Wakas
Epilogue
Juniel Rosie Valdez
"Ano kaba naman Juniel! Iyak ka ng iyak" Singhal ni Jessie. Isa siya sa mga kabarkada ko.
Ngumuso ako at pinunasan ang luha. Isang taon ko nang di nakikita si Daniel Matsunaga. Joke lang. Si Daniel Sandoval, love of my life! Nakalalungkot isipin. Kahit nag give up nako sakanya mahal ko parin siya!
"Huhu, Stacey!" Humarap ako kay Stacey na nakahalukipkip at nakatingin sakin ng masama. Ngumuso ako at nagsimulang ngumawa.
"Cute mo sana Rosie. Pero mukha kang tanga" Natatawang sabi niya. Umirap nalang ako sakanya at pinunasan ang mukha ko dahil puno nang luha at pawis.
Naiiyak talaga ako dahil sa tatlong taon ang magdaan. Nalaman kong isa na pala siyang Model! Kaiyak isipin na madaming makakandarapa sakanya. Naiisip ko pa lang na may kasama siyang babaeng modelo nasasaktan nako.
Napabuntong hininga ito. "Let's wind up sissy. Let's go" Sabi ni Kris at hinila ang buhok ko. Ngumiwi ako sa sakit pero sumunod ako. Mahirap na, dragon to eh. Sumimangot ako, lahat sila matatangkad. Kaya ako ang dehado dito eh. Tulad din sa pag-ibig ko. Dehadong dehado.
Papunta na kami sa Mall ay nakakapagtaka. "Ang dami naman yata ng tao ngayon ah" Sambit ko. Pati sa labas may nagtutulakan para lang makapasok.
Bigla kaming hinila ni Jessie at nakisali sa mga tao para lang makapasok.
Biglang nalaglag ang panga ko sa nakitang maliit na billboard.
"Hottest Teen top model in Butuan City?" Takang tanong ni Stacey. Nagkibit balikat nalang kami at umalis doon para makapag freshen up.
Wala akong panahon diyan. I'm sure hindi rin sila interesado dahil may kanyang kanyang love life na silang lahat.
"Rosieeee! Halika." Tili nila Margarrette isa sa kaibigan ko. At kunaway ito para papuntahin ako.
"Bakit?" Takang tanong ko nang bigla nila akong hinila papunta sa kung saan gaganapin yung Teen Models.
"Grabe Rosie. Nagka heart attack yata si Stacey kanina." Ani Kris habang katabi niya si Margarete na hinihila ako. Napailing ito at tumawa nang mahina.
Napalingon ako kay Stacey na ngayon ay pulang-pula. Bakit kaya?
Huminto kami sa gilid kong saan madaming tao at nakikita namin ang stage na madaming ilaw na nakakapalibot.
"Waah! Grabe. Nakakakilig." Bigla akong pinaharap ni Kris at kinurot ang pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang kaniyang braso para pigilan pero ang lakas niya.
"Huhu. T-tama na" Naiiyak na talaga ako sa sakit. Narinig ko ang paghalakhak nilang lahat. Nang binitawan na ni Kris ang pisngi ko doon ko minamasahe. Grabe, parang napunit yata pisngi ko doon. It stings!
Akala ko ba hindi sila interesado ngayon sa mga ganiyan? pero bakit ngayon excited na excited sila? Napatanong nalang ako sa aking sarili.
Nang nagsimula na ay madaming nag sisigawan. Ang ingay ha. Napasimangot ako ng pati sila ay nakikisaling mag-ingay.
Mahigit sa isang oras mas lalong umingay sina Kris. Parang may inaabangan talaga silang lahat ah.
Kinalabit ko si Jessie. Kaya napayuko siya ng onti. Wow ha. Pinaglandakan talaga na pandak ako. Pero buti nalang nakakita pako dahil medyo malapit kami.
"Bakit?" Sigaw niya. Maingay kasi kapag may lumalabas na lalaking modelo. Makikisali talaga ako sa pag-iingay kung anjan si Daniel. Pero wala eh.
"Matagal paba ito?" Tanong ko sakanya. Pero umiling lang siya at tumingin uli sa harapan.
Nabobore na talaga ako. Pogi naman sila, pero mas pogi parin si Daniel ko no.
"And let's welcome our guest this evening. He will confess the girl he love in front of us."
Sabi ng emcee. At biglang naghiyawan ang mga tao.
Oh? Swerte naman. Nakakaexcite. Bigla naman akong sinapak nina Stacey kaya tinignan ko sila ng masama.
"Let's all support and give round of applause to our special guest Mr. Daniel Sandoval! He's our winner in last year's Hottest Teen Top Model." Sigaw ng Emcee.
What? "HUH??" WAIT? Nagreregister pa!
Mas lalo humiyaw ang mga tao nung lumabas na siya. Pati yung mga barkada ko sumali sa pagtitili at pagsasapak sakin.
Pero ako nanatiling nanahimik. At nagreregester sa utak ko.
