FIFTEEN


*Year 202x*

ERILLIA'S POV


"Dito ka muna matutulog, Dennis?"

Hayan ang tanong ni nanay sa kanya nang makarating kaming apat dito sa bahay. Grabe, gusto ko na ipikit ang mga mata ko.

"Ah, pwede po ba?"

"Ay, oo naman. Kung gusto mo, do'n ka matulog sa kwarto ng dalawa."

"Kwarto ng dalawa?"

Tumango naman siya. "Kuwarto ni Eri at Lira. Minsan kasi, doon natutulog si Julian. E, no'ng dumating si Reinard, tabi-tabi na silang tatlo. Minsan, silang dalawa lang ni Eri kapag wala si Lira kasi sa hotel siya natutulog."

Hindi ko maintindihan si nanay, bakit kailangan pa niya sabihin 'yan?

"Umalis sina tita?" tanong ko.

"Ay, oo, nagsimba. Baka bukas pa umuwi ang mga 'yon kasi dadaan sila sa mga pinsan namin." Napatingin ako kay nanay, bihis na bihis.

"Sa'n ang punta mo?"

Sinuot muna ang kanyang green na backpack at tumingin sa akin. "Magsu-swimming kami. Ikaw muna bahala rito, ha?"

"Ha? Nasaan si Julian?"

"E, sumama rin sa mga tita mo. Bored na bored na raw."


Jusko, magkasama na naman kami ni Dennis ngayon. 'Di bale, ayos lang para mabasa na niya 'yon mga sulat.


"Ba-bye po lola nanay!" sigaw ng dalawang bata sa pinto. Habang ako, naka-upo lang dito sa sofa. Si Dennis ang naghatid kay nanay para maghintay ng taxi. Hindi ko na talaga kaya, gusto ko na matulog.

"Mama."

Gusto ko po matulog! "Ano 'yon?"

"Gutom na po ako, Mama."

"Reinard, kakakain mo lang, ah."

"Ako rin po, Mama. Gutom na po ako," sabi ni Dallia saka siya umupo sa tabi ko. Tinignan ko ang orasan, shocks, 12:30 na pala.

Bakit ang bilis naman ng oras ngayon?

"O, sige sige. Gusto niyo spaghetti at chicken?" tanong ko habang kinakalkal ko ang bag. Bakit wala rito 'yon phone ko?

"Mama, nasa bulsa niyo po 'yon phone niyo po." Nakita ko na nakaturo si Dallia sa kaliwang bulsa ko, mygosh, nandito pala.


Erillia, bangag! Umayos ka!


"Sige, oorder tayo. Magsasaing na lang ako." Hay, masaya na naman ang mga batang 'to dahil gagastos na naman ako ng pagkain nila. Ayoko na rin magluto, pagod na 'ko.


"Papa, Papa. Magpapa-deliver si Mama ng chicken."

Napatingin ako sa pinto after ko i-confirm ang order namin, si Dennis pala. May bitbit na softdrinks.

"Puwede po kami sa softdrinks, Papa?" tanong na lang ni Dallia.

"Hindi. May orange juice akong binili," tumingin siya sa akin matapos niyang sabihin 'yon, "idlip ka muna. Gisingin na lang kita kapag dumating na 'yon pagkain."

Tumango-tango na lang ako dahil pabagsak na ang mga mata ko. Buti na lang may unan na iniwan dito sa sofa. 


Kaso, 'yon mga sulat.


"O, bakit ka napabangon?" tanong ni Dennis sa akin. Nakita ko ang mga bata, naglalaro ng snake and ladders.

Umakyat ako papunta sa kwarto namin. Hindi ko naman nilock no'ng umalis ako kaya nabuksan ko agad. Hinahanap ko sa loob ng cabinet ang plastic bag, nandoon lahat ng sulat. Kailangan mabasa ni Dennis 'to.

Nang makuha ko na ang plastic bag, agad naman ako bumaba at tumabi sa kanya. "Heto."

"Tapos mo na bang basahin lahat?" Umiling ako sabay napahikab na rin.

