FOUR
*Year 202x*
ERILLIA'S POV
Ano na ang gagawin ko sa batang 'to?
"Eri."
Napatingin ako kay nanay. "Maghain na. Luto na ang ulam."
Tumingin ako sa wall clock, hala, 12 p.m. na pala. Kanina pa pala ako tulala dahil sa batang 'to?
Tumayo na ako para maghanda ng kakainin naming lahat, kasama si Reinard. Na, nakatingin na pala siya sa akin ngayon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Pumunta na lang siya sa akin. "Tulong po ako."
"Huh?"
"Sige na po," sabi na lang niya tapos hinila ako papuntang kitchen.
At dahil hindi niya abot ang drawer na 'to kung saan dito nakalagay ang mga pinggan, ako na lang ang naglabas. Nakita ko na lang ang mga kamay niya, ready na niya kunin sa akin.
"Ako na po."
"Baka basagin mo ang mga 'to. Wala pa ako pera pambili ng pinggan," sabi ko sa kanya.
"Palagi niyo na lang po sinasabi 'yan, Mama." Hinila niya ang braso ko para makuha niya ang mga pinggan. Maingat niyang kinuha 'yon sa mga kamay ko at umalis.
Gosh, anak ko ba talaga 'to? As in, nilabas ko siya sa mundo na 'to? Ergh, naalala ko tuloy 'yong mga friends ko na may baby na. Kaka-kwento nila kung paano nila nilabas ang baby, nahihirapan na ako. What if pa kaya kung sa akin nangyari 'yon?
Pero, may anak ako rito ngayon. Sino ba kasi ang tatay nito? Seven years na ba talaga 'yon? Paano ko ba inalagaan ang batang 'to?
"O, Eri, bakit si Reinard ang pinagbubuhat mo ng pinggan?" narinig ko na lang si nanay. Hindi pa ako maka-alis sa kusina nang dumating ang isa kong tita.
"Anak mo ba talaga 'yon, ate?" tanong na lang niya na pabulong.
"Malay ko." Hayan na lang ang naisagot ko at umalis. Nakita ko ang iba ko pang tita, nakatingin sa bata na nag-aayos ngayon ng pinggan sa lamesa.
"Mama, mga kutsara at tinidor pa po." Bigla na lang niya ako hinila at bumalik ulit kami sa kusina.
~~~
Actually, tuwang-tuwa sila sa batang 'to. Napakadaldal niya.
"Talaga, magaling ka mag-drawing?" Amaze na amaze naman 'tong tita ko.
"Opo!" sigaw niya tapos tumango pa habang hawak niya ang kutsara. "Palagi may pasalubong si Mama na mga watercolor po!"
"Tapos?" tanong ni nanay.
Tumingin naman siya kay nanay. "Tapos po, may paint brushes. Kapag daw po mataas score ko sa Math po, bibilhan ako ng iba iba brushes po."
"Talaga?" Napatingin ako kay J, "Oh, bakit ate?"
"Para kang ewan."
"Ano'ng parang ewan ka diyan?" nagtanong pa ang loko.
Tinignan na lang niya ang bata, a.k.a. pamangkin niya in the future. "So, busog ka na niyan?"
"Po?" tanong na lang ni Reinard.
"Sarap na sarap ka sa luto ni nanay, eh. Pangatlong dugang mo na 'yan," sabi na lang ni J sa kanya.
Oo nga 'no? Samantalang ako, hindi pa ako nakakadugang ng kanin. Hindi ko pa nauubos ang nasa pinggan ko ngayon. Sinigang pa naman ang ulam, favorite ko 'to, eh.
Ano'ng nangyayari sa akin?
"Mama?"
Napatingin ako kay Reinard, nasa tabi ko ngayon. "Hmm? Ako ba?"
"Masama po ba tyan niyo po?"
"Huh?"
"Ate, buntis ka ba?" Napatingin naman ako kay nanay.
"Nay naman!"
"May boyfriend ka na pala, 'te?" napatingin ako kay Lira. Nakangiti pa ang loka.
"Lira," sabi na lang ni nanay. Tapos, tinuro niya si Reinard na sinisimot ang nasa plato niya ngayon.
