You can keep me

*Arielle's PoV*





This is a matter of life and death situation.

Char!

Pagbaba ko ng train station pumara agad ako ng taxi papuntang MoA.

"Kuya manong driver sa MoA po, pakibilis" hingal na sabi ko.


Hindi na sumagot si manong, basta na lang syang nagdrive.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko wala na akong Drei na madadatnan dun. Napatingin ako sa phone ko almost 9:30 na pala.

Napapikit na lang ako ng mariin, maabutan ko pa kaya sya?

"Ma'am ok lang po ba kayo?" Tanong nung driver.

Napamulat ako ng mata and then tears fell down to my face.

"O--Opo, bilisan nyo na lang po manong, b-baka hindi ko na maabutan yung taong yun" sagot ko.

Biglang bumilis yung pagmamaneho ni manong, halos tanaw ko na yung MoA. Nanginginig ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.

Paano pag wala na sya dun?

Paano pag iniwan na pala nya ako?

Paano pag hindi ko sya makita?

Paano pag tuluyan na syang mawala?

Naiiyak na naman ako, hindi ko alam yung gagawin ko kapag wala si Drei doon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin after nito.

"Ma'am nandito na po tayo" nabalik ako sa katinuan dahil kay manong.

Nagabot ako ng pera. 500 yata?

"Keep the change po" sabi ko.

"Nako ma'am salamat po!" Nakangiting sabi ni manong.

Mabilis kong tinakbo yung daan papuntang concert grounds. Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng mga tao, ang mahalaga ay yung maabutan ko si Drei dun.

Malapit na ako sa concert grounds, kinalkal ko na yung bag ko para makita ko yung ticket na bigay ni Drei.

Pagdating ko dun, agad kong binigay sa guard yung ticket. Nung tapos na akong i-inspection dali dali akong tumakbo papunta kung saan nandun yung concert.

Malayo pa lang ako tanaw ko na yung malaking screen sa stage pati na din yung dami ng tao na nandito.

Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali

Maingay. Magulo. Madaming tao.

Paano ko hahanapin si Drei?!

Kase wala ng bukas, sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi.

The song. No.

Hindi ito yung huling sayaw namin ni Drei. Tumatakbo ako sa loob ng hall, hindi ko na pinapansin yung nakakabangga ko. What's on my mind now is to find Drei.

Hawakan mo aking kamay, bago tayo maghiwalay

*bzzzzt...bzzzzt*

Lahat-lahat ibibigay, lahat lahat.

From: Drei :)

I know you'll never come, my princess.

Paalam sating huling sayaw, may dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw.

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa after kong mabasa yung text nya.

Binasa ko ulit yung text nya, baka kasi nagkamali lang ako ng basa.

Pagkabasa ko, isa-isang naguunahan yung mga luha ko pababa sa pisngi ko. Hindi ko na marinig yung tugtog, yung ingay ng paligid, yung mga ilaw na kumukutikutitap. Parang huminto yung oras at mundo ko.

Wala na ba talaga?

Inisip na nya siguro na si Clyde yung pinili ko. Kaya umalis na sya.

Hindi na nya ako hinintay.

Bakit pakiramdam ko nandito sya? Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? Bakit ayaw kong umalis dito kahit may chance na wala na sya dito?

Nandito pa sya. Naniniwala ako dun. Sabi nya maghihintay sya, hinihintay nya ako, kaya naman hahanapin ko sya.

Tinignan ko ulit yung concert ticket. Silver pass pa pala to.

Kung ganoon nasa bandang harapan sya.

"Excuse me!" Sigaw ko.

Pero parang hindi nila ako naririnig dahil nakaharang pa rin sila sa daan ko.

"EXCUSE ME! EXCUSE! EXCUSE!" ugh naiinis na ako.

Paano ako pupunta sa harap kung nandito ako sa pinakadulo ng concert hall?!

Napatingin ako sa stage at may naisip agad akong nakakabaliw na idea.

Napatingin ako sa kaliwa at nandun yung entrance papuntang backstage.

Oo, sa stage ako dadaan papunta sa silver seats.

Mabilis kong tinungo yung entrance ng backstage. Gladly walang bantay kaya naman nakapasok ako agad.

