Truth or Dare
*Arielle's PoV*
nakarating na kami sa rest house na binarayan namin for 3 days. gahd ang laki parang mansion!
may pool.
malapit sa dagat.
ang gandaaaaaa.
"ano ba talagang gagawin natin dito?" tanong ni Clyde.
nagshrug na lang ako. di ko din alam eh.
"guuuuuuuys! dito daw tayo!" sigaw ni Alex.
pumunta kami dun, nyemas yung bag ko ang bigat! takte!
hays konting tiis na lang Arielle.
nilapag ko na yung bag ko sa gilid, katabi ng gamit nila Kat.
"guys! yung mga magkakasama sa sasakyan, magkakasama sila sa kwarto! sa second floor may malaking hall doon na puro double deck na higaan. siguro 10 na double deck yun so bale 20 persons yung capacity nya" sabi ng prof.
"yung sa naka bus dito sa first floor" dagdag nya.
kukunin ko na sana yung gamit ko pero nakita ko daladala na ni Clyde.
"ano ba tong bag mo! dala mo ba yung buong cabinet mo dito?!" inis nyang tanong.
"akin na nga napaka reklamador! sinabi ko bang dalhin mo?!" inis na tanong ko din.
"pssst.hoy! ano LQ?!" tanong ni Alex.
"YUCK!" sabay naming sabi ni Clyde. natawa naman sila.
tssss. inirapan ko nga. nauna na sya sa second floor.
nilapag nya yung gamit ko sa baba.
"sa taas ka ba?" tanong nya.
"malikot ako natulog baka maglaglag ako. sa baba ako" sabi ko.
"guys free time daw" sabi ni Nadia.
"anong free time?" tanong ni Ellena.
"gawin daw natin lahat ng gusto nating gawin" sabi ni Nadia.
"akala ko ba may activity" sabi ni Kat.
"oo beach volleyball bukas, pero ngayon, bahala daw tayo!" sagot ni Nadia.
"nice!" sabay na sabi ni Alex at Clyde.
"anong gagawin natin?" tanong ko.
"swimming!" sabay sabay nilang sagot.
-__________________-
"kayo na lang" sabi ko.
"hala sya?" tanong ni Kat.
"magpalit ka ng swimsuit mo!" sabi ni Nadia.
"may dala ka ba?" tanong ni Alex.
"wala" sagot ko, kahit meron.
"ano to?" tanong ni Ellena habang hawak nya yung swimsuit ko.
napa-facepalm na lang ako eh.
"oo na" sabi ko sabay agaw sa swimsuit.
lumabas na sila Alex. nagCR naman kami. nagpalit na ako. denim short tas swimsuit na bra tas pinatungan ko ng crop top na sando.
-___________________-
ayoko na.
though ganito naman talaga dapat kapag swimming, yung iba nga naka bikini eh. hindi ako sanay lalo na't makikita ako ni Drei!!!!!
tssss. as if he care.
tinali ko na lang yung buhok ng pa-messy bun tsaka lumabas.
nakita ko sila nakashorts din tas bra na swimsuit. pinatungan din nila. gaya gaya.
"lakas Arielle!" sabi ni Nadia.
"nice wala ng bilbil ah" sabi ni Kat.
"ganon talaga pag inlove!" sabat ni Ellena.
nailing na lang ako sa kalokohan nila.
lumabas na kami.
saktong paglabas namin ng CR nandun sila Drei!
-_____-
"Hi Nadia!" bati ni Thor.
ngumiti lang si Nadia.
napatingin ako kay Thor, kanina nakangiti nya tas biglang naging blanko yung tingin nya.
galit yata sya?
siniko naman sya ni Drei. tsaka umalis na sila.
"ok ano yun?" tanong ni Ellena.
"ewan ko" sagot ko.
"galit ba si Thor?" tanong ni Kat.
"walang nakakaalam" sagot ni Nadia.
bumaba na kami, nakita namin may ilang naka two peice bikini talaga, hiyang hiya naman ako sa kanila ah.
nakita naman namin sila Clyde kinakausap ng MGA babae.
-_____________-
siguro feeling nya ako gwapo nya.
"selos ka naman" sabi ni Kat.
"ba't ako magseselos?" tanong ko.
"wooh kunwari ka pa eh" sabi ni Nadia.
lumapit kami sa kanila.
"oh anong gagawin natin?" tanong ni Clyde.
ang sama naman ng tingin ng mga babae sa akin -_______- pino-provoke nila ako.
wala akong ginagawang masama ah.
"ewan ko" sagot ko.
"tara dun sa beach" sabi ni Clyde.
"ay! akala ko nasa beach na tayo wala pa pala?" sabi ko sabay tingin sa mga babae.
tinulak na ako ni Clyde palayo sa kanila.
tawang tawa naman sila Kat.
