Entry 4

Dear diary,

Friday ngayon! At walang pasok dahil naghahanda ang lahat para sa Regional meet dito sa School.

Napagdesisyunan namin kanina na pumunta sa Robisons mall of Butuan at doon nagpapahangin.

Sobrang saya namin sa Tom's world. Pero nung kinalabit ako ni Kris at may tinuro sa likod ko. Nabigla ako.

At nakita ko siya. Si Daniel Sandoval. At kasama niya ang barkada niya yata. Di ako sure kasi di ko pa nakilala ang mga yun.

Pero mas nagulat ako kanina sa dami ng tao at sa pagkaliit ko ay nakita niya ako at kinawayan.

First time ko ang nadarama na huminto ang oras nung kumaway siya at may kung ano na nagrarally sa tiyan ko. Is this the good sign? In love naba ako?

O infatuation lang to na na-aatract lang sakanya dahil sa looks niya? Urghh!

- Juniel ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top