"Gusto mo pa ng kanin?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Sabi niyo po sa amin, hanggang tatlong dugang lang po kami pwede. Baka po, sumakit po ang tyan namin."
Aba, ako ba ang nagsabi no'n?
"O'nga naman, Eri," napatingin ako kay nanay. "Baka nga sumakit ang tiyan niyan. Sige, iwan mo na lang diyan ang pinggan mo."
Umalis naman ang bata sa upuan at pumunta na sa hagdanan kung saan, doon nakalagay ang bag niya.
"Hoy, ate." si Lira, "Ubusin mo na 'yan pagkain mo. Baka puntahan 'yan ng langaw."
Tumango naman ako at tinuloy ang pagkain. Tutal, si Lira naman ang maglalaba ngayon, kakausapin ko na lang ang bata.
~~~
"Ano'ng ginagawa mo rito?" pabulong kong tanong sa kanya. Lahat sila, nasa kanya-kanyang kuwarto ngayon dahil siesta na. Gusto ko manood ng series na hindi ko natapos kahapon kaso. . .
Kailangan ko siya maka-usap.
"Utos niyo po ni Papa na pumunta rito."
"Eh, bakit nga?" tanong ko pa. "Bakit hindi mo sinagot si nanay kanina?"
"Hindi niyo po puwede malaman, eh."
"Dahil?" Oh 'di ba? Nagbubulungan na kaming dalawa.
"Wala pa po rito ang kapatid ko."
"Ha? May kapatid ka?"
Tumango siya. "Kambal po kami."
Ergh! Naalala ko na naman 'yon kuwento ng kaibigan ko! Kainis, puwede bang hindi pagdaanan 'yon?
"Babae po 'yon. Pratenal twin po ba 'yon, Mama?"
Ah, babae?
"Fraternal twins 'yon," sabi ko na lang sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin. At, ngayon ko lang nakita ang bungi sa harap ng ngipin niya.
"Kailan ka pa nabungi, ha?"
Mas lalo lumaki ang ngiti niya, kitang-kita ko na ang loob ng bibig niya. "Isang araw po, hehe."
"Aysus, okay lang 'yan. Cute ka naman, eh." Hindi ko na mapigilan ang mga kamay ko, pinisil ko na ang pisngi ng batang ito. Totoo naman kasi, ang cute niya. Clean cut pa ang hair niya ngayon.
"Nag-toothbrush ka na ba, ha?"
"Wala po akong dalang toothbrush." Agad ko binitawan ang pisngi ni Reinard.
"Huh? Wala kang dalang toothbrush? Kahit damit?"
Lumingon siya sa likod dahil naroroon ang bag niya. Kinuha niya 'yon at pinakita niya sa akin ang laman.
Notebook. Bimpo. Tumbler. May pencil case pa akong nakita tapos crayons.
Pambihira, kung papalayasin ko man lang ang anak ko, bakit hindi ako naglagay ng damit sa bag niya? Kahit toothbrush man lang?
"Sige, habang may araw pa, bili tayo ng gamit mo. Wala kang pantulog mamaya at toothbrush," sabi ko na lang sa kanya.
"Toothbrush niyo na lang po, Mama." Tumawa pa ang batang 'to.
"Ayoko mabungi katulad sa'yo." turo ko na lang sa kanya saka siya tumawa.
Hindi ko alam kung may budget pa ako. 'Di bale, utang na lang ako kay Lira bukas.
Dennis' POV
Nagawa ko pang sumabay sa kanila sa hapag-kaininan ngayon. . .
Kasama ang batang 'to.
"The best po talaga ang shanghai niyo, lola Mama."
Napatingin ako kay Dallia na nasa tapat ko ngayon, tinitignan niya nang maigi ang kinagatan niyang shanghai ngayon. Saka niya sinubo nang buo. Aba, ang galing.
"Baka mabulunan ka, sana binawasan mo pa 'yon shanghai," sabi ko na lang sa kanya.
Tumingin siya sa akin habang ngingunguya niya ang shanghai. Hindi siya ngayon makapagsalita.
"Subukan mo magsalita habang may laman pa 'yang bibig mo."
"Hoy, kuya." tumingin ako kay Ella. "Ang harsh mo sa anak mo!"
"Ano'ng harsh? May laman pa ang bibig niyan, baka mabulunan."