Puro pintuan, i guess mga dressing room to ng mga performer.

Lakad ako ng lakad, nasaan ba yung daan paputang stage?! Tsk naliligaw pa ako!

"MISS BAWAL PO KAYO DITO!"

0__________0


Napalingon ako, oh my gash! Dalawang kuyang manong na guard!

Takboooooooooooo!

"Miss! Bawal yung mga fans dito!" Sigaw nung isa.

Hinahabol nila ako. Nakakaloka!

"Miss sabi ng bawal dito eh!" Sigaw nung isa.

Naabutan nila ako.

"Pakawalan nyo ako!" Reklamo ko. Buhat buhat nila ako sa magkabilang braso ko. Jusme!

"Bawal nga fans dito!" Sigaw nung guard.

Nagpupumiglas ako pero waepek! Ang lalaki kasi ng katawan nila eh, kalahi yata ni Hulk! Nyemas!

"Hindi ako fan! Ano ako---"

"Ano?" Tanong nung isa pang guard.

"Make up artist ako. Tama! Make up artist ako" sabi ko.

"Wala kang maloloko dito hija!" Sabi nung isa.

"Eh hindi naman kasi ako nagloloko! Pakawalan nyo na ako!" Sigaw ko.

Buhat buhat nila ako palabas ng backstage, huhuhu paano na si Drei?!

"Kuya manongs, may kailangan lang talaga akong gawin" naiiyak na sabi ko.

"Parepareho lang kayo ng mga sinasabi ng mga fans" sabi nung isang guard.

"Lumabas ka na hija, baka ireport ka pa namin sa management" sabi nung isa pa.

"Kuya manongs! May kailangan akong hanapin! It's a matter of life and death!" Sigaw ko. Pero parang wala silang narinig, patuloy pa rin sila sa pagbuhat sa akin, medyo nakakangalay na nga eh!

"PAKAWALAN NYO NA AKOOOOOO!" i sceamed at the top of my lungs.

Nagmura pa yung mga manongs dahil sa tining ng boses ko.

"Aba't talaga sumusobra ka na" aambahan sana nya ako ng sampal, oh my gash mamiiiii!

"Didn't you heard what she said?"

Namulat ako ng mata, gash konti na lang lalanding na sa mukha  ko yung palad ni kuyang guard.

"Didn't you heard what I said?" Ulit na tanong nung babae.

Nabato yung dalawang guard sa gilid ko, still buhat buhat pa rin nila ako. Sabay silang umikot para makita yung babaeng nagsalita.

"M-Miss Dela R-Rosa--"

Para silang nakakita ng multo, eh ang ganda ganda kaya ng babaeng to! Dyosa!

"Let her go, she's with me" malamig na sabi nung babae.

Kagaya ng utos nya, binitawan ako ng dalawa. Ayun lagapak yung pwet ko sa sahig. Mga bastos!

I saw her jaw clenched. Tinulungan nya akong tumayo.

"Let her go, carefully" madiin at malamig nyang sabi.

"Pero you don't follow orders" dagdag nya.

Sa isang iglap, parehong nakaluhod yung dalawang maskuladong guard sa sahig dahil sa suntok nung babae sa sikmura nila.

0_______0

Oh my gash! Gangster ba sya?!

Sa itsura nya mukha syang prinsesa! Nakadress, nakaheels, nakaayos yung buhok, nakamake-up. Walang wala sa itsura nya na kaya nyang manuntok ng guard.

"Study your manners again, gentlemen. Especially on the right way to treat a lady" malamig na sabi nya.

Hinila na ako ng babae palayo sa kuya manong guard. Hawak nya yung kamay ko, sobrang lambot nung kanya! Halatang wala ginagawang gawaing bahay.

Binitawan nya ako, tapos huminto kami.

"Why are you here?" Tanong nung babae, ang ganda talaga nya.

"Ano--may gagawin lang sana ako" nahihiyang sabi ko.

Paano ko ba sasabihin na sa stage ako dadaan para makapunta sa silver seats?!

"Die hard fan of what band?" Tanong nya. Ako die hard fan?! Hahaha no!

"Nako hindi ako fan" depensa ko.