"tapang mo ah" sabi ni Clyde.
"ang sama ng tingin eh" sabi ko
"wag mo ng pansinin yun Arielle" sabi ni Alex.
"inggit sila kasi nilalapitan kita" sabi ni Clyde.
"wow ang swerte ko pala?!" sarcastic kong sabi.
hinila nya yung tali ng buhok ko.
"Hoy! akin na yan!" sigaw ko.
"wag ka na magtali ok na yan!" sabi nya.
hahabulin ko sana sya kaso nakita ko sila Drei. huhuhuhu :(
bakit ang hot nyaaaaaaaa?!
HAHAHAHAHA
sinuklay ko na lang yung buhok ko gamit yung daliri ko. kaasar talaga to si Clyde eh.
nagswimming sila, naglaro, nagvolleyball...
ako???
nga-nga. nakahiga sa mga benches habang nakikinig ng music.
tanghali na ng bumalik kami sa kwarto.
"hindi ka man lang naligo, Arielle" sabi ni Ellena.
"wala ako sa mood" bored na sabi ko.
"kanina lang tawa sya ng tawa, tas ngayon...tsss bipolar" sabi ni Clyde.
hinampas ko nga.
kumain na kami ng lunch tas tambay ulit sa may pool area naman.
nagsu-swimming yung tatlo. jusme parang walang kapaguran eh.
tumabi naman sa akin si Clyde.
"problema mo?" tanong ko.
"wala" sagot nya.
"ba't ka nandito?" tanong ko
"bawal ba?" tanong nya ulit sa akin.
"hindi" sagot ko.
"ayun naman pala eh anong pinaglalaban mo?" natatawang tanong nya.
inirapan ko sya.
bwisit.
"selfie tayo!" sabi nya.
lumapit sa amin yung tatlo kasama si Alex. picture picture kami.
*splaaaaash*
"fck!" sigaw ko.
"HAHAHAHAHAHAHA" tawa nila.
tinulak nila ako sa pool -______-
ang galing talaga!
tumalon na ulit sila.
"lunurin si Arielle!" sigaw ni Nadia.
"nyemas kayo! di nga ako marunong lumangoy eh" sabi ni Ellena.
"bigyan nyo nga ako ng salbabida! di ko na abot dyan eeeeeh!" sabi ni Kat.
tawanan naman kami.
naglaro lang kami, basaan, selfie at kung ano pa.
then nung malapit na maghapon, nagdecide na kaming umahon at magpalit ng damit.
"sana wala din tayong gawin bukas" sabi ni Kat.
"mas ok nga yung ganito parang bakasyon lang" sabi ni Nadia.
"kaso bukas beach volleyball daw, ano ready ka na ba Arielle?" tanong sa akin ni Ellena.
"kelan pa ako naging ready sa volleyball?! baka tamaan na naman ako ng bola sa mukha" sabi ko.
siniko ako ni Kat.
"nandito si Drei" bulong nya.
O M G
huhuhu narinig nya yata yung sinabi ko!!! huhuhu
natahimik kami, kunwari busy ako sa twitter ko pero yung totoo nagdadasal talaga ako na sana lumubog na lang ako! ayoko na magpakita kay Drei!
nakahinga kami ng maluwag nung lumabas na sya.
"woooh ang intense ah" sabi ni Nadia.
"narinig nya ba?" tanong ko.
"oo!" sagot ni Kat.
"ang lakas pa naman ng boses mo" sabi ni Ellena.
"halaaaaaa! ayoko na magpakita sa kanya! hiyang hiya na ako :(" sabi ko.
bumalik kami sa beach kasi malapit na mag sunset.
gumawa ng bonfire sila Clyde para pwedeng tumambay dun kahit gabi na.
"oh ayan na pala sila eh" sabi ni Alex.
"tagal nyong magpalit ah" sabi ni Clyde.
"sorry ah" sabi ko. -______-
nanood kami ng sunset, mygulay ang ganda nyaaaaaa.
buti pa yung sunset ang ganda eh. hays.
madilim na pero nasa beach pa rin kami nagkwekwentuhan. hanggang sa ma bore si Nadia at nagsimula ng gulo.
"Spin the bottle tayo!" sabi nya.
tinamaan ng lintik yan!
"tara!" pagsangayon ni Kat at Ellena.
naghanap ng bote si Alex, pinatong nya sa bato para mas madaling umikot.
"oi spin the bottle"
"pwedeng sumali?"
"sali kami!"
"sige lang the more, the merrier naman eh" sabi ni Clyde.
malaking gulo talaga to.
on the bright side, mas malaki yung chance na hindi ako matapatan kasi madami kami.
pero pag natapatan ako...
hawak na yata ni kamatayan yung buhay ko :(
lampas sa sampu yung sumali, ang dami namin mygahd.
eto pa!
kasama namin yung butiking muse, yung mga babae ni Clyde kanina at last but definitely not the least...
