NINE
*Year 202x*
Erillia's POV
"Reinard!"
Si Dallia na ba 'tong nakikita ko?
Mukhang siya nga. Magkayakap sila ngayon ni Reinard. Nakatingin si Dallia ngayon sa akin.
"Mama!" sigaw niya sabay tumakbo papunta sa pwesto ko ngayon. Lumuhod ako at hinintay na mapunta siya sa bisig ko.
"Oh my God, ikaw na ba si Dallia?"
Tumango siya habang nakangiti sa akin. "Ako nga po 'to, Mama."
"Oh my God!" sigaw ko na lang at niyakap ang anak ko. Oo, anak ko 'to.
"Ikaw ba talaga 'to, ha?"
"Ako nga po si Dallia Kirsten, Mama."
Kumawala ako sa pagkakayakap para matignan siya. "Pawis na pawis ka na. Bakit hindi nakatali 'yan buhok mo?"
"Ayaw ko po, e."
Mabuti na lang, nakasanayan ko na magdala ng extrang ponytail. Kinuha ko 'yon mula sa bulsa ko at sinimulan kong itali ang buhok niya.
"Erillia."
Nahinto ako sa pagtatali at tumingala kay Binnie.
Nakanganga lang siya. Samanatalang si Maia, nakangiti lang.
"Problema mo, Binnie?"
Tumingin siya sa akin.
"Si Dennis ang tatay nila?"
"Dennis?"
"Papa! Papa! Papa!" boses ni Reinard ang naririnig ko.
Tinapos ko muna ang pagtatali sa buhok ni Dallia. Tumayo ako para tignan kung sino ang kaya...kap.
Anak ng siopao.
"Sino'ng Dennis, Binnie?" narinig kong tanong ni Maia.
"Hay nako, Maia. Ayan 'yon crush ni Eri noong college pa lang tayo. Schoolmate rin natin 'yan."
"Really? Sa department natin?"
"No, sa engineering department 'yan."
Pa'nong nangyari 'to?! Bakit siya ang ama ng mga batang 'to!?
"Hello po, ninang Binnie. Hello po, ninang Mai."
"Hi, sweetie. Buti nakikilala mo pa kami."
"Oo naman po. Nag-iba lang po kayo ng kulay ng hair at saka po, maikli na po ang hair niyo, ninang Mai."
"E, ako? Ano'ng hitsura ko?"
"Hmm. Color brown na po ang buhok niyo."
"Dallia!" sigaw ko. Bakit hindi ako makakilos ngayon?
"Bakit po, Mama?"
Tumingin ako sa kanya. "Siya ba talaga ang Papa niyo?"
"Opo, Mama."
"Opo, Mama! Siya po talaga ang Papa namin!"
Napatingin na lang ako kay Reinard. Hinihila niya papunta rito si Dennis pati ang kasama niya. Hindi ko kilala 'to, pero, mukhang kilala ng mga bata.
"Dallia Kirsten Patrailo-Montengra ang buong pangalan ko po, Mama."
"Ako naman po, Reinard Ernis Patrailo-Montengra ang pangalan ko!"
Punyeta, pa'no nangyari 'yon? Never naman nagkagusto sa'kin 'to. Manhid nga siya, e.
"Mama?"
Kung anak nga namin 'to, ibig sabihin, nag-sex kami?
"Mama?"
Tapos, ngayon pa ang anniversary namin? Anak ka talaga ng siopao, paano nabuo ang love story ko sa hayop na 'to?
"Mama?"
Juskupo, Eri. Pa'no kayo na-inlove sa isa't-isa? Ha?! Binusted ka niyan, 'di ba? Hindi ka niya type, ipapaalala ko sa'yo!
"Erillia."
Napatingin ako sa kanya, oo kay Dennis.
"Ano?"
"Galit ka?"
"Bakit ako magagalit?"
"Okay ka lang?"
"Oo. Bakit ba?"
