FIVE
*Year 202x*
Erillia's POV
"Pasok po kayo Mama?"
"Yes po." Hayan ang naisagot ko kay Reinard habang nagsusuklay ako ng buhok.
Napatingin ako sa kanya. "Teka, bakit ang aga mo nagising?"
"Si tito J po kasi."
Sakto naman na pumunta rito sa kuwarto si J. "Sorry na, kailangan lang niya gumising para magplantsa ako ng uniform. Tulog ka na lang ulit."
Palagi maingay dito tuwing umaga, kahit noong college pa ako. Ang mga nagpapa-ingay lang naman ay ang sigawan ng tita ko para gisingin si J, mga alarm clock namin, at boses ng pag-aaway ng kapit-bahay namin. Kaya, naiintindihan ko naman si Reinard kung naistorbo ang tulog niya.
"Mama, huwag na lang po kayo pumasok."
Nahinto ako sa pag-a-apply ng lipstick nang sabihin niya 'yon. Tumingin naman ako sa kanya.
"Wala akong pambili ng art materials mo kapag hindi ako pumasok." sagot ko sa kanya.
"Ih, 'wag na po kayo pumasok, Mama. Wala si Dallia, eh."
"Dallia?"
Tumango siya. "Dallia po ang name niya, Mama."
"Bakit kasi hindi mo siya kasama ngayon? Para naman may kalaro ka habang nasa office ako."
"Eh, para po puntahan niya si Papa. Kawawa naman po kung hindi niya puntahan, eh."
Kawawa ba? I don't know, hindi ko nga kilala kung sino ang lalaki na 'yon? Baka naman, hindi niya inaalagaan ang anak ko ngayon!
"Hoy, Eri."
Napatingin ako kay nanay. "Hindi ka pa ba papasok?"
Kinuha ko ang phone para i-check ang oras. Hala, kailangan ko na umalis. Baka maabutan ako ng traffic.
Tinignan ko si Reinard. "Babalik agad ako, ha?"
"Okay po. Hintay po kita, Mama," sabi na lang ni Reinard at ngumiti sa akin.
"Sige, sleep ka muna or kain ka na ng breakfast?"
"Kain po. Tapos po tulog." Tumango ako at kinuha ang bag para lumabas na ng kuwarto, kasama siya.
"Pumapasok ba kayo sa school?"
"Opo," sagot niya nang makarating kami sa dinning table.
"Hala, eh 'di, absent kayo ngayon?"
Pinagtimpla ko muna siya ng gatas. "Wala po kaming pasok, Mama."
"Oh? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
Nang matapos na ko magtimpla, binigay ko na 'to sa kanya. Bakit hindi na niya ako sinagot?
"Reinard."
Tumingin lang siya sa akin. "Okay ka lang?"
Tumango siya at ininom ang gatas. Kumuha siya ng pandesal at sinawsaw niya sa gatas.
"Hala, may palaman dito. Liver spread, gusto mo?"
"Liver spread?" napa-angat ang tingin niya sa akin. "Saan po? Saan po? Saan po?"
Weird. Lahat ng tao rito ayaw na gawing palaman ang liver spread bukod sa akin. Pinakita ko kay Reinard ang lata ng liver spread na binili ko kahapon. Ang laki ng ngiti niya, kahit bungi siya ngayon.
"Ubusin ko po tinapay, Mama," sabi na lang niya habang hawak pa niya ang isang pandesal.
"E, tanungin mo muna kay tita kung kukuha pa siya."
"Ay, hindi na." napatingin ako kay tita, "ubusin mo na 'yan, Reinard. Ihahatid ko muna 'tong pinsan ng Mama mo, ha?"
"Yehey!" Tuwang-tuwa naman 'to. Nagsimula na siya magpahid ng liver spread sa pandesal.
"Pasok na ako, ha?" napatingin na lang si Reinard sa akin. "Maki-text ka kay tita kung may problema ka, ha?"
"Opo!" sigaw niya.
Palabas na ako ng bahay bitbit ang gamit ko nang may yumakap na maliit sa bandang bewang ko.
"I lab you, Mama."
Lumingon ako sa likod, waaa may gatas pa siya sa labi. "Reinard, punasan mo 'yan labi mo. At saka, nakadikit pa 'yan labi mo sa pwet ko."
