SIXTEEN


*Year 202x*


DENNIS' POV


Sino si Logan?


"Papa, laro po tayo."


Napatingin ako kay Dallia, may hawak siya na dalawang dice.

"Kayo muna maglaro ni Reinard. Aba, teka." Napatingin ako sa orasan, ala una na pala.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Sabay po kami matutulog ni Mama sa kwarto ni tita, kasi po may aircon po ro'n," sabi ni Dallia. Naghuhugas pala ng pinggan si Erillia ngayon.

"O, sige. Hintayin niyo matapos si Mama na maghugas tapos matulog na kayo, ha?"

"Opo." Tugon nilang dalawa tapos bumalik na si Dallia sa tabi ni Reinard.


Komportable na talaga ako na tawagin akong 'Papa' ng mga 'to. Ang sarap lang pakinggan sa tenga lalo na kapag magsasabi sila ng 'Mama' at 'Papa'.

E, si Erillia kaya, natutuwa kaya 'yon kapag tinatawag siyang Mama?

Sana dinala sila rito, baby pa lang sila. Para naman makita ko kung paano sila lumaki. Kailan ba ulit ang birthday nila?

"Kailan birthday niyo?"

Sabay silang tumingin sa akin at ngumiti. "December 24 po."


Hala, bukas, December 1 na. Tapos, hindi pa sila nakaka-uwi sa panahon nila.


"Tara na, akyat na tayo."

Napatingin ako kay Erillia, basang-basa ang damit habang nakatali pa ang buhok niya. Nahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Problema mo?"

"Wala." Tinignan ko na lang ang isang papel na galing sa future, "ang sungit."

"Ha?"

"Matulog na kayo." Tinignan ko ang dalawang bata, nililigpit na pala ang laruan nila. Buti na lang, nalilibang sila rito bukod sa manood ng t.v. Nag-aalala talaga ako sa mata ni Dallia, e.


Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, binuklat ko na ang sulat na 'to. Mukhang si Erillia ang nagsulat.


Feb. 18, 203x

Dennis,

Kung nababasa mo 'to, ibig sabihin, alam mo na ang nangyayari sa mundo na 'to. Kung hindi pa nakukwento ni Eri, basahin mo na lang ang mga sulat.

Sinabi mo sa akin na kilala mo ang nagmamay-ari ng time machine na gagamitin niyo para sa mga bata. Naging professor niyo siya no'ng college ka pa. 

Nakita mo na rin ang time machine na muntikan na matapos, naka-stuck lang sa garahe ng professor niyo. Si sir Logan Sarmento ang taong 'yon. Hindi ko alam kung naalala mo pa siya dahil kinuwento mo na, isang beses mo lang siya naging prof dahil nag-subsitute lang siya sa klase niyo.

Patay na siya ngayon, Dennis. Pero, may copy na inabot sa akin ang asawa ko. Hayan ang blueprint na natagpuan niyo sa garahe sa bahay nila.


Blueprint?


Ah, heto. Akala ko letter din kasi ang dami. May sketch, materials na ginamit at procedures.


Pucha, ano'ng gagawin ko sa mga 'to? Baka may pinapautos sa akin.


Kailangan niyo siyang hanapin ngayon. Lima kayo na nag-aayos niyan dito. Hindi ko kilala ang tatlo, pero, si Davill ang isa sa mga kasama niyo ngayon sa pag-aayos.


Davill? Kilala ba niya si sir Logan?


Napatingin ako sa phone na naka-charge ngayon malapit sa TV. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang sitwasyon ko ngayon.

Mapagkakatiwalaan ko naman siya. Tuwing may project, siya lagi ang gusto kong makasama kasi nagagawa namin nang maayos ang project at thesis noong college pa lang kami.

Kung isa siya sa kasama para mabuo ang time machine sa future, kailangan kasama ko rin siya sa pag-aayos ng time machine rito?

Pero, sino 'yon iba naming kasama?