"Kung ganon, bakit ka nandito sa backstage?" Tanong nya.

Nagsimula na syang maglakad, so no choice ako kundi sumunod.

"May daanan ba sa stage papuntang audience seats?" Tanong ko.

Lumingon sya sa akin, shocks! Ang ganda talaga!

"Sorry to say, pero walang daan doon" sagot nya.

Para na namang akong pingabagsakan ng buong mundo, dahil sa sagot nya. Useless yung pagpasok ko sa backstage, yung paghahabulan namin nung mga guard, useless lahat kasi wala din palang daan dito!

Naiiyak na naman ako! Hindi kaya sinasadya na ng destiny na hindi kami magkita ni Drei. Na baka wala na talaga si Drei dito.

"May hinahanap kasi ako" sabi ko.

"One of the audience?' Tanong nya.

Tumango ako.

"I need to find him or else he'll be gone forever" naiiyak na sabi ko.

Naramdaman ko yung mga tingin nya sa akin at nasalubong ko yung brown nyang mata na halata namang contacts lang. Ugh! Napansin ko pa yun?!

"Boyfriend?" Tanong nya.

"Not yet, pero hindi ko talaga sya magiging boyfriend kapag hindi ko sya makita ngayon" nanlulumong sagot ko.

Walang daan sa stage, hindi naman ako makasingit sa dami ng mga tao, mamaya pa matatapos yung concert kung maghihintay ako, paano pag wala na pala sya dito?

"He's on the audience right?" Tanong nya.

"Hindi ko alam, baka kasi iniwan na nya ako" sagot ko.

Natahimik kami. My gahd bakit ba nangyayari sa akin to?!

"Paano pag nandyan pa sya?" Tanong nya.

"I'll find him, no matter what" sagot ko.

"And how will you find him?" Tanong nya.

"I don't know" sagot ko.

Hindi ko na alam! Napatingin ako sa phone ko, jusme 10:15 na pala!

"I'll help you" sabi nya.

Nanlaki yung mata ko. Bigla nya akong kinaladkad.

"Anong kaya mong gawin?" Tanong nya.

"Uhm--" anong anong kaya kong gawin?!

"Talent? Can you sing?" Tanong nya.

"I can sing and play a guitar" naguguluhang sagot ko.

Bakit nya ako tinatanong?!

"That's good" sabi nya.

Lumiko kami ng hallway tapos pumasok kami sa isang dressing room.

"Marielle!" Sabi nung mga tao sa dressing room

"Guys she needs your help" sabi nung babae na Marielle yung pangalan?

Natahimik naman lahat nung tao sa dressing room. Bale limang tao pa yung nandun bukod sa aming dalawa ni Marielle?

"What kind of help? Anything for a fan" sabi nung isang babae.

"That's it, ipapalabas nating fan ka ng media fire. Magduduet kayo ni Rachelle tapos sabihin mo na yung gusto mong sabihin sa taong hinahanap mo" sabi ni Marielle.

"Woah there! Magcoconfess ka?" Tanong nung babae, Rachelle ata?

"Uhm sort of?" Nahihiyang sabi ko.

Nagtawanan sila, napayuko ako sa hiya.

"That's cute" sabi nung iba.

"Sakto photograph yung last song" sabi nung babaeng may hawak ng gitara.

"She can play guitar, she can sing, let her sing the whole song. Magback up kayo" utos ni Marielle.

O_____O

Hindi ko yata kaya?

Pwedeng magbackout?

"There's no turning back, so may pictures ba kayo nung guy?" Tanong ni Marielle.

Bakit kailangan ng pictures?!

"Para makita sa wide screen, mas madali nyang malalaman na ikaw yung kumakanta" sabat ni Rachelle.

Nilahad ni Marielle yung kamay nya. Kinalikot ko yung phone ko, may ilang pictures naman kami ni Drei, meron syang pictures puro stolen. Kuha yun everytime na magkasama kami.

Binigay ko sa kanya yung phone ko, halos lumuwa naman yung eyeballs ni Marielle.

"Bakit?" Kinakabahang tanong ko.

Natawa sya, my gash! Ang ganda!

"Lucky bastard" nakangiting sabi nya.

Huh? Bakit?