"Basahin mo na lang. Hindi ko na talaga kaya." Humiga na ako sa sofa, pinatong ko ang mga paa sa lap ni Dennis. Nakaharang kasi siya.


~~~


Ang bango ng mushroom soup.


"Erillia, kain na."


Salamat talaga sa mushroom soup, napabangon ako kahit antok na antok pa 'ko. Sino ba ang umorder ng mushroom soup? May sinama ba ko?


"Mama, kain na po tayo. Nagluto po si Papa ng mushroom soup."

Pagkatapos sabihin 'yon ni Reinard, parang, gusto ko pang matulog. Kaso, naramdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko. Kaya, kakain ako.

Simula nang maiwan kaming apat dito sa bahay, hindi ko matitigan si Dennis nang diretso. Nakatuon ang atensyon ko sa mga bata kaysa sa pagkain ko. Pa'no ba naman kasi, magkatapat kami lagi kapag kakain na.

Lalo na ngayon.

"Ikaw nagluto?" tanong ko sa kanya. Siyempre, nakatingin ako sa mushroom soup, hindi sa kanya.

"Malamang. Alangan naman si Dallia ang paglutuin ko."

"Mama, alam ko na po kung paano magluto ng mushroom soup." Buti na lang nagsalita ang anak ko kaya sa kanya ako tumingin.

"Talaga? Sino nagturo sa'yo?"

May tinuro si Dallia kaya sinundan ko. At ang tanga ko kasi si Dennis lang pala ang pwede magturo sa kanya ngayon.

Nakatingin na pala siya sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya. Umayos na lang ako ng upo at nagtakal na ng kanin. Kanina pa pala sila kumakain, kainis.


"Mama, nabasa niyo na po 'yon mga sulat galing kay Mama?" tanong ni Reinard.

"Uh, oo. Pero, hindi pa 'ko tapos kasi sinundo ko kayo. Tapos, babasahin pa niya 'yon mga letter." Tinuro ko si Dennis, nakita ko na tumango siya.

"Baka po kasi nandoon po 'yon time machine na drawing na nakita namin ni Dallia sa loob ng malaking lab ni Papa."

"Time machine?"

"May nakita ako sa mga sulat na inabot mo," napatingin ako kay Dennis, naghihiwa siya ng karne. "May sulat na ginawa ang future version mo para sa akin. Sinabi niya na kilala ko ang gumawa ng time machine. Nakilala ko na siya no'ng nag-aaral pa lang ako."

"Tapos?"

"Ang problema, hindi ko pa tapos basahin 'yon mga sulat kasi dumating na 'tong pagkain natin." Tumango na lang ako sa kanya.


So, may kinalaman kay Dennis ang may-ari ng time machine? Ano ba ang hitsura no'n?


Tumingin ako kay Dallia. "Naalala niyo ba kung paano kayo nakarating dito?"

Huminto siya sa pagsubo ng manok at tumingin sa akin. "Dinala po kami ni Mama sa malaking lab ni Papa pati po ng kasama niya. Tapos, may malaking bilog po sa 'taas."

"Tapos, Mama, bago po kami pumunta ro'n, ang dami pong sinabi ni Mama sa amin. Nakalimutan ko na po 'yon iba, e. Pero, bilin niya po na 'wag po namin sasabihin tungkol sa pyutur kapag hindi po namin kayo kasama," sabi pa ni Reinard.

"Future kasi. Hindi pyutur," sabi ni Dallia.

"Fu-ture!"

"Ano 'yon future?"

"Dito 'yon pyutur natin!" Tinaas pa niya ang tinidor.


Hindi ko alam kung naiintindihan ba nila ang salitang future o hindi.


"Ang alam kong ibig sabihin ng future, bukas." Napatingin ako kay Dallia.

"Anak, hinaharap ang ibig sabihin no'n," sabi ni Dennis, "hindi ito ang future niyo."

"Patay pa po kami rito?" 

Ano ba 'yan, bakit ganyan ang tanungan ni Dallia?

"Hindi kayo patay. Hindi pa kayo ipinapanganak dito."

Nang sabihin 'yan ni Dennis, lumapit silang dalawa sa akin at kinakapa ang tyan ko.

"Ano'ng problema niyo?" tanong ko sa kanila.

"Nandito na ba tayo, Dallia?"

"Parang wala pa. Baka bulate pa lang tayo."

"Tumigil nga kayo." Hinawakan ko ang dalawang kamay nila at tinaas ko. Grabe, ang liliit talaga ng kamay. Ang cute!

"Bulate pa lang po ba kami, Mama?" tanong ni Reinard.


Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing sila sa sperm cell ng tatay nila tapos mapupunta sa egg cell ko tapos magiging zygote sila na magiging fetus, gano'n. Teka, fetus ba ang mauuna or zygote? Ergh, pambihira, nakalimot sa Science.


"Kapag lumaki na kayo, malalaman niyo na kung paano kayo binuo."


Napatingin ako kay Dennis. Seryoso ba siya?


"Kapag hindi niyo inubos 'yan pagkain, hindi ko ipapabukas 'yon t.v." At dahil diyan, agad bumalik ang mga bata sa kani-kanilang upuan at sinimulan na nilang ubusin ang pagkain.


Ibang klase talaga 'to. Pati buhok na niya na medyo sabog, mukha nang tatay. Stressed ba 'to kaka-review sa board exams? Or baka na-stress siya dahil sa mga makukulit na 'to?


"Problema mo, Erillia?" tanong niya saka siya tumingin sa akin.

"Ano, okay ka lang?" 


*Year 203x*