Takte, tatawagan ko na lang siya.



~~~


"Di ba dapat, nagre-review ka ngayon?"

Hayan ang naitanong niya nang binigay sa akin ang taro milk tea. Wintermelon ang flavor ng milk tea niya.

"Nagrereview naman ako. Kaso, bantay ko pa rin ang mga bata."

"Mga bata?" Tumango ako sa kanya habang siya, shina-shake ang inumin tapos tinusok na ang straw, "kaninong mga bata 'yan?"

Pucha, sasabihin ko na ba? Ano kaya ang iisipin nito?

"Mga anak ko, siyempre."

Bigla na lang napa-ubo ang loko. Lumabas pa ang inumin sa butas ng ilong niya. Dugyot talaga 'to.

"Ta-tangina, teka." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang ilong. Buti na lang, hindi niya binuga sa harapan ko. Kung hindi, masasapak ko 'to.

"M-mga anak mo, Dennis?"

Tumango ako sa kanya habang nakangiti. "Pa'no ka nagka-anak? At ano'ng sabi mo, 'mga anak ko'? Tama ba?"

Tumango ulit ako habang nakangiti. "Tangina, Dennis. Kailan ka pa nagkaroon ng anak? E, hiwalay naman kayo ni Pirala, 'di ba?"

"Wala naman nangyari sa amin," mahinang tugon ko. May iba pa palang customer dito. Buti hindi kami naririnig dahil medyo malakas ang music dito.

"E, sino'ng ang ina ng mga 'yon? Si Janice?"

"Gago, walang nangyari sa amin ni Janice."

Nakakunot ang noo niya ngayon. May dumi pa siya sa labi. "Ilan taon na ba ang mga anak mo?"

"Hmm, seven years old sila. Ay, hindi, magbi-birthday na pala sila sa December 24. Bale, eight years old na sila next month."

Mas lalo siya napanganga ngayon habang nakakunot pa rin ang noo niya. "Sabay sila magbi-birthday? Ibig sabihin..."

"Yup, kambal ang mga anak ko. Babae at lalaki."

"Aba naman, Dennis. Sa tagal nating magkasama, ngayon mo lang sinabi sa akin na may anak ka na pala. Alam na ba ni Jeydan 'yan?"

"Ay, oo. Alam na alam niya. Sa katunayan, ilang beses na siya bumibisita sa bahay para lang makipaglaro sa mga bata."

"Kailan ka pa naging ama? High school pa lang tayo?" tanong niya tapos uminom ulit siya ng milk tea.

"Galing sila sa hinaharap, Davill."

Nahinto siya sa pag-sip ng milk tea.

"May pinapagawa sa akin ang future version ko. Kailangan makagawa tayo ng time machine para makabalik ang mga bata sa present time nila," mahina kong sinabi 'yon dahil dumadami na ang mga tao rito.

"F-future? T-time machine?"

Tumango ako sa kanya. "May kilala ka bang Logan Sarmento? Naging prof daw natin 'yon. Pero, hindi ko naman naalala kung sino siya."

"Sir Logan?" tanong niya nang nilapag niya sa lamesa ang milk tea, "ah, oo. Naalala ko siya. Naging substitute teacher natin 'yon. Kaso, no'ng nag-sub siya, absent ka no'n."

"Bakit ba ako absent?"

"E, nalaman mong substitute teacher natin siya kaya hindi ka nagpakilala sa kanya."

Tumango naman ako. Naalala ko na. "May time machine siya na binuo ngayon. Kaso, hindi naman daw gumana."

"Time machine? Alam mo, parang may binibiro siya sa amin noon na, pwede siya makapunta sa hinaharap kasi may malaking flashlight na nakatago sa garahe niya."

"Ganyan! Ganyan na ganyan ang sinabi sa sulat!"

"Gago, 'wag mo ko sigawan." Nang sabihin niya 'yon, tinignan ko ang buong paligid, may iba na nakatingin sa amin ngayon.

"Ano bang meron?"

Tumingin ulit ako sa kanya. "Kailangan natin paganahin ang time machine niya. Kaso, hindi ko alam kung paano siya hahanapin ngayon."

"Bukas, pupunta ako ng school para kunin ang records ko. Tanungin natin si ma'am Amel kung may number ba siya kay sir Logan."


Tumango naman ako sa plano niya.


"Pero, Davill."

"Hmm?" Kinuha niya ulit at milk tea at uminom.

"Huwag na huwag mong ipagkakalat sa iba na may pumunta rito galing sa hinaharap, ha?"

Tumango siya. "Hindi ako magsasalita, Dennis."

"Tulungan mo kami na ibalik ang mga bata sa hinaharap."

"Sabihin mo nga," binalik niya sa lamesa ang inumin, "sino ba ang mama nila? Nakilala mo?"

Feeling ko, kilala niya ang babae na 'yon.


"Si Erillia. 'Yon babaeng naghahabol sa akin no'ng college pa lang tayo."


Hayan, napanganga na lang ang loko.



*Year 203x*

[January 25, 203x]


"Papasok ka pa rin sa trabaho, ate?"

Nahinto ako sa pag-aapply ng lipstick at tinignan ang buntis na 'to mula sa salamin ng vanity dresser ko. "Kailangan kong pumasok, Lira. Kailangan, malaman ko na kung siya ba talaga ang may pakana ng lahat."

Napabuga na lang siya ng hangin habang hinahaplos ang kanyang tyan. 8 months na siyang buntis pero heto siya, gumagala sa bahay ko.

"Baka kung ano ang gawin sa'yo ro'n, ate."

Tinapos ko muna ang pag-a-apply ng lipstick saka ako humarap sa kanya. "Hindi naman nila malalaman kung ano ang intensyon ko sa kanya."

"Kahit na," aniya, "presidente 'yon. Kaya ka niya patayin kahit naging kaibigan mo siya noon."

Hindi ko alam kung pagsisihihan ko ba na tanggapin ang offer ni Availla na magtrabaho sa government. Maganda naman ang benefits para sa amin. 


Kaso, kung ganito lang pala ang kapalit, kailangan ko na lumayo.


"Ikaw muna bahala rito, ha? Uuwi ba ang asawa mo?"

"E, oo. Susunduin ako mamaya kapag naka-uwi ka na. Si J, sa dorm matutulog kasi may thesis siya na tinatapos."

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto, kasama si Lira. Inalalayan ko pa na bumaba ang buntis.

"Ingat ka, ate." Tumango na lang ako sa kanya nang maisara ko ang gate.



