The Signs
*Arielle's PoV*
It's weekend. I'm up this early kasi kailangan kong kausapin yung tatlo. I badly need their help. Hays.
I just fished something to wear in my closet then i'm done.
Nakashorts lang ako at t-shirt and a pair of sneakers.
I texted them about dun sa meeting place namin sa MOA.
Bumaba na ako, kailangan kong umalis agad baka kasi matraffic ako sa edsa, siguro mag MRT na lang kaya ako? Kaso baka naman puno. Ayoko pa namang ipinagsisiksikan yung sarili ko -___________-
"Goodmorning, My love" bati sa akin ni kuya.
Teka? Bakit mukhang aalis din sya?
"Saan ka pupunta?/where are you going?" Sabay naming tanong.
Nagsukatan kami ng tingin.
"MOA" sabay naming sagot.
"We're really meant to be, My love" nakangising sabi nya sabay kindat.
"Kilabutan ka nga kuya!" Nandidiring sabi ko.
Tinawanan lang nya ako. Siraulo talaga.
"Sumabay ka na sa akin" offer nya.
Sino ba ako para tumanggi? Aba't makakatipid kaya ako sa pamasahe hahahaha
Tumango ako at sumunod ako sa sasakyan nya.
Naupo ako sa shotgun seat.
This car is second to the most private place ni kuya, yung una ay yung penthouse na binili nya noon. I wonder bakit hindi sya dun timitira? Tsk nakikisama pa sya bahay para manggulo!
"I'll tell lolo, na padalhan ka ng sasakyan" sabi nya.
Nagliwanag naman yung mukha ko. Pinakamagandang sinabi nya sa akin so far. HAHAHA
"kuya gusto ko ng Lamborghini" sabi ko.
"Sira ka ba?! Ako nga naka Porsche lang tas ikaw Lambo?!" Reklamo nya.
Tsk. Damot! Ako na lang tatawag kay lolo mamaya, ha! Akala nya ah!
Hindi ko na lang sya kinibo. Nagstart na syang magdrive palabas ng village namin. Tahimik lang kami. Well ayoko syang kausapin no! Nakakainis naman kasi eh!
Nilibot ko yung tingin sa loob ng sasakyan nya. Bagong padala lang 'to ni lolo eh.
Teka? Is that a...
OMG!
"Kuya ilang babae na yung nasakay mo dito?" Tanong ko.
Kunot noo syang napatingin sa akin.
"Why ask all of a sudden?" Tanong nya pabalik.
Binuksan ko yung cabinet sa harap ko.
"Bakit may bra dito?" Tanong ko.
Nanlaki yung mata nya tsaka hinablot agad yung bra tas tinapon sa daan.
"What the hell, Arielle" nagtitimping sabi nya.
"Answer me, kuya! What was that thing doing here?!" Tanong ko.
Napa-buntong hininga sya.
Alam ko naman talaga yung sagot, he's a playboy by heart and by blood. Saan pa ba magmamana? Edi kay lolo at papa -_______-
"It's none of your business, My love. So drop it" malamig nyang sabi.
Natahimik ulit kami, then the sealed envelope caught my attention.
"What's this?" Tanong ko.
He silently cursed.
"Bakit ba ang pakialamera mo?!" Inis nyang tanong.
"Just answer me, bakit may nakasulat na 'Confidential' dito?" Tanong ko.
"Give it back to me!" Reklamo nya.
Mas lalo akong na-curious sa laman ng envelope. Hmmm my, my the devil is hiding a little secret. Napangisi ako.
Naiinis na sya.
"Ibalik mo yan, Arielle" he said in his warning tone.
Hindi ako natatakot kuya.
"Don't use that tone on me kuya, it won't work" pakanta kong sabi.
"ARGH!!!"
Pilit nyang inaagaw yung envelope sa akin. Sht! Baka mabunggo kami!
"Sabihin mo na yung laman nito, kuya" sabi ko.
Binuksan ko yung bintana.
"Or else itatapon ko 'to" banta ko.
"You're such a brat!" Singhal nya sa akin.
"Thanks" nakangiting sabi ko.
"Ano bang nakita ng dalawang manliligaw mo at nagkagusto sila sayo?!" Inis nyang sabi,
Hindi ko na lang sya pinansin, nilabas ko sa bintana yung envelope.
"Fine! Fine! Sasabihin ko na! Just close the fcking window!" Sabi nya.
I smiled secretly. Hahahaha i won again!