"Ikaw talaga, Ella. Concern lang 'yang kuya mo sa anak niya kaya siya ganyan." Napatingin ako kay Papa, nakangisi pa.
"Ah, kung sa bagay." Tinuloy na lang ni Ella ang pagkain niya.
Nakita kong umiinom na ng tubig si Dallia. Tuluy-tuloy lang siya sa pag-inom, hoy.
"Dahan-dahan ka naman sa pag-inom ng tubig mo, Dallia." saway ko na lang sa kanya.
Kaso, mukhang ayaw makinig sa akin.
"Dallia."
"Ubos na!" sigaw na lang niya tapos tinaas pa ang baso.
Nakita ko pumalakpak si Mama. "Hayan very good. Huwag ka tutulad sa Papa mo na hindi umiinom ng tubig, ha?"
Tumango naman si Dallia. "Opo, lola Mama."
"Dennis."
Tumingin ako kay lola. "Kailan ang exam mo?"
Ay, oo nga pala.
"Mamaya ko pa iche-check." Ayokong isisi si Dallia kaya hindi ko na na-check ang schedule.
Tumingin ako sa plato niya, ubos na pala ang pagkain.
"Gusto mo pa ng shanghai?" tanong ni Mama.
Tumingin siya sa akin, "Pwede pa po ako kumuha, Papa?"
Naiilang talaga ako. "Kumuha ka."
Lumaki lalo ang ngiti niya dahil sa sagot ko. Agad naman siya kumuha ng dalawang shanghai at tumakal ng kanin.
"May ketchup dito, Dallia." Tinuro ni Papa ang bote ng ketchup na nasa tabi niya.
"Gusto ko po gravy na gawa ni Papa."
Huh? Marunong ba ako gumawa ng gravy?
"Hindi naman nagluluto si kuya, Dallia," sabi na lang ni Ella.
"Po? Hindi po siya marunong?" tanong niya tapos tumingin sa akin. "Eh, palagi po sila nag-aaway ni Mama kung sino ang magluluto, eh."
"Weh? Nag-aaway sila ng Mama mo?" Tumango si Dallia. "Sige nga, kuwento mo nga."
Sandali muna siya tumahimik bago kagatin ang shanghai.
Ano'ng problema?
Tumingin na siya kay Ella. "Tuwing uuwi po kasi si Papa, magsisigawan sila sa kusina. Mag-aaway po sila kung sino ang magluluto."
"Eh, sino lagi ang nanalo sa kanila?" tanong ni Lola.
Tumingin naman siya kay Lola, nakangiti. "Kami po ng kapatid ko."
"Huh?"
Tumingin siya sa pinggan habang nakangiti pa rin. "Cup noodles po ang kinakain namin para po mag-stop sila sa sigawan. Pero, palagi po kami kumakain sa labas."
Nakita ko na tumango silang lahat. Si Dallia, nakatingin pa rin sa pinggan niya. May iniisip ba 'to?
"Dallia?"
Inangat niya ang tingin sa akin. "Po?"
"Okay ka lang?"
"Opo."
Tumango ako. "Pagkatapos mong kumain, mag-usap tayo sa kuwarto, ha?"
~~~
Sinira ko ang pinto ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung umalis na ba sina Mama at Papa. Si Lola, nasa sala ngayon, nanonood ng t.v. Samantalang si Ella, tulog sa kuwarto niya.
"Papa, may copy rin po kayo ng ganito sa bahay."
Napatingin ako sa kanya, hawak niya ang libro ng thermo at inangat pa niya.
"May nakaipit diyan, inalis mo ba?" tanong ko. Umiling siya.
"Upo ka nga rito." Turo ko sa kama kaya naman, umupo siya. Bitbit pa ang bag niya. Buti na lang, tinali ni Mama ang buhok ng batang 'to.
"Nagsasabi ka ba ng totoo kanina?" tanong ko.
"Ang alin po?"
"Na galing kang hinaharap? Na anak talaga kita?"
Tumango naman siya.
"Binanggit mo na may kakambal ka, totoo ba 'yon?"
"Opo. Lalaki po ang kakambal ko." sagot niya.
"Sino ang nagpapunta sa inyo rito?"
"Kayo po. Ni Mama."