~~~


"Nakakatakot talaga ang mundo ngayon."

"Ay, sinabi mo pa. Kaya hindi ko pinapalabas ang mga bata after nila sa school, e."

"Ay, ako? Pinababantay ko sa mga yaya ang mga 'yan. Kahit nasa school pa sila, kailangan sila ang susundo sa mga anak ko."

"Bakit ba kasi ang padami na nang padami ang mga nawawalang bata?"

"Walang kwenta talaga ang pulis ngayon, e 'no?"

"Ay, tama. Sinabi mo pa."


The more nila pinag-uusapan ang tungkol sa nawawalang bata, hindi pa rin matatapos ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ako makapag-type sa computer. Wala pang lunch break para naman makalanghap ako ng hangin sa labas.


"Eri?"

Lumingon ako sa pinto, si secretary. "Tawag ka ni Madam."

"Madam?"

"Madam President. May ipapaabot lang siya sa'yo. Uhh, gifts ata para sa inyo."


Si Availla.


"Ay, hayan ang gusto ko kay Madam. Namimigay ng gifts."

"Hindi kasi siya nakapagbigay sa'tin no'n Christmas party natin kaya mukhang babawi sa atin ngayon."

"Mukhang gano'n na nga, kasi sa ibang department, namigay din siya," sabi ng secretary saka ulit siya tumingin sa akin, "halika na."

"Ah. Sige."


