Which One?

*Arielle's PoV*

Gahd!!! may game ngayon ng basketball yung org nila Drei!!!

I NEED TO WATCH!

"may poms-poms ka na ba?" tanong ni Nadia.

"banner?" dagdag ni Ellena.

"go sexy, go sexy, go sexy sexy looove" panggagaya ni Kat kay Kath. hahahaha

"baliw wala!" sagot ko.

"sisigaw lang ako dun ok na" dagdag ko.

"wushu! baka magawa mong sumigaw dun" sabi ni Nadia.

hehehe. oo nga di ko kaya baka sabunutan ako ng fansclub ni Drei eh. mahal ko pa buhay ko no!

"kalaban nila yung org natin ah" sabi ni Ellena.

"grabe susuportahan mo yung kalaban, Arielle" sabi ni Kat.

"wala eh nandun crush nya eh" sabi ni Nadia.

"what?!....bakit ngayon pa sya nawala?!...ugh! kailangan ko sya!!!...gahd sige sige ako ng bahala...oo na...bye"

si Ate Karen yun ah! president ng org namin. mukha syang problemado.

"Hi Ate Karen!" bati namin.

"may problema ba?" tanong ni Ellena.

"oo girls, wala yung Muse natin eh" sagot nya.

"hala eh ngayon yung opening ng basketball game di ba?" tanong ni Kat.

"oo nga eh, may alam ba kayong pwedeng mag Muse?" tanong nya.

"oo naman ate" sabi ni Nadia sabay tulak sa akin.

"si Arielle po" sabay sabay nilang sabi.

anak ng tupa?! ako muse?! ano 'to lokohan?!

"nako Ate si Kat na lang" sabi ko.

"anong ako?! kailangan dun matangkad!" sabi ni Kat.

"si Ellena na lang po" sabi ko.

"dinamay mo pa ako" sabi ni Ellena.

"si Na--"

"ok na ikaw na lang Arielle." sabi ni Ate Karen

what the hell?!

"Ate hindi ako Muse material!" reklamo ko.

"Arielle ano ka ba? muse material ka!" sagot nya.

huhuhuhu nooooooo :(

"anong size ng paa mo?" tanong nya.

"8 po size nya" sabat ni Ellena.

tinamaan talaga ng magaling!

"good good meet at the faculty, nandun yung mga damit buti na lang medyo magkasukat kayo ni Rea" sabi nya.

mukha syang nabunutan ng tinik huhuhu ako naman yung problemado :(((

kaiyak!

"Arielle aasahan kita ah! i need you aayusan kita mamaya sisiguraduhin kong ikaw yung pinakamaganda sa lahat ng Muse" sabi nya tsaka umalis.

hinarap ko yung tatlo.

"ang galing nyo talaga no?" sabi ko.

natawa lang sila.

"ok lang yan Yel" sabi ni Nadia.

"maganda ka kaya" sabi ni Ellena.

"wala akong piso Ellena" sabi ko.

"woooh mapapansin ka na ni Drei yieee makikita ka nya mamayang rumampa!" sabi ni Kat.

great wow ang saya!!!!

hays wala na, i need to do this.

PAANO KO SUSUPORTAHAN SI DREI NYAN?!

namomoblema ako ng bongga ng may biglang mabigat na braso ang umakbay sa akin.

si Clyde.

tinanggal ko yung braso nya tsaka sya inirapan pero inirapan lang din nya ako. aba't!!!

"Hi" bati nya sa tatlo.

ngumiti lang sila.

"anong meron? bakit ganto mukha ni Arielle? ayy sabagay ganto naman talaga yung mukha nya" sabi nya. hinampas ko nga, boset eh.

"hahahaha paano kasi napili syang maging Muse ng basketball team ng org natin" sagot ni Nadia

"si Arielle?! Muse?! HAHAHAHA" grabe Clyde. salamat.

"ang sama mong impakto ka!" sabi ko.

