ONE
*Year 202x*
ERILLIA'S POV
"Binnie! Natanggap na ako sa trabaho!"
[Hay salamat naman! After how many months! Nagka-trabaho ka na din!] Napangiti na lang ako nang sabihin niya iyon.
8 a.m. na dito. Walang tao ngayon sa bahay kasi pumasok na silang lahat sa trabaho. Yung kapatid ko, pumasok na sa trabaho niya. Yung isa ko pang kapatid pumasok na sa school. Kasama niya ang tita ko dahil siya ang naghatid sa pinsan ko. Same school sila.
"Magpapasa na ko ng requirements ko bukas. Bale, kita tayo?" tanong ko sa kanya habang nagti-timpla ng kape. Naka-loudspeaker naman ang call ko.
[Uhm, not sure eh. Uuwi kasi dito si BJ.]
Napahinto ako sa paglalagay ng asukal at tumingin sa phone. "Aba. Marunong na siya umuwi dito sa Manila."
Narinig ko na lang na tumawa siya. [Gusto niya makipag-kita sa akin eh.]
"Hay nako. So, kailan ka nga magpapakita sa akin? Ha?"
[Err, 'di ko alam, Eri!]
"Nako! Buti ka pa, may boyfriend." Dapat malaman niya na nagtatampo ako bilang kaibigan niya dahil mas inuna pa niya si BJ kaysa sa akin. Hihi.
[Tampo na 'to. Nga pala, kumusta lakad mo kahapon?]
"Ay pucha!"
[Eri, anong nangyari diyan?!]
"Bwiset ka, Binnie!" napatingin ako sa damit ko ngayon. May tapon na ng kape.
[Hala, ano na naman ang kasalanan ko sa'yo?]
"Natapon yung kape sa damit ko! Hay! Puti naman din!"
[Bakit ba kasi natapon? Let me guess. Dahil ba kay Dennis?]
Sa phone ko lang naman kausap ngayon si Binnie, pero bakit naiimagine ko na nag hitsura niya? Yun bang nang-aasar. "Huwag mo na itanong."
[Aha! Why? Success ba ang confession kemerut mo?]
"Uh, success naman." sagot ko habang nagpupunas ako ng sahig.
[And, ano'ng sabi niya?]
Tumayo na ko at pumunta sa sink para banlawan ang basahan. "Magtigil na daw ako kakahabol sa kanya!" sigaw ko.
Dennis Kirk Montengra. Ang lalaking nakausap ko kahapon. Ang lalaking naging kaklase ko during my college days. At siya lang naman ang first love ko, according kay Binnie. NBSB naman ako. Although, may naka-M.U. na ko. At may nakakuha na ng first kiss ko. And, excuse me, virgin pa ako.
Okay naman kami nu'ng classmate ko siya noong college pa kami. Masaya siyang kausap, mabait, manyak lang pero konti. Banal na tao kasi nagse-serve sa simbahan. Hindi nga lang gwapo pero, gwapo na sa paningin ko. Nauna siyang grumaduate, sumunod lang ako.
Engineering ang tinapos niya. Ako naman, nag-accountancy. Mas okay na daw na maipapasa ko 'yung mga subject sa accounting kaysa mag-Political Science ako. Dahil hayun talaga ang gusto kong kurso. Dahil gusto ko, may abogado sa pamilya namin, babaeng abogado.
Kaso, wala eh. Accountancy student ako.
Summer ako nang pumasok ng college. Naging irregular student ako dahil nag-shift na ko ng accoutancy. Alangangin na kasi ang mga grades ko noon. Irregular student din nang pumasok sa college si Dennis. Hindi ko alam kung pinagtatagpo ba kami ng tadhana or hindi dahil lahat ng minor subjects ko na meron sa engineering, kaklase ko siya.
At dahil halos lahat ng subject kasama ko siya, doon ko siya nakilala at. . . Na-fall?
Pero, taena. . .
"Huwag ka nga tumawa diyan, Binnie." sabi ko na lang sa kanya.
[Oh bakit? Natatawa lang ako sa'yo.] napatingin ako sa phone nang huminto siya magsalita. [At naawa din.]
Napangiti na lang ako sa huling sinabi niya. Mukha ba kong nakaka-awa? "Ikaw talaga, hindi ka na nasanay sa akin. Palagi ko naman hinahabol 'yun. Nagmumukha na kong stalker."
[Ano'ng nagmumukhang? Stalker ka na talaga simula nu'ng umamin ka sa kanya.]
