SEVENTEEN

*Year 202x*


DENNIS' POV


Nakarating na kami ni Davill dito sa bahay ni sir Logan. Mabuti na lang, mabait sa amin si ma'am Amel. Hindi pala pinamigay basta-basta ang personal information ng mga professor. 


"Mukhang legit naman ang address na 'to."

Napatingin ako kay Davill habang hawak niya ang phone, pinicturan lang kasi niya 'yon info. "Pa'no mo naman nasabi? E, personal information na niya 'yan."

"E, tignan mo, puro puno ang nasa paligid ng bahay niya. Akala mo tuloy, siya lang ang nakatira sa village na 'to. At saka, sabi rin niya sa amin na malapit na maging gubat ang village niya."


Hmm, mukhang totoo nga. Pero, may ibang bahay naman kami nadaaan habang nakasakay kami sa tricycle.


"O, hayan na pala si sir Logan."


Lumingon ako sa tinuro niya, may isang lalaki na lumabas ng pinto. Tingin ko nasa 40 pataas na ang edad. Kasunod no'n, may tatlong tao na lumabas ng pinto, isang babae at dalawang lalaki.


"Ano, puntahan na natin?" Tumango na lang ako kay Davill. 

Tumawid kami at naglakad ng konti para makatapat kami sa bahay niya. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng bahay 'to, pero, kita pa lang namin ang garahe.


Nandiyan kaya ang time machine na sinasabi ng future Eri?


"Sir, mukhang may bisita kayo."

Nakita ko si Davill, nahinto siya, mukhang pipindutin ang door bell.

Isang babae ang nagbukas ng gate at ngumiti sa amin. "Kayo ba ang estudyante ni sir?"

"Ah, oo. Gusto lang namin siya maka-usap, pwede po ba?" tanong na lang ni Davill.

"Aba, oo naman. Pasok kayo." Binuksan pa lalo ni ate ang gate. Nauna nang pumasok si Davill, mukhang siya lang naman ang makakilala niya.


Ang laki naman ng garahe niya. Ganito kalawak ang laboratory sa bawat engineering department. Ang dami niyang machines at equipment na naka-display dito.


Pero, nasaan ang time machine niya?


"Teka, namumukhaan kita."


Napatingin na lang ako, nakaturo pala siya kay Davill. "Ikaw 'yon papansin sa klase, ah."

"Grabe naman po kayo sa akin, sir. Hindi naman po ako papasin. Kausap ko lang no'n 'yon katabi ko."

Tinuro-turo pa niya si Davill tapos lumingon siya sa dalawang lalaki na nakaharap ngayon sa computer. "Sa lahat ng tao sa section nila, siya ang pinaka-maingay, oo."

"Sir, grabe naman kayo sa akin!" Natawa na lang ang dalawang lalaki sa kanya. Madaldal talaga 'to sa classroom, ako lang ang hindi niya maistorbo.

"O, sino ngayon ang kasama mo?"

"Ay, heto ang gustong kumausap sa inyo." Inakbayan pa ako ni Davill, "hindi niyo po siya nakita no'n nag-sub kayo sa amin kasi absent po siya."

"E, ano ba ang pangalan mo? Baka nadaan ko ang name mo sa attendance, ah."

"Dennis Kirk Montengra po."

Tumango siya. "Ah, oo. Absent ka nga."


Napatingin na lang ako kay Davill, nakanganga na rin siya. Ang talas ng memory nito.


"Ganyan 'yan si sir," napatingin kami sa babae na 'to, may bitbit na makakapal na libro, "mas matalas pa ang memory niyan kaysa sa akin."

"So, ano'ng ginagawa niyo rito?"

Tinignan ko muna ang tatlo, nag-iingay ang keyboard nila. Mukhang busy. Pero, hindi ko pwede iparinig sa kanila tungkol sa sasabihin ko.