"hahaha wala na talo na tayo" sabi nya.

"sisipain kita dyan eh" sabi ko.

natawa lang sya tas ginulo yung buhok ko.

"suportahan nyo nga pala ako maglalaro ako para sa org" sabi nya.

"ANO?!" gulat na sabi ko.

"haha. i cheer mo ako mamaya Arielle para manalo tayo" sabi nya.

nyemas! paano na?!

si Clyde na ka-org ko? or si Drei na crush ko?

takte.

"sige alis na ako, may practice pa kami" sabi nya

tumango silang tatlo. ako? eto tulala.

tumakbo na sya.

"GUSTO KONG MARINIG YUNG 'GO CLYDE' MAMAYA ARIELLE!!!" sigaw nya bago lumiko sa hallway.

"Ayieeeeeeeee" tili ng tatlo.

"grabe Arielle, grabe" sabi ni Nadia.

"sino ang pipiliin ko?" kanta ni Kat.

"hahahahaha" natawa na lang si Ellena.

sinong nga bang ichi-cheer ko?!

huhuhuhu.

nagchat na sa akin si Ate Karen.

punta na daw ako sa Faculty. nice.

"punta na ako kay Ate Karen" sabi ko sa tatlo.

"sure sure sige" sabi ni Nadia.

"hintayin ka namin sa labas" sabi ni Kat.

"goodluck Arielle!" sabi ni Ellena.

umalis na ako.

habang naglalakad ako papuntang faculty nakasalubong ko si Drei!

great malayo pa lang natatanaw ko na sya.

binilisan ko yung lakad ko. huhuhu kasama pa nya sila Thor.

"Hi Arielle" bati ni Thor sa akin.

"Hi" bati ko pabalik.

nilampasan ko na sila. takte.

ang gwapo ni Drei!!!!

ok stop it Arielle! dalagang filipina ka ok!!!

natanaw ko na si Ate Karen sa pinto ng faculty. nginitian nya ako.

huhuhu natatakot ako sa ngiti nya eh.

"great your here, aayusan na kita at papagandahin" tuwang tuwa nyang sabi.

"wala na po akong igaganda" sabi ko.

hinampas nya ako sa braso.

"shhh. ano ka ba?! trust me malaki ang pagbabago mo kapag nagayos ka" sabi nya. tsaka nya ako kinaladkad papasok sa faculty.

walang prof sa faculty ngayon dahil busy yung iba sa pagaayos ng event sa gymnasium. kaya kami lang ni Ate Karen ang nandito.

"ano nga pala yung susuotin ko Ate?" tanong ko. mamaya kasi sobrang revealing yung ipasuot nya sa akin eh. lagot ako neto kay Drei :(

HAHAHAHAHA CHOS! wala namang pake yun eh.

"mamaya na yun, aayusan muna kita" sabi nya at pinaupo ako sa upuan.

nilabas nya yung hair iron.

"mas ok kung kakaiba ka sa ibang muse, pustahan lahat sila kulot kaya ikaw dapat straight. ang ganda pa naman ng buhok mo" sabi nya.

ngumiti na lang ako. di kasi ako sanay sa mga compliment na yan eh.

inistraight nya yung buhok kong halos hanggang bewang na, di na ako nakakapunta sa salon eh. tsk. next time.

"wag mong pagupitan yung hair mo ah, ang haba na eh sayang" sabi nya.

wow, nagbabalak pa lang ako pero pinigilan na nya ako.

ng matapos na sya sa hair ko, kinuha naman nya yung make-up kit sa table. eto na gagawin na nyang coloring book yung mukha ko :(

"Ate wag masyadong makapal ah" sabi ko.

"don't worry natural look lang yung gagawin natin" sabi nya.

kinulayan na nya yung mukha ko. HAHAHAHA kulay talaga eh no?

maya maya...

*tok...tok...tok*

binuksan ni Ate Karen yung pinto at iniluwa nun yung tatlo.

