SEVEN
*Year 202x*
Erillia's POV
"Sigurado ka ba na gusto mong isama si Reinard sa bahay ni Binnie?"
Napatingin ako kay nanay habang sinubo ko ang lumpia. Kaming dalawa na lang ang kumakain ngayon dito.
"E, oo naman. At saka, para na rin lumalabas-labas si Reinard." sagot ko. "Bawal ba, 'nay?"
Umiling siya. "Wala naman kaso sa akin 'yan, Eri."
E, bakit ganyan ang pananalita niya ngayon sa akin? Parang may banta.
"Ligtas ba siya kapag nakilala niya ang ibang tao bukod sa amin?" tanong pa niya.
"Ano. . . Safe naman kami no'ng pumunta kami ng mall, e."
Tumango si nanay. "Sige, ikaw ang magulang ni Reinard kaya ikaw ang masusunod."
Bakit, parang kinokonsensya naman ako nito?
Sana pala nakinig na lang ako kay nanay.
"Saan siya pwede magpunta?" tanong ni Binnie habang lumilingon-lingon kami sa bawat eskinita na madadaanan namin.
"Hi-hindi ko alam, Binnie. Ngayon ko pa lang siya nilabas sa malayo bukod sa mall."
"Hala." Hayan na lang ang nasabi niya habang patuloy kami lumilingon sa paligid. Saan ba kasi pwede magpunta ang isang bata?
"May playground ba rito?" tanong ko.
"Walang playground dito, Eri."
"E, saan ba pwede pumunta 'yon?"
"Baka may kumidnap sa kanya."
Nahinto ako sa sinagot niya at tumingin sa kanya.
"Bakit siya kikidnapin?" tanong ko.
"E, bakit nga ba?" tanong naman niya, "'di ba uso naman ang kidnapan ng mga bata ngayon?"
"Ano ka ba!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Hindi naman siya kikidnappin, e.
Hindi ko alam kung saan na kami napadpad, basta alam ni Binnie ang lugar na 'to, ayos lang. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na ang nakalipas mula nang hindi namin nakita si Reinard.
"Paikot-ikot na lang tayo, Eri." hingal na hingal na si Binnie kaya huminto kami sa isang puno rito.
"Hindi, kailangan makita natin si Reinard."
"I-report na lang natin sa pulis na nawawala si Reinard."
Tumingin ako sa kanya, "Ayokong malaman ng ibang tao na galing hinaharap si Reinard. Baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga pulis doon."
"Sigurado ka ba na galing sa hinaharap 'yon?" tanong niya. "Baka naman kinuha na siya ng totoo niyang magulang kaya-"
"Ako ang nanay ni Reinard, Binnie! Sino'ng punyetang nilalang ang kukuha sa kanya, ha!?"
"H'wag mo naman ako sigawan, Erillia-"
"E, nakakainis ka na!" Ramdam ko na ang panginginig ng labi ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may mangyaring sa batang 'yon! Ni hindi ko alam kung bakit siya nandito! Hi-hindi ko pa nakikita ang kapatid niya! Paano ko sila pababalikin sa panahon nila? Ha?!"
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Akala ko pawis ko lang dahil tirik na tirik ang araw ngayon dito.
"So-sorry." Hindi ko na kaya, tuluyan na kong umiyak.
"Okay lang, Eri." naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Binnie, "oo, ikaw ang mama ni Reinard. Normal lang 'yan bilang magulang."
"Hindi, kasi. . ." Kumawala ako sa pagkakayakap niya habang pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya.
"A-anak ko 'yon, e. Naramdaman ko naman 'yon within two weeks, Binnie."
"Oo." Tumango siya, "kitang-kita ko naman, Eri. Tahan na."
"Ihh, nasaan na ba kasi ang batang 'yon!?" Tinignan ko ang buong paligid, walang gaanong tao bukod sa mga sasakyan. Nasa mainroad kasi kami ng village nila.
"Sige, ganito. . ." Tumingin ako kay Binnie, "hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nakikita si Reinard, okay?"
Tumango ako.
"Since, ayaw mo ipa-report sa pulis dahil "special" child 'yon, 'di ba?" Tumango ako.
"Sige. Umayos ka na, Erillia. Mahahanap din natin ang inaanak ko, okay?"
"Hmm, oo."
"Good!" Ngumiti ako sa kanya, "ngayon, pumunta tayo sa palengke. Baka naligaw ang bata roon."
Nagsimula na kami maglakad. Sinabi niya na hindi namin kailangan sumakay ng jeep or tricycle dahil kaya naman 'yon lakarin. At the same time, dadaan kami sa shortcut na sinasabi ni Binnie. May possibility kasi na pwede siya magtatakbo-takbo roon.
"Erillia."
