Tinamaan
*Arielle's PoV*
this is it! pancit!
PE namin ngayon! anak ng tinapa! Volleyball pa!
nagiisip ako ng magandang excuse para di ako maglaro. nakakainis naman tas kaklase ko pa si Drei! oh di ba ang galing?!
Kat Calling...
"Hello"
["asaan ka na ba?!"] sigaw ni Kat sa kabilang linya.
"naglalakad" sagot ko.
["DI KO TINATANONG KUNG ANONG GINAGAWA MO! TINATANONG KO KUNG NASAAN KA NA?!"]
buti na lang nalayo ko na yung phone sa tenga ko. woooh basag sana eardrums ko.
"nasa school na ako naglalakad" sagot ko.
*toot...toot*
binabaan ako -________-
ang galing.
binilisan ko yung lakad ko kahit feeling ko sobrang bigat ng paa ko. sa lahat ba naman ng pwedeng gawing sport ngayong sem volleyball pa?!
ugh.
pwede bang cheerleader na lang ako?
kahit nga waterboy pwede na eh?
basta ayokong maglaro!!!
may trauma kasi ako sa Volleyball, hindi naman as in trauma na ikamamatay ko pero after noong natamaan ako ng bola sa mukha kahit nakaupo lang ako sa gilid, ayoko na ulit humawak or maglaro ng Volleyball.
"you're late" sabi nung prof ko.
tuloy-tuloy lang ako papunta kila Kat.
"akala ko wala ka ng balak pumasok eh" sabi ni Nadia.
"ayoko talagang pumasok ngayon" sabi ko.
"nako nako dapat nga excited ka kasi classmate natin si Drei" sabi ni Ellena.
tipid lang akong ngumiti.
pansin kong tahimik lang si Kat.
beastmode kanina eh.
"First Six! Arielle, Kat, Nadia, Ellena, Trish, Ann. kayo yung group A"
anak ng palaka talaga!!! kararating ko lang!!!
"this will be boys vs. girls ok" sabi nung prof.
"unfair naman po" sabi ko.
"ikaw pa talagang may ganang magreklamo ha, Arielle? gusto mong ibagsak kita?"
gahd! sarap nyang sipain sa mukha eh.
"boys! Alex, Drei, Jake, Luke, Jay, Carl. start in 5 minutes" sigaw nung boset na prof.
nyemas naman nakakainis talaga ayokong maglarooooooo!
kalaban ko pa si Drei! ugh!
ano ba naman yan!
magisip ka ng excuse daliiiii!
"ah ma'am meron p#@$&*"
"ano ba Nadia! ayoko maglaro huhuhuhuhu" sabi ko.
"magsisinungaling ka pa kay ma'am" sabi ni Kat.
"tignan mo nga, kahit ayaw kong maglaro ngayon, maglalaro pa rin ako para sa grades" sabi ni Ellena.
napa buntong hininga na lang ako.
nasimula na yung game. and well
nakatayo lang ako -______-
di ko hahabulin yung bola no! bahala sila dyan!
"ARIELLE HABOL!" sigaw ni Trisha.
tssssss. uutusan pa nya ako! bakit hindi sya yung humabol?!
Ok beastmode na din ako.
"Arielle...m-matatalo..tayo" hingal na sabi ni Nadia.
napairap na lang ako, pag volleyball talaga lagi akong high blood.
i crossed my arms. bahala talaga sila dyan!
napatingin ako sa pinto ng gym...
at nakita ko yung pinakahuling taong inaasahan kong makita dito sa school.
"ARIELLE!!!!"
si Drei ba yung tumawag sa akin?!
napalingon ako.
*Boogsh*
then everything went black.
hours later.
"Ano comatose ba sya?"
"Baliw! anong comatose ka dyan?! nahimatay lang eh"
"ang laki ng bukol nya oh"
ba't ang ingay?
nasaan ako?
minulat ko yung mata ko at sumalubong sa akin yung tatlo.
-___________- sila pala yung maingay.