Nakangiti lang siya sa akin. Mukhang hindi naman siya susunod sa sinabi ko kaya ako na lang ang nagpunas ng labi niya.
"Hintayin mo ako, ha?" bilin ko at hinalikan ko siya sa noo. Buti walang bumakat na lipstick sa noo niya. Chineck ko ang likod ng pants ko, buti walang gatas na dumikit.
"Bye, Mama!" sigaw niya nang makalabas na ako ng gate. Kumaway ako sa kanya.
"Bye, Mama!" Rinig ko pa rin siya.
~~~
Hayan na. May pila na rito sa tren! Ang haba na ng pila, nasa labas pa lang ako, may pila na! Tapat pa rito sa akin 'yong araw. Kainis. Amoy araw na ako 'pag dating sa office.
"Hoy, may bali-balita raw na babae ang susunod na magiging presidente."
"Ay, talaga? Akala ko 'yong Vice President ang susunod sa kanya?"
"Hindi na raw. Masaya na siya maglingkod sa bansang 'to."
"Sus, maniwala ka naman sa drama niya."
"Sinabi niya 'yon sa interview, sa t.v. Hay nako, hindi ka na naman nanonood."
"Marami tatakbo bilang presidente sa susunod na taon. Nako, baka nga 'yong mga mayor ngayon, kakandidato sila sa posisyon na 'yon."
"Hala, puwede ba 'yon?"
"Hala ka rin, 'yong unang babaeng presidente rito, housewife lang siya."
Rinig ko pa rin ang mga boses nila mula sa pila hanggang sa nakasakay na ako sa tren. Hindi ko na kaya, nilabas ko na ang earphones ko at sinalpak ko na sa tenga ko. Ibang ingay ang gusto kong marinig.
Kaso...
CALLING: AVAILLA C.
Ergh! Ano ba naman 'to!
"Hello, Avs?"
[Eri! Kumusta?]
"Ano..." Tumingin muna ako sa paligid, "ayos lang naman ako. Ikaw?"
[Heto, kinakabahan. Haha.]
Napangiti ako sa sagot niya. "Ano ka ba, huwag ka kabahan. Kaya mo maging leader diyan sa lugar niyo."
[Ganito pala ang pressure kapag hinahanda mo na ang sarili mo sa pagiging mayor.] Narinig ko na huminga siya nang malalim.
"Avs, nakapagtapos ka naman ng Pol Sci isa Suma Cum Laude. May experience ka naman bilang barangay captain diyan sa inyo. Alam mo na ang sistema riyan, kilala ka naman diyan, ano?" Narinig ko na lang na tumawa siya.
Naging classmate ko si Availla noong college pa lang ako, Political Science student pa. Nalaman ko na ang angkan nila ay pumasok na sa mundo ng politics. Kaya todo ang pag-aaral niya noong college pa lang kami.
Naalala ko noong naligaw ako sa lugar nila, nagtanong ako sa isang tindera malapit sa palengke. Tinanong ko lang naman kung may kilala ba sila na Cosvale ang surname. Hayun, sikat na sikat pala 'yon sa lugar nila. Doon ko nalaman na anak siya ng Senator ngayon. Teka, sinu-sino ba ang mga senator ngayon?
[Kung dito ka lang botante, alam kong susuportahan mo ko, 'di ba?]
"Oo naman. Baka ako nga ang mangampanya sa'yo, eh." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon.
[Wow, ang sweet mo naman. Teka, may work ka na ba?]
Napatingin muna ako sa labas ng tren, wala pa naman ako sa station na babaan ko. "Ah, oo. Last week lang ako nag-start."
[Aww, sayang. Ipapasok sana kita rito sa munisipyo.]
"Baliw, licensed CPA ang tinatanggap nila riyan, 'di ba?"
[Huh? Hindi ka pa nag-take?]
"Hindi pa. Saka na ako magta-take ng CPA exams kapag naka-one year experience na ako sa work."
[Aba, mauutak ka rin, ah!]
"Matagal na, Availla!" narinig ko na tumawa na lang siya. "Sige na, gusto ko na magbasa habang wala pa ako sa office."