"Oo na. Oo na. Kainis 'to." hayan na lang ang nasabi ko tapos humigop na lang ako ng kape. Sarap.
Oo na, baliw na baliw ako kay Dennis. Eh wala eh, nainlove ako. Magagawa niya?
At alam ko naman na wala siyang gusto sa akin. Aware ako du'n.
"Sige na. Kakain lang ako ng almusal ko dito. Papasok ka na ba sa office?" tanong ko habang naglalagay ako ng palaman sa pandesal.
[Kanina pa ko nasa biyahe. Malapit na din ako. Sige na. I love you!]
Siya na lang nag-sasabi sa akin ng I love You. "I love you, too. Kahit na may jowa ka na." sabi ko na lang sa kanya at pinindot ang end-call. Sakto din na dumating si tita at pumasok na sa loob. Mukhang namalengke.
"Tita, natanggap na ko sa work."
Nang sabihin ko 'yun, agad naman siya ngumiti. "Talaga? Kailan daw ang start mo?"
"Hindi ko pa alam. Pinapapunta ako sa office bukas for orientation atsaka sa mga requirements." sagot ko sabay kumagat ako ng tinapay.
"Naku, matutuwa ang nanay ko. Unang beses ka pa lang nag-apply, 'di ba?" tanong niya kaya tumango naman ako. "Ilibre mo kami Eri ah. Unang sweldo mo."
Napangiti agad ako sa kanya. "Oo naman. Order tayo ng pizza!"
I have to mark this day! Hindi ko isasama yung kahapon. Kainis.
Dennis' POV
Ang sabi ko, gigising ako nang maaga para mag-review. Pero, anak ng tinapa, 11 a.m. na pala ako nagising. Pero, mukhang 8 a.m. ang langit.
Bakit ba ko napagod kahapon?
Ah, galing pala ako sa review center. Last day na namin. And then, nakita ko na lang si Eri. Sinabi niya na may gusto siya sa akin.
Alam kong may gusto na talaga siya sa akin. Halata na masyado kakakulit niya noong nasa college pa ko, niyaya niya ko na kumain kami sa labas, libre na daw niya.
Hindi ko ginusto na sabihin iyon sa kanya na huwag mo akong guluhin nang pasigaw. Na-wrong timing lang dahil pagod ako. Pagod na ang utak ko kahapon.
Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Kaso, huwag na. Mukhang gagawin naman niya iyon.
Palagi na lang siya nagcha-chat sa akin kaya inignore ko na lang siya sa messenger. Nagpaparinig pa 'yan sa FB, kulang na lang i-mention niya ako. Damay pa ang kaibigan niya.
Ang kulit kulit niya kasi.
Kaso cute.
Ayoko lang talaga na magka-girlfriend ngayon. Hindi pa nawawala yung ginawa ni Janice.
Siya lang naman yung babae na sinupportahan ko noong nag-aaral pa siya, medtech ang course. Nauna siyang grumaduate at the same time, pasado na din siya sa board exam niya.
Niligawan ko siya dahil gusto ko na siyang dalhin sa altar. Kaso, siya naman ang umayaw.
NA-FRIENDZONED AKO!
"Hoy kuya."
Napatingin ako sa pinto, si Ella pala 'to. Kapatid ko. "Ano?"
"Ha? Kanina ka pa ba gising?" tanong niya. "Tanghalian na po."
Ah pucha. "Sige, bababa na ko."
"Hinay-hinay lang sa pagre-review kuya. Malayo pa ang board exams mo." hayan ang huling sinabi niya bago umalis.
Hinay-hinay sa pagre-review? Alam ba niya kung gaano kahirap mag-aral ng engineering? Kung sabagay, wala naman madali na course.
Niligpit ko na lang ang hinigaan ko at lumabas na ng kwarto.
Nang makababa na ko, dumiretso na ko sa hapag-kainan. Ang naabutan ko na lang ay ang kapatid ko na naka-uniform, si Mama atsaka ang lola ko.
"Nasaan si Papa?" tanong ko.
"Umalis. Makikipag-kita sa kaibigan niya nu'ng college." si Mama ang sumagot sabay tinuro niya ang upuan na nasa tabi ko. "Kain na."
"Kailan ba ang board exams mo?" tanong ni lola sa akin habang nagtatakal ako ng kanin.
"After 6 months pa. Hindi na ko nakapag-take ng board exam last year." sagot ko.
"Kuya, uso ang pahinga, ha?" napatingin na lang ako sa kapatid ko. "Ang pangit mo na."
"Pangit ka din, magkapatid tayo."