"Ate Karen eto na po yung shorts" sabi ni Nadia.

"wow Arielle!" sabi ni Ellena. pokerface na lang ako eh.

"ngumiti ka naman" sabi ni Kat.

"yeah, you should smile often" dagdag ni Ate Karen.

"nakashorts lang ako?" tanong ko.

umiling si Ate Karen tas may nilabas syang t-shirt ng org namin.

"exclusive lang to sa mga players natin, parang spirit shirt sya na may jersey number sa likod" sabi nya.

inabot nya sa akin yung shirt at tinignan ko. medyo malaki sya sa akin pero mas gusto ko to kesa sa mga fit na shirt.

pagtalikod ko sa damit nakita ko yung Jersey number.

Alonzo
05

anak ng palaka?!

"kanino to Ate?" tanong ko. mamaya kasi may iba pang Alonzo sa team eh.

"Kay Clyde Alonzo yan, sya yung bagong recruit lang ng team. magaling yan tas gwapo pa" sabi nya at tinataas baba pa nya yung kilay nya sa akin.

-______________-

"ayieee meant to be talaga kayo" sabi ni Nadia.

"bakit kilala mo si Clyde?" tanong ni Ate Karen.

"highschool crush-slash-classmate-slash-enemy nya" sagot ni Ellena.

wow. nachismis pa ako.

"talaga?" gulat na tanong ni Ate Karen.

"bagay sila ano?" tanong ni Kat.

wow Kat salamat sa support mo!

-______-

"yieee picturan ko kayo mamaya ah" sabi ni Ate Karen.

nagpalit na ako ng damit. mukha akong naka dress sa t-shirt ng impaktong yun -____-

lumapit ako kay Ate Karen. tinali nya yung laylayan ng shirt para hindi magmukhang dress at para na rin makita nilang nakashorts ako.

pinasuot na rin nya sa akin yung heels. jusko ilang inches ba to?!

"ayan! perfect" sabi ni Ate Karen.

humarap ako sa salamin.

ako ba to?!

HAHAHAHAHA of course.

nagmukha akong tao.galing ni Ate Karen.

"nakita namin yung ibang muse na papunta na sa gym" sabi ni Kat.

"nakadress pa yung iba" sabi ni Nadia.

"todo ayos sila eh" sabi ni Ellena.

hala?! baka nga matalo kami :(

"ngayon pa lang magsosorry na ako, baka kasi matalo tayo" sabi ko.

"hay nako Arielle, wag mong isipin yun ok. chin up and smile" sabi ni Ate Karen.

tumango ako.

wooooh! kaya ko to!

pumunta na kami sa gym, yung org namin yung pinakalast na rarampa or iikot sa gym. takte kinakabahan ako.

ang daming tao!!! kaiyak!

may projector pa! halos malaglag yung eyeballs ko nung pinapakita dun yung mga picture ng mga Muse!!!

kill me now!!!

"Ate Karen ayoko na po" sabi ko.

"don't you worry Arielle, may mga pictures ka na dun" sabi ni Nadia.

"baka naman mukha akong shunga dun? nakakahiya" sabi ko.

"hindi baliw" sabi ni Kat.

woooh!

lumapit na kami sa team.

"guys eto na yung bago nating muse" sabi ni Ate Karen.

ramdam kong nagiinit yung pisngi ko. nyemas.

nagbulungan yung mga players tas nagsisikuhan pa sila.

ok i understand huhuhuhu sorry guys patalo ako.

ngumiti yung mga players sa akin ganon din ako.

"I'm Arielle" sabi ko.

natahimik sila.

"woooh! panalo na tayo!"

"galing pumili ni Karen!"

"picture tayo mamaya"

sigaw ng mga players.

0________0

yung totoo?

natawa na lang ako at tumango. pumunta na ako sa harap ng team.

nakita ko yung impakto pala yung may hawak nung kabilang gilid ng flag namin, tas si Alex yung sa kabila. bale ako yung nasa gitna.