Tagal tagal ko nang hindi siya nakikita. Isang taon na. Mas lalo siyang tumangkad at mas lalong naging gwapo. Sa kanyang sout na polo kulay blue. Mas lalong napapatingkad ang pag ka mestizo niya.
Nakatunganga lang ako sakanya habang kumakanta ng What makes you beautiful ng One Direction.
I know. Naghihinayang ako. Magcoconfess siya ngayon sa mahal niya. Kay Ate Danica. Kaya pala nakita ko siya sa Food court kanina.
Napatingin ako sa barkada ko. Mabuti pa sila masaya. Ako dito malungkot! Mas masaya sana kung walang sinabi ang Emcee tungkol sa Confession niya! Huhuhu. Ang sarap umiyak at ngumawa dito! Huhu.
Bigla siyang pumunta sa banda namin at kumakaway siya habang kumakanta. Alam kong di niya ko makikita dahil mas lalong nagiging wild ang mga tao dito.
Hanggang tingin nalang talaga. Nabigla ako ng biglang lumaki ang espasyo sa kinatatayuan ko. Nilibot ko ang paningin para hanapin yung mga kaibigan ko pero wala! Para na akong naiiyak.
Aalis na sana ako sa gitna dahil tinitignan na nila ako. Huhu, wala akong kaalam alam dito!
"Wag ka munang umalis Juniel!" Napahinto ako at natigilan. Don't tell me, ako? Sarap sapakin ang ulo ko dahil ako nga iyon, malamang, pangalan ko.
"Please stay." biglang huminahon ang boses niya. Nakatalikod parin ako kaya di ko siya nakikita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Dahan dahan akong tumingin sakanya. Napalunok ako ng lumapit siya sakin. Sumulyap ako sa paligid pero nakatingin lang sila sakin.
Nang nakalapit na siya sakin ay "Huhu, anong nangyayari dito?" Biglang tanong ko sakanya at napanguso. Naiiyak na talaga ako sa nangyari at dahil din nandito siya sa harap ko.
Bigla siyang humahalakhak. Hinawakan pa niya ang tiyan niya. Napasimangot ako. Ganyan talaga siya simula noon. Parating natatawa sa ginagawa ko.
"Damn. Your cute and funny that's why i love you." Natatawang sabi niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko.
"Waaah! Go baby girl!" Sigaw ni Jessie pero sinaway siya ni Kris
Napatingin uli ako kay Daniel. Na nakatitig lang sa mukha ko. Napalunok ako. A-ang tangkad niya.
"Uhh" Anong sasabihin ko?
Nalaglag ang panga ko nang hinawakan niya ang kamay ko. "Juniel. Alam kong stalker kita" natatawang sabi niya.
Natawa din ang mga taong nakapaligid samin. Sumimangot ako. Pinisil niya ang ilong ko kaya naramdaman kong may tumatakbong baboy sa tiyan ko. Lol
"At stalker mo din ako. Noon pa nung grade 7." Natatawang sabi niya at inayos ang lapel niya. Rinig na rinig talaga ang boses niya sa lahat.
Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga. "Weeh?" Pagrereact ko. Napatingin uli ako sa paligid. Nakakahiya!
"That's why i love you. The way you react. Your craziness." Natatawang sabi niya. At hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napaangat ang tingin ko sakanya.
Ako mahal niya pero pano "Si Ate Danica?" May kung anong sumakit sa puso ko habang binabanggit ang pangalan niya.
"Ha?" Litong lito ang mukha niya. Napakagat labi ako, ba't ang pogi niya parin? Kahit sweaty look. Oemgee!
"Did someone call my name?" nagulat ako ng nakita ko si Ate Danica na papunta samin at may suot siyang lapel rin gaya kay Daniel. So ganun? Ako yung walang lapel? Unfair!
"Couz!" Masayang bati ni Daniel. Wait?
"Mag cousins kayo? Akala ko kayo?" Nagtatakang tanong ko. Okay, anong nangyayari dito!
Humahalalhak silang Dalawa pero yung mga tao ay nakinuod lang. Ano kami dito? Nagfifilm?
"Silly girl. Yes i am. Were cousins." At humahalakhak si Ate Danice.
"Your right. She's cute." Namula ako dahil sa sinabi niya pero bigla siyang lumapit sa tenga ko at bumulong "May diary siya tungkol sayo. Mind if you check it out later?" Dahan dahan akong tumango.
Syempre i'm curious. Dahan dahan siyang lumayo "Good. Give it up girl! I'll support" Sabi Niya at lumayo nasamin. Kaya tumingin uli sakin si Daniel.
Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod. "Juniel Rosie Valdez will you be my Girl?"
Dahan dahan akong tumango at ngumiti.
Daniel Sandoval is my ideal boyfriend. Yung palagi kong hinahangaan noon. Minamahal na kailanman di ko na maabot noon. He's near yet so far too reach. Pero ngayon, abot abot ko na.
Maya maya may maiisulat nako sa Diary ko mamaya..
-Fin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top