EIGHT
*Year 202x*
Erillia's POV
Pagod na 'ko, tapos, nagawa pang mag-joke ni Reinard sa akin.
"Mama! Sabi po ni Papa, magkita raw kayo sa simbahan kapag anniversary niyo na po!"
At dahil diyan, hindi na ko tinantanan ng mga tita ko. Naghuhulaan na sila kung sino ang asawa ko. Pati mga kapatid ko, sumali na sa hulaan. Hindi na ko makatulog kaka-isip sa sinasabi niya. Monday na bukas. . .
Ay, Monday na pala. Madaling-araw na, e.
Tinignan ko ang batang 'to na nakanganga ngayon. Ang himbing himbing ng tulog niya, o. Kumusta na kaya si Dallia sa puder ng Papa niya? Baka sinasaktan na siya roon. Naku po.
"Bakit ayaw mo sabihin sa akin ang dahilan, Reinard?" tanong ko na lang sa kanya. Siyempre, hindi naman sasagot 'to.
Iniisip ko tuloy kung sino ang puwede niyang maging Papa. Wala naman akong boyfriend noong college pa ako, mga crush lang, ganoon.
Crush?
Malabong makatuluyan ko ang lalaki na 'yon. Dennis.
At dahi diyan, dinalaw na 'ko ng antok.
~~~
Isang buwan na ang nakalipas matapos mawala ni Reinard. Hindi ko na siya ilalabas ng bahay. Kung gustong-gusto niyang lumabas, kailangan kasama niya ako.
Papasok na naman ako sa work. Pero, ayos lang kasi Friday naman ngayon. Makakapagpahinga ulit ako. Kinulang na naman ako sa tulog.
Ano petsa na ba ngayon?
October 9, 202x
Ay, bwiset. October 10 na pala bukas. Bakit ba ang bilis ng panahon?
Magpapakita kaya 'yon sa akin? Ay aba, dapat talaga siya magpakita. Gusto ko makilala si Dallia.
Sa last train station ako bumababa at nilalakad ko lang ang office namin. Pero, nakakapagod kasi naka-high heels ako ngayon. Nasira 'yon flat shoes ko na, hayun ang sinusuot ko kapag bi-biyahe ako. Kainis.
"Good morning."
Bati ko sa kanila. Mukhang wala pa ang manager namin. Sana talaga walang meeting mamaya. Inaantok talaga ako.
"Pst, Erillia."
Pinatong ko muna ang tote bag ko at tumingin kay Sia. Pero, nakatingin siya sa tote bag ko ngayon.
"Aba, ang cute naman ng design niyan. Sa'n mo binili?" tanong niya sabay kinuha ang bag ko.
"Ano. . . Sa kapatid ko. Siya ang nag-paint niyan."
Ang tinutukoy ko, si Reinard. Salamat talaga sa ginawa niya, buong araw ko siyang hindi pinansin.
Pero, hindi ko kaya. Ang cute niya kasi manlambing sa akin lalo na kapag sasamahan ko siya mag-poo poo.
"Talaga?" tanong niya, "galing ng kapatid mo, ah. I like the colors na pinili niya para sa kulay ng bag mo."
Sabi ni Reinard sa akin, pewter ang kulay ng tote bag ko. Nasa shade raw siya ng gray. Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon, kinabisado niya, ganoon?
"Anyway," binalik niya sa table ang bag ko, "kailangan daw nating mag-recruit ng mga engineer. Graduate ng mechanical engineering at siyempre, licensed na."
"O, 'kala ko ba hindi tayo mag-re-recruit ng mga engineer?"
Lumaki ang mga mata niya. "Hayun na nga. Kasi may chika na sumagip sa radar ko."
Bago siya mag-spill ng kwento, kinuha niya ang monoblock na nasa water dispenser at tumabi sa akin.
"Engineer na kasi ang CEO ng company na 'to. Akala ko nga, pangit na naman 'yong boss natin. Kaso, alam mo ba, ang guwapo niya no'ng nakita ko siya kahapon!"
"Weh?"