Umalis sya dala yung phone ko. Probably pupunta sya sa operator ng wide screen.

"Hi" bati nila sa akin.

"Hello" bati ko ulit.

"You ready?" Tanong nung babaeng may hawak ng gitara

"Ok lang ba?" Tanong ko,

"Oo naman, bagong pakulo kaya to para sa mga tao" sagot ni Rachelle.

Inabot naman nya sa akin yung gitara.

"Kilala mo si Marielle?" Tanong ni Rachelle

"Nakikilala ko sya ngayon ngayon lang" sabi ko. Nakwento ko sa kanila yung nangyari kanina.

"Siga talaga yung bestfriend ko, hindi lang halata" natatawang sabi ni Rachelle.

Maya-maya pumasok si Marielle.

"Be ready in 5 minutes" malamig na sabi ni Marielle tas biglang nangiti.

Bakit sya nakangiti?

Pumunta na kami sa stage, woooh! Kakanta ako sa harap ng maraming tao! TAPOS WALA AKONG AYOS!?

"O-Ok lang ba yung itsura ko?" Nahihiyang tanong ko.

"Yeah, simple look, kaya nga nagustuhan ka nun eh" sagot ni Marielle.

What?!

Tinulak na nya ako papunta sa stage, nalula ako sa dami ng tao.

Nagset up na sila, ni-guide naman ako ni Rachelle sa harap ng mic stand. Kinakabahan ako.  Mygulay!

"Make some noise for the Media Fireeeeee!"

"Wooooooooh!"

"Media Fire! Media Fire! Media Fire!"

"Since eto na yung last song ng Media Fire for this night, we have a special guest to sing with us, one our fans" sabi ni Rachelle.

"Woooooooh!"

"I love you Rachelle!"

"This last song is about loving and what loving can do" sabi ni Rachelle.

"This song is dedicated to someone special for this fangirl beside me" dagdag nya.

Grabe yung kabog ng dibdib ko. Yung kaba, yung hiya, halo halo na! Jusme Drei para sayo lulunukin ko yung hiya ko.

"Hey fangirl, any words?" Nakangiting tanong ni Rachelle.

"Hi" bati ko.


"Woooooh!"


Ineexpect kong mabo-boo ako eh.

"This song is dedicated to a very special person for me. I don't know if you're still here and listening to me or baka wala ka na, umalis na. Still kakanta pa rin ako para sayo. 99.9 % chance na wala ka na dito but i still got a 0.1% chance na panghahawakan" sabi ko,

"I'll hold on to that" dagdag ko.

Nilibot ko yung tingin sa mga tao,

"In this sea of people, i still choose to find you. In this sea of people, i will always choose you Mr. Who-ever-you-are, My knight, Drei. Nandito ako at ikaw yung pinili ko" sabi ko.

Wala na akong pake. This is it.

I started strumming the guitar.

(Rachelle)
Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But its the only thing that i know

(Me)
When it's get hard, you know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive.

Nilibot ko yung tingin sa mga tao, nagsway-sway sila sa kanta kasabay ng palakpakan. I still cant see him.

(Rachelle)

We keep this love in a photograph, we made this memories for ourselves
Where our eyes are never closing, hearts are never broken

Napalingon ako sa screen at nandun na nga yung mga pictures namin ni Drei. Nakakahiya pero wala na akong pake.

Times forever frozen still.

So you can keep me inside the pocket of your rip jeans
Holding me close until our eyes meet, you won't ever be alone
Wait for me to come home.

Umilaw yung spotlight at tumutok sa mga audience. Bumilis yung tibok ng puso ko. Ibig sabihin ba nito nandito sya? Hinintay nya ako?

Loving can heal, loving can mend your soul
and it's the only thing that i know
I swear it will get easier
Remember that with every piece of you
And its the only thing we take with us when we die

Patuloy lang ako sa pagstrum ng gitara, hanggang sa mapansin kong nahahawi yung mga tao, nakita ko pa si Marielle na nagbibigay ng guide sa mga guards para hawiin yung tao.

Srsly?

We keep this love in a photograph, we made this memories for ourselves
Where our eyes are never closing, hearts are never broken
Times forever frozen still.