"Sige. Doon tayo sa loob."



~~~


"Mga assistant ko ang mga 'yon. Ka-edad niyo lang sila. Si Kael, 'yon may salamin, kaka-graduate lang niya last month. IT ang tinapos. Hindi ko alam kung ano ang plano niyan sa buhay. Ayaw nga niya umuwi sa probinsya nila."

Sakto naman na may pumasok dito kaya naman, napatingin si sir sa pinto. "O, heto si Metmet."

Nahinto naman ang lalaki sa paglakad at tinignan si sir. "Emmett ho, tito."

Ah, pamangkin.

"Biro lang, ikaw talaga." Napa-iling na lang si Emmett sa kanya saka siya umakyat sa 'taas.

"Second course na ng batang 'yon ang Mechanical Engineering."

"Talaga po?"

Tumango si sir kay Davill. "E, ang kulit kasi ng tatay niyan. Gusto niya, maging seaman. Kaya nag-Marine Engineering. E, ayaw naman niya roon kaya hayan, nag-aral ulit."

"Sir."

Lumingon kami sa pinto, 'yon babae ang nakasilip. "Dumating na 'yon pina-deliver niyo."

"E, sino nagbayad?"

"Malamang ako. Ang laki na ng utang niyo sa akin, ha?" aniya saka niya sinara ang pinto. Ang taray naman ni ate.

"Si Dison 'yon. Gusto maging abogada kaya lang, nag-take muna siya ng business course, accountancy ata ang tinapos. Nag-aaral na rin siya ng political science. Siya rin pala ang pinakamayaman sa kanilang tatlo."

Tumango na lang ako. Sila rin kaya ang tatlo na sinasabi sa sulat?

"So, bakit pala kayo nandito?"


Pa'no ko ba sisimulan?


Kinalabit ako ni Davill, tumango na lang ako sa kanya. Magsasalita na sana ako kaso nakita ko si Emmett na bumaba. Ngumiti pa siya sa akin at lumabas na ng bahay.


"Mukhang confidential naman ata 'yan," sabi na lang ni sir.

"E, sir, sobrang confidential po. Mga bata kasi ang mapapahamak kapag nalaman ng iba."

Kumunot ang noo niya nang sabihin 'yon ni Davill. "Mga bata?"

Kinuha ko galing sa bag ang sulat galing kay Eri na may iba pang documents, na sa tingin ko, siya ang makaka-intindi at inabot ko sa kanya.

"Hayan ang sulat galing sa asawa ko. Ikaw po ang gumawa niyan," sabi ko habang tinitignan niya ngayon ang blueprint.

"Mukhang ako nga, may pirma ko, o." Pinakita niya kay Davill ang papel.

"Pwede niyo po ba gawin 'yan ngayon?"

Bigla na lang siya lumingon sa akin, gano'n din si Davill. "Kailangan na po bumalik ang mga bata sa tamang panahon nila."

"Sino ba ang mga batang 'yon?"

"Mga anak ko po."

Kung sa ibang tao, katulad ni Davill at Jeydan, gulat na gulat nang malaman nila na may anak ko. Siya, mukhang wala lang sa kanya. Naniniwala ba 'to?

"Ano ba ang ginagawa ng mga bata rito?" tanong pa niya habang nakatingin sa papel.

"Hanggang ngayon, hindi ko rin po alam kung bakit sila pinapunta rito. Si Erillia lang ang nakaka-alam."

"Erillia?" tumingin siya sa aking habang nakakunot ang noo, "siya ba ang asawa mo na nagsulat nito?"

"Opo."

Tumango-tango siya. May kinuha siya na lapis mula sa side table at may binibilugan sa papel. "Pasensya na hijo, nabasa ko ang sulat ng misis mo. Na-spoil tuloy ako."


Spoil? Ano ba ang nakalagay sa sulat?


Patay na siya ngayon, Dennis.


Hala...


"Hindi ko alam kung kailan matatapos ang project na 'to, Dennis."

"Po?"

Napasandal siya sa single na sofa na nasa harap namin. "Ayoko magbigay ng taon kung kailan 'to matata-"

"Taon?"

Tinignan niya ako nang diretso. "Taon, Dennis. Mahigit pa 'to sa isang taon."


Taon. Mahigit pa sa isang taon?


Ano'ng gagawin ng mga bata rito? Masasayang lang ang oras nila. Ano ba kailangan gawin ni Erillia? Nakaka-inis naman 'to.


"Pare, ayos ka lang?"

