Entry 15

Dear diary,

This is the best! I can't expect na nangyari ito. Walang class kanina. Kaya nagyaya kami ng barkada ko na pumunta sa bahay ko.

Habang palabas kami ng campus ay nakita ko si Daniel. Nag-iisa.

Nung lumapit siya ay nahiya ako dahil sa nangyaring pakilala sa kanyang mga kaklase kahapon. Syempre di pako nakakamove on nun.

Pero nung niyaya siya ng barkada ko ay walang patumpik tumpik na sumama siya.

Buti nalang di nagtaka si Mama na sinabi kong kaibigan lang namin siya.

Pero mas masaya ako nung pinakilala ko siya. Sa kaloob looban ko parang Meet the Parents lang. Siya kaya? Kinabahan kaya siya nung pinakilala ko siya kay Mama?

- Juniel

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top