"O'nga, Eri." Pinalo pa niya 'ko sa binti, "ang guwapo niya. Hindi ko sure kung may lahi siya kasi ang tangkad niya. Tapos medyo moreno siya. Tapos ang hot niya no'ng ngumiti siya sa amin."
"Teka, nasaan ba 'ko ng mga oras na 'yan?"
Nawala agad ang ngiti niya. "Duh, nag-under time ka po kasi may nangyari sa kapatid mo."
Ay, oo. This time, si J naman ang tinutukoy kong kapatid.
Unting-unti na pumapasok ang iba pa naming kasama. Maaga pa naman para sa trabaho kaya 'yong iba, nagkakape.
"Promise, Erillia. Ang gwapo niya talaga. Parang, gusto ko na siyang iuwi sa bahay tapos ipapakilala ko siya sa Papa ko."
May napansin na lang ako na isang lalaki na naka-black suit ngayon. Hindi naman siya mataba at mapayat, tama lang tindig ng pangangatawan niya at moreno. Naglalakad siya papunta sa amin. At habang naglalakad siya, binabati siya ng mga tao rito.
Tumingin ako kay Sia, tuloy pa rin siya sa pagde-daydream tungkol sa CEO. Ay teka. . .
Siya ba ang CEO namin?
"Siguro, daks 'yon si sir." Nakangiti pa siya nang sabihin 'yon.
Tinignan ko naman si sir na nasa likod na ni Sia, nakangiti siya ngayon habang nasa bulsa niya ang kanyang mga kamay.
"Ba't wala man lang akong marinig na comment sa'yo, ha?" tanong na lang ni Sia sa akin.
Hindi ko kasi alam kung ano'ng sasabihin ko.
"Ano bang pangalan ng boss natin?" Hayan, may natanong na 'ko.
"Si sir Jeorgio Hermosa!"
"Yes, miss Sia Ondi?"
Hayan, nakanganga na si Sia nang marinig na niya ang boses ni sir. Dahan-dahan siyang lumingon sa likod at tumingala.
"Sir!"
Nakangiti si sir sa kanya. "Good morning."
Napansin ko ang mga kamay niya, gusto niya kong kalabitin pero hindi niya 'ko maabot kasi lumalayo ako sa kanya. Hahaha.
"Miss Sia, nandito na po ang mga suppliers," banggit na lang ng guard mula sa pinto ng department namin.
Bigla na lang siya tumayo at tumingin sa akin.
"Usap tayo later." bulong niya saka siya umalis. Hindi niya tinignan si sir Jeorgio.
"Ano'ng topic niyo tungkol sa akin?"
Napatingin naman ako kay sir, "ano lang naman sir. . . Crush."
Ma-ge-gets niya kaya?
Ngumiti na lang siya sa akin. Ang guwapo nga niya.
"Anyway, kailangan pumunta kayo ni Sia bukas sa event na-"
"Ano, sir, hindi po ako pwede bukas," sabi ko na lang sa kanya.
October 10 bukas. Kailangan makita ko na ang mag-ama ko. Shet, mag-ama ko?
"Oh? Why?"
"M-may lakad po kami ng family ko. Hindi po ako pwedeng mawala roon, sir." Yes, family ko.
FA-MI-LY
Ngumiti siya sa akin. "Okay, okay. Pero, next week, you have to attend the seminar. Pangalan mo ang nilagay ni Sia roon, okay?"
Tumango naman ako. "Yes, sir."
Maya-maya, bigla na lang niya pinisil ang kaliwang pisngi ko at umalis. Hindi naman masakit 'yon ginawa niya.
Hala, trip ba ako nito?
~~~
{OCTOBER 10}
6:02 a.m.
Hindi naman sinabi ni Reinard kung ano'ng oras dapat kami magkita. Pero, sinabi naman niya sa akin kung saan, sa simbahan na malapit sa bahay ni Maia. Kaya naman...
"Eri, nandito na si Binnie!"
Napabangon naman ako sa kama at lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko, nakita si Reinard, naka-upo na sa hita ni Binnie.
Tumingin si Binnie sa akin, "oh, ba't hindi ka pa nakabihis?"
"Tinatamad pa 'ko." sagot ko sabay pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape.