[January 20, 203x]


"Mama, ayos lang po ba kayo?"

"Kanina pa po kayo palakad-lakad, Mama."

"Masakit po ba tyan niyo, Mama?"

"May baby po ulit kayo, Mama?"

"Ha? May anak na naman kayo ni kuya, ate?"


Hayun, nahinto na ako sa paglalakad nang sabihin 'yan ni Ella.


"O, bakit? Buntis ka ba?" tanong pa niya habang nasa likod lang niya ang mga bata.

"Siyempre, hindi."

Bigla siyang lumingon sa likod. "Sorry, kids. Wala pa kayong bunsong kapatid."

"Hala, akala ko naman po, may kapatid na kami," sabi ni Reinard. Ngumiti na lang si Dallia sa akin tapos bumalik na sila sa pagsusulat.


Gustong-gusto ko na pauwiin si Dennis ngayon. Ewan ko ba, natatakot na kasi talaga ako magmula nang nalaman ko ang nangyari sa village ni Sia. Ang nakakatawa pa, binalita kanina sa t.v. tungkol sa mga nanawalang bata. Nakasama pa ang village ni Sia.


Tatawagan ko na ba siya?


Sige. Kailangan hindi marinig ng mga bata. Doon na lang ako sa kwarto namin.


~~


Pangalawang try ko na, hindi pa rin siya sumasagot. Ni-lock ko na ang pinto, as long as nasa ibaba si Ella, safe ang mga bata.


[Erillia.]

Shit, nasagot na rin niya. "Hello, Dennis."

[Ano'ng nangyayari? Ayos ka lang?]

"Ah, oo. Ayos lang ako, pati ang mga bata."

[Hmm, 'di nga? Bakit nanginginig 'yan boses mo?]

"Huh? Hi-hindi naman, ah."

[Sure?]

Napabuga ako ng hangin. "Umuwi ka na, please."

[Erillia, hindi ako puwede umuwi ngayon. Alam mo 'yan, 'di ba?]

"Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon."

[Ganito, sigurado ka ba na si Availla ang may pasimuno nito?]

"Dennis, ayoko mamintang. Baka kasi, wala naman pala kinalaman sa kanya 'tong nangyayari."

[Okay, sige. Kung hindi si Availla ang may pasimuno, sa tingin mo, sino ang pwedeng gumawa nito?]

Hindi na 'ko nakasagot. Napa-upo na lang ako sa kama.

[O, 'di ba, hindi mo rin alam kung sino. Kumalma ka nga, Erillia. Kapag natapos namin 'tong project, uuwi agad ako.]

"Hindi mo na papupuntahin ang mga bata sa lugar na 'yan?"

[Depende, Erillia.]

"H-ha?"

[Kapag may nangyaring masama sa mga anak natin, or kahit isa man sa kanila, ipapadala ko na sila sa nakaraan natin.]

"Dennis."

[Erillia, sa ngayon, mga bata lang ang pwedeng pumunta sa nakaraan natin dahil sila lang ang kinaya ng machine na 'to.]

"Hindi ba pwedeng tayo na lang ang pumunta sa nakaraan?"

[Mas delikado ang mga bata kapag iniwan natin sila rito.] Narinig ko na huminga siya nang malalim. [Uulitin ko, mga bata lang ang pwede sa machine na 'to.]

"Dennis," napapunas ako ng aking mga mata dahil naramdaman kong may luha na lumabas, "baka kung ano'ng ang mangyari sa kanila roon lalo na't iba ang mundo na 'yon."

[Kailangan natin paghandaan ang pupuntahan nila. Ikaw na bahala magkwento tungkol sa nangyayari ngayon para maging aware rin sila.]


Kaya ko bang sabihin sa kanila tungkol sa sinabi ni teacher Emerald sa akin?


"Ate?"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Ella. "Kain na tayo."

"Ah, sige. Bababa na 'ko."

[Erillia, please, kumain ka.]

"Kakain ako, Dennis. Kakayanin ko 'to."

[Stay strong, okay?]

"I will."

[I love you.]

"I love you, too."

[Miss ko na kayo.]

"Miss ka na rin namin. Umuwi ka kapag natapos na, ha?"

[Opo, misis Montengra.] 

Ako na ang nagbaba ng phone kasi kanina ko pa naririnig na kumakatok 'tong si Ella. Tumingin muna ako sa salamin, baka malaman niya na umiyak ako.

"Sabi ko, bababa na 'ko, e." Hayan ang nasabi ko nang binuksan ko na ang pinto.

"Nandito ang mga kapatid mo, ate."

"Ha?" Agad naman ako bumaba at hayun nga sila, nakikipaglaro sa mga bata.

"Hoy, ano'ng ginagawa niyo rito?"

Tumingin sa akin si Julian. Mukhang kakagaling lang niya sa school dahil suot pa niya ang kanyang ID. "Dito kami matutulog, ate."

"Ha?" Tumingin ako kay Lira, "pati ikaw?"

"E, oo. Wala kasi sa bahay ang asawa ko. Ayoko makitulog sa bahay natin kasi nandoon sina tita."

Muntikan ko na makalimutan, buntis pala 'to.


"Mama, dito na lang po sila matulog," sabi ni Reinard habang naka-upo siya sa kandungan ni Julian.

"Oo nga po, Mama. Dito na lang po sila matulog. Kakapain ko lang po ang baby cousin namin," sabi naman ni Dallia habang nakaluhod siya sa harapan ni Lira at nakapatong ang mga kamay niya sa tyan ni Lira.


Hindi ko alam kung ano ang intensyon ng mga 'to pero...


Ayos na rin na marami kami. Ramdam ko na safe ang mga anak ko mula sa labas.


~




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top