FOURTEEN
*Year 202x*
Dennis' POV
Pinapasok ko naman si Erillia sa loob. Sakto naman ang pagdating niya dahil nagluluto ako ng corned beef. Malamang, almusal namin. Hindi ko alam kung sinadya ba ng kapatid ko na pumasok ngayon para ako ang maghanda ng kakainin o hindi.
"Good morning, ate Eri."
Tinignan niya si Ella bago siya umupo sa sofa. "Good morning din. Tulog pa sila?"
"Oo, 'te. Five pa lang nang umaga, e. Ang aga mo naman umuwi."
"Sinadya ko talagang umuwi nang maaga dahil sa mga batang 'yon."
Bigla na lang siya tumingin sa akin. Ang laki naman ng eyebags niya ngayon.
"Nabasa ko na ang mga sulat."
Agad naman ako tumabi sa kanya habang hawak ko pa ang kutsilyo. Pucha, bakit hawak ko pa 'to?
"Hoy, kuya! Bitawan mo nga 'yan!"
Nang isigaw 'yon ni Ella, tumakbo agad ako sa kusina para ilapag sa chopping board ang kutsilyo at i-off ang stove saka ko binalikan si Erillia.
Kailangan ko na ng sagot.
"Ano sabi sa sulat?"
Hinintay ko siya na sagutin ako. Pero, bakit hindi siya makapagsalita ngayon?
"Wala ako maintindihan sa mga sinulat niya, Dennis."
"Ha?"
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Hindi ko maintindihan ang nangyayari."
"Pa'nong hindi mo naintindihan?"
Nakatingin lang siya sa akin. Mukhang wala pa ata tulog 'to, kawawa naman.
"Gusto mo umidlip? Nasa taas ang mga bata."
Hayan, humikab na nga siya. "Punta ka sa bahay, ipapabasa ko sa'yo ang mga sulat. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naiintindihan. Dahil ba inaantok na ko? Or wala talaga ako naintindihan."
"Ate," napatingin siya kay Ella, "antok ka na. Umakyat ka na sa itaas, sleep ka muna."
"Hindi pwede."
"Ano'ng hindi pwede?" tanong ko.
"Kailangan na nila umuwi," napasandal siya sa sofa, tumingala at naghikab pa, "malapit na mag-pasko. Kailangan makasama na nila ang mga magulang nila."
"Tungkol ba kasi ang mga sulat, Erillia?"
"Mama?"
Napatingin ako sa hagdanan, gising na pala ang dalawa.
"Good morning, kids!"
"Mama!"
"Dahan-dahan lang sa pagbaba, Dallia at Reinard!"
"Mama!" Hindi naman marunong makinig ang mga 'to. Agad nila niyakap si Erillia.
"Mama, may strawberry po kayo?" tanong ni Dallia.
"Oo, nasa bahay. Kain tayo ng strawberry pag-uwi."
"E, may jam jam po kayong binili, Mama?" tanong naman ni Reinard.
"Ube jam jam at strawberry jam jam ang binili ko."
"Jam jam?"
Tumingin silang tatlo sa akin. "Jam lang 'yon, Dennis."
"May binili rin po kayo kay Papa?" tanong ni Reinard.
"Gusto po ni Papa, strawberry taho po."
May binanggit ba ako kay Dallia?
"Huh? Hindi ko naman pwede ipasalubong 'yon sa kanya."
"E? Meron po kayo binibili kapag pupunta po kayo ng Baguio. May malaking bote po kayong bitbit, punong-puno po 'yon, Mama!" nakangiti si Dallia nang sabihin niya 'yon.
"Ang galing, kuya," napatinigin ako kay Ella, "alam ni Dallia na favorite mo ang strawberry taho. Sinabi mo ba sa kanya?"
"Hindi."
Kumukurap pa ang mga mata niya. "Aba, ang galing. Anak mo nga 'to."
"Mama, may ipapakita po ako sa'yo."
"Ano 'yon?" tanong ni Erillia kay Reinard.
"Mamaya niyo na ipakita 'yan sa kanya," tumingin silang dalawa sa akin, "kumain muna tayo."
"Oo tama, kumain muna tayo, nagugutom na 'ko," sabi pa ni Ella. Papasok pa ba 'to or gagala na naman?
~~~
"Mama, heto ang drawing ko po!"
Nakita ko ang hawak ni Reinard na ipapakita niya kay Erillia, puting cartolina na pinag-drawingan niya kahapon. Nandito kami ngayon sa sala, hinihintay si Mama. Pumasok naman si Ella sa school, akala ko gagala na naman ang babae na 'yon.