Familiar sa akin ang boses na 'yon, pati na rin si Binnie.
"Si Maia ba 'yon?" tanong na lang ni Binnie.
"Oo. Ang baba ng boses, e."
Sabay naman kaming lumingon sa likod at. . .
"Hi."
"Maia!" Namiss namin siya!
"Mama!"
"Teka, anak mo ba 'yon, Eri?"
Lumaki ang mata ni Maia at tumingin sa likod niya. "So, si Erillia ang mama mo, Reinard?"
"Ah, opo. Hehe."
Boses ba 'yon ni Reinard.
"Hi, Mama."
Nakita ko na lang siya, nasa likod ni Maia habang nakakapit siya sa blue polo shirt.
At. . .
Bakit ang dami niyang sugat?
~~~
"Oo nga, Erillia, anak mo nga 'to," sabi na lang ni Maia habang nilalagyan niya ng band-aid ang ilong ni Reinard.
"O, 'di ba! Kuhang-kuha ni Reinard ang mata at ilong ni Eri, e." dagdag pa ni Binnie.
"Teka, sana pala pumunta si tita?" tanong ni Maia pero kay Reinard siya nakatingin.
"Hayun, nagsimba raw siya."
Sina Binnie at Maia ang unang naging classmate ko nang mag-shift ako ng Accountancy when I was in college. Marketing ang course ni Maia, samantalang si Binnie, major in Finance. Nagkataon na nagiging classmate kami sa ibang subject kaya madalas, sila ang nakakasama ko noon.
"Eri," napatingin ako kay Maia, "okay ka lang?"
"Ah?"
Narinig kong tumawa si Binnie, "pagod 'yan si Eri, physically and emotionally."
"E, ano pa 'tong bata?"
Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano'ng meron?
"Pahinga ka muna kaya," sabi na lang ni Maia kay Reinard.
"Pa'no po 'yon cheese burger ko? Wala na." tinuro ni Reinard ang table kung saan naroroon ang pagkain.
"Bakit nawala ang cheese burger?" tanong ko.
"Kinain ni Mama." sagot ni Binnie, "sorry na, Reinard."
"Di bale, mag-o-order ako ng tatlong cheese burger, gusto mo 'yon?" nakangiti si Maia ngayon kay Reinard nang tanungin niya 'yon.
Masigla naman tumango ang bata. "Pwede po pati ice cream, ninang Mai?"
Ninang Mai?
"Of course, of course. You have to take a nap muna. Okay?"
"Opo." Agad naman pumunta si Reinard sa sofa at humiga. Mabuti na lang, nakapagdala ako ng extrang damit niya dahil napakadungis niya nang makita namin siya kasama si Maia.
Tumabi ako sa kanya at hinintay na makatulog ang batang 'to, may kausap si Maia sa phone, si Binnie naman nagluluto ng corned beef. Hindi ko na namalayan ang oras kakahanap namin kay Reinard. Hindi ko rin naramdaman ang gutom.
"Don't worry, kumain kami ni Reinard sa karinderya, malapit sa palengke. Kaya busog 'yan."
Napatingin ako kay Maia. "Salamat talaga." Tumayo ako para puntahan siya at niyakap.
"Naman, Erillia. Alam mong kahinaan ko ang mga bata lalo na kapag lalaki."
Oo nga pala, nabuntis pala siya noon. Lalaki sana ang anak niya. Kaso, nakunan.
"Paano mo pala nakita ang batang 'yan?" tanong ni Binnie, nakita kong hinahanda na niya ang hapag-kainan.
Umupo kami sa dining table, tinignan ko si Reinard. Nakanganga na ang bibig, meaning, mahimbing na ang tulog nito.
"Actually," ani Maia, "palibot-libot siya sa palengke habang nag-aabang ako ng sukli."
"E, hindi ka naman taga-rito, ah," sabi ko na lang sa kanya.
Ngumiti siya, "mas mura ang bilihin dito kaysa sa amin kaya dumayo talaga ako rito."
"E, bakit may sugat sugat na siya?" si Binnie ang nagtanong.
Sumubo muna siya ng kanin at ngumuya bago siya sumagot. "Sinabi niya sa akin, hindi raw niya alam kung bakit siya nagkasugat. Mabuti na lang daw, nakilala niya ako."
"Huh?"
"Kasi sabi niya, the last time na nakita niya ako, short hair daw ako na kulay violet ang buhok. Dala ko pa ang aso ko," sabi niya, "pero, alam niyong ayoko sa aso. I hate violet and cutting my hair short is not accurate on my face."
"Baka nagbago ka na in future, Maia."
Tumingin siya sa akin. "Do you think?"
"Siguro." sagot ko tapos uminom ako ng softdrinks. Grabe, ang init talaga ng panahon ngayon!