"Oh! ok ka na ba Arielle?" tanong ni Ellena.
"nasaan ako?" tanong ko.
"Clinic" sagot nilang tatlo.
silence.................
"TEH! OMG OMG OMG WAAAAH!"
"GRABE KA ANG HABA NG HAIR MO!"
"NAKAKALOKA KANINAAA"
gahd ang ingay nila! tas nangingisay pa sa...kilig???
"teka nga! isa isa lang" sabi ko.
"Ano ba muna kasing nangyari sayo?" tanong ni Kat.
"para kasing nakita ko si Clyde kanina, naka PE uniform. imaginations ko lang siguro yun." sagot ko.
bigla naman silang nangisi.
yung totoo?
Kilala nila si Clyde pero di totally na kilala, nakukwento ko lang sa kanila yung impaktong yun. crush-slash-mortal enemy ko yun nung highschool.
"ano ng nangyari kanina nung nahimatay ako?" tanong ko.
pinakita naman ni Kat yung tab nya sa akin.
0___________0
oh my gosh!
"si Drei yung nakatama ng Volleyball sayo" sabi ni Ellena.
"alam mo bang kumaripas ng takbo si Drei papunta sayo tas alam mo bang sya yung nagbuhat sayo papunta dito?!" sabi ni Nadia.
"hindi ka nag-iimagine kanina Arielle. nandito talaga yung highschool sweetheart mo" dagdag ni Kat.
ANO?!
"teka nga, wait! wala akong maintindihan eh" sabi ko.
"ganto kasi yan, nung tinamaan ka ng Volleyball sa ulo, napatakbo sila pareho, as in! nilaglag pa ni Clyde yung bag nya, pero naunahan sya ni Drei. Yung mukha naman Drei kanina putlang-putla!" pag-explain ni Ellena.
"Tas alam mo ba, sorry sya ng sorry sayo kahit nahimatay ka na" dagdag nya.
ha?
"Sorry Arielle, Sorry, Sorry, fck!" pag-gaya ni Nadia.
"sinabi nya talaga yun?!" tanong ko.
si Drei?! magsosorry sa akin?! di nga kami close?!
"sya pa kamo sumigaw ng pangalan mo bago ka talaga tamaan ng bola, eh ikaw naman si shunga lumingon nga, ayun Tinamaan ka tuloy" sabi ni Kat.
dapat kinikilig ako ngayon eh, dapat nahimatay ulit ako dahil si Drei nagbuhat sa akin papunta dito sa clinic. KASO HINDI EH!!!
"eh si Clyde?" tanong ko.
"kasama ni Alex" sabi ni Nadia.
*tok...tok...tok*
binuksan ni Ellena yung pinto tas niluwa yung impkatong hinahanap ko!
Napaupo ako sa kama ng maayos.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko.
natawa lang sya.
"hahaha...I Miss You Too, Arielle" sabi nya.
natahimik ako.
0_____0
napansin ko naman yung tatlo nagkukurutan sa gilid ko.
-___________-
wag nyong sabihing kinilig sila?!
"Hi" bati nya sa tatlo.
ngumiti lang sila.
lumapit sa akin si Clyde-slash-Impakto. naupo sya sa kama tapos...
"ARAY!" sigaw ko.
pitikin daw ako sa noo?!
"ilang beses ko bang sasabihin sayo na kamay at braso yung pinangsasalo ng Volleyball hindi mukha?" tanong nya.
hinampas ko sya sa braso. nyemas ako pa yung nasaktan sa paghampas ko eh! may muscles sya eh -___-
"yabang neto! bakit ka ba nandito?!" inis na tanong ko.
"dito na ako magaaral" sagot nya.
"Talaga/omg/weh/BAKIT?!" sabay sabay kaming apat nag-react nyan.
natawa lang ulit sya. tawa sya ng tawa! naiinis ako lalo.
"Oo nga!" natatawang sagot nya.
gahd sana panaginip lang to! huhuhu
"bakit dito ka pa lumipat?!" tanong ko.
