NINETEEN


*Year 202x*

Erillia's POV


Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? 

Kainis.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon.

Basta, kailangan matapos na niya ang time machine para na rin maka-uwi ang mga bata sa totoo nilang magulang. Magpa-pasko pa naman din.


Speaking, birth month na pala ng mga bata. Kailangan namin mag-celebrate para naman masaya sila bago mag-pasko.


"Ano, hindi ka pa magre-refill ng tubig, ha?"


Ay, oo nga pala.


"Ano, tutunganga ka lang ba o magre-refill ka ng tubig?"

"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" lumingon ako sa kanya nang sinimulan ko na mag-refill sa tumbler ko.

"Bilisan mo mag-refill, Erillia."

"Ano'ng problema mo ba?"

"Basta, bilisan mo."

"Sia, hintayin mo mapuno 'tong tumbler ko."

"E, bakit kasi ang laki ng tumbler na nabili mo?"

"Baliw, ikaw nagbigay sa'kin nito, 'di ba?"

"Ah, ako ba?" tumango naman ako, "e, basta. Bilisan mo."

"Ano ba kasi ang nangyayari sa'yo?"

"Maya ko na ikwento." Naglakad na lang siya papunta sa lababo. Mukhang nakatingin lang siya sa bintana ngayon.


Mukhang may period 'to.


"Nandito na 'yon bagong secretary ni sir, ah."

Napalingon ako nang magsalita si ma'am Lillian na umupo na sa table habang may hawak na tasa.

"Bagong secretary?" ako na ang nagtanong.

"Galing siyang Baguio. At saka, nakasama mo raw siya sa seminar."

Tumingin muna ako sa tumbler, malapit na mapuno kaya inoff ko na. "Ah, si ma'am Isla."

"Ano, killala mo siya?" napatingin ako kay Sia, agad naman siya lumapit sa akin, "kailan pa?"

"No'ng seminar pa."

Ba't parang paiyak na 'to?

"Nagkakilala ba kayo, Sia?" tanong ni ma'am.

"Hindi. At ayoko siyang maka-usap." Pagkatapos, lumabas na siya ng pantry. Hala, hindi man lang nag-refill ng tubig 'yon.

Lumabas na rin ako ng pantry at pumunta sa cubicle niya, hayun, nakayuko na.

"Pag ikaw nakita ni sir, bingo ka na naman sa kanya," sabi ko nang umupo na ako.

"I don't care, Erillia." 

Napatingin ako sa kanya, nakayuko pa rin. "Aba, gustong-gusto mo talaga na nasisita ka, 'no?"

"Tangina naman kasi," agad niya inangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin, "nalaman ko kanina habang nasa CR ako, type ni ma'am Isla si sir."


Ah, parang nabanggit na din ni ma'am 'yan sa akin.


"Pero, no'ng pumasok ako sa office ni sir kanina habang nasa CR ka, nandoon siya sa loob," mahinang sabi niya.

"Si ma'am Isla?"

"Oo, Eri. Alam mo ba kung ano'ng nakita ko?" Napalapit tuloy ako sa kanya dahil sa hina ng boses niya ngayon.

"Nagtatawanan sila, Erillia. Ang lapit pa nila sa isa't-isa," sagot niya habang dilat na dilat ang mga mata niya ngayon.

"Kulang na lang, maghalikan ang dalawa 'yon sa sobrang lapit. Parang, ganito." Tinignan ko naman ang posisyon namin, dikit na dikit ang office chair namin. At halos, idikit ko na ang mukha ko kay Sia ngayon.

"Baka, type ni sir si ma'am Isla," bulong ko.

"Hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?"

Bigla na lang siya natahimik, pero hindi pa rin siya humihiwalay sa akin. "Kasi, crush ko si sir."

"O, tapos?"

Sakto naman na nakita ko si sir Jeorgio papunta rito. Kaso, mukhang ayaw niya ipaalam kay Sia na nasa likod lang siya ngayon.

"Kailangan ma-fall sa akin si sir."

"Pa'no mo gagawin 'yan?" Tumingin ako saglit kay sir, nakangiti na pala.

"Hindi ko rin alam, Erillia."

"Pa'no mo gagawin, miss Sia?"


Lumaki lalo ang mga mata ng ka-officemate ko ngayon. Hindi ko na mapigilan ngumiti kay Sia dahil sa hitsura niya ngayon.