Kinuha ko na lang ang baso at inubos ang tubig. "Ibig sabihin ba no'n, sir, hindi pa buo 'yan?"

"Exactly."


Ugh, matatagalan nga sila rito. 


Well, ayos lang naman sa akin para makasama ko sila. Pero, hindi pa rin maayos 'yon.


Kung ano man ang pinapagawa ng mag-asawa na 'yon sa mga batang 'to, kailangan na nila gawin. Or, kami ba ang gagawa no'n?


Bwisit kasi, bakit hindi pa binabasa ni Erillia 'yon iba pang sulat?


"Sasabihin ko sa kanila ang magiging project natin, ayso lang ba kung sabihin ko sa kanila na may dumating na mga bata galing future?"

Natin?

"Hala, kasama kami sir?" tanong ni Davill.

Tinuro niya ang hawak niya. "E, kasama ka. O, heto, hindi ko kilala 'yon tatlo, pero, si Davill ang isa sa mga kasama niyo ngayon sa pag-aayos. See? Kasama ka."

"Hala, Dennis." Napakapit sa akin ang loko, "hindi pa ako engineer."

"Mas lalo na ko."

"E, ayos lang, ano ba kayo," lumingon kami kay sir, "kailangan ko ng assistant na mekaniko. Ikaw 'yon, Davill. At ikaw naman..."

"Ano po?" tanong ko nang ituro niya ko.

"Ikaw ang magpapaliwanag sa mag-ina mo ang mga pwede mangyari habang binubuo natin ang machine na 'to. Maliwanag?"

"O-opo."

"Huwag mo naman takutin ang kaibigan ko, sir."

"Ano'ng huwag takutin? Hindi niya kailangan matakot dahil gumana na 'to. Gagawa lang tayo ng replica nito sa panahon natin ngayon, maliwanag?"

"Yes, sir."


Mamatay ba ang mga bata kapag hindi sila nakabalik sa tamang oras? Kaso, wala naman sinabi kung hanggang kailan sila rito. 


Hay naku po, Erillia. Ano'ng ginagawa mo?


Napakapa ako sa bulsa ng pants ko nang naramdam ko ang pag-vibrate ng phone. Pangalan ni Erillia ang naka-display kaya inopen ko. 


Erillia:

Papa, uwi na po kayo. si dallia po ito.


Sorry, Dallia. Mukhang gagabihin si Papa ngayon.


*Year 203x*

[January 26, 203x]


Dapat ba akong pumasok ngayon o hindi?

Tuwang-tuwa ang mga bata nang ibigay ko sa kanila ang regalo na inabot ni Availla. Hindi ko dapat ibibigay kaso... nakita na nila.

Kakahatid ko lang ng mga bata sa school. Since nandito na rin naman ako, tinext ko na lang ang manager ko para mag-file ng sick leave.

Literal, masakit ang ulo ko ngayon dahil sa narinig ko kahapon.


"Ay, good morning po, misis Montengra."


Ah, 'yon boses na 'yon. Miss na miss ko na talaga siyang kausapin.


Lumingon ako sa gate, naka-upo na pala siya sa tabi ko. "Good morning po, miss Soliva."

"Wala kayo pasok, ma'am?"

"Naku, nag-sick leave muna ako. Ayoko muna ng stress."

"Hmm, siguro, nag-aalala kayo dahil sa mga bali-balita na nawawala ang mga bata."

Tumango na lang ako dahil totoo naman.

"Ganitong oras, ma'am, madami ang mga magulang at yaya ang mga nakatambay ngayon dito. Baka nga, nasa loob sila ng canteen, kumakain."

Aba, pwede pala sila pumasok doon.

"Sa tingin niyo ma'am, sino kaya ang may pasimuno no'n?


Ang presidente na dati kong kaibigan.


"Ano kaya ang intensyon niya? At bakit sa mga bata pa?"


Hayun ang gusto kong alamin kaso, natatakot ako.


"Paano ma'am, kapag nalaman niyo ng asawa mo na, kukunin ang mga bata? Ano'ng gagawin niyo?"

"Hala, grabe ka naman."

Ngumiti agad si ma'am Soliva. "Ma'am, alam kong hindi mo hahayaan na mangyari iyon. Pero, what if lang po, gano'n."


Mukhang wala naman maniniwala sa sasabihin ko.


"If ever na alam ko kung sino ang pasimuno no'n, pupunta ako sa past niya para sabihin sa kanya ang ginagawa niya ngayon sa mga bata."


Tinignan ko ang hitsura ni ma'am Soliva, nakanganga na. "Aba, ayos ah."