"Kanina ka pa tinatawag ng mga bata," sabi na lang niya tapos tinuro ang mga bata na nasa pagitan namin ngayon. Nakatingin pala sila sa akin.
"Ah, so, ikaw pala ang Mommy ni baby Dalli."
Napatingin na lang ako sa lalaki na 'to. "Sino ka ba?"
Ngumisi siya at inabot ang kamay niya. "Jeydan Dabba pala. Ang future ninong ni baby Dalli at baby Reinard."
"Dalli?"
"Ako po 'yon, Mama." Napatingin ako kay Dallia. Ang korni naman nito.
"So, sa'n na tayo ngayon?" tanong ni Maia.
"Mama, kain po tayo," sabi na lang ni Reinard sa akin.
"Hindi ka ba kumain?" si Dallia ang nagtanong sa kanya.
"Kumain naman. Pero, gusto ko ng chicken, e."
"Ako nga, gusto ko ng spaghetti."
"Tara, kain tayo?" tanong na lang ni Binnie sa dalawa. Nakita ko na tumango sila.
"Sige, basta libre ng mga magulang niyo."
Napatingin ako sa kay Jeydan. Nakangiti siya ngayon sa mga bata. "Tara na, hanap na raw tayo ng kakainan."
"Ay, may masarap na fast food chain dito," sabi na lang ni Maia saka na sila naglakad kasama ang mga bata.
So, naiwan kami ni Dennis ngayon.
"Ikaw na ang manlibre.
Napatingin ako sa kanya, sabay namin sinabi 'yon.
"Ikaw na. May trabaho ka naman 'di ba?" ani ko.
"Nag-re-review pa lang ako, Eri. Ikaw na."
"Ba't ako? Anim sila ang papakainin ko? Dagdag ka pa, e 'di, pito na."
"O'sige na. Hati na lang tayo," sabi na lang saka siya naglakad para sundan ang mga kasama namin.
Kainis naman, e!
~~~
"Ano sa mga kasama mo?"
"Rice meal sa kanila, set B."
"Sa mga bata?"
"Kay Dallia, chicken meal, set C. Kay Reinard, spaghetti meal, set A."
"Natanong mo ba kay Jeydan?"
"Kung ano raw sa'yo, 'yon din ang order niya."
"E, ano sa'yo?"
Napatingin na lang ako sa kanya.
"Cheese burger."
"Yan lang? Hindi ka magkakanin?" tanong niya. Umiling ako at binigay ko ang savings card ko.
"Saka mo na ko bayaran kapag may trabaho ka na," sabi ko sa kanya.
Papunta na sana ako sa table namin nang hilain niya ang kaliwang kamay ko.
"Samahan mo muna ako rito."
"Babalikan ko lang sila roon."
"Hayaan mo muna mag-bonding ang mga ninong at ninang nila."
Napatingin naman ako sa table namin, tuwang-tuwa ang mga bata.
"Sige, sasamahan na lang kita." Sakto naman na si Dennis na ang magsasabi ng mga order namin.
"Mamaya kita babayaran."
Napatingin ako sa kanya, inabot niya sa akin ang savings card ko.
"Akala ko ba, wala kang trabaho kasi nag-re-review ka?"
"Binibigyan ako ng pera ng mga magulang ko para raw may budget ako kay Dallia."
"O? Pa'no mo pala nakita si Dallia?"
Ngumisi siya, "siya ang nakakita sa akin. E, si Reinard?"
"Pumunta sa bahay namin," sagot ko. "Ang galing nga niya, alam niya kung saan ako nakatira."
"Sinabi ba niya sa'yo kung bakit siya nandito?" pabulong niyang tinanong dahil may tao na sa likod namin.
"Hindi niya sasabihin kapag hindi niya nakikita ang Papa niya."
Tinuro niya ang kanyang sarili, "ako ang Papa niya, 'di ba?"
"Bakit? Nagdududa ka ba?"
Hindi niya ako sinagot. Sakto naman ang pagdating ng mga order namin. Tinulungan ko na lang siya sa pagbubuhat, kawawa naman, e.
