SIX

*Year 202x*

Erillia's POV

"Ano ba naman 'to, Reinard! Ang kalat mo!"

"Hindi po ako nagkalat, Mama! Si tito J po 'yon!"

"Ano'ng ako? Ate, anak mo ang nagkalat ng mga 'yan!"

"Tse! Pare-parehas lang kayo makalat!"

Kainis, gusto ko na magpahinga. Tapos, mga kalat nila ang naabutan ko sa kwarto namin ni Lira. Puro crumbled papers at bote ng orange juice ang nagkakalat dito. Buti hindi uuwi ngayon si Lira, kundi, bingo na naman ang mga 'to sa kanya.

Nakita ko na lang ang dalawa, si Reinard may kung ano'ng ginagawa sa sketchpad na binili ko noong isang araw. Samantalang si J, naglalaro sa cellphone niya. Parehas pa sila na nakahiga sa mattress namin. Buti hindi puti ang nabili ni nanay kundi, mahirap labhan.

"Alam niyo," Tumingin silang dalawa sa akin, "bumaba muna kayo, ha? Gusto ko maglinis."

"E, Mama! Dito muna me!" sigaw ni Reinard habang tinaas pa ang lapis niya.

"Bumaba kayong dalawa! Isa!" Hayun, agad naman tumayo ang dalawa at lumabas sila ng kwarto. Salamat naman.

Kinuha ko ang basurahan namin dito sa kwarto at nag-umpisa na ako magpulot ng mga kalat nila. Bakit ba kasi hindi marurunong magtapon ng basura ang mga 'to? 

Maiintindihan ko pa kung si Reinard ang nagkalat. Kaso, nandito si J, 16 years old na siya. Gosh, dapat siya ang nagpapakita ng pagiging disiplinadong bata kay Reinard. Kaso, matigas din pala ang ulo no'n.

Teka, ano 'to?

Hindi siya naka-crumbled, nakaipit lang siya sa mga libro ko. Mukhang sulat ni Reinard.

"Mama, bakit po ganoon ang hitsura ni tito J?" nakunot na lang ang noo ko after ko basahin ang nakasulat dito. Ano ba kasi ang hitsura ni J in the future?

May iba pang papel na nakaipit pa sa libro ko. Sulat nga ni Reinard. Ang ayos naman niya magsulat para sa isang seven years old. Nagagawa kong basahin.

"Mama, gusto ko na po umuwi."

"Mama. Nasaan po si Dallia?"

"Nasaan po si Digie? Hindi ko na po siya nakikita kasama si Janitt."

"Mama. Gusto ko po ng burger, sabi ni Papa, bibilhan niya po ako, eh."

May dahilan naman kaya siya napunta rito kasama si Dallia, 'di ba? Pero, bakit hindi pa niya masabi-sabi sa akin?

Two weeks na nandito si Reinard. Sakto rin na kaka-sweldo lang, hindi ko alam kung manlilibre pa ba ako or gagamitin ko na lang 'yon pambili ng mga gamit ni Reinard habang nandito pa siya?

Or, pwede naman both. 

Tinago ko na lang sa loob ng cabinet ko ang mga papel na sinulat ni Reinard. Saka ko na lang ibibigay ang mga 'to sa kanya kapag hinanap na niya. Baka kasi, importante ang mga 'to pag dating ng araw.

Tinuloy ko na lang ang pagliligpit ko nang tumunog ang phone ko. When I checked it, si Binnie ang tumatawag.

"Oh, hello?"

[Eri! Available ako bukas! Punta ka?]

"Weh? Available ka ba talaga para sa akin or kay BJ?"

[Loka, para sa'yo, siyempre. One year na tayo hindi nagkikita, eh.]

"Tamang-tama, kaka-sweldo ko pa naman. Libre kita."

[Ayiee! Ililibre na ako ni Eri! So, saan tayo? Ay, hindi. Dito na lang sa bahay, hindi pala ako makakalabas.]