"But, Eri. . ."
Tumingin ako kay Maia, "ano'ng ginagawa ni Reinard sa past ng kanyang mother?"
"Hindi ko alam."
"Hindi pa niya sinasabi sa'yo?"
"Sabi niya, kailangan kasama muna niya ang kakambal niya."
Kumunot ang boo ni Maia. "And, nasaan ang kakambal niya?"
"Nandoon sa papa nila, sabi ni Reinard."
"Wow!" sigaw ni Binnie, "pa'no mo malalaman kung sino ang papa nila kung hindi nagsasalita ang anak mo?"
Bakit ba kasi ayaw sabihin ng batang 'to ang nangyayari?
Dennis' POV
"May nakita po ba kayong batang babae?" tanong ni Ella kay ate Marilene.
"Ano'ng hitsura?" tanong niya habang nag-aayos siya ng paninda ngayon. Akala ko, nakatambay na naman ang mga chismosa rito.
Tumingin sa akin si Ella, "ikaw nga mag-describe sa kanya."
"Ano, ate. Mahaba ang buhok niya, naka-itim na damit tapos puti ang short niya. Nakasalamin siya na itim. Tapos, hanggang dito ang height niya." Pinakita ko sa kanya na hanggang bewang ko lang si Dallia.
Napatingin sa akin si ate, "hala. Mukhang siya nga 'yon bibili sana ng chocolate na 'to kaso bigla na lang siya tumakbo."
"Saan po siya papunta?" tanong ni Ella.
"E, doon siya papunta. 'Kala ko nga may nakalimutan siya sa bahay niya." Nakaturo siya sa kaliwa.
"Teka, kaano-ano niyo ba 'yon?" tanong pa ni ate.
"Pinsan po namin." si Ella ang sumagot. Tumakbo naman siya kaya, sinundan ko.
"Saka na kita mumurain ulit kapag nakita ko si Dallia, ha?"
"Bahala ka. Hanapin mo na lang ang batang 'yon," sabi ko na lang sa kanya at iniwan ko siya.
"Saan ka pupunta, kuya?"
"Maghiwalay tayo. Dito ako maghahanap, magkita na lang tayo sa tindihan ni ate Marilene!" sigaw ko sa kanya saka na ako tumakbo.
Mabuti na lang dala ko ang phone ko. Tatawagan naman ako ni Mama kapag naka-uwi na si Dallia sa bahay.
Pero, bakit ba siya tumakbo?
Napadpad ako sa playground na 'to kaya pumasok ako. Baka tumambay lang siya rito. Madaming bata ang naglalaro ngayon. Pambihira, tirik na tirik ang araw, gusto nila mahimatay sa init?
Kaso, mahangin naman ngayon dito kaya ayos lang na maglaro sila.
Ay, tangina, ano ba 'tong naapakan ko?
Isang itim na salamin pala 'to. Buti, hindi 'to babasagin kaya maayos pa naman.
Pero, familiar sa akin 'to. O baka madalas ko na makita ang ganitong klaseng salamin?
Kaso, napansin ko na may nakasulat sa right temple ng salamin na 'to.
Dallia Kirsten P. Montengra
Kay Dallia ba 'to? Heto ang ba ang full name niya? Ibig sabihin, dumaan siya rito sa playground.
Kaso, nasaan siya? Hindi ko siya makita rito. 'Di bale, hindi siya aalis ng village namin. Baka nagtatago lang siya.
Dumaan ako sa eskinita na 'to. Hindi ko alam kung saan banda siya pwede magtago dahil malabo siyang magtago rito. Ang dami rin daanan 'to, wala na kong pake kung padaan-daan ako kay manong na nagbebenta ng buko juice. Kanina pa niya ako napapansin, e.
"Dallia, nasaan ka ba kasi?"
Sumilong muna ako sa basketball court na 'to. Ang daming tao, ah. May liga ata.
Tinignan ko ang mga tao rito na nasa bench, hindi ko siya makita.
Chineck ko ang phone, walang text galing kay Mama. Hindi ko pala nasabi na nawawala si Dallia. Basta na lang kami umalis ni Ella.
"P-papa."
Hayun, boses na 'yon ni Dallia. Kaso, nasaan siya?
"Papa!"
Napatingin naman ako sa kanan, isang abadonadong tindahan ang nakita ko. Dito ba galing ang boses niya?
"Papa, nasaan na po kayo?"
Boses nga niya. Pinuntahan ko naman ang tindahan na 'to. Walang pinto kaya nakita ko siya agad. Naka-upo sa sahig habang nakayakap siya sa mga tuhod niya ngayon. At, humihikbi.
"Dallia?"
Tumingin naman siya rito. Nakanganga na siya ngayon.