"bakit bawal ba?!" tanong nya sa akin.
"oo bawal!" sagot ko.
"iyo tong school?!" tanong nya sa akin.
"walang engineering dito!" sagot ko.
"nagshift ako!" sagot nya.
"bakit?!" tanong ko.
naiinis na talaga ako sa Impaktong to eh! sasabunutan ko na to eh!
"pake mo ba?!" tanong nya ulit sa akin.
hinampas ko sya ng unan. loko to! talagang iniinis ako!
"HAHAHAHAHA! pikon!" sabi nya.
"ang cute nyo"
natahimik kami sa sinabi ni Nadia
"ang kulit nyong tignan. hahaha" sabi ni Kat. anyare akala ko ba beastmode sya?
"bagay pala kayo" sabi ni Ellena.
0______________0
gahd Ellena!!!!!!!!!!!!!!!
"namumula si Arielle oh! HAHAHA" sabi ni Nadia.
napa-facepalm ako, kaso may bukol pala ako -______-
napansin ni Clyde na nangiwi ako sa sakit, natawa lang sya, inirapan ko nga.
tumayo sya tas kumuha ng yelo tas nilagay sa ice pack.
"akin na" sabi ko habang nakalahad yung kamay ko.
" ako na" sabi nya.
"akin na nga sabi eh" sabi ko.
"Ako na"
"Ako na sabi eh!"
"Ako"
"Ako naaaaaa"
hinawakan nya yung braso ko tas tinignan nya ako ng daretso sa mata.
those dark brown eyes!
"Let me do it, Arielle" seryosong sabi nya.
hindi na ako nagsalita.
"Aherm"
"bili muna kami sa Ministop" sabi ni Ellena
"may ipapabili ba kayo?" tanong ni Nadia.
"wala, ikaw Arielle?" tanong ni Clyde.
umiling ako.
ngumiti lang si Kat sa akin. yung mapangasar na ngiti!
lumabas na silang tatlo.
ngayon kami na lang ng impaktong to ang magkasama dito!!!
dahan-dahan nya dinadampi yung ice pack sa bukol ko.
nakayuko lang ako, kahit kelan talaga hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya eh.
"bakit ka nagshift?" seryosong tanong ko.
kilala ko si Clyde, matalino to eh, kaya nagtataka ako bakit sya magshi-shift ng course.
"di ko pala kaya" sagot nya.
nagulat ako sa sagot nya. sya tong nagmamayabang sa akin nung highschool. Kesyo matalino daw sya, gwapo, lahat na DAW nasa kanya.
nagpapataasan pa nga kami ng grades nun! paanong di nya kaya?!
"anong nangyari?" bulong ko.
natawa sya ng mahina.
"bumagsak ako sa isang major subject ko, hindi ko kaya eh. tas naisip kong magshift na lang tas lumipat sa mas malapit na university para convenient" sagot nya.
"baliw ka talaga! anong course mo?" tanong ko.
"BSBA-FM" sagot nya.
nanlaki naman yung mata ko.
"BAKIT?!" tanong ko.
dapat nag accountancy na lang sya! bakit financial management pa?! ugh nakakaloka!!!
"eto sched ko oh" sabi nya.
kinuha ko yun.
muntik nang lumabas yung eyeballs ko eh.
"Bakit parehas tayo ng sched?!" tanong ko.
"eto yung binigay sa akin ni Alex eh" sabi nya
nako nako sasapakin ko talaga si Alex pag nagkita kami eh! highschool classmate ko din yun si Alex.
"magkaiba yung sched namin ni Alex" sabi ko.
"hayaan mo na nga ayos na eh. ano ipapabago ko pa ulit?!" tanong nya.
natahimik na lang ako.
"si mama, alam ba nyang nasa clinic ako? tumawag ba yung nurse sa office nila?" tanong ko.
"oo, natawagan ko na Tita" sagot nya.
0_____0 ansabe nung Tita?!
close na sila ni Mama?!
"ako na maghahatid sayo" sabi nya.