Heto lang ako, naka-upo dahil kakatapos ko lang maghugas. Hindi ko alam kung ano ang sinusulat ni Dallia. Habang si Reinard, naka-upo sa kandungan ni Erillia.
"Hoy, sa'n ka na naman nakakuha ng gamit mo pang-drawing?" tanong ni Erillia.
"Kay Papa po." Proud pa ang bata.
"Tama ka nga," tumingin siya sa akin, "mas magastos siya sa gamit kaysa sa pagkain."
"Ubos din ang pera ko sa batang 'to," aniya sabay hinaplos ang buhok ni Reinard.
Magaan ba ang kamay niya?
"Mama, lagyan niyo po ng score."
"Score?"
"Opo."
"E, wala akong red ballpen. Pa'no ko lalagyan ng score 'yan?" nang tanungin 'yan ni Erillia, bigla lumingon si Reinard sa akin.
Naku po.
"Papa."
"Ano na naman?" patayo na sana ako nang pinatong ang kamay niya sa hita ko.
"Peram po ng ballpen, Papa."
"Peram?"
"Peram."
"Mali ka na naman, Reinard!" sigaw ni Dallia, "pahiram!"
"E, peram po ng ballpen, Papa."
"Sabihin mo muna, pahiram."
Ilang kurap muna ang ginawa niya bago siya magsalita. "Pahiram."
"O, ano'ng sasabihin mo sa akin?"
"Pahiram po ng ballpen."
Ang cute niya ngumiti kahit na bungi siya. "Nasa hagdanan ang bag ko. Hanapin mo sa loob, may ballpen diyan."
Agad naman siya sumunod sa sinabi ko. Parehas naman silang masunurin. Siyempre, hindi ko maiwasan na may nalalamangan sa kanila.
Katulad ni Dallia, mas matalino siya kaysa kay Reinard. Pa'no ba naman, naglaro sila ni Ella kahapon. Kaso, may halong Math ang topic. Mas maraming score si Dallia kaysa kay Reinard. Hindi ko alam kung sino ba ang nagtuturo sa kanya sa bahay, ako ba or si Erillia.
Kung sa drawing naman, mas mag-drawing ng lines itong si Reinard. Nakakagulat lang dahil hindi na niya kailangan ng ruler para maging straight ang line na ginawa niya. Mahilig siya mag-shade ng kulay, mapa-color pencil, crayon, kahit red na ballpen ginamit niya para lang mag-shade. 'Yan hawak ni Reinard, pangalawang bili ko na ng ballpen.
Napatingin ako kay Dallia, mukhang may ipapakita siya.
"Sige na, 'nak. Ipakita mo na 'yan kay Mama."
Tangina, bakit gano'n ako magsalita?
Tumingala ang bata sa akin. "Magugustuhan po ba 'to ni Mama?"
"Oo naman. Gawa mo 'yan, e."
Dahan-dahan siyang ngumiti at lumapit kay Erillia. Magmula nang dinala ko sila rito dahil sa seminar ni Erillia, ang tamlay lagi ng ngiti niya kapag kakausapin niya ako.
May problema ba siya?
"Papa."
Ano na naman ang kailangan ng batang 'to sa akin? 'Yan ngiti na 'yan, ganyan ang ngiti niya kapag may gusto siyang bilhin na art materials. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit naghihirap si Erillia ngayon.
Inabot niya sa akin ang puting cartolina at red ballpen. "Bigyan niyo po ako ng score, Papa."
Pagtripan ko kaya 'to.
"Bigyan kita ng score?" tumango naman siya, "sige, akin na ang ballpen."
Inabot naman niya sa akin ang ballpen. Binuklat ko ang puting cartolina, isang farm ang drinawing niya. Sa pagkaka-alala ko, gumamit siya ng water color para ikulay dito. Infairness, mukhang hindi bata ang gumawa nito kung water color lang ang ginawa niya.
Wala naman akong alam sa art. Pero, ang ganda lang ng mga kulay na ginamit niya. Pambihira, nagmana ba 'to kay Erillia?
Tinignan ko si Reinard, nakangiti siya sa akin. Tinignan ko ang score na binigay ni Erillia, aba, 10 over 10.
Nag-drawing lang ako ng malaking bilog sa tabi ng score na sinulat ni Erillia. Binalik ko ang takip ng ballpen at binigay sa kanya ang puting cartolina.
"Hayan, may score ka na."
Kinuha naman niya ang cartolina at tinignan 'yon. Napanganga siya.
