DALLIA. REINARD.


"Good morning ma'am. This way po."


Tumayo agad ako nang tinawag ako ng manager nila. It feels weird dahil nandito ako ngayon sa office niya.


Or should I say, office nila.


"Naku ma'am, mabuti naman po nakarating kayo ngayon. Hindi kasi makakarating si engineer Hermosa at si sir Pasucua."


Hermosa and Pasucua? Familiar talaga ang surname na 'yon. Yeah, 'cause I know them.


Well, mabuti na lang panis na pancake ang inabot ko sa table nila when I ate my breakfast sa fast food restaurant na 'yon. Ang dadaldal kasi nila kaya hindi nila napansin na pinalitan ko ang pagkain nila. 


Hayun, LBM ang mga boss.


"I know. They called me and nakapagpaalam naman sa'kin ang dalawang 'yon. Ewan ko ba kung nagkataon lang na sabay sila absent or nag-usap ang dalawa na 'yon."


Natawa na lang ang manager sa'kin. She keeps talking habang nasa loob kami ng elevator. I looked on my wrist watch.


9:27 a.m.


Dapat nandito na siya.


[Ang daming tao, muntikan na masira ang canvas ko.]


I sighed when I heard his voice thru my mini-wireless earphone. Sinigurado ko na mahinang-mahina ang volume namin para hindi nila marinig. Sa pagkaka-alam ko kasi, wala pang ganitong klaseng earphone sa panahon nila. 


When we stepped out sa elevator, may kinalabit itong si manager. "Nasaan na siya?"


"Ay, ang sabi nakapasok na siya ng building na 'to, ma'am."


Bumuga lang ng hangin si manager then she looked at me. "May isang tao lang po tayo na hinihintay. Gusto niyo po ba sila na makilala?"


"Of course. Hintayin na lang natin ang iba. Ang dami kasi tao ngayon sa building na 'to."


Tinuro ni manager ang daan. "May events po kasi sa dalawang floor kaya, ang daming media na nakatambay."


Yeah, I know. Hayun ang nakalagay sa sulat. That's why we're here.


We're going to help na pagtagpuin ang dalawa.


Pinapasok niya ako sa isang conference room. The manager talk to these young men na naka-upo. I froze for a while when I saw him.


Napatalon na lang ako sa gulat nang may kumatok sa pinto. Agad naman binuksan iyon ni manager.


"Nandito na po sila."


Oh my god.


Heto na ba?


Reinard!



_______


"Dallia."


Hayan ang nasabi ko nang nakalabas na sila ng elevator. Inayos ko na lang ang sarili ko saka na ako naglakad.


"Excuse me po!"


Hayan, mabuti naman marunong tumabi ang mga 'to. Maawa naman sila sa akin dahil bitbit ko ang canvas na 'to. 


"Ang daming tao, muntikan na masira ang canvas ko."


Sinabi ko lang iyon pero mahina lang. Sinigurado ko na walang tao sa paligid nang magsalita ako.


Nang makarating ako sa elevator, nakita ko na agad ang target ko. Familiar kasi sa'kin 'yon ponytail niya.


"Hello? Pasabi nasa building na ako," sabi niya nang makasakay na kami sa elevator.


[Nasaan na siya?]

[Ay, ang sabi nakapasok na siya ng building na 'to, ma'am.]


Nice, nice. Umaayon ang lahat sa plano.


Sa pagkaka-alala ko na nakalagay sa sulat, lumabas daw siya ng elevator, may bumangga sa kanya. Mga boss niya raw 'yon.


Pero, sorry po. Mag-iiba lang po tayo ng character dahil...


"Ay!"


"Kuya, ayos ka lang?"


Teka lang, ah. Bakit bumibilis ang pagtibok ng heart ko no'ng narinig ko ang boses niya?


"Hala, 'yon painting mo, nasira."


Canvas kasi 'to!


Tumayo naman ako at tumingin sa kanya. Siya ba talaga 'to?


"Ay hindi! Ayos lang po. Kaya pa 'to magawa ng paraan." Putek! Bakit ganoon ang sinagot ko?!


"Hoy!"


Napatingin kami sa isang babae. "Kanina pa tayo hinihintay!"


Sakto naman na may isang pinto na bumukas. Una kong nakita si Dallia, nakatingin lang siya sa'kin.


"Okay so, dito ko na lang sila ipapakilala sa inyo," sabi ng isang babae sa kanya. Madaming lalaki ang lumabas mula sa room na 'yon.


Umayos ako ng pagkakatayo nang siya na ang huling lumabas ng kwarto.


"And this is engineer Dennis Kirk Montengra."


Nasa likod lang ni Papa si Dallia. Hindi siya pwede ngumisi or gumawa ng kahit ano'ng reaction.


Isang babae naman ang nagsasalita ngayon.


"And this is miss Erillia Rein Patrailo."


Gusto kong magwala dahil sa kilig kaso hindi pwede! Hindi kami pwede kiligin!


WAAAA! NAGKITA NA ANG MGA MAGULANG NAMIN!


"Ikaw!?"



______________________________________


"Paano na 'yon canvas mo?"


"Psh. Hayaan mo na. Bara-bara lang ang ginawa ko."


"Sure ka bang walang makakakita sa'tin dito?"


"E, dito tayo galing kanina."


"Lumayo pa tayo ng konti. Makikita nila ang liwanag."


"On ko na?"


"Oo. Papagalitan na naman tayo ni Papa kapag hindi tayo umuwi sa tamang oras."



...at doon na nagsimula ang love story ni Mama at Papa.



===============================


SPEECH:


HI. HELLO. 


SALAMAT SA MGA NAGBASA NG KWENTO NI ERI, DENNIS AT NG MGA BATA. HIHI.


SALAMAT DIN PO SA 1K READSSS! YEHEEEEEY!


MAY MGA STORY PA AKO NA ILALABAS, PA-ABANG NA LANG PO. HIHI <3


MARAMING THANK YOU PO ULIT <3 


KEEP SAFE EVERYONE~


> kleriita <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top