"Dahil ba kay tita?"

[Hindi naman. May hinihintay lang kami na parcel. Bukas pala ang dating no'n. Okay lang?]

"Of course."

Sabihin ko na ba sa kanya about Reinard?

"Binnie."

[Ah? Ano 'yon?]

Tumingin muna ako sa pinto, nakabukas pala. Bago ko isara, sumilip muna ako, mukhang lahat sila nasa living room ngayon.

"May ipapakilala ako sa'yo bukas."

[Ha? Sino? Boyfriend mo?]

"Gaga, wala akong boyfriend. Baka anak, meron."

[Huh? Ano'ng anak ang pinagsasabi mo, ha?]

"May anak ako. Dumating siya rito sa bahay."

[Eri, kailan ka pa nagka-anak? Imposible naman 'yan sinasabi mo. Paano siya nakarating diyan sa bahay niyo?]

"Basta, makilala mo ang anak ko. See you tomorrow." Ako na ang nag-end ng call at tinuloy ang pagliligpit ng mga kalat rito.

Anak.

'Di nga? Magulang na ba talaga ako? Feeling ko, parang nag-aalaga lang ako ng kapatid. Dahil ba hindi ako nabuntis? Hindi ako naghirap sa pangangak?

Ergh! Ano'ng feeling ba ng nabuntis? Parang, sine-stretch ba ang tyan, gano'n? Awkward naman kung itatanong ko kay nanay.

E, ano pa ang paglabas ng bata? Paglabas nga ng tae, hirap na hirap ako sa pag-ire, bata pa kaya?

Tsk, heto na naman ako sa kakaisip ng kung anu-ano.

Paano na ang magiging takbo ng buhay ni Reinard dito? Dapat hindi siya nandito sa panahon ko. Dapat kasama niya si Dallia. Dapat kasama namin ang Papa nila.

Kasi nga! Hindi ko alam kung sino ang Papa nila. Ang arte naman kasi, bakit ba ayaw sabihin ni Reinard? Paano ko hahanapin si Dallia ngayon?

