Yes, I am

Arielle's PoV

This feeling is familiar.

So familiar, to the point that i hate it.

Hindi ako pumasok sa first class ko ngayon. Tinatamad ako. Though kanina pa ako bihis, actually i'm ready to attend my class, but then tinamad ako.

Hanggang ngayon naiinis pa rin ako. Sobra.

I checked my phone, kasi nagba-vibrate.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

It's Drei.

He's calling.

I threw my phone on the bed.

Wala ako sa mood. Ayoko muna syang kausapin.

Kinuha ko yung ipad ko, to scan some tweets. Wala eh ang boring.

Dapat siguro pumasok na lang ako sa school, pero naiinis pa rin ako.

Patuloy pa rin ako sa pagsscan ng mga tweets, until one tweet caught my attention.

Hugot @HugotTweets

Sa lahat ng emosyon na pinapakita ng tao. SELOS ang pinakamahirap itago.

Wtf?

Napatingin ako sa phone ko na umiilaw.

Jusme tinadtad pala akong ng mga texts at calls. Maraming texts galing kila Kat may ilang calls din. Tumawag din sa akin si Clyde. Pero si Drei, he called me 26 times!

I checked Kat's texts.

From: Kat

Oi bakit di ka pumasok?

From: Kat

Ayaw mo ba kaming makita? :(

From: Kat

Answer meeeeeeeeeeeeeh :(((

Natawa ako sa texts nya, baliw eh.

Ok back to twitter.

Tinignan ko yung notifs ko. Nakita ko naka mention ako sa tweet.

Nads @nadiaaaaa_

Ang selos walang pinipiling mukha. Aminin mo kahit mukhang paa, pag pinansin nya. Nagseselos ka? @AriG_ @Katreng @lenaaaa

-__________________-

What's with the tweet?

Nilike ko na lang yung tweet.

Scroll lang ng scroll, hanggang sa sunod sunod na tweets nila Nadia at Kat yung nakikita ko.

Nads @nadiaaaaa_

Hassle magselos pag walang karapatan :(

Kat @katreng

Yung biglang tahimik. Selos yan.

Ellena @lenaaaa

When i'm jealous, it also mean that i like you.

Ilan lang yan sa mga tweets nila na about sa selos.

Ugh! Pinaparinggan ba nila ako?!

Hindi ako nagseselos!

Bakit ako magseselos?!

Bigla kong naalala yung nakita ko kahapon sa bintana.

Si Drei at Inah. Magkausap tas nagtatawanan like they were really close friends. Nakita ko pang hinampas ni Inah yung braso ni Drei. Isama nyo pa yung dumating pa yung malanding butiki na nagdare sa akin nun. Remember? Kung tignan si Drei parang anytime susunggaban na nya eh.

Kainis.

Hindi ako nagseselos!

Naiinis lang ako.

I composed a tweet.

Arielle G. @AriG_

Selos? Hindi nakakamatay yun pero pagnaramdaman mo, ang sarap pumatay.

I closed my ipad, papasok na lang ako sa school. Mababadtrip lang ako dito, kaso baka mas lalo akong mabadtrip sa school. Oh well, bahala na.

Bumaba ako, nakita ko si mama nagaayos mukhang aalis na sya papunta sa office.

"Akala ko hindi ka papasok?" tanong nya.

I just smiled at her, a fake one.

"May problema ba, Arielle?" Nagaalalang tanong nya.

Umiling ako.

"Wala, uhm alis na ako" sabi ko, then i kissed her sa cheeks.

Lumabas na ako. Walk trip na lang siguro ako. Medyo makulimlim naman eh kaya ok lang maglakad lakad.

I put my earphones on. Shuffle play. Spotify.

Now playing: Jealous.

Wow, so great. Poker face akong naglalakad to the tune of jealous. Ang saya naman.

After how many years ngayon ko na lang ulit naramdaman to, at feeling ko mas lalong lumalala. Noon naramdaman ko na to, pero maaga pa lang napigilan ko na. Kasi alam ko naman noon na wala talaga akong karapatan.

Ano bang tinutukoy ko?

One word.

Five letters.

This feeling is so annoying. To my case, it's deadly. Once you feel this, suddenly you just want to kill everything that's annoying.

S-E-L-O-S

*Beep...Beep*

Napalingon ako.

"Hop in" sabi nya.

"Ayoko" sagot ko, then i continue walking.

"Come on, my love. Ihahatid na kita" sabi nya. Still following me.