Nakita ko si nanay, naghuhugas ng pinggan. "Alam na ba ni Binnie tungkol kay Reinard?"
"Ah, opo. Nakilala na rin 'yan ni Maia. Doon kami pupunta ngayon, e."
"Naku, siguraduhin mo na hindi na siya mawawala katulad noon."
Tumingin ako sa kanya habang hawak ko ang black mug. "Pwede ba kami umalis ni Reinard ngayon, 'nay?"
"Aba, siyempre. Kailangan makita na ni Reinard ang kapatid niya pati asawa mo."
"Asawa?"
Tumingin naman siya sa akin at sinara ang gripo. "Aba, tatay ng mga anak mo, Erillia."
"Mama."
Si Reinard, nakasilip sa pinto. "Ano'ng oras po tayo aalis?"
Bakit na-e-excite ako na kinakabahan?
"Magkakape lang si Mama mo tapos aalis na kayo, okay?" si Nanay ang sumagot.
"Okay po. At saka po, pahingi po ng tubig si ninang Binnie."
"O, bigyan mo ng tubig." Inabot ni nanay sa akin ang baso.
7 na ng umaga kami nakarating dito sa village ni Maia. Nagkita kami sa palengke at kumain sa isang kainan ng pares dito. Nalaman lang din namin ni Binnie ang simbahan na, malapit lang pala rito.
"Opo, hayan nga po 'yon," sabi na lang ni Reinard sabay tinuro ang simbahan.
"Sabi ni Mama, d'yan daw po kami bininyag." dagdag pa niya.
"Talaga?" tanong ni Maia sabay tumango ang bata. "Alam ba ng kapatid mo kung saan kayo magkikita?"
"Opo! Alam niya rin po ang complete address ng bahay ni Papa, e."
"E, ba't ikaw, kabisado mo ba ang complete address ng bahay ng Papa mo?" tanong naman ni Binnie.
"Hindi po."
"Ha?"
Tumango siya. "Ang dami pong numbers, e." saka siya tumawa. Bakit ba kasi ang cute ni Reinard kapag ngumingiti?
"Ready ka na, Eri?"
Napatingin ako kay Maia.
"Tara. Baka naghihintay na sila."
Heto na, nasa labas na kami ng simbahan. Sabado ngayon pero ang daming tao. Ano'ng meron?
"O, nasaan na sila?" tanong ni Binnie.
"Saan sila pwede pumunta, Reinard?" tanong ni Maia, siya ang humahawak ngayon kay Reinard.
"Teka po. Sabi ni Mama, dito raw kami magkikita ni Dallia, e." sagot niya habang lumilingon siya.
Binitawan niya ang kamay ni Maia at tumakbo papuntang parking lot, kaya sinundan namin.
"Reinard! Dahan-dahan lang naman!" sigaw ko sa kanya. Pero, ang bilis ng takbo.
Nang makarating na kami sa parking area, nakatayo lang si Reinard. Walang sasakyan naka-park ngayon dito.
"Erillia," ani Binnie, "pa'no kung hindi magpapakita ngayon ang Papa niya?"
"Hindi pwede," sabi ni Maia, "kasama niya si Dallia. Kailangan nila magkita."
"Mama!"
Isang boses ng batang babae ang narinig ko. Alam kong narinig ng dalawa 'yon.
Nakita na lang namin ang batang babae na nakasalamin ang tumatakbo papunta sa amin ngayon.
At...
Dennis' POV
"Tao po!"
"Nak, si Jeydan 'yon nasa labas."
Nahinto ako sa pag-inom ng kape. Bakit ba siya nandito? Kung kailan aalis kami ni Dallia, e.
"Ninong Jeydi po?" tanong ni Dallia sa akin.
Napatingin ako sa kanya, sakto naman na kakatapos lang niya kumain.
"Jeydi?"
"Hoy, bff."
Ay, loko, pumasok na pala siya. Teka, itatago ko ba si Dallia?
"Hi po, ninong Jeydi!"
Pinuntahan niya si Jeydan at nagmano. Tumingin si Jeydan sa akin at tinuro ang bata.
"Anak mo?"
Siyempre, tumango ako.