"Papa!" sigaw niya. Pero, hindi pa rin siya tumayo kaya ako na ang lumapit sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Na-nandiyan pa sila, Papa."
Tumingin naman ako sa labas. "Sino?"
"M-may gustong ku-kumuha sa ami-amin. Ni. . . Reinard."
Napatingin ako sa kanya. Dilat na dilat ang mga mata niya habang humihikbi. Nanginginig ang kamay niya.
"Walang kukuha sa inyo."
Umiling siya. "Na-nandito si-sila, Pa-papa."
Bakit nanginginig siya? Hinipo ko ang noo niya pati rin ang leeg niya, wala naman siya lagnat.
Kinuha ko ang mga braso niya, kinapit ko sa balikat ko para mabuhat siya.
"Papa, baka ku-kunin ako, Papa."
Hinaplos ko ang buhok niya. "Walang kukuha sa'yo, ha? Kasama mo na 'ko, hindi ka nila kukunin sa akin. Okay?"
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at sinandal na ang ulo niya. "Papa."
"Sshh, uwi na tayo. Nandito na ko," sabi ko na lang sa kanya habang naglalakad na kami papauwi. Alam kong pinagtitiningan na kami ng mga tao ngayon.
Wala akong pake sa mga 'yan. Hindi ko naman sila kilala.
~~~
Pinainom ko muna ng gatas si Dallia bago siya sumampa sa kama.
"Hindi po kayo mag-re-review, Papa?" tanong niya.
"Saka na ko mag-re-review. Masakit sa ulo kapag puro numbers ang nakikita mo." sagot ko saka ako tumabi sa kanya.
Ngumiti naman si Dallia, "sabi ni Papa sa akin, hindi po numbers ang nakikita niya, e."
"Ah, formulas ang tawag do'n kung walang numbers ang nakita niya." Naiintindihan ba niya ang sinasabi ko?
Tumango na lang siya. "Sabi niya po sa akin, dapat daw po hindi ko tinitignan ang mga libro niya."
"Bakit daw?"
"Baka raw po mahilo ako." sagot niya saka siya tumawa.
May punto naman.
"Bakit ka pala nagtatago sa lumang tindahan do'n?" tanong ko.
Yumuko siya at niyakap ang unan niya. "Nakita ko po kasi 'yon mga gustong kumuha sa amin kanina habang hinihintay ko po 'yon biscuit."
"Tapos?"
"Sila po ang gustong kumuha sa amin ni Reinard."
Si Reinard ang kakambal niya, tama ba ako? "Ano'ng hitsura ng mga 'yon?"
Bigla na lang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin. "Ano po, Papa. Mga malalaking lalaki tapos po naka-shades na itim, tapos po naka-pang uniform po sila."
"Ano'ng uniform?"
"'Yon napapanood po natin sa t.v. kapag may ikakasal, 'yon suot ng lalaki."
Ah, black suit ba ang tinutukoy niya?
"Tapos po, may baril silang hawak." dagdag pa niya.
"Di bale," sabi ko, "hindi ka na lalabas ng bahay, okay?"
Tumango naman ang bata.
"Mag-so-stock na tayo ng pagkain mo. Kung may gusto kang bilhin, sabihin mo sa akin. Or, kahit kay tita Ella mo. Or, kapag pupunta ng grocery si lola Mama, sabihin mo sa kanya, okay?"
"Opo, Papa."
"Saka na kita bibilhan ng salamin kapag nakilala ko na ang Mama mo pati na rin si Reinard." Teka, bakit ko pala nasabi 'yon?
Pahiga na sana si Dallia kaso, bigla na lang siya bumangon at kumapit sa braso ko.
"Papa!"
"H'wag kang sumigaw."
Natawa na lang siya sa ginawa niya. "Baka makalimutan ko po."
"Ang alin?"
"Pinapasabi po ni Mama na kailangan daw po magkita kayo sa anniversary nila ni Papa."
Anniversary? Ako?
"Uhh, sa October 10 po," sagot niya. "Magkikita raw kayo sa simbahan. Malapit lang daw po 'yon dito."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Doon po kasi kayo kinasal tapos, doon din po kami nabinyag, sabi ni Mama." Nakangiti siya sa akin ngayon.
Maya-maya, naghikab na siya. "Antok na po ako, Papa. Tulog na po ako."
"Ah, sige."
"Good night po." Binigyan niya ako ng cute na halik sa pisngi. Inayos niya ang kumot at humiga na siya.
Sino ba ang Mama na tinutukoy niya?
*Year 203x*
August 19, 202x
Dear Eri,
Ano'ng meron sa October 10, ha? Anniversary namin? Ng asawa ko?
Sino ba kasi 'yon, ha?!
#MuntikanNaMawalaSiReinard #MahalKoSiReinard #Parenting #Legit
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top