Entry 16
Dear diary,
Sa tagal tagal kong di nakapag diary. Masaya ako sa buhay ko ngayon! Insert sarcastic note here.
Prom nila ngayon. Ewan ko ba kung anong pakulo nito na di pinagsabay ang Grade 11 sa mga Grade 12.
Ngayon sakanila. Samin kahapon pa. Grr!
Habang nagsusurf ako ng net ngayon. Pumutok yata ang ugat ko sa nakita. May partner siya!
Sad to say, si Ate Danica pa. Si Ate Danica Chua. Ang ganda niya, sobra. Kaya sobrang selos ko ngayon kahit di niya alam.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang tinitignan ang masasayang pictures nila.
Anong panama ko kay Ate Danica. She's perfect. Parang si Daniel. Perfect rin.
Ito ako, Pandak, siya Matangkad. Ako sobrang putlang balat. Siya may pagkamorena kahit may lahing Chinese siya. Siya mayaman, ako hindi! Talented siya ako hindi!
Anong panama ko jan? Nayayamot ako sa sarili ko dahil ako lang ang nasasaktan dito.
- Juniel
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top