"Kailan pa? At saka, ba't 'di mo sinabi sa akin na inaanak ko pala 'to?" tanong niya sabay niyakap si Dallia.
Nakangiti ngayon si Jeydan sa kanya. "Ano pala name mo baby girl?"
"Dallia Kirsten po."
"How old are you?"
"Seven years old po."
"Hoy, Dennis, seven years old na pala 'tong anak mo," sabi na lang niya sa akin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"May lakad ba kayo ng Papa mo?"
"Opo. Magkikita kami ni Mama at ni Reinard po."
"Sino'ng Reinard?" tanong niya nang maka-upo sila sa sofa.
"Kakambal ko po."
"Aba!" Tumingin ulit sa akin ni Jeydan. "Loko, kambal pala ang anak mo, e!"
"Ang ingay mo," sabi ko na lang sa kanya. Bahala sila mag-usap diyan.
"Sa'n ba kayo pupunta?" tinuloy na ni Jeydan ang Q and A portion niya kay Dallia. Makikinig na lang ako.
"Sa simbahan po."
"Ha? E, walang misa ngayong umaga. Mamayang hapon pa."
"Alam ko po. Pero, bilin kasi ni Mama sa amin bago kami pumunta rito, sa date po ng anniversary nila, pupunta kami ni Reinard sa simabahan."
"Anniversary?" Tumingin ulit si Jeydan sa akin. "Girlfriend mo?"
"Wala akong girlfriend."
"Ah, si ex-girlfriend mo."
Tinuro ko si Dallia. "Tingin mo ba, kamukha niya si Pirala?"
Tinignan naman niya ang bata. "Ang layo, bff."
"Si tita Pirala po?" tanong na lang ni Dallia sa akin, "siya po ang nagligtas sa akin mula sa mga lalaking naka-uniform na itim."
Aba, tumulong pa siya?
"Bakit, ano'ng ginagawa ng mga 'yon sa'yo? Bakit ka nila kukunin?" tanong ni Jeydan.
"May gusto po kasi pumatay sa amin. Kaya po kami pinapunta dito sa nakaraan ni Mama at Papa po."
Mukhang nasobrahan na sa sagot ang batang 'to, ah.
"Ah, Dallia. Mag-toothbrush ka na." utos ko.
Agad naman siya kumilos para pumunta sa c.r. Si Jeydan, nakakunot na ang noo.
"Hindi ko na siya naiintindihan."
Kailangan ko na mag-kwento.
~~~
"Galing ka talaga sa hinaharap, Dallia?"
Hayan ang naitanong niya habang naglalakad kami ngayon papunta sa simbahan. Siya muna ang nagkarga sa bata.
Nakwento ko na sa kanya. At dahil diyan, ngayon ko nalaman na ninong pala ni Dallia ang lalaki na 'to.
"Opo, ninong Jeydi. Palagi nga po kayong may dalang chocolate at cheese burger, e."
"Hulaan ko, ah." Tumango naman ang bata sa kanya. "Sa'yo 'yon chocolate. Tapos kay Reinard naman 'yon cheese burger, 'no?"
"Tama po kayo ninong!" sigaw ni Dallia tapos pinalapakan pa siya.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman kung bakit takot na takot si Dallia sa mga lalaking naka-black suit. Tuwing may madadaan sa amin, tinatakpan ni Dallia ang mukha niya.
Pagkatapos no'n, bigla na lang siya nagpakarga kay Jeydan. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa akin.
Ano, may tampo pa rin?
"Palagi po kayo may bitbit na pasalubong kapag pupunta kayo sa bahay." dagdag pa niya.
"O'sige, kapag bumisita ako sa bahay ng Papa mo, magdadala ako ng favorite niyo."
"Sana po, kasama ko po si Reinard kapag pumunta po kayo sa bahay po."
"Ay, feeling ko, once na makita mo si Reinard, hindi na kayo maghihiwalay."
"Hindi na talaga po pwede kami maghiwalay. Baka po magalit si Mama sa amin." Narinig ko ang makulit na tawa ni Dallia.
Sino ba kasi ang nanay nito?
"Baka nabibigatan na ang ninong mo sa'yo, Dallia."