"Parang ka-boses ni sir, 'no?" tanong pa niya.


Sasagutin ko na ba 'to?


"Uhh, tignan mo na lang para, ano... magulat ka." Tama lang ba na sabihin ko 'yon?

"Magulat?" hayan ang nasabi niya saka siya nalingon sa likod.


Nakangiti na ngayon si sir sa kanya, 'yon usual na ngiti niya kapag babatiin namin siya ng "good morning, sir."


"S-sir! Sir! Oh my God, sir!"


Nakangiti pa rin si sir sa kanya. Gwapo pala si sir kapag nakasalamin, medyo malobo ang mukha niya. Puting polo ang suot niya with a black neck tie. Hindi ko alam kung may meeting ba siya ngayon araw na 'to dahil sa suot niya.


"Ikaw, ah. Sumama ka na rin kaya sa pagde-daydream nila."

"Daydream?" tanong niya.

Tumango naman si sir. "Dumaan kasi ako sa pantry para kumuha ng kape dahil nawawala ka. Narinig ko na may fans na sasalubong sa akin mamaya sa seminar."

Ah, seminar pala ang punta.

"Fans? Magaganda sila, 'no?"

"Magaganda?" tanong niya habang nakatingin siya sa PC ngayon ni Sia, "sumilip ako sa seminar room kanina, may magaganda at nagmamaganda ang naghihintay sa akin doon."

"Nagmamaganda?" tanong ko.

"Mga bading, miss Erillia." sagot niya pero nakatingin pa rin siya sa PC. Ano ba ang sinisilip nito?

"I need you, miss Sia, to give me a copy of financial statement sa isang company na sinabi ko sa'yo kahapon."

Napatingin ako kay Sia, nakatingin lang siya kay sir ngayon, hindi sa monitor. "P-po?"

Agad naman lumingon si sir sa kanya. "Mag-report ka sa akin mamayang 6."

"Kasama po si Erillia?" Jusku, bakit ako dinamay nito? Bago pa lang ako, e.

"Sia."


Wala na akong narinig na salita galing kay Sia ngayon. Ano na ang nangyayari sa kanya?


"S-sige po sir. " Pagkatapos no'n, umalis na si sir. Tumingin ako kay Sia, ang laki ng mata niya ngayon. 

"Sia," hinila ko nang mahina ang kanyang kutil sa right ear niya. Hindi ako sinagot.

"Hoy, Sia."

"Ang gwapo talaga ni sir!" sigaw niya tapos humarap sa akin, "ako lang ang mapapangasawa niya.

"Gawin mo na lang 'yon report habang nangangarap ka ngayon dyan." Umusog na lang ako sa table at nagsimula na kong gumawa ng cash voucher. Tumingin ulit ako kay Sia, nakangiti siya habang nakatingin sa monitor niya ngayon.


Chineck ko ang phone na naka-charge, message galing kay Dennnis.


Dennis:

nasa bahay muna namin ang mga bata, ha.


Hala, bakit naman niya pinapunta roon?


Me:

Bakit ?

Dennis:

walaa lang, namiss lang ni mama ang mga anak natin.


Hala, anak daw namin. Kung sa bagay, anak nga naman namin 'yon. 


Ba't gano'n, hindi bagay sa kanya na banggitin 'yon mula sa bibig niya? Nang mabasa ko 'to, narinig ko na ang malalim na boses niya. 


Parang, gusto ko pa ulit marinig ang boses niya.


"Hoy, Erillia."

Lumingon naman ako kay Sia. "Tayo ang naka-in charge para sa Christmas party."

"Ha?"

"Host tayo, gaga."

"Bakit tayo?"

Inusuog niya papunta sa akin ang office chair niya. "Actually, ako talaga ang nag-volunteer. Ayoko na matanda ang mag-handle ng Christmas party, nakakahiya sa asawa ko."

"Asawa mo?"

"Oo. Si sir Jeorgio ang asawa ko." Napansandal na lang ako sa office chair dahil sa sinagot niya. Ewan ko kung ako lang ba ang nakaka-alam sa pangarap niya ngayon.


Teka, kung nandoon ang mga bata sa bahay ng parents niya, meaning ba nito tahimik ulit ang kwarto namin ni Lia pag-uwi ko mamaya?