Naiyak na ako nung nakita ko na sya. Malayo pero alam kong sya yun, si Drei yun. Buti na lang nandyan si Rachelle para back-upan ako. Hindi na kasi ako makakanta.

So you can keep me inside the pocket of your rip jeans
Holding me close until our eyes meet, you won't ever be alone
Wait for me to come home.

Nung makabawi ako, ngumiti ako sa kanya tas nagpatuloy sa pagkanta.

And if you hurt me
That's ok, baby, only words bleed
Inside these pages you just hold me
And i won't ever let you go

Wait for me to come home

Nasa harap ko sya, sa baba ng stage, nakatingin sa akin na para bang ako yung pinakamagandang bagay na nakita nya.

Natawa ako ng bahagya nung napansin kong naluluha sya.

"Oh wag kang iiyak" nagawa ko pang maisingit yan sa instrumental part nung kanta.

Narinig ko yung tawanan ng audience pati yung kantyaw nila kay Drei.

When I'm away
I will remember how you kissed me
Under the lamppost back on 6th street
Hearing you whisper through the phone

Bumaba ako sa stage, sinalo naman ako ni Drei. Pinusan nya yung luha ko, tapos natawa sya. Inagaw nya yung mic

Wait for me to come home

Hinalikan nya ako sa noo tapos niyakap ako ng sobrang higpit.

Malakas na sigawan at palakpakan yung narinig ko.

"Let's give it up for Media Fire!"

"Woooooooh!"

"Thanks fangirl na hindi naman talaga" sabi ni Rachelle sa mic.

"No, Thank you" sabi ko.

Nilibot ko yung tingin ko dahil hahanapin ko si Marielle at magpapasalamat ako sa kanya. Sya talaga yung tumulong sa akin.

Humarap ako kay Rachelle, feeling close ako eh no?!

"Ako ng bahala dun, ako na magsasabi ng pasasalamat mo" sabi ni Rachelle.

"Alagaan mo yang fangirl na yan, bihira lang yung ganyan" sabi ni Rachelle kay Drei sabay kindat.

Natawa si Drei.

"Of course, i will" sagot nya.

Hinila na ako ni Drei paalis sa concert hall, puro sayawan na lang yun nandun dahil puro dj naman yung magpapasikat.

Dinala nya ako sa MoA eye. Yung ferris wheel sa likod ng MoA.

Sumakay kami doon. Hindi sya umiimik. Anong nangyari?

"God, i still can't believe this" pambasag nya sa katahimikan.

Ngumiti ako, hinawakan nya ako sa pisngi.

"Totoo ba to?" Tanong nya sabay banat sa pisngi ko

"Oo" sagot ko.

Niyakap nya ako.

"Pero hindi ibig sabihin nito na tayo na ah" sabi ko,

"Alam ko" sabi nya

0_______0

"Paano mo nalaman?" Tanong ko,

Sinulat ko yun sa dear crush blog ko ah. Nabasa nya?!

"I just know" natatawang sagot nya.

Natahimik kami, busy sa pagtingin ng city lights.

"Hindi pa tayo pero sabi mo sa kanta..."

Napatingin ako sa kanya.

"So you can keep me inside the pocket of your rip jeans" pakanta nyang sabi. Nangaasar to! Kainis!

Hinampas ko sya sa braso, inakbayan nya ako nung napansin nyang medyo naiinis na ako.

"You're so cute my princess" natatawang sabi nya.

Natahimik ulit kami.

"Yes, you can keep me" bulong ko. Mas lalo nyang hinigpitan yung akbay nya tapos hinalikan nya ako sa buhok ko.

"Amoy usok" sabi nya.

"Kung alam mo lang yung ginawa ko para lang makapunta dito" natatawang sabi ko.

"I love you" sabi nya.


Nginisian ko sya.


"I'm almost there" sabay naming sabi.


Nagtawanan na lang kaming dalawa.


This is what i want, masayang nagtatawanan with Drei. Not minding the time, the place, the people.


Kaming dalawa lang.


And that's more than enough



*end of chap*


An*

Songs:

Huling sayaw -kamikazee
Photograph - ed sheeran

I really appreciate comments and votes. Almost finish na guys! Hahaha













































Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top