"E, ikaw, ma'am. Ano'ng gagawin mo? Mag-assume tayo na may anak ka na, ha?"

Natawa na lang siya. "Kung assuming din lang pala ang usapan, sige. Mag-a-assume ako na may kapangyarihan ako."

Hala, nag-assume na nga siya.

"Ako ang papatay sa kanya kapag tinuloy niya ang plano sa mga anak ko." Nakangiti siya habang sinasabi niya 'yon.

"Hmm? Mga anak talaga?"

Tumango siya. "Gusto kasi ng boyfriend ko na marami kaming anak, e."

"Pressure ba 'yan sa'yo, ha?"

"Not really. Gusto ko rin naman ng maraming anak. Although, alam kong hindi madali, pero, ayos lang."

Sakto naman na nag-ring na ang school bell dito. Kita ko na kanyang-kanya pasok na ang mga bata sa building nila. Tumayo na rin si ma'am Soliva habang bitbit ang mga gamit niya.

"Usap tayo mamaya, ma'am. Okay lang?"

"Oo naman. Punta tayo ng mall para naman ipasyal ko ang mga bata."

Ngumiti siya at kumaway sa akin. "See you." Kumaway na rin ako habang naglalakad na siya papunta sa building.


Sakto naman na nag-ring ang phone ko. Akala ko sa opisina, si Dennis pala.


"Hello."

[So, totoo nga ang narinig mo kahapon?]

Lumingon muna ako sa paligid bago sumagot. "Oo."

[Mag-isip ka na kung ano ang gagawin. Ayoko na ako lang ang kumikilos ngayon sa atin.]

"Alam ko, Dennis. Huwag mo naman ako i-pressure."

[Hindi kita pine-pressure, Erillia. Mag-isip ka lang ng plano habang tinatayo pa namin 'tong machine.]

"Uhh, I don't know. Gusto ko na nga matulog ngayon kaso, nandito ako sa school," napasandal ako sa poste na 'to after kong sabihin 'yon.

[Pasensya na kung wala ako sa tabi mo ngayon. Sana ako na lang ang nagbabantay sa mga bata ngayon.]


Nagagandahan talaga ako sa boses niya every time na hihingi siya ng sorry.


"Ayos lang, Dennis. As long as nakaka-usap pa kita, pati ang mga bata, okay lang ako."

[Promise?]

"Yep."

Narinig ko na lang na tumawa siya. [Kumakain kami ngayon ng almusal. Kakagising lang kasi ng tatlo. Si Davill, umalis para bumili ng gamit.]

"Miss na kita, Dennis." Ugh! Miss ko na asawa ko!

[Aba naman, Erillia. Miss ko na kayo. Gusto ko na makipaglaro sa mga bata.]


Speaking... biruin ko kaya.


"Gusto ko ng baby, Dennis." 


Hihi.


[B-baby?]

"Oo. Baby?"

[As in, kapatid ni Reinard at Dallia?]

"Oo."

[Ano ba ang gusto mong gawin?]

"Paano ba binubuo ang baby?"


Hala, bakit ang tahimik nito?


"Hello?"

[Erillia.]

Hala, bakit ganyan ang boses niya? "Bakit?"

[Alam mo ba 'yang sinasabi mo?]

"Oo naman. Gusto ko bumuo ng baby."

[Tangina naman.] mahina 'yong pagkakasabi niya.


Hmm, mukhang nag-iinit na ata 'to,


"Dennis."

[Shit, ano?!]

"Galit ka?"

[Hindi ako galit.]

"E, gusto ko gawa tayo ng baby." Lumingon ulit ako sa paligid. Ako lang pala ang tao rito kasi 'yon guard, nasa labas ng gate.

[Tangina, Erillia. Pag maayos na talaga ang lahat, yari ka sa'kin.] Sinabi niya 'yan na mahina pero... alam kong nag-iinit na ang asawa ko ngayon.

"Thank you, Dennis. I love you."

[Shit ka talaga, Erillia. Mahal na mahal talaga kita, alam mo 'yon, ha?]

"Alam ko." Hindi ko na napigilan na tumawa.

[Sige na. Kakain lang kami. Ingat kayo, ha? Hintayin niyo text ko kapag tatawag na 'ko, okay?]

"Okay po. Bye." 

[Bye.] Ako na ang nag-end ng call. Sakto naman na humangin dito kaya tinignan ko ang puno na may nahuhulog na dahon.


Ang swerte ko talaga kasi si Dennis ang asawa ko. Ahhh! Naiinlove na naman ako sa kanya!


~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top