"Kailangan natin pag-isipan 'yon theme ng party. May ibang branch na makiki-party sa atin." Hindi ko na lang pinansin si Sia dahil binalikan ko ang pagsusulat ko sa mga voucher. 


Malamang sa malamang, baka hindi na naman uuwi si Dennis sa bahay nila. Kawawa naman ang mga bata kung hindi siya uuwi.


Me:

Uuwi ka ba ? Kawawa naman sila sa bahay nyo.


Dennis:

dadaan ako sa bahay ni sir logan saglit tpos uuwi na ko.


Hay salamat naman. Makakapag-trabaho na ako nang payapa.



~~~

(17)

(May 19, 202x)

Kung hindi mo siya mapipigilan, gumawa ka ng paraan para hindi sila magkakilala ng asawa niya. Ka-officemate mo siya...


Unang-una sa lahat, bakit hindi niya binanggit ang pangalan ng asawa ni Availla para naman mabantayan ko. 

Halos lahat ng lalaki sa accounting department, may asawa't anak na. So, paano?


(16)

Eri, pigilan mo si Availla na tumakbo sa kahit ano'ng position sa gobyerno. Please. Sana mabasa mo 'to bago pa siya manalo.



Tuwing babasahin ko ang mga sulat na 'to, nag-aalangan ako na kausapin si Availla ngayon. Ayoko naman maniwala na siya ang dahilan kaya napunta ang mga bata rito.

Pero, future version ko na ang nagsabi. Magiging pangulo siya. 

Paano ko siya mapipigilan ngayon kung may nangyayaring eleksyon na sa bawat baranggay ngayon?


Napatingin ako sa kama dahil nag-ring ang phone ko. Kaya naman, agad ko kinuha. Baka kasi, si Dennis ang tumatawag.

Kaso, si Maia.

"O, bakit?"

[Wala ako kasama ngayon sa condo. Gusto mo, sleep over kayo with the kids?]

"Aww, sayang. Nasa bahay sila ngayon ni Dennis."

[Hala. May ibibigay pa sana ako na mga laruan at coloring books.]

Ang yaman talaga ng babae na 'to. Buti na lang, naging ninang siya sa future.

[Gusto mo, ikaw na lang ang mag-sleep over dito?]

"Aba, pwede naman."

[Sure ka na hindi ka papagalitan ni tita?]

"Matanda na ko. Hindi na ko papagalitan." Agad ko naman binaba ang tawag para maghanda ng dadalhin. 

Tanda tanda ko na, magpapaalam pa ko? At take note, may mga anak na ako.



~~~


"Si Availla ang nag-utos?"

"E, hayun ang nakalagay sa sulat. Na-confirm na rin ng future version ko."

"Bakit naman niya pina-utos 'yon?"

"Dahil daw namatayan siya ng anak."

"Wow," she sighed, "what a stupid reason. Sana 'yon pumatay sa anak niya ang pinapatay niya."

Napa-upo na lang ako sa dark blue niyang sofa bed habang hawak ko ang cup na ang laman ay hot choco. "Pinapapigil nga sa akin na dapat hindi magkita ng asawa niya."

"Huh? Sino?"

Tumingin ako sa kanya na naka-upo ngayon sa carpet. "Hindi ko kilala. Ka-officemate ko pa."

"Patay kang bata ka."

Humigop muna ako ng hot choco bago magsalita. "Kung hindi ko magawa 'yon, baka kung ano ang mangyari sa mga bata kapag bumalik sila sa future natin."

"Kaya ba busy ngayon si Dennis dahil sa time machine?" tumango naman ako sa tanong niya.

"Ayoko na nga pabalikin ang mga bata roon."

"Hindi pwede, Eri."

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "Baka may masamang mangyari sa future natin kapag hindi sila bumalik. Ang malala pa niyan, baka malaman ng mga tao na pwede na tayo pumunta ng future."


Ngayon pa lang, sumasakit na ang batok ko.


"Hintayin mo na makilala ang asawa niya," sabi pa niya.

"Pero, kailan kaya 'yon?" napa-inom ako ng hot choco dahil sa tanong ko. Naubos ko agad.

Tumayo ako para ilagay sa sink ang cup nang lumingon ako kay Maia, nakangiti siya na parang may alam siya sa mangyayari.

"O, ba't ganyan ngiti mo?"

Umiling siya. "Wala lang. Takot na takot ka na, e."


Natatakot ba talaga ako o kinakabahan sa mangyayari? Parehas lang ba 'yon?


