The Suitor and The Secret Admirer

*Arielle's PoV*

naglalakad ako sa hallway papuntang locker, nakalimutan ko na naman yung libro ko, tsk may assignment pa naman kami.

nasaan na ba yung mga yun?! bigla-bigla na lang nawawala!

lakad...lakad...lakad.

nakarating na ako sa lockers area, binuksan ko na yung locker ko at kinuha yung libro, agad ko naman sinara kasi gabi na.

siguro hinihintay nila ako sa parking lot.

mabilis akong naglakad sa hallway, nang may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin.

lumingon ako.

wala naman.

naglakad ulit ako, this time mabilis na. goodness gracious nasa 4th floor ako!

lakad takbo na ang ginagawa ko, still nararamdaman kong parang sinusundan ako.

lumiko ako sa hallway papuntang CR ng 3rd floor, i locked myself into one of the cubicles.

i fished out my phone in my pocket and dialled Kat's phone.

"the number you had dialled is out of coverage area, please try your call later"

sht.

tumungtong ako sa toilet bowl para hindi makita yung paa ko pag may sumilip.

kinabahan ako, natatakot, naiiyak. i don't know what to do?!

ayoko pang mamatay, ikakasal pa ako, bubuo ng sariling pamilya, magiging successful pa ako!

napahikbi na lang ako nang makarinig ako ng footsteps sa labas ng cubicle.

i'm praying to save myself from death.

the footsteps stopped.

tumahimik ulit.

umalis na kaya?

bababa na sana ako sa toilet bowl, but then i heard those little footsteps again, parang tunog nung lutos feet sa feng shui? ganon yung naririnig ko. at feeling ko papalapit na yun sa cubicle kung nasaan ako.

nakatingin ako sa baba ng pinto, hoping to see if there's someone standing in front the cubicle door.

"i'll kill you"

my heart skipped a beat. boses ng bata!

then to my surprise pumasok sa may maliit na siwang sa baba ng pinto ng cubicle yung bata.

"i'll kill you" she repeated.

tears steamming down my face, i can't say a word because this thing is not a kid.

IT'S A DOLL!

"i'm going to kill you, Arielle"

"AAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" i screamed at the top of my lungs.

then someone, hugged me.

"sssshhhh, Arielle. nandito ako, nandito ako"

that someone hugged me tighter.

nanginginig ako, umiiyak, my heart is beating faster than normal.

"Arielle, ako 'to si Clyde. stop shaking please, stop crying too" sabi nya.

marahan nya akong nilayo sa kanya, nakahawak sya sa balikat ko.

"Arielle, open your eyes" sabi nya.

umiling ako, baka nandyan pa yung manika.

"please. nandito ako, hindi kita iiwan, please open you eyes" sabi nya, full of sincerity and concern.

slowly, i open my eyes.

sumalubong sa akin yung nagaalalang Clyde.

he cupped my face at pinunasan yung luha ko gamit yung thumb nya.

"that was just a bad dream ok?" he said.

tumango ako.

niyakap nya ako ulit.

"damn it, you scared the hell out me" bulong nya.

kinalma ko yung sarili ko.

normal na ulit yung paghinga ko, tibok ng puso ko at hindi na ako umiiyak.

nilayo nya ulit ako sa kanya then he kissed my forehead.

dun ako nabalik sa tamang pagiisip.

*kurap mata*

"ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO?!" sigaw ko.

napatingin ako sa wallclock ko.

what the hell?!

nagsisimula na yung first class ko!

napabalikwas ako sa higaan ko at tumakbo papuntang CR.

"hey, you ok?" tanong nung impakto sa labas.

"oo, BAKIT BA KASI HINDI MO AKO GINISING?!" sigaw ko ulit.

"sorry sleeping beauty, i may look like a prince but i'd rather watch you sleeping than waking you up" he said.

ugh!

binilisan ko na yung pagligo ko.

though, nangangatog pa rin ako dahil sa pesteng panaginip na yun!

wala pa yatang 5 minutes tapos na ako maligo! hindi yata ligo yung matatawag dun eh.

paglabas ko nagulat ako at nakahanda na yung susuotin ko. even my undies.

naginit yung pisngi ko.

ugh bwisit kang impakto ka!

mabilis akong nagbihis, wala akong panahon para magayos at magsuklay.

nasaan yung bag ko?!

nyemas!

bumaba na ako, baka nasa sala yung bag ko.

to my surprise, it's with Clyde, dala-dala nya yung body bag ko pati na rin yung ibang libro ko.