"Huwag muna natin pag-usapan tungkol sa hinaharap nila, okay?" Hayan ang nabilin sa'kin ni Dennis bago siya nauna maglakad papunta sa table namin.
Naabutan namin na nag-iingay sila. Pasimuno na naman si Reinard.
"O, ano pa ang nangyari?" tanong ni Maia.
"Si ninong Jeydi po, tatakutin kami pagkatapos po namin lumabas sa horror booth!" sigaw na lang ni Reinard.
"Kasi naman po! Iniwan kami ni ninong Jeydi sa loob! Ang dami pong mga mumu na nagpakita sa amin," sabi naman ni Dallia.
"Hindi sila mga mumu. Costume lang daw 'yon sabi ni ninong!"
"E, ganoon 'yon mga mumu sa nakakatakot na palabas sa t.v., e!"
Tumingin siya kay Binnie, "ninang! 'Di ba po, ang mumu, puti ang kulay nila tapos po naka-white na damit po sila tapos po, mahaba ang buhok nila?"
"Pag babae, mahaba ang buhok. May dugo dugo sa damit 'yon."
Tumawa naman ang mga bata. Mas lalo lumaki ang mga ngiti nila nang makita ang mga bitbit namin.
"Yey! Spaghetti!" sigaw ni Reinard.
"Yey! Chicken!" sigaw ni Dallia.
"Yey! Pagkain!" sigaw ng mga matatanda.
"Kasali kayo?" tanong ko sa kanila.
"Libre niyo kaya!" sigaw ni Binnie sa akin.
Kinuha ni Maia ang bitbit namin na tray. Sumiksik ang mga bata sa ninang nila. Ang kasama naman ni Dennis, tumabi sa kanya. Bale, ako ngayon ang naka-upo sa bintana.
Ano na ang mangyayari sa amin?
"Mama."
Napatingin ako kay Dallia. "Ano 'yon?"
"Kailan niyo po ako bibili ng salamin?" tanong niya tapos kumagat sa manok na may gravy.
"Sweetie, may gravy ka sa ilong mo." At dahil katabi niya si Maia, siya na ang nagpunas ng ilong ni Dallia.
"Mas masarap pa rin po ang gravy na gawa ni Papa," sabi na lang ni Dallia pero nakatingin siya sa pagkain.
Talaga? Marunong magluto ang hayop na 'to?
"Sus, hindi naman nagluluto 'yan, Dallia."
Napatingin ako kay Jeydan. "Hindi nagluluto si Dennis."
Aba, talaga ba?
"Huwag mo 'ko tignan ng ganyan, Erillia."
"Sino bang may sabi na tinitignan kita?" Nakakaloka naman 'tong si Dennis. Hindi ako nakatingin sa kanya. Kay Jeydan ako nakatingin.
Kainis, bakit ba cheese burger ang inorder ko?
Ah, kailangan ko kasi magtipid. Ay...
"Gusto mo ngayon tayo bumili ng salamin mo, Dallia?" tanong ko sa kanya.
Nahinto siya sa pagsubo ng kanin at tumingin sa akin. "Pwede po?"
"Oo naman. Baka nahihirapan ka na makita ako, e."
Lumaki naman ang ngiti niya. "Sige po. Thank you po, Mama." banggit niya saka siya sumubo ng kanin.
"May pera ka pa?"
Napatingin ako kay Dennis. Nakatingin na pala siya sa akin.
"May extra pa naman ako. Nasaan ba ang salamin niya?"
"Nasira."
"Bakit?"
Hindi na siya nakapagsalita.
"Mamaya, sasabihin ko sa'yo ang nangyari."
~~~
"Sa'n na kayo niyan?" tanong ni Binnie nang makalabas na kami ng optical shop para sa salamin ni Dallia.
Actually, inuna muna namin na ipasyal ang mga bata sa mall lalung-lalo na sa arcade. Akala ko, ako ang gagastos para sa rides nila, buti si Dennis ang nagbayad.
