ang aking tingin sa book shelve kung saan naka-display doon ang mga picture namin. Nakatuon ng akin pansin ang dalawang solo picture ni Dallia at Reinard na nasa amusement park kami. 

Katabi no'n, picture nilang dalawa na naka-uniform sila. Makalat ang mukha ni Reinard dahil sa water color samantalang si Dallia, may hawak na medal. Hayan ang unang medal na nakuha niya sa Math contest sa school nila.

Ayoko sila mawala. Kung nababaliw ako ngayon dahil wala si Dennis sa tabi ko, paano pa ang mga anak ko?

"At dahil hindi ka okay," napatingin ako kay Ella, "ako na ang magpe-prepare ng breakfast natin."

"Aba, kailan ka pa natuto magluto?"

Napanganga na lang si Ella. "Aba naman, ate, hindi ako katulad ni kuya, 'no. Mas maayos ako magluto kaysa sa kanya. Napatunayan ng mga bata 'yon!"

"Hindi ko alam kung dapat ba ako magtiwala sa magiging resulta ng luto mo, Ella."

"Grabe ka naman sa akin, ate. Nag-improve na ako."

"Na hindi ka na kakasunog sa pag-prito ng hotdog?" tanong ko, "isang pirasong hotdog?"

Agad siya tumayo nang matuwid. "Oo, 'no! Kaya naman ako ang maghahanda ng breakfast natin ngayon." Lumabas na siya ng kwarto at naririnig ko ang mabibigat niyang pagka-apak sa hagdanan.


Hay naku po, Ella.



~~~


"Si tita Lira ang magsusundo sa inyo mamaya, ha?"

"Opo," nang sabihin nila 'yon, sabay silang lumapit sa akin at kiniss ako sa magkabilang pisngi.

"Oh, ako rin. Kiss ni tita Ella."

Lumapit sila kay Ella at binigyan ng kiss sa cheeks. Kumaway kami sa kanila habang sila, tumatakbo papasok sa loob ng gate kasama ng iba pa nilang mga classmate habang bitbit ang mga bag nila.

"Uwi muna ako sa bahay, ate."

Napatingin ako kay Ella. "Hatid na kita."

"E, 'wag na. May dadaanan pa kasi ako sa kaibigan ko bago ako umuwi." Agad naman siya kumaway sa akin at naglakad na papalabas ng school.

"Good morning po, ma'am Eri."

Agad naman ako lumingon nang may bumati sa akin. "Good morning din po, teacher Emerald."

"Ma'am naman! Teacher Ems po ang itawag niyo sa akin," aniya.

"Ay, sorry po."

Ngumiti naman siya sa akin. "Naku, mabuti naman po kayo na po ang naghahatid sa kambal. Delikado na po kasi talaga ang panahon ngayon."

Nawala na lang ang aking ngiti dahil sa sinabi niya. Pati pa ba rito, may mga nawawalang bata?

"Last month po kasi, may pamilya na nagpunta rito. Hinahanap sa amin ang anak niya. Hindi ko naman hawak 'yon pero nasa elementary department siya. Tatlong araw na raw nawawala."

Hindi pwede 'to.

"Hindi ko na alam kung ano'ng nangyari sa pamilya na 'yon. After no'n, hayan na ang nangyari," sabi niya tapos may tinuro siya sa main gate ng school. Mga nanay na naka-upo sa waiting shed.

"Nababalitaan kasi rito na may kumukuha sa mga bata ngayon. Kaya naman, ayaw nila na magpa-school service ang mga anak nila."

Ang dami nila naka-upo ngayon sa waiting shed.

"Kahit naman kaming mga teacher, natatakot na rin para sa kanila."

Napatingin ako kay teacher Emerald. "Ano na kaya ang nangyari sa batang 'yon?"


Dennis, ano na ang gagawin natin?


~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top