"come on sleeping beauty, we're late" sabi nya at naunang lumabas.

nilock ko yung pinto at agad na sumakay sa sasakyan nya.

"bakit nandito ka sa bahay? sana pumasok ka na lang, tuloy na late ka rin" sabi ko.

"i told you, sabay tayong papasok ngayon di ba?" sabi nya habang nagda-drive.

"kanina ka pa sa kwarto ko?" tanong ko.

"mga 6 nasa bahay nyo na ako, 6:30 pinagising ka na ni Tita kasi paalis na sila" sagot nya.

"hindi mo naman ako ginising eh" sabi ko.

"believe me, ginising kita" natatawang sabi nya.

"bakit hindi ako nagising?!" inis na tanong ko.

"ask yourself sleeping beauty" nakangising sabi nya.

"hmmp!"

nanahimik na lang ako.

kapag sinuswerte ka nga naman!

"Traffic!" sabay naming sabi ni Impakto.

"anong napanaginipan mo?" he asked.

"nakakatakot" i said.

kinuwento ko sa kanya lahat, every detail, every part.

"you were sleeping soundly, hindi ko napansin, nananaginip ka na pala ng masama" sabi nya.

"the whole time, i was starring at you" dagdag nya.

napayuko ako. nyemas na impakto.

"you looked so peaceful and calm, then nagulat na lang ako nung sumigaw ka" sabi nya.

"i hate dolls" sabi ko.

natawa sya.

"what's funny?" inis na tanong ko.

"nothing may naalala lang ako" sabi nya.

nakarating na kami sa school, nagpark lang kami.

just in time for our second class.

bumaba na ako, hinahanap ko na naman yung bag ko at dala ulit sya ng impakto.

"hoy! hindi ako baldado akin na yang bag ko" sabi ko.

hindi nya ako pinansin.

"nagugutom ka ba?" tanong nya pagdating namin sa canteen.

tumango ako.

pumunta kami sa counter. kukuha sana ako ng chocolate cake pero hinampas nya ako sa kamay.

"ouch!" sabi ko at sinamaan ko sya ng tingin.

"sandwich yung kainin mo, sasakit yung tyan mo pag chocolate agad yung kakainin mo" he said.

"eh sa gusto ko ng chocolate eh" sabi ko.

"bahala ka, then i won't give this to you" sabi nya at winagayway sa mukha ko yung white chocolate na kitkat.

-_______- boset.

"fine, akin na yung sandwich?" sabi ko.

binigay nya yung sandwich sa akin, agad ko naman syang kinaladkad palabas ng canteen, pansin ko kasi na sobrang talim na ng tingin sa akin ng mga fan girls ng impaktong 'to!

"akin na yung bag ko, Clyde" plain na sabi ko.

"don't use that tone on me, sleeping beauty that won't work" sabi nya.

"pag ako nasabunutan ng isa sa mga fan girls mo, lagot ka sa akin" sabi ko.

"lagot sila sa akin pag ginawa nila yun sayo" sabi nya.

napalunok na lang ako, he's so damn serious.

papunta kami sa room ng makasalubong namin sila Drei.

great, it's a small world after all.

napastraight ako ng tayo, tahimik lang sa hallway kasi kami lang yung tao.

ako at yung impakto tas si Drei, Thor, Ken at Gabby.

i'm expecting na papansinin ako ni Ken at Gabby pero hindi.

nilampasan lang nila ako.

"bakit ka natahimik?" tanong ni Clyde.

"ah eh e-eto kasi yung hallway sa panaginip ko, tas yan yung C-CR" sabi ko.

tinignan nya ako.

"namumutla ka" he said, full of concern.

"wala lang 'to" sabi ko.

naalala ko na naman yung panaginip ko. hindi na ako papasok sa CR ng 3rd floor.

pumasok na kami sa room, good thing wala pa yung prof.

pumunta kami sa likod na part ng room, nilapag naman ng impakto yung gamit ko at tumabi sa akin.

"where's my kitkat?" tanong ko.

"here" sabi nya sabay abot ng kitkat.

yeah, baby! wooooh! kitkat my loooves.

tuwang tuwa akong kumakain ng kitkat ng pumasok bigla sila Kat.

"walang prof people!" sigaw ni Nadia.

inabot naman ni Ellena yung yellow paper para sa attendance.

hindi nila ako pinapansin!

ano na namang problema ng mga 'to?!

pumirma na kami ni Impakto sa attendance tas lumabas na.