[Okay, magtitimpla lang ako ng kape. Thank you, Eri.]
"Welcome, Avs. Kaya mo 'yan, ha?" I heard na tumawa siya and siya na ang nag-end ng call. Naririnig ko pa rin ang dalawang babae na nagdadaldalan sa likod ko.
Bago ako magbasa ng e-book, inopen ko muna ang inbox ko sa chatting app na 'to. At...
Isa isa na nag-pop out ang chat ng tita ko. May sinend daw na picture at audio. Buti na lang, naka-earphone ako kaya plinay ko naman.
"Mamaaaaaa! Uwi ka naaaa!"
"Mamaaaa! Pasalubooooonnggg!"
"Mamaaaaa! Ubos na liber spred!
"Maaamaaaa!"
"Mamaaaaaa! Nasaan na si Dalliaaaaaa?!?!?!"
"Mamaaa! Bili po kayo paint!!"
Ano ba naman 'to?
Nakita ko ang mga picture na sinend niya. Mga selfie niya na nakangiti, kitang-kita pa ang bungi. May picture pa na mga paa niya. Tapos, 'yong halaman ni nanay. Tapos, isang papel na nakalagay na I lobe you, Mama. Pambihira, bakit ganyan ang spelling niya?
Napa-isip tuloy ako, ano na ang ginagawa ni Dallia ngayon? May trust issue talaga ako sa nag-aalaga sa kanya ngayon. Baka hindi siya pinapakain!
Dapat kasi, sabay na lang sila pumunta sa bahay para maalagaan ko.
Dennis' POV
"Kuya, pasok na ako!"
"Babye! Tita Ella!" sigaw ni Dallia sa pinto.
"Binigay ko sa'yo ang copy ng schedule ko ngayon semester na 'to, ah. Hiramin mo muna phone ni Papa mo, okay?"
Nahinto ako sa paglalagay ng plato at tumingin sa pinto. Nakatingin pala sila sa akin.
"Ayoko."
Tumango si Ella, "sige, kay lola ka manhiram ng phone, okay?"
"Opo."
Sa wakas, tapos na ang gawain ko rito sa kusina. Napatingin ako kay Dallia, nanonood siya ng t.v. Nasa palengke pa si Mama at lola ngayon.
"Dallia," tumingin naman siya sa akin. "Umakyat ka sa kuwarto kapag may kailangan ka, ha?"
"Opo."
Agad naman ako umakyat papunta sa kuwarto. Kainis, akala ko kung sino'ng tao ang tinutukoy ni Dallia sa akin. Si Miss Jineta pa ang pumalit. Magiging engineer ba ako nito?
"Engineer na po si Papa bago pa lang kami ipinanganak, sabi po ni Mama."
Aba, totoo kaya 'yon? Sana nga.
Pero, kailangan ko bang pagdaanan 'to? Lalo na't siya ang pumalit sa president. Nakaka-pressure naman 'to.
"Papa?"
Tumingin ako sa pinto. "May juice pa po?"
"Nilagay ko sa ref. Abot mo 'yon, ubusin mo na rin," sagot ko at umalis na siya.
Wala pa naman na-re-release na schedule for board exams. Pero, ngayon pa lang, natatakot na ako sa mangyayari. Hinanap ko na agad ang mga test papers ko lalung-lalo na sa Thermodynamics. Panigurado, may lalabas na tanong doon na si Miss Jineta ang gumawa.
"Papa, nasaan po ang phone ni lola?"
"Dala niya."
"Papa, may battery po ba ang remote?"
"May battery sa ibabaw ng t.v., kunin mo na lang doon."
"Papa, heto po."
Pumasok naman siya rito at inabot sa akin ang remote. Pinalitan ko nang madalian ang battery saka na siya lumabas.
"Papa, ano'ng oras po makakabalik sina lola Mama?"
"Dallia, hindi ko rin alam."
"Papa, pahingi po ng pagkain."
"Ano ba! 'Di ba sabi nila sa'yo, hintayin mo sila dahil bibilhan ka nila ng pagkain!"
Ay... Tangina ka, Dennis.
"Okay po." dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto.
Okay lang ba siya?
"Dallia! Nandito na ang pinaka-sexy mong tita!" sigaw na lang ni Ella mula sa gate. Bukas kasi ang bintana ng kuwarto ko.