Nakita ko na umiling si Jeydan. "Hindi naman mabigat 'tong inaanak ko. Wala pa naman tayo sa simbahan kaya ako muna ang kakarga sa kanya."
Ewan sa'yo.
"Okay lang, Dennis?"
"Bitbit mo na, e! Gusto mo, iuwi mo na rin kasama 'yon kakambal niya pati 'yon nanay nila!"
Nauna na kong naglakad sa kanila. Gusto ko na makita ang nanay nito pati ang kakambal niya.
May naramdaman na lang akong maliit na kamay, kumapit ito sa akin. Alam kong kamay ni Dallia 'to. Nakatingala siya sa akin at nakangiti.
"Tampo po kayo, Papa?"
"Hindi."
Lumingon siya sa likod. "Hindi raw po siya nagtatampo, ninong!"
"Hay naku, nagtatampo 'yan. I-hug mo siya, go!" sigaw ni Jeydan.
Nahinto na lang ako sa paglalakad nang yumakap siya sa akin. Wala nga pala siyang salamin.
Nakatingin pa rin siya sa akin. "Tampo po kayo, Papa?"
"Hindi."
"Tampo raw kayo, e."
"Naniwala ka naman sa ninong mo."
"Maniwala ka sa akin, baby Dalli!" sigaw niya mula sa likod ko.
Baby Dalli? Korni talaga ni Jeydan.
"Huwag na po kayo magtampo, Papa."
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit magagaling ang mga bata manuyo kaysa sa amin mga matatanda. Dahil ba sa mga mukha nila?
O di kaya, madali sila makaramdam? Pero, bata pa sila. Hindi pa nila naiintindihan ang lahat.
"Hindi nga ako nagtatampo," sabi ko na lang sa kanya saka ko binuhat. Ngayon ko lang napansin ang gaan ni Dallia. Normal lang ba ang timbang nito?
"E! Nagtatampo po kayo, e!"
"Hindi."
"Tampo po!"
Tinignan ko muna si Jeydan, mukhang may ka-text ata.
"Huwag ka maingay sa ninong mo, okay?" bulong ko sa kanya.
Tumango siya habang tinakpan niya ang bibig. Ang cute talaga ng batang 'to.
"O, nandito na tayo sa simbahan," sabi na lang ni Jeydan. Tinignan ko ang paligid ng simbahan, hindi ko alam kung bakit ang daming tao ngayon. Sabado naman.
Binaba ko si Dallia at tinignan siya. "Saan daw kayo magkikita?"
"Hindi ko po alam, e. Basta, sabi po, dito lang po."
"Hanapin na lang natin sila. Baka nandito na ang mga 'yon." Napatingin ako kay Jeydan.
"Huwag mo ko tignan ng ganyan, Dennis. Darating ang nanay niya at 'yon anak mo."
Nahalata niya na natatakot ako.
"Tara, baby Dalli. Libot tayo. Ituturo ko sa'yo kung saan kami nag-se-serve ng Papa mo no'ng active pa kami."
Kinuha naman ni Dallia ang kamay ni Jeydan at nagsimula na sila maglakad. Sinundan ko na lang mag-ninong na 'to.
Kung anu-ano na ang kinuwento niya. Mga kalokohan namin noong high school pa lang kami, pati na rin ang mga naging girlfriend niya, kinuwento. Tingin ba niya may maiintindihan si Dallia sa kanya?
"Sa tingin mo, baby, saan sila puwede pumunta?" tanong ni Jeydan habang naka-upo kami sa bench na 'to, malapit sa office ng simbahan.
"Hindi ko po alam, ninong. Pero, sigurado po ako na susunduin po sila ni ninang Maia."
"Ninang Maia?" tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin, "friend po 'yon ni Mama."
"Reinard! Dahan-dahan lang naman!"
"Papa! Boses na po 'yon ni Mama!"
Agad naman tumayo si Dallia at tumakbo papuntang parking lot. Narinig din namin ni Jeydan kaya sinundan namin siya.
"Mama!"
Sinundan lang namin ang boses ni Dallia. At. . .
"Dallia!"
"Reinard!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top