Wala na kasi ako budget, uutang na naman ako kay Lira. Teka, may pera pa ba 'yon?
"Hindi ko alam, e." sagot ko.
"Kailangan ko na umuwi. Aalis pa kami ni Mama," sabi na lang ni Binnie.
"May pupuntahan pa 'ko," sabi naman ni Jeydan.
"So, sa'n uuwi ang mga bata?" Napatingin ako kay Maia, "sa Mama ba or sa Papa?"
Napatingin ako sa mga bata na nasa likod lang ni Dennis.
"Mag-decide na kayo."
Napatingin ako kay Dennis. Sa totoo lang, gusto ko makasama si Dallia at para na rin makilala ng pamilya ko. I'm sure, ganoon din ang gusto niya.
"Papa, sa bahay na lang tayo ni Mama ngayon."
Napatingin ako kay Dallia.
"Gusto mo sa bahay ni Mama mo sweetie?" tanong ni Maia.
"Opo. Tapos po, bukas, si Mama at Reinard po, sa bahay niyo po sila matutulog." Sinabi niyo 'yan habang nakatingin sa akin.
"Nandoon ba si tita Ella sa bahay ni Papa?" tanong ni Reinard sa kanya.
"Oo. Ang dami nga niya candy sa bag kapag uuwi siya."
Lumaki ang mga mata niya. "Talaga?" tapos, bigla na lang siya lumapit sa akin.
"Mama! Bukas po, doon tayo matulog sa bahay ni Papa."
"E, Sunday bukas. May pasok ako sa Monday," sabi ko sa kanya.
"E 'di, doon ka muna sa bahay namin matulog. Tapos, bukas, doon ako matutulog sa bahay mo. Ayos?"
Napatingin ako kay Dennis. Totoo ba 'to? Siya ba talaga ang nagsabi no'n?
"Oo nga naman, puwede naman ang suggestion niya," sabi ni Jeydan.
"E, pa'no mo ipapaalam sa nanay mo 'yan?" tanong ni Binnie.
Isa pa 'yan. Nakaka-inis. Issue na naman sa mga tita ko 'to.
Pero, bakit ba? Siya ang ama ng mga batang 'to, e. Nah, I have to fight for it.
"Sige, doon tayo sa bahay ng Papa mo matutulog ngayon."
Hayun, natuwa sila. Pati ang mga matatanda a.k.a mga ninang at ninong nila.
Tinignan ko si Dennis. Hindi ko alam kung bakit siya nakangiti ngayon sa akin.
Dennis' POV
"Nay?"
"O, ate, ba't ginabi na kayo?"
"May ipapakilala ako sa inyo."
Naghihintay kami ni Dallia sa labas ng pinto. Si Reinard, nasa likod lang ni Eri, nakakapit sa damit.
Tumingin si Eri sa akin. "Tara, pasok."
Tumingin ako Dallia, "magmano ka sa lola mo, okay?"
Tumango siya, "opo, Papa."
Agad naman nagpakita si Dallia sa buong pamilya ni Eri. Narinig ako ang sigawan nila, akala mo nakakita ng artista.
"Naku, siya ba ang kapatid ni Reinard? Ang cute cute naman niya."
"Hi po, lola nanay."
"Hi, Dallia!" boses iyon ng lalaki. Ang alam ko, may kapatid siya na lalaki.
"O, Eri, nasaan ang Papa nila?"
Patay kang bata ka.
"Nandito sa siya likod ko." sagot niya.
"Aba, ba't ayaw mo papasukin?"
Napatingin siya sa akin. "Tara."
Nagtanggal muna ako ng sapatos saka na 'ko pumasok sa loob ng bahay niya. Seryoso silang nakatingin sa akin except dito sa isa na nakayakap ang mga bata sa kanya.
Nakangiti siya sa akin. "Ikaw ba ang Papa ng mga apo ko?"
Ah, so siya pala ang nanay ni Erillia. "Opo."
"Kuya, upo ka." Napatingin ako sa isang babae na, medyo kamukha ni Eri. Kapatid ba niya 'to?