Nakaka-inis. Ayoko siyang harapin.



~~~


Hinintay ko muna lumabas ang mga PSG niya bitbit ang mga nakabalot na regalo. Sumilip ako sa loob nang maka-alis na ang mga PSG, may kausap sa phone habang palakad-lakad siya.

In fairness, mukha na siyang presidente ng bansang 'to dahil sa suot niya.

Sakto naman na lumingon siya sa pinto, ngumiti siya sa akin sa ako pinapasok sa loob. E, sumunod na lang ako.

Tinuro niya ang sofa saka kami umupo. Nilagay na niya sa side table ang phone nang matapos na siya makipag-usap. "Sorry, hindi ako nakapagbigay sa inyo ng regalo."

"Ayos lang, Avs. Ay, pwede bang gano'n ang itawag ko sa'yo?"

Ngumisi siya, tumayo siya at sinara ang pinto. "Hayan, pwede mo na kong tawagin Avs."


Ngumiti ka na lang Erillia.


"May ibibigay ka raw sa amin, sabi ng secretary mo."

"Ay, oo. 'Yon mga nakabalot na gift na nakita mo, para sa inyong lahat 'yon. May mga pangalan 'yon kaya 'yon secretary ko na lang mag-di-distribute."

"Nahuli naman ata ang pa-regalo mo sa amin."

Natawa na lang siya. "Pasensya na. Naging busy talaga ako no'ng December. Nakalimutan ko nga na kailangan kong magbigay sa inyo ng Christmas bonus."

"Huh? Bukod pa sa 13th month pay namin? Binigyan naman kami ng Christmas bonus, ah." Isa kasi ako sa nag-asikaso no'n bago mag-Christmas leave.

"Personal na money ko 'yon, Eri. Kaya, Christmas bonus niyo na rin 'yon," mahina niyang sinabi 'yon.


Bakit namimigay 'to ng pera? Last year, hindi naman siya ganyan, ah.


"Ikaw mag-distribute sa departmenr niyo, ah. Sinabi ko na rin sa manager niyo kanina. Namigay ako sa ibang department, kanina, 'yon manager ng HR department ang kausap ko."

Tumango na lang ako sa kanya habang nakangiti. "Ang bait mo naman, Avs."

"Bumabawi lang ako sa inyo dahil tinulungan niyo kong lahat no'n eleksyon." Bigla na lang siya tumayos at pumunta sa desk niya.

"May ibibigay din ako sa mga anak mo, Eri."


Hala.


Pinakita niya sa akin ang dalawang paper bag, isang blue at isang pink. "I'm sure magugustuhan nila 'to, swear."

Pinipilit kong itago ang panginginig ng mga kamay ko. Tumayo ako para kunin ang hawak niya. "Matutuwa ang mga 'yon kapag nalaman nila na ikaw ang nagbigay nito."

"Ay, huwag mo sabihin na galing sa akin ang mga 'yan."

"Bakit?"

Ngumiti siya. "Baka ipagkalat ng mga anak mo sa school na galing sa akin ang mga 'yan. Makwento pa nila sa mga magulang nila, you know. Tsismis."

Natawa na lang ako, para na rin mawala ang panginginig ng mga kamay ko.

"Siya, sige na. Balik na ko sa trabaho. Aayusin ko na ang pa-Christmas bonus mo, madam."

Sakto naman na nag-ring ang phone niya. "I-announce mo sa kanila, ha?"


Tumango na lang ako habang naglalakad sa pinto. Nang mahawakan ko na ang door knob, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Malapit ko na saraduhin ang pinto nang makita ko si Availla, nakatalikod habang may kausap sa phone.


"Simulan niyo na sa mga taong may anak dito. Binigay ko na sa'yo ang listahan ng may dependent. Ten years old pababa, ha?"


Sabi na nga ba. Siya ang may pasimuno.


Dahan-dahan kong sinarado ang pinto. Buti walang tunog ang nagawa ko. At wala rin tao sa hallway.


Lahat kami madadamay sa gagawin niya. Kailangan matapos na ni Dennis ang project nila.


~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top