"pwede ka pa palang magmukhang tao?" tanong ni Clyde.

huhuhu ang sama.

"salamat ah" sarcastic kong sabi.

natawa lang sya.

yung org na namin yung iikot sa gym.

chin up and smile, Arielle.

you can do this.

ngumiti ako, nilibot ko yung tingin sa gym halos malaglag yung puso ko ng makita ko si Drei na nakatingin sa akin.

nilipat ko yung tingin sa projector, jusme yung mukha ko naka flash dun.

yung mga pictures dun ay yung photoshoot ek ek namin sa park, sa bahay ni Nadia at kung saan pa.

anak ng tokwa may candid shot pa ako -_______-

"di ko alam na bagay pala sayo yung jersey ko" bulong ni Clyde sa akin. tumaas naman yung balahibo ko.

sinamaan ko sya ng tingin pero natawa lang ulit sya.

pumunta ako sa gitna kasama ng iba pang mga muse.

oo nga lahat sila kulot yung buhok tas nakadress at skater skirt. ako lang yung nakashorts -___-

nagpicture lang kami tas bumalik na kami sa kanya-kanyang org.

magsisimula na yung 1st game which is yung org namin laban sa org nila Drei.

pinaupo ako ni Ate Karen sa tabi nya. sa mga bench ng players kami nakapwesto kaya kitang kita ko yung game na mangyayari mamaya.

nagannounce na ng line up, kasama sa first five si Clyde ganon din si Drei. takte. pinagpapawisan ako.

tumakbo palapit si Clyde sa amin, tsaka tinanggal yung relo nya, binigay nya sa akin.

"Cheer for me" nakangiting sabi nya sabay kindat.

-_______-

oh gahd.

kinikilig naman si Ate Karen sa tabi ko. ganon din yung tatlo na nasa likod lang namin.

nagsimula na yung game, 1st quarter palang mainit na yung laban.

maraming babaeng tumitili at nagchi-cheer.

magaling pa rin talaga si Clyde. si Drei naman di papatalo.

gustong gusto kong magcheer kaso di ko alam kung sino?

"ano tulaley lang?" tanong ni Ate Karen.

"CHEER NA ARIELLE!" sigaw ni Nadia.

"GO SEXY LOOOOOVE!" sigaw ni Kat.

"DALI NA ARIELLE DIKIT YUNG LABAN!" sigaw ni Ellena.

kanino ba ako magchi-cheer?

kung kay Drei baka wala lang syang pake, sayang boses ko. kung kay Clyde naman baka maging mahangin yan isipin nyang todo cheer ako sa kanya.

-_____________-

which one?

hawak ni Drei yung bola, tumakbo sya sa 3 point line.

ano ba Arielle! sisigaw ka lang eh!

hinarangan ni Clyde si Drei.

ARIELLE SIGAW NA!!!

gaano ba kahirap isigaw yung

'go Drei!'

bumagal yung oras, ramdam ko yung tension sa pagitan ni Drei at Clyde.

para bang magkaaway silang dalawa.

swerte nung bola ah pag agawan daw ba ng dalawang gwapong player. sana ako na lang yun! CHOS

isho-shoot na ni Drei kaso ang lakas ng depensa ni Clyde.

"GO CLYDE! IMPAKTOOOO!" sigaw ko. kasabay nun yung pagbato ni Drei ng bola papunta sa ring kaso sablay hindi man lang tumama sa board.

umalis si Clyde at sinalo yung bola. nagdi-dribble sya at kinawayan pa ako bago nya pumunta sa kabilang ring.

si Drei ayun naka tayo lang, pero bigla syang natauhan at humabol sa kabilang ring.

libre si Clyde na makapoints mula sa 3point shooting line. binato nya at boom!

tres para sa org namin bago matapos yung 1st quarter.

lumapit si Clyde sa akin na ngiting-ngiti.