"Hindi kami nangangain ng tao, kuya...?"
"Ah, Dennis po."
Bakit ba kinakabahan ako sa pamilya na 'to?
"Ah, kuya Dennis. Ako nga pala si Lira. Nasa c.r. si Julian tapos ang mga nasa hagdanan ngayon ay ang mga pamangkin ni aling Marites." saka niya tinuro ang mga babae na nasa hagdanan ngayon. Lima sila.
"Ano'ng pamangkin ni aling Marites?" tanong na lang ng isa.
"Kilala niyo ba kung sino si aling Marites?" tanong ni Lira sa kanila.
"Sino ba 'yon?" tanong ni Eri habang nagsasalin ng tubig sa baso. Uhaw na uhaw na 'ko.
"Oh my gosh, hindi niyo kilala si aling Marites?! My god, kilalang-kilala 'yan dito, 'no!"
"Juskupo, ate Lira, sino ba kasi 'yang Marites na 'yan?"
Huminga na lang siya nang malalim.
"Basta si Marites!" sigaw niya saka siya umalis.
"Siya ba 'yon chismosang kapit-bahay niyo?"
Nahinto si Lira at dahan-dahan tumingin sa akin. "Aba! Kuya, nadali mo!" sigaw niya saka siya tumawa.
Pa'no ko ba nalaman? Dahil kay Dallia. Kapag may narinig siyang sigawan o away ang kapit-bahay namin, tatawagin niya si Mama na "aling Marites".
"Lira, hindi ko magets!" sigaw ng isang babae na naka-upo sa hagdanan. Mga tita ba nila 'to?
Napatingin siya, "hay nako po. Kaya ayoko mag-joke sa mga matatanda, e. Kailangan pa mag-explain."
"Ipaliwanag mo nga, Dennis." Aba, dinamay pa 'ko.
"Huwag niyo na idamay si Dennis, tita."
Napatingin ako sa boses ni Eri, nasa tapat ko na pala siya hawak ang baso na may malamig na tubig.
"Wala kaming juice, e. Water ka muna."
"Okay lang, thank you." saka ko kinuha ang baso at uminom.
Ah, pucha, ang sarap sa lalamunan.
"Lola nanay, doon muna po kami matutulog sa bahay ni Papa."
Hala, muntikan ko na pala makalimutan.
"Ah, opo, tita. Gusto po kasi ni Reinard na matulog sa bahay namin," sabi ko.
"Ah, e 'di sige. Isama mo 'to si Reinard."
"E, lola nanay! Gusto ko po kasama si Mama."
"Sige na po, lola nanay. Gusto ko rin po makasama si Mama," sabi na lang ni Dallia sa nanay ni Eri.
"Ha? E..." Napatingin na lang sa akin ang nanay ni Eri.
"Dito naman po kami matutulog ni Dallia bukas," sabi ko.
Mukhang hindi 'to papayag, ah.
"Sige na 'nay, kasama ko naman ang mga anak ko."
Napatingin ako kay Eri, may hawak siya na bag na kulay blue.
Hindi pa rin kumikibo ang nanay niya. Mukhang wala na 'to.
"Dallia."
Tumingin naman sa akin si Dallia, pinalapit ko rito.
"Bakit po?"
Obvious na sa mukha niya na malungkot siya. "Dito ka muna matulog, ha? Bibisitahin kita bukas."
Umiling si Dallia. "Sabi niyo po, doon matutulog si Mama sa bahay niyo po."
"Oo nga po, Papa." Bigla na lang lumapit si Reinard sa akin at umakap sa kaliwang balikat ko.
"Sabi niyo po, doon tayo matutulog sa bahay niyo po!" sigaw niya.
"Mukhang ayaw ng lola nanay niyo na doon matulog ang Mama niyo."
Si Dallia, paiyak na. Si Reinard naman, niyuyugyog ang balikat ko habang nagsisigaw ng kung ano sa tenga ko.