"Papa, bakit zero ang score ko po?"
"E, hayan ang score mo para sa drawing na 'yan."
"Hala, bakit zero, Papa?"
"E, hayan talaga ang score ko para sa'yo." Siyempre, joke lang. Sana naman hindi umiyak 'to.
"Mama!"
Ay, hindi nga umiyak. Mukhang magsusumbong.
"Si Papa, hindi niya po ako love!"
"Ha?"
"Ano'ng ginawa ni Papa?" tanong ni Dallia nang lapitan niya ang kanyang kapatid.
Pinakita niya ang puting cartolina sa kanya. "Bi-binigyan ako ng zero ng score ni Pa-papa!" Mukhang iiyak na 'to.
"Mama, si Papa po inaway si Reinard."
Bakit naman nagsumbong 'to?
"Ano na naman ba 'yan, Dennis Kirk?"
Aba, binanggit ang pangalan ko with second name. First time.
"Hindi 'yan zero. Malaking bilog lang 'yan." Kinuha ko agad ang cartolina at pinakita ko kay Erillia para naman maniwala siya sa'kin.
"Pambihira, lagyan mo kasi ng score para hindi magtampo sa'yo."
"Galit ka niyan?"
"Hindi ako galit, Dennis."
Hindi nga galit pero ang lakas ng boses niya. Inayos ko ang cartolina at nilagyan ng 11 over ten sa loob ng malaking bilog na ginawa ko saka ko binigay kay Reinard.
"Hala, bakit eleven ang score niya, Papa?" tanong ni Dallia.
"Para hindi na siya magsumbong sa Mama niyo."
"Yehey!" sigaw ni Reinard pagkatapos niyakap ako.
"O, bakit?"
Lumapit siya sa tenga ko. "The best po kayong Papa. I lab you, Papa."
Bakit ba nakikiliti ako kapag sinasabi ng mga bata 'yan?
Maya-maya, lumapit naman 'tong si Dallia sa tenga ko, sa kaliwa. "Papa, the best po kayo. I lab you po."
Pambihira, nakikiliti talaga ako kapag binubulong nila 'yan lalo na't nakayakap sila ngayon sa akin. Ano ba ang problema ko?
"Love ko rin kayo, okay?" sabay silang tumango nang ibulong ko iyon sa kanila. Umalis si Reinard para buksan ang t.v.
"Hala, hayan na pala!" sigaw ni Dallia at umalis para tabihan si Reinard. Ah, nagsisimula na pala ang favorite cartoon nila.
Nandito naman si Erillia, magre-review na lang ako.
"Wag ka munang umakyat."
Nahinto ako sa pagtayo nang lapitan ako ni Erillia. Tumabi siya sa akin at ihiniga ang ulo niya sa lap ko. Hala, matutulog ata 'to.
"Sabi ko sa'yo, do'n ka muna sa kwarto matulog."
"Sumama ka sa amin mamaya, ha?" aniya habang nakapikit pa rin siya, "kailangan mabasa mo rin ang mga sulat."
"Sino ba ang gumawa ng mga sulat?"
Tinuro ni Erillia ang sarili. "Future version ko, sulat ko, e."
Maya-maya, naidilat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. "Gusto ko na silang pauwiin sa totoong magulang nila."
Napatingin ako sa mga bata, mukhang naka-focus sila sa pinapanood nila ngayon at medyo malakas ang t.v. Sana hindi kami marinig.
"Tayo naman ang magulang nila, ah." Tinignan ko si Erillia nang sabihin ko 'yon, ang kinis naman ng mukha niya.
"E, oo, tayo nga. Pero, siyempre, iba naman ang alaga na kailangan nila mula sa totoong magulang nila."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Kasi, hindi pwede habambuhay sila nandito, Dennis. Ang dami maapektuhan kapag hindi natin sila binalik sa totoong panahon nila."
E, ayoko silang pauwiin. Nag-e-enjoy pa kong i-bully si Reinard. Ang cute niya kasi kapag umiiyak siya.
"Sige, sasama ako sa inyo mamaya pag-uwi."
Tumango si Erillia saka niya pinikit ang kanyang mga mata. Wala na, hindi na ko makakapag-review nito.
May time machine na ginawa sa future kaya napunta ang mga 'to. Pero, sino ba ang makakabuo no'n?
*Year 203x*
[January 19, 203x]
"Hoy, kumusta ka naman?"
Hayan agad ang tinanong ni Sia nang magkita kami sa loob ng coffee shop na 'to.
"Ikaw ang kumusta? Ano na ang nangyari sa inyo?"