Salamat naman, may kalaro na si Dallia. Hindi na niya ako maiistorbo.
"Dallia? Ano'ng ginagawa mo- bakit ka umiiyak? Teka, umiiyak? Hala! Bakit ka umiiyak?!"
"Sshhh."
"Ano'ng ssh? Bakit ka umiiyak?"
"Wa-wala po, tita."
"Ano'ng wala? Sabihin mo ngayon kay tita. Now na."
"K-kasi po, nagalit si Papa sa akin."
"Ha? Ano ba kasi ang ginawa mo?"
"Na-nanghihingi po ng pagkain."
"Aba naman! Hoy, kuya!"
Rinig ko na ang pag-akyat niya kaya sinara ko na agad ang pinto.
"Kuya!" kumakatok na siya, "ano'ng problema mo ba, ha!?"
"Ano?"
"Bakit mo pinaiyak ang anak mo?"
Umiiyak ba talaga?
"May ginagawa ako."
"Kuya, ayoko magmura pero, putangina mo!"
At dahil diyan, binuksan ko na ang pinto para harapin siya.
"May problema ba tayo?"
Ngumisi siya. "Aba, nagtanong ka pa. Oo may problema! Anak mo, umiiyak sa hagdanan dahil hindi mo binigyan ng pagkain!"
"May ginagawa ako, Ella. Kanina pa siya umaakyat-baba rito."
"Sana mamaya ka na lang nag-review pag dating ni Mama, 'no?" sabi na lang niya. "Wala ang kapatid niya ngayon, nag-iisa lang siya sa sala. Ano'ng mangyayari kapag bigla siyang kidnappin dito, ha?!"
Nang matapos niyang sabihin 'yon, agad naman siya bumaba. Sumilip ako sa hagdanan, pinuntahan pala niya si Dallia.
"Tahan na, Dallia. May ginagawa kasi si Papa mo, nag-aaral siya para sa exams niya."
"A-alam ko po. Pero, kasi... wala po ako ka-kasama rito. Na-ta-tatakot po ako, tita."
"Ayaw mo ba na iniiwan ka mag-isa?"
"H-hindi ko po alam ang bahay na ito ka-kaya natatakot po ako. Ba-baka po, ma-may kumuha po sa akin." Mas lalo lumakas ang iyak ni Dallia.
"Ooh. Tahan na, bebe. Alam mo, ang swerte mo ngayon dahil wala kami pasok. May kasama ka na ngayon."
Nakita ko na pinunasan ni Ella ang mata ni Dallia, ngumiti ang bata sa kanya. Teka, all this time, wala siyang suot na salamin?
"Pu-puwede na po ta-tayo magkuwentuhan?"
"Oo. Teka, nasaan ang salamin mo?"
Bigla na lang umiyak si Dallia, "Na-nasira ko po."
"Ha!? Hala, nasaan? Dali, ipapaayos natin 'yan kay lolo Papa. Nasaan?" tanong na lang ni Ella saka sila umalis ng hagdanan.
Iba talaga 'tong kapatid ko. Ngayon ko lang naalala na mahilig siya sa mga bata.
Lalayo ba ang loob sa akin ni Dallia?
*Year 203x*
August 2, 202x,
Dear future Eri,
Hindi. Ako. Nakapag-concentrate.
Tinadtad ako ni Reinard ng mga picture niya, lalung-lalo na nasa c.r. siya! Mygoodness! Ganyan ko ba siya pinalaki!??! Napagsabihan tuloy ako ni tita.
At saka, hindi talaga ako makapag-focus dahil iniisip ko si Dallia? Okay lang kaya siya ngayon? Baka inaaway na siya sa bahay ng Papa niya.
Isa pa 'yan Papa nila. Hindi ko na alam kung sino ba talaga ang papa nila. Naloloka na ako. Hindi masabi-sabi ni Reinard sa akin. Kailangan kasama niya si Dallia bago niya sabihin, jusme.
#Parenting #CuteSiReinard #ManaSaMama mweheheheh
~~~
Kumusta na kaya ang mga bata roon? Sana naman okay sila ngayon.
Nakakamiss ang ingay nila.
~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top