"akin na yung bag ko Impakto!" sabi ko.

"ayoko" sabi nya.

"akin na kasi! puntahan mo na si Alex mag basketball na lang kayo" sabi ko.

"wala kang kasama" sabi nya.

"sila Kat" sabi ko.

"eherm" 

napalingon kaming dalawa.

sila Kat pala yung nasa likod namin.

"bakit di kayo pumasok sa first subject natin?" tanong ni Kat.

"ask sleeping beauty/ tanungin mo si impakto" sabay naming sabi ni Clyde.

sinamaan ko naman sya ng tingin.

"don't call me sleeping beauty!" inis na sabi ko.

dinilaan nya lang ako at umiling. ugh!

"wow, nandito pa kami oh" sabi ni Nadia.

"lumayas ka na impakto at akin na yang bag ko!" sabi ko.

"di ba ganito naman yung manliligaw sa nililigawan nila? dinadala yung gamit nung babae." sabi nya.

"omg/really?/what the?" reaksyon ng tatlo.

"NILILIGAWAN MO SI ARIELLE?!" sabay nilang tanong.

"ah yeah, hindi sinabi sa inyo ni Sleeping beauty?" tanong ni impakto tas nginisian pa ako.

"oo eh, hindi man lang sinabi sa amin" sabi ni Ellena na tila ba parang nasasaktan.

-_____-

natahimik yung dalawa.

"saan ba kayo pupunta?" tanong ni Clyde.

"sa garden" sabi ko.

naglakad kami papunta sa garden, naupo kami sa pwesto namin, nilapag naman ni Impakto yung gamit ko sa tabi ng gamit nya.

"magbabasketball lang kami, tawagan mo ako pagpapasok na tayo sa next class" sabi nya at winagayway yung phone nya.

.....silence......

"care to tell what the hell happened?!" pasigaw na tanong ni Kat.

"nakakasakit ka ng damdamin hindi ka na nagsheshare!" parang naiiyak sa sabi ni Nadia.

"kwento na Arielle" sabi ni Ellena.

so ayun kinuwento ko yung nangyari, from dun sa sinundo kami ni impakto sa mall, hanggang sa nagpunta kami sa park, yung kwintas, yung i like you text nya, yung mysterious guy na nagbigay ng maraming kitkat, yung panaginip ko, yung way kung paano ako pinakalma nung impakto, yung bangayan namin sa canteen...

lahat na kinuwento ko, pati yung pagpili ni impakto ng undies ko kanina!

"kyaaaaah!" impit na tili nilang tatlo with matching hampas pa sa akin, jusme bugbog sarado yung braso ko. huhuhuhu

kilig na kilig sila ng bonggang bongga -________-

"teka wait, alam mo na ba kung kanino galing yung maraming kitkat?" tanong ni Nadia.

"hindi eh" sagot ko.

"so bukod sa manliligaw may secret admirer ka pa?" tanong ni Ellena.

SECRET ADMIRER?!

hahahahahahaha for real?!

"ang ganda talaga" sabi Kat.

-__________-

"samahan mo nga ako sa locker kukunin ko yung notebook ko dun" dagdag ni Kat.

naiwan sila Ellena at Nadia sa garden.

"kinikilig ako sa inyo ni Clyde" sabi ni Kat.

"hay nako" sabi ko.

"wooh deep inside kinikilig yan" sabi nya sabay tusok sa tagiliran ko.

napairap na lang ako, nakarating kami sa 4th floor.

napagisipan ko ding buksan yung locker ko, titignan ko kung gaano na sya kadugyot.

tambak kasi yung mga paper works, books, notebooks at kung ano pa sa loob ng locker ko eh.

to my surprise.

"locker ko ba 'to?" tanong ko.

sinara ko ulit tas binuksan ko ulit. maayos pa rin yung mga gamit ko.

nakasalansan ng maayos yung books ko.

"wow ang linis ah" sabi ni Kat.

"paano?" tanong ko.

"ha?" naguguluhang tanong din nya.

"hindi ako naglinis ng locker ko" sabi ko.

napansin kong may blue paper na nakasingit sa mga libro ko.

kinuha ko yun. hindi pala paper envelope lang pala.

binuksan ko yung envelope.

"oi kanino galing?" tanong ni Kat.

"hindi ko alam" sagot ko.

kinuha ko yung maliit na blue paper.

I never wanted to be him, but when i saw you together, i suddenly change my mind.