"Sira, mas maganda ako kaysa sa crush mo na nan-friendzone sa'yo!" sigaw niya saka siya tumayo. "Pasok na po ako! Bye!"
Lintek na ewan. Pa'no niya nalaman na na-friendzone ako? Hindi ko pa naman kinu-kwento sa kaibigan ko.
"Na-friendzone ka ba anak? Kailan?" napatingin na lang ako kay Mama. Hayan na, umiiral na ang pagiging chismosa niya. "Sino ba 'yung babae na 'yun? Hindi mo man lang pinakilala sa amin."
"Hayaan mo na siya, Ma. Ayaw niya sa akin eh." sagot ko na lang sa kanya habang ngumunguya ng kanin. Takte, ang sakit.
"Marami pa naman ibang babae diyan, apo." napatingin na lang ako kay lola. "Unahin mo muna ang pagiging engineer mo. Hayaan mo ang babae ang maghabol sa'yo."
"Korek! Tama si lola mo, Dennis." sabi na lang ni Mama habang naka-turo pa ang kutsara niya sa akin. "Kailangan maging engineer ka muna bago mag-asawa."
"Sino'ng may sabi na mag-aasawa ako?" tanong ko na lang sa kanila.
Tinignan lang ako ni lola. "Pakiramdam ko apo, magkakaroon ka ng asawa. Mukhang hindi ka matutuloy sa pagpa-pari."
Umiling na lang ako sa kanya. Ayoko muna isipin kung itutuloy ko ba ang pagpa-pari ko. Uunahin ko muna ang pagiging engineer.
Padayon!
*Year 203x*
July 19, 202x
Dear future Eri,
BINUSTED AKO NI DENNIS KAHAPON! T_T
Hindi ko alam kung binusted ba niya ako. . . Or it's a prank lang? Huhu. Ilan taon na kong inlove du'n eh. Tapos, sasaktan lang niya ang puso ko! Grabi siyaaaa! Huhu.
Pero alam mo ba, kahapon nu'ng nakita ko siya, ang haggard ng fes niya. Parang, stress na stress siya. Ganun. Inisip ko na, baka sa pagre-review niya sa board exam. Kaso matagal pa naman 'yun ah.
Kung tatanungin mo kung bakit hindi ako CPA? Kasi. . . A-YO-KO! HAHA! Yes self! You read it right! Ayoko lang mag-take.
PERO GOOD NEWS KASI MAY TRABAHO AKO NGAYON SO YESSS! HAHAHA! Excited na ko ma-stress at mainis sa future co-officemates ko! Excited na din ako magtype-type sa computer nila! Atsaka, sabi ng HR sa akin, lalaki daw ang CEO nila! Pati na din ang magiging manager sa accounting department which is. . . Du'n talaga ako!
Ahhh! My heart!
Char, kay Dennis pa rin 'to.
Sige na. Mag-aayos lang ako ng susuotin para bukas. Pinapa-punta ako eh.
#BustedAkoNiDennis *cries in Nihonggo* #HastagPaRin!
"Hanggang ngayon ba, binabasa mo pa rin 'yan?"
Napatingin na lang ako sa pinto, hayun siya. Nakatayo.
"Pampawala lang 'to ng pag-aalala ko sa mga bata." sagot ko sa kanya saka ako tumayo at niligpit ang mga gamit na 'to.
Naramdam ko na lang na yumakap siya sa akin.
"Magiging maayos ang lahat. Kailangan lang natin ang tulong nila para magawa nila ang dapat nilang gawin bago pa mahuli ang lahat." bulong na lang niya sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Ramdam ko kasi ang panginginig ng mga kamay niya. Ganyan siya kapag natatakot.
"Alam ko naman 'yun. Syempre, hindi natin maiiwasan na mag-alala. Pero, nandun pa rin naman tayo ah." sabi ko saka ako humarap sa kanya para matignan siya nang maayos.
"Gagabayan pa rin natin sila. Lalo na't nandun pa ang mga magulang natin. 'Di ba?" sabi ko pa sabay hinaplos ko na ang chubby cheeks niya. "Ang fluffy talaga neto."
Natawa na lang ako nang mag-poker face siya. "Sorry! Hindi talaga bagay sa'yo!" sigaw ko sa kanya.
Pero, syempre, joke lang 'yun.
Bago pa mapikon 'to, niyakap ko na lang siya. "I love you."
Naramdaman ko din na niyakap niya ko. Dapat lang dahil ako ang asawa niya. "I love you, too."
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top