Bwiset, tumigil ka na, Eri. Walang mangyayari sa'yo kapag nag-isip ka pa ng ganyan.

~~~



"A-anak mo 'yan?"

Tanong ni Binnie habang nakatingin siya kay Reinard. Hindi pa niya kami pinapasok sa loob ng bahay niya.

"Di nga? Pa'no nangyari 'yon!?" tanong pa niya.

"Hi po, ninang Binnie."

Lumapit si Reinard sa kanya. Kinuha ang kaliwang kamay para magmano sa kanya. Nakita ko na lang na nakanganga pa rin si Binnie sa kanya.

"N-ninang mo ako?" tanong niya habang tinuro ang kanyang sarili.

"Opo. Ninang po namin kayo," sagot ng bata.

"May kapatid pa siya, Binnie." Tumingin si Binnie sa akin, "Dallia ang pangalan ng kakambal niya."

"Ha?!"

"Binnie!" sigaw ni tita, 'yon Mama ni Binnie, "bakit hindi mo pa sila pinapapasok?"

"Pwede ba siya pumasok?" tanong pa ni Binnie sa akin.

"Malamang! Baliw ka." Pagkatapos kong sabihin 'yon, pinapasok naman niya kami.

"Eri, tagal mo na hindi nakakapunta rito, ah." bati na lang ni tita sa akin saka ako nagmano sa kanya.

Bigla na lang kinuha ni Reinard ang kanan kamay ni tita saka siya nagmano.

"Aba, napakabait naman nitong kapatid mo, Eri."

Lumaki lalo ang ngiti ko sa kanya. Hindi ko ine-expect 'yon, ah. Pero, pwede na rin na magkapatid ang tingin sa amin.

"Pasensya na po kung dito ko dinala si Reinard. Wala po kasi siya kasama sa bahay ngayon."

"Naku, okay lang. Delikado maiwan ang bata sa bahay na mag-isa." tumango naman ako sa sinabi ni tita.

"Pwede po ako mag-wee wee?" tanong na lang ni Reinard kay tita.

"Ay, aba. Sige. Wee wee ka roon." Tinuro naman ni tita kung nasaan ang cr, which is nasa likod lang namin. Kaya naman, tumakbo naman siya.

"Ilan taon na ba 'yang kapatid mo, Eri?" tanong ni tita.

"Ah, e, seven years old po."

Tumango na lang si tita. "Sige. Mag-enjoy kayo rito. At ako'y pupunta lang sa kwarto." saka na umalis si tita.

"Eri," tumingin ako kay Binnie, "nandiyan na 'yong parcel namin pati 'yon pagkain."

"Pagkain?"

"Oo, nagpa-deliver na lang ako. Bayaran mo na lang me, okay?" sabi na lang niya sabay ngumisi. Mukhang, alam niya na kung kailan ang pay day ko, ah!

Kumatok ako sa pinto ng c.r. "Reinard, sa labas lang kami ni ninang Binnie mo, ha?"

"Opo!"

"Anak mo nga siya, Eri."

Napatingin ako kay Binnie, "pa'no mo nasabi?"

"Duh, magkamukha kayo." Tinuro niya ang mga mata ko pati ang pisngi ko. "Diyan kayo magkaparehas."

Siyempre, hindi ko alam ang sasabihin ko. Lumingon-lingon na lang ako sa paligid namin, nasaan na ba ang pagkain namin?

"Paano mo pala nahanap 'yon?"

Tumingin ako sa kanya. "Siya ang nakahanap ng bahay namin."

"Ano'ng ginagawa niya rito?"

"Hayan ang gusto kong alamin, Binnie. Kaso, hindi raw pwede sabihin kasi hindi pa niya kasama ang kapatid niya."

"Ha? May kapatid pa siya?"

Tumango ako, "Dallia ang pangalan ng kapatid niya. Nasa puder siya ng Papa niya ngayon."

"Sino nagsabi niyan sa'yo? Si Reinard?" 

Tumango ako sa sinagot niya. "Two weeks na siyang nasa bahay. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari."

"E, malay mo naman, may himalang mangyayari."

"Katulad ng. . .?"

Tinignan ko siya, nakanganga lang siya ngayon sa akin. Maya-maya, tumingin siya sa likod ko at may tinuro.

"Kotse ba 'yan ni Availla?"

Sinundan ko naman ang darili ni Binnie kung saan 'to nakaturo. Naka-park ang isang itim na van sa isang bangko. Hindi ko alam kung hayan ba talaga ang kotse ni Availla.

"Hayan si Availla!"

Sumilip ako sa pinto ng bangko, lumabas nga roon si Availla kasama ang mga bodygurard niya. Dali-dali siya pumasok sa loob ng van, kasama ang mga bodyguard niya at agad ito umalis.

"Teka. . ." tumingin ako kay Binnie, "pa'no mo nakilala si Availla?"

"Ha? Ano ka ba, sikat na 'yan si Availla sa school natin."

"Pa'no naging sikat? E, hindi mo naman naging kaklase 'yan."

"Malamang, siya ang president ng Supreme Student Counsil ng school natin." 

Bakit nakakalimot na ako?