Si kuya.

Napabuntong hininga ako then he stopped. Sumakay na ako. Wala talaga akong lakas na makipagtalo ngayon eh.

"Now, tell me what's your problem?" Tanong nya.

"It's my problem, not yours" malamig na sabi ko.

Napalingon sya sa akin, he didn't see that coming. Napatawa sya.

"Nakita ko tweet mo" he said.

"Stalker" sabi ko.

"You know, you can share your problems with me. I'm still your brother" sabi nya.

Hindi ako kumibo.

"Selos" he said.

Napalingon ako sa kanya.

I rolled my eyes then tumingin na lang ako sa bintana.

"Kanino ka nagseselos?" Tanong nya.

"I don't need you to care, Lance" malamig na sabi ko.

"I care because i'm your brother" sabi nya.

"I just want to help you" dagdag nya.

Napapikit na lang ako sa inis.

"I don't need any help" plain na sagot ko.

Natawa sya.

"Sino sa manliligaw mo? Tara, sasapakin ko" sabi nya.

Kung hindi ako badtrip baka natawa ako kaso hindi eh. Sorry na lang kuya.

Hindi ako kumibo.

"Ok confirm, nagseselos ka" sabi nya.

"I'm not" sabi ko.

"Yes you are, bukod kila mama ako lang yung mas nakakakilala sayo" sabi nya.

"Whatever" sabi ko.

This is the problem, pagnaiinis ako, or let's say nagseselos (pero hindi talaga ako nagseselos!) Nagiging cold ako, bitch mode, laging annoyed, etc.

"You know you turned into a completely different person when you're jealous" sabi nya.

"Did i ask for your opinion?" Malamig na tanong ko.

He stopped.

"Woah there! Kanina ka pa ah" sabi nya.

Alam kong nagtitimpi lang sya sa akin pero kanina pa yan naiinis.

"I understand you, acting like that and jealous. Pero you still have to watch your words, my love" sermon nya sa akin.

"Hindi nga ako nagseselos eh!" I snap.

Ok patience level ko, ubos na. Sobrang annoying kasi ni kuya eh, ang daldal, ang daming alam, etc.

Nagulat yata sya sa outburst ko kaya natahimik.

"Your future boyfriend must have a very long patience" naiiling na sabi nya.

"So moody" he murmured.

"I heard that" inis na sabi ko.

"Bakit totoo naman di ba? Moody, complicated, pabebe. Pare pareho kayong mga babae, tsssss" cool na sabi nya.

Mas lalo akong nainis, napakawalang kwenta ng pinaguusapan namin.

"Pull over, magje-jeep na lang ako" sabi ko.

Mas binilisan nya pag drive.

"I'm not going to take orders from you" sabi nya.

"Shut up" malamig na sabi ko.

Napahigpit yung grip nya sa manibela, nagtitimpi sya.

Sa wakas nakarating na kami sa school.

Bababa na sana ako kaso nakalock pa rin yung pinto ng sasakyan nya.

"Piece of advice, you're jealous ayaw mo lang aminin. You're a monster when you're in this state. Watch your words, my love. You have  a very sharp tongue there. You know words cut deep. So think before you speak, Arielle" sabi nya.

He unlock the door tas lumabas na ako, hindi ko na sya nilingon.

Tama naman sya eh, hindi ko na iniisip yung mga sinasabi ko, basta pag gusto kong sabihin, sasabihin ko. I don't care.

This is me when i'm jealous, mas malala compare noon kay Clyde way back in highschool. Noon kasi madaling tanggapin na wala kang karapatang magselos kasi hindi naman kami close. Pero ngayon? Ang hirap.

Gets nyo naman ako di ba?

I mean, ako yung nililigawan eh. Ang dating kasi ng paguusap nila kahapon sa akin is like flirting. See? I over exaggerated things, yun din yung isang reason kung bakit ako badtrip.

Ginagawa kong big deal yung lahat. Ewan ko ba sa sarili ko!

Though alam kong wala pa rin akong karapatan kasi hindi naman kami ni Drei, but still! Hindi pa rin maiiwasan yun.

I calmed myself. Wooooh.

Chill lang Arielle.

Keep your cool.

Naglalakad ako sa lobby, forcing myself to keep cool. But they are really testing my patience.

Bakit ba sila magkasama?!

At nagtatawanan na naman sila!

I turned my back and walk fast papuntang library.

Hinihintay kong sumulpot sya sa may pintuan ng library, pero wala. Akala ko sinundan nya ako.