I wanted to be him, to be like him.

brave enough to admit what he really feels for you

you had this effect on me, whener i see you i get tongue-tied.

i wanted to tell the world how much i like you, but then words can't find it's way out from my mouth.

time will come, maaamin ko rin sayo kung gaano kita kagusto.

maybe tomorrow, on the next day, next week, next month.

it may take years bago ko maamin, but i can assure you that nothing or no one can change what i really felt for you, Arielle.

kung mahuhuli man ako dahil sa katorpehan ko, it's my fault.

atleast naamin ko na gusto kita.

i don't know how did it happen.

or when it happen.

basta ko na lang naramdaman na gusto kita.

i'm trying my very best para maamin ko na sayo kaso para akong nauubusan ng salita, nawawalan ng dila, nababakla kahit naiimagine ko pa lang na lalapit ako sayo.

those butterflies?

damn it, they're real! lahat sila nasa tyan ko pag nakikita kita.

this is so gay.

always remember i like you, Arielle.

"gosh!" sigaw ni Kat.

"nakakakilig!!!" dagdag nya.

"sino kaya 'to?" tanong ko.

"magsulat ka kaya? feeling ko babalik pa yang secret admirer mo dito sa locker mo eh, pag nagsulat ka pwede nyang mabasa di ba?" sabi ni Kat.

oo nga no?

kumuha ako ng ballpen at yellow paper sa locker ko.

Dear Mr. whoever-you-are,

I appreciate it, Thanks. sobrang kalat ng locker ko tas nagawa mo pang linisin. I guess you knew about Clyde, tingin ko sya yung tinutukoy mo. yeah, we're friends since highschool, nakakagulat at alam mong nagconfess sya sa akin. boys and their instinc.

you can always approach me, hindi ako nangangain ng tao, mabait ako. gahd this is the first time na magsusulat ako sa Secret Admirer???

peice of advice...

if you like someone, you should fight. Right?

ang ganda ko naman yata ngayon? nakakaloka kayo!

why do i feel like i know you?

weird.

so Mr. whoever-you-are, walang mangyayari kung tutunga-nga ka lang dyan!

you like me right?

then prove it!

-Arielle

tinupi ko kaagad yung papel. nilagyan ko pa ng pangalan na Mr. whoever-you-are.

sana na naman mabasa nya yun. parang kilala ko sya? or parang lang yun.

natahimik naman si Kat.

hawak nya yung papel, tinignan ko yun.

it's a drawing.

drawing ng mukha ko.

it was a candid artwork of me, i was laughing my heart out.

how did he manage to draw me?

nakauniform pa ako dun sa drawing at feeling ko garden yung background.

"hey Kat, ayos ka lang?" tanong ko.

"ah, yeah" sagot nya.

nilagay ko na sa locker yung sulat ko tas bumalik na kami sa garden.

*Kat's PoV*

i can't belibit!

i kennat!

really!

yung drawing!

yung drawing!

yung drawing!

"para kang tanga dyan" sabi ni Arielle.

"sama nito" sabi ko.

di ba pwedeng in shock pa rin ako dahil sa mga nalalaman ko? like hello! nililigawan na pala sya ni Clyde, tas may secret admirer pa sya, na feeling ko alam ko na kung sino.

hay Arielle, Arielle, Arielle.

nabasa ko pa yung sagot ni Arielle, sa sulat ni Secret Admirer.

parang gusto nya pang paaminin eh.

pag umamin si Mr. Secret Admirer, edi manliligaw din sya, eh kaso nanliligaw na nga si Clyde. so dalawa ang manliligaw ng lola nyo!

mas mawiwindang ang lola nyo pag nalaman nya kung sino yung Admirer nya.

Mr. Secret Admirer ni Arielle, i know who you are. kilos kilos din pag may time! galaw galaw naman! nako pag naunahan ka! nako! hahahaha hindi namin yun hahayaan! kailangan mo ng manligaw kay Arielle!

lagyan mo naman ng excitement ang buhay pag-ibig ni Arielle. hindi yung may nanligaw sa kanya, nagustuhan na din nya tas the end na.

dapat may 3rd party! para masaya! pero hindi ibig sabihin nun ikaw yung kontrabida.

truth is walang nakakaalam kung sino sa inyo ang makakatuluyan ni Arielle. and that my dear is the excitement in this whole story.

HAHAHAHAHA I'M SO GREAT!

*end of chap*

An*

hello :)

comment. vote. share. hahahaha anything.

thanks for reading my story :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top