"magkalayo yung bahay natin" sagot ko.
"lumipat na rin pala kami ng bahay. katabing street lang bahay nyo" sabi nya
ANOOOOOO?!
"mukha mo naman" natatawang sabi nya.
"eh kasi naman! bakit sa katabing street lang ng bahay?!" tanong ko. talagang iniinis ako ng impaktong to.
"si mama yung nagdecide na bilhin yun" sagot nya.
tumahimik na lang ako at nahiga. hindi ko maabsorb yung mga pangyayari eh!
-nahimatay ako.
-binuhat ako ni Drei.
-bumalik si Clyde.
wow just wow.
"nakausap ko ng matagal si tita, pinaalam ko kung pwede kitang isabay na lang papasok ng school para di ka na magcommute" sabi nya.
bakit parang ang bait ng impaktong to?!
"pumayag sya kaya simula ngayon sabay na tayo" sabi nya.
kung noon siguro baka kikiligin ako dahil ang bait pala nya tas ang gentleman. kaso ngayon, parang naninibago lang ako sa kanya.
kinuha ko yung phone ko. kailangan ko magpasalamat kay Drei, kahit sa Diary App lang. jusme di ko kayang kausapin sya sa personal.
*Kat's PoV*
Hiiiiiiii :))
Katarina Here!
pinaka magandang kaibigan ni Arielle. hahahaha.
pabalik na kami ng school, bumili kami ng foods. hahaha. tawa much?
kinikilig lang ako.
"tingin ko may gusto si Clyde kay Arielle" sabi ni Nadia, out of nowhere.
"paano mo naman nasabi?" tanong ko.
tahimik lang si Ellena na nakasunod.
"kasi kitang kita ko sa kanya na na-miss nya si Arielle tas nag-alala sya kanina ah" sagot nya.
"eh si Drei din naman nagalala kanina ah" sabat ni Ellena.
isa pa yun! nako nako! kitang kita sa mukha ni Drei yung kaba kanina eh.
"di kaya may gusto na si Drei kay Arielle?" tanong ni Ellena.
"di malabong mangyari yan. alam nating lahat na nababasa ni Drei yung mga entries ni Arielle dahil parang blog yung Diary App na yun" sabi ni Nadia.
yep. nababasa lahat ni Drei yung entries ni Arielle, may blog din kasi sya tas remember kami yung naginstall ng app sa phone ni Arielle. finollow namin si Drei gladly inaccept nya at nagfollowback pa, so it means nakikita nya yung pinagsusulat ni Arielle, which is obviously na para sa kanya yun.
"baka magalit si Arielle pag nalaman nyang alam ni Drei ang lahat" sabi ni Ellena.
napaisip ako.
dapat nga magpasalamat si Arielle sa amin dahil nilagyan namin ng kulay ang lovelife nya eh. mukhang nakikisama pa yung destiny sa amin dahil sa pagsulpot ni Clyde, na mukhang may gusto kay Arielle.
this is going to be exciting.
pabalik na kami sa clinic ng makita namin si Drei palabas.
"Drei!" sigaw ni Nadia.
hinampas ko nga! feeling close eh.
lumingon sa amin si Drei. pokerfaced.
"dinalaw mo si Arielle?" tanong ni Nadia.
ok hanga na ako sa kafc-han nito ni Nadia eh.
"yeah, just checked if she's ok...looks like she's fine. mukhang kausap nya yung boyfriend nya...please tell her i'm sorry about what happened earlier" sabi nya sabay alis.
and i was like!
"nagsasalita pala sya" sabi ni Ellena. HAHAHAHAHA. pareho kami ng iniisip.
"ako lang ba o talagang ang bitter ng pagkasabi nya sa 'mukhang kausap nya yung boyfriend nya' ?" sabi ni Nadia.
pumasok na kami sa clinic. may nakita naman kaming box sa tabi ng gamit ni Arielle.
may note pa.
I'm really sorry Arielle.
-D
omg omg omg!!!!!!!!!!!