"ang galing ko di ba?" tanong nya.

inirapan ko na lang. binati sya ng buong team, nagfist bump.

napatingin ako sa bench nila Drei medyo nagkakagulo sila.

nagulat ako ng naglakad paalis si Drei dala yung duffel bag nya.

saan sya pupunta?!?!?!

di pa tapos yung game!

naging maingay sa loob ng gym. kitang kita yung pagalis ni Drei.

nakunot naman yung noo ko ng mapansin kong nakatingin si Thor sa akin, ng magtama yung tingin namin umiling sya na para bang nadidismaya.

anong ginawa ko?!

lumapit yung team mates ni Drei sa commentator ng game.

"Alexandrei Castillo is out of this game, just for this game. ladies kalma lang. emergency daw"

sabi ng commentator. nadismaya yung fans ni Drei, ganon din ako.

natapos yung game, org namin yung nanalo. si Clyde yung nagbuhat halos sya yung pumuntos sa team.

nagsisiyahan silang lahat pero umalis na ako sa gym.

nakasunod sa akin yung tatlo.

"anong nangyari kay Drei?" tanong ni Nadia.

walang sumagot sa amin.

naglakad ako papuntang locker para kunin yung rubber shoes ko. hindi na sumunod yung tatlo.

binuksan ko yung locker ko at kinuha yung rubber shoes ko, sobrang sakit na ng paa ko.

saktong pagsara ko ng locker, nakita ko si Drei. nakasuntok sya sa pader.

sinuntok nya ba yung pader?!?!?!

gusto ko syang lapitan kaso ramdam kong galit sya kaya wag na lang.

siguro may problema sya.

sana pwede ko syang matulungan.

*Nadia's PoV*

HEEEEEELLLLLOOOOO!

Nadia here!

nasaan na ba yung babaeng yun?!

kanina pa kami palakad lakad di namin makita.

uso ba walk out ngayon?!

kanina si Drei tas ngayon si Arielle?!

"ano kayang nangyari kay Drei?" tanong ni Ellena.

"ewan ko" sagot ko.

tahimik lang si Kat. mukhang may iniisip na naman to eh.

"selos?" biglang sabi ni Kat.

"paanong selos?" tanong ko. bakit magseselos si Drei?!

"naalala nyo ba kanina na sumigaw si Arielle saktong sakto sa pagshoot nya kaso si Clyde yung chineer nya hindi sya" sabi ni Kat.

"medyo magulo" sabi ni Ellena.

kinalikot ni Kat yung phone nya tsaka pinakita sa amin yung last entry ni Arielle.

Dear Crush,

I heard that you will be playing for your org?

goodluck :)

manonood ako ng game mo.

ichi-cheer kita :)

gusto mo bang gumawa ako ng banner??? HAHAHAHA joke.

baka sabunutan ako ng ibang babaeng nagkakagusto sayo.

Pero ichi-cheer kita, promise.

Love,
Arielle Marie

nagpromise si Arielle na ichi-cheer nya si Drei.

alam ni Drei na sya yung crush ni Arielle. Alam nyang para sa kanya yung Dear Crush ek ek ni Arielle. hindi malabong mabasa nya to bago yung game.

"nabasa ni Drei!" sabi ni Ellena.

"nagexpect sya?" tanong ko.

tumango si Kat.

"mukha ngang nagselos sya" sabi nya. habang nakatalikod sa amin.

"look oh" dagdag ni Kat.

nakita namin si Drei nakasandal sa pader yung ulo nya, bale nakayuko sya habang nakaharap sa pader.

do you get me?

"Damn it, Drei. you're not like this!" sabi nya.

naglalakad kami papalapit, parang di nya kami napapansin.

may sariling mundo lang?!

nope no time for jokes.

"Of all girls, sya pa!" sabi nya.

"why are you doing this to me Arielle?!"

0_______________0

ansabe?!

*end of chap*



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top