"Heto na pala ang pagkain, Eri." Tumingin na lang ako kay Binnie, nandiyan na pala ang delivery food namin. Fries, burger at milktea ang laman ng plastic bag na inabot sa akin.

"May cheese burger ba rito?" tanong ko habang papasok na kami sa loob.

"Oo. Favorite mo 'yan, 'di ba?"

Tumango ako. "Favorite namin ni Reinard." 

Yup, he likes cheeseburger. Kaya, kada uwi ko, kailangan may dala akong cheese burger. Kundi, hindi ako kakausapin. Well, 20 pesos naman ang pinakamurang cheese burger rito kaya, okay lang na bilhan ko siya.

"Eri."

Tumingin naman ako kay tita nang mapasok na kami sa loob.

"Nasaan si Reinard?"

 Dennis' POV

Sabay-sabay kami kumakain ng hapunan ngayon. Magmula nang sinigawan ko si Dallia, hindi muna ako lumabas ng kwarto. Hindi rin kami okay ni Ella dahil sa ginawa ko sa pamangkin niya.

Tinignan ko sina Dallia at Ella, masayang-masaya sila sa kinakain nila ngayon. Si Mama kasi ang nagluto ng burger steak. Nalaman kong favorite pala ni Dallia 'yon kaya hayun ang ni-request niya.

Dalawang linggo na kami hindi nagpapansinan ng mag-tita na 'to. Ayos na rin 'yon, makakapag-focus ako sa pag-re-review.

"Dallia. . ."

Tumingin naman si Dallia kay Mama. Tsk, sauce ng burger steak sa ilong niya.

"Nagustuhan mo ba ang luto ni lola Mama?"

Tumango naman si Dallia habang nakangiti siya. "Mas masarap po kaysa sa luto ni Papa sa amin sa bahay."

Tsk.

"Hay naku. . ." Tinignan ko si Ella, "hindi talaga masarap magluto ang Papa mo, Dallia."

Tumingin naman ang bata kay Ella, "masarap naman po. Kaso, the best pa rin po kay Mama kapag burger steak ang uulamin namin po."

"Dennis, punasan mo ang ilong ng anak mo." bulong ni Papa sa akin.

Wala akong makitang pamunas rito. Napansin ko na lumapit rito si Dallia sa tabi ko. Hindi siya nakangiti sa akin. Pinunas ko na lang ang ilong niya gamit ang kamay ko.

"Dahan-dahan lang sa pagsimot ng sauce, ha?" bilin ko sa kanya. Ine-expect kong sasagutin niya ako pero, tumango lang siya. Saka na siya bumalik sa upuan niya.

May tampo pa rin sa akin 'to.





Saka na lang ako mag-re-review kapag okay na kami ni Dallia.

"Dennis."

Lumingon naman ako kay Mama habang naghuhugas ako ng pinggan ngayon. "Bakit?"

Lumapit muna siya sa akin, dito sa lababo. "Dalawang linggo na kayo hindi nagpapansinan ni Dallia."

Tinuloy ko na lang ang paghuhugas ko ng mga pinggan.

"Ano ba, Dennis. Kailan mo papansinin 'yang anak mo?"

"Hindi ko alam, Ma."

"Ano'ng hindi mo alam?" Tumingin ako sa kanya, "O.A. na 'yan, Dennis, ha? Ano'ng gusto mong mangyari sa inyo ni Dallia? Habambuhay kang hindi papansinin?"

"Hindi siya mamumuhay dito habambuhay, Ma."

"Oo, hindi nga siya mamumuhay dito. Pero, ano'ng mangyayari sa kanya kapag bumalik na siya sa totoong Papa niya? Hindi na niya papansinin kasi. . . sinigawan mo rito? Ganoon ba ang gusto mong mangyari?"

"Ma, hindi naman ganoon ang samahan ni Dallia sa Papa niya sa ibang panahon."

"Dennis, hindi mo ako naiintindihan, e." Sinara ko muna ang gripo at tumingin sa kanya. 

"Lalayo ang loob ni Dallia sa'yo mula rito hanggang sa pag-uwi niya."

Lalayo ang loob.

Huminga muna siya nang malalim. "Bata 'yan, Dennis. Hindi 'yan teenager or ka-edad mo na naiintindihan ang lahat. Seven years old pa lang si Dallia. Babae pa ang anak mo."

"Nag-iisa lang siya ngayon. Alam naman natin na hindi dapat siya napunta rito dahil galing siya sa future, tama?" dagdag pa niya, "wala siyang kakampi ngayon bukod sa kapatid niya. Hindi pa nga natin alam kung ano'ng meron sa hinaharap niyo ng asawa mo."

"Asawa ko?"

"May asawa ka, Dennis. Kaya nabuo si Dallia pati rin ang kapatid niya." halos pabulong na ang pagkakasabi 'yon ni Mama.

"E, ano'ng gagawin ko?"

"Hindi ko alam sa'yo." Napanganga na lang ako sa sinagot niya. "Ikaw ang magulang, ikaw ang gagawa ng paraan para magkabati kayo." saka niya ako iniwan dito sa kusina.

Hindi ko na maalala kung paano makipagbati sina Mama at Papa sa amin noong bata pa kami. Tsk, paano ba?