Turns out, he was too busy to notice me.

Sht, i sounded like a jealous girlfriend. Kainis.

Yumuko na lang ako sa table. Practicing to keep cool. Reminding myself na tigilan na yung kahibangan ko. Mentally slapping myself to stop from over exaggerating things.

Gahd nababaliw na ako.

Kinuha ko yung mini notebook ko kung saan nakalagay yung signs na binigay ni Ellena. Binasa ko.

Hays the 9th sign. Hays

9. You're jealous over small things or someone.

Fine. Nagseselos ako. Oo na aaminin ko.

Binasa ko yung mga signs na natamaan ko kila Drei at Clyde.

Drei

1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart.

2. You can't stop blushing.

5. He's the only thing on your mind.

10. You've imagined your whole future with him.

9. You're jealous over small things or someone.

-_____________-

Ang saya lang lima na pala yung kay Drei. So it means that....

No. Maaga pa, hindi pa kumpleto yung signs. Don't jump into conclusions.

Clyde

1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart.

2. You can't stop blushing.

Nakadalawa sya.

Pero there's this difference between the two of them. Yun yung biglang bumibilis yung tibok ng puso ko kapag nandyan na sya, si Drei. Si clyde naman bumibilis na lang tibok ng puso kapag bumabanat sya, then later on nawawala.

See the difference?

Gets ko naman yung ibig sabihin nun eh pero, ugh! Nakakainis wala talaga ako sa mood magisip tungkol sa signs na yan.

"Hihihihihi"

Napakunot yung noo ko, nakakainis yung tawa nya, ang sakit sa tenga.

"Hihihihihihi"

Napapikit na lang ako sa inis. Di ba nya alam na nasa library sya?! Ugh nyemas.

Inangat ko yung tingin ko.

Bakit feeling ko naagawan ako?

Ugh.

Kainis.


Ngayon alam ko na yung pinagkaiba ng inis sa selos. Yung inis, inis lang yun nothing more, nothing less. Yung selos, hindi yun madaling intindihin, pero once you feel it ang sarap pumatay.

Clyde

1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart.

2. You can't stop blushing.

9. You're jealous over small things or someone.

What the hell is happening to the universe?!

Yung nakakainis na tawa? Galing yun sa babaeng kasama ni Clyde. Kaharap ko lang sila actually pero di pa rin ako napansin. Sobrang busy yata.

Niligpit ko na yung gamit ko, aalis na lang muna ako. Sabi ng mas lalo lang akong mababadtrip dito eh.

"Hey"

Tinaasan ko lang ng kilay si Clyde. Natawa naman syang umupo sa tabi ko.

"Akala ko di ka papasok" sabi nya.

Akala ko di moko mapapansin.

"Akala mo lang yun" malamig na sabi ko.

Medyo nagulat yata sya sa malamig na tono ko.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nya,

"Tingin mo?" Tanong ko pabalik.

"May nakaaway ka ba?" Tanong nya. Napataas naman ako ng kilay.

"What made you think na may nakaaway ako?" Tanong ko ulit.

"Bakit ang sungit mo?" Inis na Tanong nya,

Sige lang tanungan na lang kami dito ok lang.

"Bakit ang dami mong tanong?" Plain na sabi ko.

Tinignan nya na lang ako.

"Last time na naging ganyan ka, acting lang yun. Tell me acting lang din ba to?" Tanong nya.

Hindi ako kumibo.

Acting? Mukha ba akong artista para mag-acting?! Tssss wala na ring sense yung mga naiisip ko.

Nakakainis, una si Inah kasama ni Drei tas ngayon si Clyde may kasama ding babae.

"Sino ba yung kasama mo?!"

0_________0

Nagulat ako sa tanong ko.

Bakit lumabas yun sa bibig ko?

Great. Arielle. Great.

"Selos ka?" Nakangiting tanong nya

"Why would i?" Tanong ko pabalik.

"Student assistant ako, nakaassign ako na magtutor sa finance" paliwanag nya.

Tutor? Obvious naman na nilalandi sya ng tinuturuan nya eh. Ok ang bad ko.

"Bakit ka nagpapaliwanag?" Tanong ko.

Napakamot sya sa batok nya.

"Feeling ko kasi, i owe you one" sabi nya.

Napataas na naman yung kilay ko.

"Hindi ko nasabi sayo na magtututor ako, by this time dapat kasama kitang kumakain kung saan eh, di ko nasabi kasi akala ko di ka papasok so tinanggap ko na lang." Dagdag nya.