Umupo muna kami bago niya ako sagutin. "Hinayaan ko muna mag-focus sa mga meeting niya ngayon. Kaloka siya."
"Ikaw naman kasi, huwag mo nga awayin asawa mo."
"Hoy, Eri, alam mong mas mabait ako kaysa sa kanya, 'di ba? 'Di ba?" tanong niya habang pinipilit niyang ilaki ang kanyang ilong para lang ipasabi sa akin na nagsasabi siya ng totoo.
"Aba, ewan ko kung sino na sa inyo ang pinaka-mabait ngayon. Alam niyong hindi na ko nagta-trabaho sa company ng asawa mo, e."
Bigla na lang bumagsak ang mukha niya. "Kasi naman, Eri. Delikado magtrabaho sa government office. Hindi ka na nga CPA, nakapasok ka pa rin."
"Nakakahiya naman kay Availla. At saka, naaawa ako sa kanya ngayon."
"Hmm? Kasi namatay anak niya?"
Lumingon muna ako sa paligid. Kaming dalawa pa lang ang tao rito, walang tao sa counter area. Gusto kong sa labas kami mag-usap about sa kanya. Baka magkaroon pa ng issue.
"Sa labas tayo tumambay, okay lang?"
Tumango naman agad siya. "Wait lang natin 'yon coffee."
~~~
"Kumusta na si Dennis?" tanong niya nang maka-upo kami sa upuan dito sa labas ng coffee shop. May malaking payong naman rito pero hindi masyadong maaraw kaya maganda rin na tumambay kami ni Sia rito.
"Hayun, hindi pa umuuwi."
"Hindi pa nila tapos ang project?"
"Hindi niya makwento sa'kin dahil maririnig ng mga bata."
Tumango si Sia saka siya humigop ng kape. "Alam mo ba, unting-unti na nawawala ang mga bata sa village namin."
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at naghintay ng susunod pa niyang sasabihin.
"I don't know kung nagkataon ba ang lahat, Eri. But, lahat ng mga bata na nakikita ko sa playground dati, wala sila."
"Baka naman, hindi sila pinalabas ng mga magulang nila."
Umiling siya. "Lahat ata ng mga magulang ng mga bata, kumatok sa bahay namin. Nagbabakasakali na naki-tulog ang mga 'yon."
"What? Ilang araw na ba?"
"Two weeks na, Eri."
Nahinto ako sa pagsubo ng doughnut. Two weeks? Nauna na bang nangyari iyon bago ko malaman?
"O, Eri, napatahimik ka?"
"H-hindi ko alam. Akala ko, sa amin lang nangyayari 'yan."
"Hay, Erillia, halatang hindi na nanonood ng t.v." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.
"Daming ginagawa, e. Wala pa ngayon si Dennis," sabi ko tapos uminom ako ng kape. Bakit ang sarap ng kape na 'to?
"Classmate kayo ng presidente noong college pa kayo, 'di ba?" tanong niya, "aware ba siya na may nangyayaring ganito sa bansa natin?"
Nilapag ko sa table ang kape. "Hindi ko alam, Sia. Minsan lang kami mag-usap ni Availla ngayon."
"Pero, may naririnig ka ba sa Malacañang about sa pagkuha ng mga bata, 'di ba?" tumango naman ako, "tingin mo ba, siya ang may kagagawan no'n?"
"E, oo. Parang siya." Tumango na lang si Sia sa sinabi ko.
"Tingin mo ba, may paraan pa para hindi na niya gawin 'to?" lumingon muna siya sa paligid bago siya magsalita, "nakakatakot baka ipapatay niya lahat ng mga bata sa bansang 'to."
Oh my God, hindi pwede.
"Kailangan na bilisan ni Dennis ang project niya para pumunta ang mga bata sa nakaraan niyo," mahinang sabi niya
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila." Ano ba 'yan, nagpa-palpitate na ko.
"At saka, dapat nasa opisina ka ngayon. Bakit hindi ka pumasok?"
Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sagutin. "Gusto ko na mag-resign."
Lumaki ang mga mata niya at dahan-dahan ito ngumiti. "Yes naman! Babalik ka na sa office ni Jeorgio!"
"Sure ka ba na, doon ako babalik?"
"Gaga, kailangan mo magtrabaho. Kailangan niyo mag-ipon ni Dennis pang-tuition ng mga anak niyo."
Ngumisi na lang ako sa kanya. Kaloka, ganyan na ba mag-isip ang isang babae na may asawa na CEO?
Teka, kasal na ba ang mga 'to?
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top