~~~

Paano ba ako makikipagbati kay Dallia?

"Papa."

Napabangon agad ako sa kama at tumingin sa pinto. Nakasilip pala siya.

"Ano 'yon?"

"Wala na pong biscuit."

Wala na raw biscuit. Ah, gusto niya ng biscuit. Hinanap ko naman ang wallet ko sa bag para bigyan siya ng pambili ng biscuit.

"Alam mo ba kung saan ka bibili?"

Tumango naman siya. Nilahad niya ang mga kamay niya para ibigay ko sa kanya ang barya.

"Samahan na kita, gusto mo?"

Umiling siya. Ayaw niya ako makasama.

"Pasama ka kay tita Ella mo."

"Ako na po." Nang binigay ko na sa kanya ang barya, agad naman siya umalis at nagmamadaling bumaba ng hagdanan.

Ayaw pa rin niya sa akin.

Pumunta ako sa kwarto ni Ella at kumatok. Tulog pa ba 'to?

"Oh, ano'ng problema mo, ha?"

"Pa'no manlambing ng bata?"

Tangingang tanong na 'yan, Dennis.

"Manlambing?" tanong niya. Saka na lang siya natawa. "Ikaw ba 'yan, kuya?"

"Paano nga?"

"So, gusto mo na makipagbati sa pamangkin ko, ha?" tumango naman ako. "Gago ka rin kasi, e."

"Sagutin mo na lang ako, Ella."

"Chocolate."

"Chocolate?"

Tumango siya. "Hayun ang gawin mong ticket para maka-usap mo siya. Siya ang umuubos ng chocolate biscuit natin sa cabinet."

"Kaya pala nanhihingi siya ng barya. . ."

"Barya?" tanong niya.

"Nanhihingi siya ng barya pambili ng biscuit."

Lumaki ang mga mata niya. "Nasa labas siya ngayon?!"

"Bakit?"

"Kuya! Never pa nakakalabas ng bahay si Dallia mula nang dinala mo siya rito."

"O, bakit? Malapit lang naman ang tindahan-"

"Kahit na! Paano kung may kumidnap sa kanya!? Pa'no kapag naligaw siya!?" Bigla na lang niya ako tinulak para makalabas siya ng kwarto. Napasandal ako sa pader dahil sa ginawa niya.

Mawawala ba si Dallia?

*Year 203x*

"Dennis?"

[Bakit?]

"Nasaan ka na?"

[Hindi ako puwede lumabas ng lab, Eri.]

Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina. Nakita niya ang kadiliman sa labas ng kanyang bahay.

[Kumusta na riyan?]

"Wala pa naman mga kakaibang grupo na dumadaan dito bukod sa mga sasakyan at ambulansya."

[Tsk. May napatay na naman malapit sa atin.]

Binalik niya ang ayos ng kurtina at umupo sa unang hakbang ng hagdanan. "Ilang linggo na ba?"

[Kalma, tatlong araw pa lang ang nakakalipas.]

Huminga na lang ito nang malalim. 

[Magiging maayos din ang lahat, Eri. Maniwala ka sa kanila.]





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top