I stared at him.

"I can quit, you know. Hindi na kasi kita masasamahan." Sabi nya.

Willing syang mag-quit sa tutor para lang samahan ako?

Napaiwas ako ng tingin.

"Tara na nga, mukhang badtrip ka. Ice cream na lang tayo" sabi nya.

Kinuha na nya yung gamit ko tas lumabas na kami ng library.

Kita mo nga naman yung pagkakataon.

Makakasalubong pa namin si Drei at Inah.

Keep your cool.

Naramdaman ko yung tingin sa akin ni Clyde. Straight face lang ako.

Pero alam kong nahahalata na nya ako eh.

Hays.

Nilampasan namin sila Drei, as if hindi kami magkakilala.

Natahimik kami until we reach the ice cream house.


Clyde's PoV

Nagseselos nga sya.

Basang basa ko na yung expression ni Arielle. Plus nakita ko pa yung tweet nya kaninang umaga. Then feeling ko sya yung pinaparinggan nila Kat sa twitter.

I know Inah, sya yung gusto ni Drei noon, rumor said that na-friend zone si Drei.

I know Arielle very well. Yung mukha nyang yan, selos yan.

Dapat naiinis ako kasi nagseselos sya kay Inah at kay Drei pero sa akin, Slight lang i guess?

Kumain sya ng kumain ng ice cream, grabeng babaeng to napakatakaw!

Straight face pa rin sya, tahimik, walang kibo.

"Nakakahawa yang mood mo" sabi ko.

I'm expecting na babarahin nya ako, kaso...

"Sorry" sabi nya.

Napabuntong hininga sya.

"Wala lang talaga ako sa mood, feeling ko nga magkakaroon na ako kaya ako ganito eh" inis nyang sabi.

Natawa ako.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. Kaya tumigil ako.

"Ngumiti ka na" sabi ko.

"Ayoko" sagot nya.

"Tatanda ka kaagad pag lagi kang ganyan" sabi ko sabay subo ng ice cream.

Tinignan nya lang ako.

Damn those eyes.

Parang black hole na hinihigop ako eh.

I felt her hands were on my cheecks

"Ganito bang smile?" Tanong nya sabay kurot sa pisngi ko to form a smile.

I did the same to her.

"Ganyan" sabi ko, kahit ang hirap magsalita.

Para kaming tanga sa loob ng shop pero who cares?

Mas lalo nyang kinurot yung pisngi ko.

"Ang pangit mo talaga" sabi nya tas binitawan ako.

"Wow galing sayo ah" sabi ko habang hinihimas yung pisngi ko.

Natawa sya,

Thank God, napatawa ko sya.

"Hahaha pulang pula yung pisngi mo" sabi nya

"Yung sayo din naman eh" reklamo ko.

She just smiled, probably nakalimutan na nya yung dahilan kung bakit sya badtrip.

But then her smile faded. Napakunot naman yung noo ko.

Her aura turn cold again, what the hell?!

Napalingon ako tas nakita ko si Drei.

Pumasok sya sa shop tas lumapit sa pwesto namin.

"My turn" sabi nya sabay hila kay Arielle patayo.

Tulala lang si Arielle still wearing her cold look.

"Teka may klase kami" sabi ko.

Nabalik naman sa katinuan si Arielle.

"He's right" malamig na sagot ni Arielle.

Hindi nagulat si Drei, parang expected na nyang ganon yung sasabihin ni Arielle.

"Wala kayong klase kasi wala kayong prof" sabi ni Drei.

Galing naman ng excuse nya.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Arielle.

"Sinabi nila Kat" simpleng sagot ni Drei.

Hindi na sumagot si Arielle. Tahimik kaming nakatayo for a couple of seconds until i decided to broke the silence.

"Go ahead, sumama ka na Arielle" sabi ko.

Nilingon nya ako.

Magsasalita sana sya kaso inunahan ko na.

"Si Drei na maghahatid sayo" sabi ko.

Tumango ako kay Drei tas hinila na nya si Arielle.

Sarap batukan ng sarili ko, pwede ko namang iuwi na lang si Arielle eh, pero hinayaan ko si Drei na gumawa nun since yun naman talaga yung ginagawa nya.

Natulala ako saglit.

He's the reason why Arielle is acting like that.

Maybe he's the one who can bring back Arielle to her old self.