E, ano'ng magagawa ko kung ayaw ng nanay ni Eri? Alangan naman itakas ko sila kasama si Reinard?
Pero, bakit naman hindi niya papayagan na makitulog sa amin si Eri? Mga anak naman ni Eri ang kasama niya bukod sa akin.
Iniisip ba nito na may mangyayari sa amin dalawa?
"Papa!" sigaw nilang dalawa.
"Hay naku po, huwag na mga pasaway."
"Papa!"
"E, hindi nga pumayag ang lola nanay niyo." bulong ko sa kanila.
"Papa!"
"Kapag sumigaw pa kayo, hindi ako pupunta rito bukas."
Hayan, natahimik na silang dalawa. Pero, nakadikit pa rin sila sa akin.
"Promise, pupunta ako nang maaga rito bukas," sabi ko sa kanila.
"Talaga, Papa? Maagang-maaga?"
Napatingin ako kay Reinard. "Baka nga maabutan kita na tulog kapag dumating ako rito."
"Ay! Maaga kaya ako gumising ngayon, Papa! Hindi na 'ko ginigising ni Mama kapag papasok na kami ng school!"
"Huwag ka maniwala diyan kay Reinard, Papa."
Napatingin ako kay Dallia.
"Palagi siya ginigising ni Mama kapag papasok na po kami ng school. Tapos na po ako maligo, tulog pa rin po siya."
"Hindi, ah! Ako nauuna sa'yo na gigising, e!"
"Kapag si Papa ang maghahatid sa atin, maaga ka nagigising."
"Hindi naman, ah! Kapag sasakay tayo sa school service, maaga ako nagigising!"
"Hindi!"
"Hindi!"
"Hindi!"
"Manahimik kayong dalawa!" sigaw ko sa kanila.
Mabuti naman natahimik ang dalawa, pero nakakapit pa rin sila sa akin.
Narinig ko na tumawa si Lira. "Nakakamiss naman makipag-away sa kapatid."
"Bakit, ate? Ganyan ba kayo ni ate Eri?" tanong ng kapatid niya. Siya si Julian, 'di ba?
"Oo, hindi kami tatahimik hangga't walang nanalo sa amin." Sumakto naman na dumaan si Eri sa harapan ni Lira para umakyat ng hagdanan.
Pa'no na 'ko magpapaalam nito?
"Uwi na po kayo, Papa?" tanong ni Reinard sa akin.
"Oo. Baka hinahanap na 'ko ng lola Mama niyo sa bahay."
"Teka, Dennis!"
Napatingin ako sa hagdanan, nandoon pa rin ang mga tita niya.
"Reinard, ihanda mo na ang bag mo."
Agad naman sumunod sa utos ni Eri si Reinard. Ano'ng nangyayari?
"Mama, toothbrush ko po?"
"Pasuyo ka muna kay tita Lira!"
"Ay, sige. Ako na ang kukuha ng toothbrush mo." saka umalis si Lira.
"Dennis."
Napatingin ako sa nanay ni Eri.
"Dito kayo matulog ni Dallia bukas, ha? May pasok pa si Eri sa lunes," sabi niya habang nakangiti sa akin.
Napatingin ako kay Dallia, nakangiti rin siya.
Aba, pumayag.
*Year 203x*
"Mabuti naman, nakadalaw ka ngayon," sabi ko sa kanya nang maibigay ko ang mint tea niya. Dati, mahilig siya sa milktea. Ewan ko ba kung ano'ng nangyari sa panlasa niya ngayon.
Tinignan niya ang buong paligid ng bahay.
"Ang tahimik naman dito."
"Ganoon talaga kapag wala ang mga bata. Normal na 'to sa akin."
"Pero, tahimik ang bahay na 'to tuwing gabi."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Dahil totoo naman.
"Ilang buwan na ba?"
"Isang linggo pa lang."
"Talaga? Bakit parang ang tagal naman ng oras sa kanila?" tanong niya bago siya uminom.
"Hindi ko rin alam, Maia."
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top