*Year 203x*


[January 28, 203x]


Every time na papasok ako, gusto ko na umuwi agad para sunduin ang mga anak ko. Wala pang kalahating-araw, nangangati na ang mga paa ko na umuwi.


"Eri."


Uhh, papupuntahin na naman ako nito sa office ni Availla, e.


"Yes, ma'am?"

Ngumiti ka na lang, Eri.

"Pabigay naman 'to kay Madam President. Pakisabi, pirmahan niya para maayos na natin."

Wala akong choice, kinuha ko ang mga papel at agad na tumayo para maglakad. Hindi ko alam kung ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon.


Nang makarating ako sa floor ng office niya, malayo pa lang, kita ko na may dalawang tao na nakatayo lang. Hanggang sa unting-unti ko na nakikita, PSG pala ang mga 'to.

"May kausap pa po ang presidente, miss."

Tumango na lang ako at umalis. Mukhang hindi naman nila alam kung kailan matatapos ang meeting, e.



"Eri, naibigay mo na?"

"Ay, hala!"

"Hala? Hindi mo pa naibibigay 'yan?"

Tumayo ako at kinuha ang mga papel. "May kausap pa kasi si Madam President kaya hindi ako pinapasok."

Tumango siya at tumingin sa kanyang relo. "One o'clock na rin naman. Baka, umalis na 'yon kausap niya."

"Ah, sige po."

Mabilis naman ako nakarating sa floor ng office niya, wala na akong napansin na PSG sa pinto kaya naman agad ako naglakad.


Nakita ko na naka-uwang nang konti ang pinto. Kakatok na sana ako nang...


"Binigay ko na ang pera na hinihiling niyo. Siguraduhin niyo na hindi ako mata-trace."

"Madam, mga bata po ba talaga?"

"Mga bata."

"E, Madam, ang dami na po naming napatay na mga bata."

"Kailangan wala na akong makita na mga bata sa susunod na taon."


Shit.


"Pati anak mo, patayin mo na rin."

"W-wala po akong anak, Madam."

"Sigurado ka?"

"Yes po."


Si Availla ba talaga 'yan? Ano'ng problema niya?


Mas lalo akong natakot nang marinig ko mula sa malayo ang nagtatawanan na mga PSG. Humarap na agad ako sa pinto at kumatok. Nang makita ko na ang mga PSG, sakto naman na bumukas na ang pinto.

Lalaki ang bumungad sa akin, mukhang nasa edad na 40, gano'n.

"N-nandiyan ba si Madam?"

"Ay, Madam, may staff kayo rito." Pagkatapos, pinapasok naman niya ako. Kaya naman, dahan-dahan akong naglakad habang hawak ko nang mahigpit ang mga papel.

Nang makita ko siya, ngumiti ako. "May kailangan po kayong pirmahan."

"Oh, Erillia. Come here." Bakit ang hina ng boses niya ngayon?

Lumapit naman ako at nilapag sa table niya ang mga papel. "Pirmahan niyo na raw 'to para maayos na namin."

Tinignan niya ang pinaka-unang papel. Agad naman siya ngumiti at tumingala sa akin. "Tatawagan na lang kita kapag nata-"

"Uuwi rin ako agad."


God, bakit ko nasabi 'yon.


"Ay, bakit?"

"May PTA meeting sa school. Wala ngayon ang asawa at mga kapatid ko para umattend ngayon."

"Oh," tumango-tango siya, "pero pumasok ba ang manager niyo?"

"Ah, yes. Mas mabuti na sa siya ang tawagin mo para, if ever na may gusto kang i-clarify, masasagot niya," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Bakit nagagawa ko pang ngumiti ngayon matapos kong marinig ang mga 'yon galing sa bibig niya?

"At saka, hindi ko rin kasi na-scan 'yan kaya, hindi ko rin masasagot ang mga magiging tanong mo."

Tumango ulit siya. "Alright. Thank you, Erillia."

"Una na ako, ah. Bye." Kumaway pa ako sa kanya sa ako naglakad palabas ng pinto. Ningitian ko na lang ang lalaki na 'to pati na rin ang mga PSG niya. Mababait naman ang mga PSG niya sa akin, noon pa lang.


Kumalma ka muna, Eri. Saka mo ilabas ang kaba mo kapag naka-uwi ka na, kasama ng mga bata.


~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top