"hoy Impakto ka!"
"HAHAHAHA!"
"ang pangit mo!"
"hoy gwapo ako ah"
"excuse me! nakakaabala ba kami?" tanong ko.
namula naman si Arielle.
talaga tong babaeng to, ang haba ng hair eh.
"oh may nagiwan sa labas" sabi ni Ellena sabay abot nung box.
nagtataka naman si Arielle.
binuksan nya yung box.
nanlaki mata nya. ano bang laman ng box?!
"kanino galing to?" tanong nya.
"ano ba yan?" tanong ni Clyde.
tinignan namin.
Oreo Ice cream cake!
comfort food ni Arielle. ba't alam ni Drei yun?!
"oh favorite mo yan ah" sabi ni Clyde.
Teka nasaan yung note?!
napansin siguro ni Nadia na hinahanap ko yung note, kaya kinalabit nya ako tas pinakita sa akin na hawak nya.
"sorry daw pala sabi ni Drei" sabi ni Nadia.
"ok na daw na umuwi pinapasabi ng nurse" sabi ni Ellena.
"ako na maghahatid sa kanya." sabi ni Clyde.
and i was like!
omg!
inalalayan ni Clyde si Arielle na tumayo
"hoy di ako baldado! kaya ko pang maglakad" sabi ni Arielle.
tumawa lang si Clyde.
sumunod kaming tatlo, dala ni Clyde yung mga gamit ni Arielle pati yung cake. grabe!
"saan ba kayo?" tanong nya.
"ah hindi na walking distance lang naman yung bahay namin dito eh" sagot ko.
"akin na nga yung bag ko!" inis na sabi ni Arielle.
pinag titinginan na kasi kami ng tao, you know kalat na sa buong school na may gwapong bagong lipat dito.
"natalo ka sa bato bato pik, Arielle." sabi ni Clyde.
kinurot naman ako ni Nadia. kinikilig to!
"tsssssss, tara na nga" sabi ni Arielle. grabe parang di nya kami napapansin eh :(
hinatid namin sila sa parking lot. nilagay naman ni Clyde yung nga gamit sa likod ng sasakyan tas parang may sinabi si Arielle tumangotango naman ni Clyde tas di na bumaba ng sasakyan.
lumapit sa amin si Arielle.
"Kanino galing yung cake?" tanong nya.
"ewan" sabay naming sagot.
"yung totoo? bukod kay Clyde kayong tatlo lang dito sa school ang nakakaalam nun" sabi nya.
"OA mo Arielle baka nagkataon lang" sabi ko.
"may alam ba kayo kung kanino galing yun?" tanong nya.
"wala" sagot ni Nadia.
napabuntong hininga na lang sya.
"thank you sa lahat" sabi nya tas ngumiti.
"ikaw ah! di mo man lang sinabi na mabait si Clyde ah" sabi ko.
"ang bait nya" sabi ni Nadia
"oo nga ang gentleman! asan yung mayabang na sinasabi mo?" tanong
"believe me, hindi ko alam kung nasaan yung mayabang na impaktong yun" sagot nya.
natahimik kami
"Arielle, anong nararamdaman mo ngayon? di ba sabi mo di ka pa fully na nakakamove forward kay Clyde?" tanong ko.
"sabi mo nung nakaraang nag spin the bottle tayo, may feelings ka pa rin sa kanya" sabi ni Ellena.
"ngayong nandito na Clyde...paano na si Drei?" tanong ni Nadia.
hindi makasagot si Arielle.
natawa sya.
"mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana ah" sabi nya habang nakatingin sa langit.
"haaaaays sasabay na lang siguro ako sa ihip ng hangin" dagdag nya.
napatingin ako sa kanya.
simpleng babae lang naman si Arielle.
she can be sporty, she can be girly, boyish or whatsoever.
matalino din sya, mabait, game din sa ibang trip and you can always count on her.
hindi na ako magtataka kung may dalawang lalake ang tinamaan sa kanya.
*end of chap*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top