KASAMA NAMIN YUNG CRUSH NI DREI NA SI INAH!!!!
"para ka namang natatae dyan" sabi ni Kat.
"ayoko ng ganito Kat" sabi ko.
"walang atrasan, Arielle" sabi ni Nadia.
"Arielle Marie Guevarra? sumusuko sa spin the bottle?! Hahaha WEAK!" sabi ni Clyde.
bwisit talaga tong impaktong to! nakakakulo ng dugo eh.
"sinong may sabing aatras ako sa spin the bottle?!" taas noong tanong ko.
ngumisi lang si Clyde.
nagform kami ng pabilog, paiikutin na sana ni Alex yung bote kaso dumating na yata si kamatayan sinusundo na ako.
"mind if we join?" tanong ni Drei.
fck! nagsalita si Drei!!!
para namang bigdeal yung pagsasalita nya eh no?
pero kasi bihira syang magsalita tas ngayon kakausapin nya kami na hindi nya talaga kilala.
"pwede pa naman eh" sagot ni butiking muse.
tsssssss.
"ganito yung rules, truth or dare to. kung sino yung unang matapatan mamimili sya kung truth or dare tas papaikutin ulit yung bote, kung sino naman yung matapatan, sya yung magtatanong or magbibigay ng dare." sabi ni Nadia.
basta truth or dare talaga eh! nangunguna si Nadia.
nagsimula yung game, sa loob-loob ko nagdadasal ako na sana hindi ako matapatan.
kung ano anong orasyon na yung sinabi ko. HAHAHAHA chos.
basta ayokong matapatan huhuhu.
tahimik lang ako pero grabe yung kaba ko, ang lala kasi ng dare eh. meron nga yung...
hug mo si ganto...
kiss mo si ano sa cheeks...
holding hands kayo ni ano for the whole night...
sayawan mo si ano...
DI BA ANG LALA?!
pero mas malala dyan yung truth!!!
isang tanong lang yung iniiwasan ko eh, kaso pag truth yung pinili mo yun agad yung tanong sayo...
ayokong matapatan... kasi itatanong nila kung...
SINONG CRUSH MO?
damn it! pag ako talaga natapatan ewan ko na lang huhuhu.
sabihin ko kayang nasusuka ako or nahihilo?
"ARIELLE!"
"ayy palaka" gulat na sabi ko.
"ikaw na" sabi ni Kat.
"ha?" sabi ko.
napatingin ako sa bote nakatapat sa akin!!!
nyemas!!!
naririnig ko pa si Clyde tawa ng tawa. ugh! bwisit!
pinaikot ulit yung bote para malaman kung sino yung magtatanong or maguutos sa akin.
bumagal na yung ikot ng bote, at jusmiyo marimar!!!
kay butiking muse pa natapat!!!
ANG SWERTE KO!
"truth or dare?" tanong ni butiki.
tahimik lang sila.
pag truth pinili ko, sure akong itatanong nya kung sino yung crush ko. at nandito si Drei!!!!!!
halos magkatapat lang kami!!!!
"dare" matapang na sagot ko.
"ooooh" kantyaw ng mga lalaki, pati sila Kat nakisama din.
si Drei tahimik lang na nakikinig. buti pa sya hindi natatamaan kainggit ah.
"I dare you to sing a song for someone you like. tumugtog ka na rin ng gitara" sabi ni butiki sabay sipa nya sa gitara palapit sa akin.
"kumakanta ba sya?"
"baka di sya marunong tumugtog?"
nagbulungan pa sila ano?
naririnig ko naman bwisit!
"Bea, baka pwedeng di na tumugtog ng gitara si Arielle" sabi ni Clyde.
"aww di ba sya marunong? baka di rin sya marunong kumanta ah?" tanong ni Bea Butiki.
ramdam kong nagtitimpi din si Kat ng galit dito sa tabi ko eh.
kakapalan ko na yung mukha ko.
i took a deep breath.
"masyado nyo naman akong minamaliit" sabi ko habang kinukuha ko yung gitara.
"hoy Arielle di ba hindi ka marunong?" tanong ni Nadia.
ngumiti lang ako.
"ano nga ulit yung dare mo? kakanta ako ng song para sa taong gusto ko?" tanong ko.
inistrum ko yung gitara, napangiwi ako dahil wala sa tono.
inayos ko muna saglit. ngumiti muna ako, napaangat ako ng tingin at nagtagpo yung mata namin ni Drei.
nagstrum na ako... kaya mo to Arielle!
this is for you Drei.
Invisible by Taylor Swift
She can’t see the way your eyes
Light up when you smile.