Umupo ako sa kama, sa tabi niya. "Bakit kayo pinapunta rito? Dapat kasama mo ang kakambal mo, ah."
"Kailangan daw po kasama niya si Mama, sabi niyo po."
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon. Totoo ba talaga 'to?
"Ano'ng pangalan ng Mama mo?"
"Hindi ko po puwede sabihin, Papa."
"At bakit?"
Bigla na lang siya ngumiti. "Secret."
Napanganga ako sa sinagot niya. "Aba, seven years old ka pa lang, nagse-secret ka na?"
Alam ko kung saan ang kiliti ng batang 'to, nasa leeg niya. Kaya naman, kiniliti ko na para magsabi siya ng secret niya.
"Hala, Papa! Huwag po!" sigaw niya sabay napahiga na siya kakakiliti ko sa kanya.
"Hindi mo sasabihin kay Papa kung ano'ng name ni Mama?" Shit, nagsabi ako ng Papa.
Nakita ko na umiling siya. "Kailangan kasama si Reinard!"
Napatigil ako. "Reinard?"
Bigla siya napa-upo. "Opo, si Reinard. Kakambal ko po." sagot niya tapos tinakpan na niya ang leeg.
"Tanggalin mo 'yan kamay mo."
"Ayaw Papa! Bigat ng kamay mo, eh!"
"Isa."
"Ayaw!" umiiling pa siya.
"Dalawa."
"Ayaw!"
"Tatlo."
"Mama! Si Papa, nangingiliti!"
Teka, sino'ng Mama ba ang tinutukoy nito?
Tumingin siya sa akin. "Hindi niyo na po ako kikilitiin?"
Huminga na lang ako nang malalim. "Hindi na. Tinawag mo na si Mama mo, eh."
"Yehey!" bigla na lang niya ako niyakap.
"Wala si Reinard ngayon, Papa. Ako muna ang yayakap sa'yo," sabi na lang niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.
"Puwede na ba mag-study si Papa?"
Bigla na lang siya bumitaw. "Ay, oo nga po pala. Sabi po ni Mama, galingan niyo raw po. Sobrang hirap ng board exams daw po. Compare po last year."
"Bakit daw?"
"Kasi po, iba na raw po ang presidente."
"Presidente?"
"Hayun po ang sabi ni Mama, eh. Naging prof niyo raw po. Terror. Siya raw po ang pinakamahirap magpa-exam, sabi ni Mama."
"Hmm, sige. Sleep ka muna. Gisingin na lang kita kapag dumating na si lola Mama, ha?"
Tumango naman siya. Bnitawan niya ang backpack at inalis ang salamin niya. Kinuha ko sa kanya ang salamin at nilagay 'yon sa study table ko. Tinignan ko si Dallia, nakahiga na at nakapikit.
Kinuha ko ang phone para i-check ang schedule. Kaso, text ni Davill ang bumungad nang binuksan ko.
Davill:
Hoy, sabi next week iba na ang president ng PRC. At gago, alam mo kung sino?
Me:
sino?
Davill:
Miss Jineta, prof natin noon sa Thermo. tangina. alam mong tatlong take tayo ng thermo sa kanya, 'di ba?
Teka, ano ulit sinabi ni Dallia?
"Naging prof niyo raw po. Terror. Siya raw po ang pinakamahirap magpa-exam, sabi ni Mama."
Tangina, tumugma sa sinabi niya.
*Year 203x*
July 31, 202x
Dear future Eri,
Ubos na ang pera ko pambili ng mga gamit ni Reinard. Bukod sa damit, toothbrush at sapatos, nagpabili pa ng watercolors at sketchbook. Mas mahal pa ang mga yun kaysa sa laruan na ibibili ko sana sa kanya.
mabuti na lang hindi na siya baby, mas mahal pa ang gatas ng infant kaysa sa pagkain ko sa office. myghad.
pano na mangyayari? ano ba kasi ang mangyayari ha? bakit nandito siya? nasaan ang isa ko pang anak?
pero, mas lalo ako na-curious sa Papa nila.
medyo kamukha ni Reinard si Dennis eh. pero, imposible kasi na siya ang asawa ko. busted nga ako di ba?
#BatangIna (jk. Matanda na meeee) #Reinard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top