Arielle's PoV

Nasa loob na ako ng mustang ni Drei. Hindi ako mapakali. Ang bilis ng tibok ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.

-/////////-

By just looking at it makes me blush.

Isama nyo pa yung butterflies sa tyan ko, party mode eh.

Tahimik lang ako, no one dared to speak. Medyo awkward pero ayos lang naman.

San ba kami papunta?!

Hindi na ako nagtanong. Baka mamaya kasi kung ano na naman yung masabi ko kagaya kanina kay Clyde.

Huminto kami.

Nasa mountain ville kami.

Pinakadulo to be exact, nasa may cliff kami kung saan overlooking yung city.

Lumabas sya, sumunod din ako.

Sumandal sya sa hood ng mustang, ganon din ako.

Gaya gaya lang ako.

Silence.......


"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nya.

"Why would i?" Malamig na tanong ko.

"Hindi ka sumasagot sa tawag ko, hindi moko napansin kanina. Tell me may problema ba?" Tanong nya.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko sya napansin? Ha. Sya kaya yung hindi nakapansin.

Hindi ako sumagot sa tanong nya.

Naramdaman kong nakatingin sya sa akin.

Silence....

"Lately i've been busy sa schoolworks lalo na Rizal" sabi nya.

"Did i ask?" Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot instead tinuloy lang nya yung sinasabi nya. Kainis!

"May research kami tungkol sa buhay ni Rizal. We are not allowed to use internet and google for the research, puro books lang" sabi nya.

Tahimik lang ako.

"Honestly nahihirapan ako, pero nandun si Inah para tulungan ako" sabi nya.

Napalingon ako sa kanya. To my surprise, nakatingin din sya sa akin.

I look away, nyemas baka nakita nya yung ready to kill na facial expression ko!

Hindi ako kumibo, nagfocus na lang ako sa pagpapakalma ng sarili ko.

"She's really helpful, very approachable. So we decided to work as partners" sabi nya.

Keep calm.

Hingang malalim.

Breathe out.

Wag kang lilingon sa kanya. Mababasa nya yung expression mo tas mabibisto ka.

"She's very sweet, tapos she always remind me about the deadline ng research. Kung may kulang pa dun sa papers ko. Minsan pag boring nagpapatawa sya" sabi nya,

Ano bang gusto mong iparating Drei?

Why are you telling this to me?

Ang dating kasi sa akin ng mga sinasabi nya eh parang mas better si Inah kesa sa akin.

So why did he court me?

Why not Inah?!

Naiinis na ako!

"Rizal is a very boring subject pero pagkatabi ko si Inah hindi na boring. Ang kulit nya kasi in a good way na maku--"

"Stop" halos bulong na sabi ko.

Naiinis ako!

Naiinis ako!

Gahd.

Naiiyak na ako sa inis.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, how could i possibly calm myself?!

Kinakain na ako ng selos!

What the hell?!

"Why?" Tanong nya.

Huminga ako ng malalim before answering

"Why are you saying this to me?" Tanong ko.

My voiced cracked, i sounded really sad na parang iiyak na.

"Becuase i just want to" casual na sagot nya.

That's it!

Wala na di ko na alam yung salitang chill!

"YUN LANG?! SINASABI MO LAHAT SA AKIN TO KASI GUSTO MO LANG?!" inis na sigaw ko.

Nagulat sya sa sigaw ko, hindi nya ineexpect.

Lumayo ako sa kanya, tsk magtataxi na lang ako pauwi.

Nakakailang hakbang na ako palayo pero pinigilan nya ako.

"Wait, are you jealous?" Tanong nya.

Pinipigilan nya yung ngiti nya.

Mas lalo akong nainis.

"No, i'm Arielle" malamig na sabi ko.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa wrist ko.

Mabilis akong lumakad pero hinabol nya pa rin ako.

The next thing i know, nasa harap ko na sya.

Hinawakan nya ako sa balikat.

"Nagseselos ka ba?" Seryosong tanong nya pero he just can't stop himself from smiling. Nakakabwisit!

Mukha syang nangaasar na ewan! Ugh!

halata na nga, nagtatanong pa sya! Boset!

Ugh! Kainis kainis!

Hinihintay nya yung sagot ko.

Damn it all!









































"Yes, I am"


End of chap

An*

Hi guys! Lame ba? Hahaha hays, baka matagalan yung next update ko.

Soooooo.

Comment lang  kayo. Pramis di nakakamatay yun.

Vote.

Happy Easter Sunday! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top