She’ll never notice how you stop and stare
Whenever she walks by.
hay Drei, hindi ka napapansin ni Inah, pero ako pansin kita. naiinis ako pag nakikita kitang nakatingin sa kanya, kasi parang nakikita ko yung sarili ko sayo. ikaw nakatingin kay Inah tapos ako naman nakatingin sayo.
And you can’t see me wantin' you the way you want her
But you are everything to me.
nakakatawang isipin talaga, paano ba kita naging crush? hindi ko alam eh. alam ko sa sarili kong nagpapakatanga lang ulit ako, pero ginusto ko to, and i have to deal with it. nagpapakatanga ako sayo pero ikaw naman nagpapakatanga sa kanya. what a beautiful love story.
I just wanna show you
She don’t even know you,
She's never gonna love you like I want to.
And you just see right through me.
If you only knew me
We could be a beautiful
Miracle,
Unbelievable
Instead of just invisible.
tinapos ko na yung song.
binaba ko na yung gitara at nginitian sila.
si Kat, Nadia, Ellena, Alex at Clyde parepareho ng reaction eh.
gulat. HAHAHAHA
"ok na?" tanong ko.
"kelan ka natutong mag gitara?!" tanong ni Clyde.
"noon pa" sagot ko.
nga nga naman ngayon si Bea Butiki. loko sya mali sya ng bingga eh sorry sya. HAHAHAHA.
pinaikot na ulit yung pesteng bote tas si Clyde naman yung tinamaan.
kinilig naman yung ibang babae.
srsly?!
anong nakakakilig dun?
tinamaan naman si Inah, wow ah so sya yung magtatanong kay Clyde.
"truth or dare" tanong ni Inah.
tinignan ko yung reaction ni Drei pero nakayuko lang sya sa phone nya.
"truth" sabi ni Clyde.
"what's your ideal girl?" tanong ni Inah.
"gusto ko yung babaeng masayahin, mabait, matalino, makulit, simple lang" sagot nya.
"nakita mo na ba yung ideal girl mo?" tanong nung isa pang babae.
natawa lang si Clyde.
uminom ako ng juice, nauhaw ako sa pagkanta nyemas.
"nakita ko na ba yung ideal girl ko? hahaha oo nakita ko na at nakasama ko pa" sagot nya.
*coughs...coughs*
"Oi Arielle ok ka lang?" tanong ni Kat.
"oo sininok lang ako" sagot ko.
nakatingin na pala silang lahat sa akin. nakakaloka ah!
"ok spin na ulit" sabi ni Alex.
nakailang ikot na pero hindi pa rin natatapatan si Drei.
natapatan sya, pero sya yung nagtanong.
inaantok na ako.
tinignan ko yung phone ko, wooh jusme 11:30 na pala. nakakaloka!
papikit pikit na ako, nasasandal na nga ako sa balikat ni Kat eh. di ko na kaya yung antok ko.
"Oh Drei ikaw na!" sabi nung isang lakaking katabi nya.
napamulat ako ng mata, nakita ko syang nakangiti.
"truth or dare?" tanong nung isang babae, hindi ko kilala.
"dare" sagot nya. this time nakakunot na yung noo ko at napamulat na talaga.
si Drei magde-dare?!
"ok, I dare you to kiss the prettiest girl here...sa lips" sabi nung babae.
napaayos ako ng upo eh, huhuhu gusto ko ng umalis dito!!!
ayokong makita sila ni Inah na magka-kiss!!!!
huhuhuhuhu tanga lang ako pero hindi ako martyr no!
paano ko ba madidistract yung sarili ko. huhu ayoko talagang makita eh
nagtwitter na lang ako. grabe laking pasasalamat ko sa cellphone ko ah! mase-save nya yata ako ngayon kasi nadidistract na ako eh.
tweet lang tweet, Arielle! matatapos din to, hindi mo mapapansin na nagkisss sila ni Inah.
habang busy ako sa pag tweet ko,
nagulat ako ng may maramdaman akong dalawang mainit na palad sa pisngi ko.
to my surprise...
it's Drei!!!
sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko!
ano bang nangyayari?! nananaginip ba ako.
halos maduling na ako sa kakatingin ko sa maganda nyang mata.
HAHALIKAN NYA BA AKO?!?!?!
inayos na yung buhok ko tsaka ako hinalikan sa noo.
0////////////////0
after nun dun ko lang narealize na nagwawala na pala yung tatlo sa kilig.
"teka nga! di ba sabi sa lips?!" tanong nung lalake.
nyemas ka kuya na stun na nga ako sa halik nya sa noo ko pa lang, baka mamatay na ako pag hinalikan nya ako sa lips.
"malaki yung respeto ko kay Arielle, kiss on the forehead should do the trick at least you all know who's the prettiest girl for me" sabi nya.
0/////////////////////////0
Am I Dreaming???
if it's a Yes...please don't wake me up.
*end of chap*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top