"Naghire ako ng private investigator" panimula nya.
Bakit?
"Open the envelope, My love" sabi nya.
So i did. Medyo makapal yung envelope meaning maraming laman.
"Sino 'to?" Tanong ko tas hinarap ko sa kanya yung picture.
Ang ganda nyaaaaaa! She has this ash gray hair and green eyes.
Hindi sumagot si kuya.
I checked the other papers.
Marielle Louisse Dela Rosa
18 years old, sole heiress of the Dela Rosa empire
Teka? Parang narinig ko yung name na yun. Saan ko nga ba narinig yun?
Habang iniisip ko kung saan ko narinig yung name, i scan the other papers.
0_____________0
"Kuya bakit ang daming lalaki? At bakit nandito ka rin?" Tanong ko.
May ilang papers na naglalaman ng brief information tungkol sa mga lalake.
1, 2, 3, 4.....11?!
Anong ginagawa ng babaeng 'to sa mga lalakeng 'to? At bakit kasama si kuya?!
"Care to explain?" Tanong ko naguguluhan na ako.
"Eleven, eleven eligible bachelors around the world ang tinakbuhan nya sa kasal. Including me" sagot nya.
0___________0
So sya yung bride to be ni Kuya pero hindi sya sinipot?!
Wow. I want to meet her!
Idol ko na sya!
"Bakit sya tumatakbo sa kasal?" Tanong ko.
"Bakit mo sya pinaiimbestigahan?" Tanong ko ulit.
Hindi nya ako sinasagot.
"We're here" sabi nya.
Hindi pa rin ako bumababa, ayoko! Kailangan kong malaman!
I'm curious about this girl! Eleven different weddings ang tinakbuhan nya! She must be something!!!!
"Answer me!" Sabi ko.
Tinulak nya ako palabas ng sasakyan! Nyemas huhuhuhuhuhu ang bad!
"Revenge" sabi nya.
Ha?
"I'm planning a revenge" sabi nya tas umalis na.
Owkaaaaaaay?
Nagpunta na ako sa dessert shop na meeting place namin. At ayun yung babaita kumakain na! Jusme!
"Oh buti naman dumating ka na" sabi ni Nadia.
"Ba't bigla kang nagyaya?" Tanong ni Ellena.
Si kat?
Ayun kain ng kain ng sweets hindi na nakapagsalita HAHAHAHA
"kain muna tayo" sabi ko.
"Kanina pa namin ginagawa yun" sagot ni Nadia.
Natawa ako. Potek talaga! Haha
Umorder na ako ng sweets tas frappe.
"So kwento mo na" sabi ni Kat. Tapos na kasi syang kumain.
So ayun, kinuwento ko yung panaginip ko, blah...blah...blah.
-///////////-
Pati na rin yung "Ganon kita kamahal" and "I love you"
"KYAAAAAAAAAH!" tili nila. Si Kat naman wagas makahampas sa braso ni Nadia, shucks! Buti hindi ako yung katabi nya!
Pinagtinginan kami sa loob ng shop, humingi na lang ako ng paumanhin sa kanila. Hays kahiya -_______-
"Omg! Omg! Omg! May pinili ka?" Tanong ni Nadia
"Sino?" Tanong ni Ellena.
"Drei or Clyde?" Tanong ni Kat.
That's the main reason why i'm here.
"The problem is...hindi ko talaga alam kung sino yung pipiliin ko" sagot ko.
Bigla silang nagpokerface.
Eh kasi totoo naman! Hindi ko talaga alam! Oh gahd!
A moment of silence.....
"Alam mo tama si lolang manghuhula eh, kailangan mo ng mamili" sabi ni Nadia.
"Hindi na dapat patagalin 'to, para din sa ikabubuti ng hindi mo mapipili, di ba? Para maka move on agad" sabi ni Ellena.
"Tama tama! Kaya mamili ka na! Imposibleng walang epekto yung sinabi ni Clyde at Drei sayo" sabi ni Kat.
Epekto?
"Ano nga bang naramdaman mo sa sinabi nila?" Tanong ni Nadia.
"Nagulat" sagot ko.
"Yun lang?" Bored na tanong nila.
Ano ba dapat ang maramdaman ko?
"Hindi ka man lang kinilig? Or napasabi ng 'i love you too' or 'mahal din kita'?" Tanong ni Kat.
"Hindi no! Hindi nga ako nakaimik nung sinabi nila yun eh" sabi ko.
Naiwan akong tulaley after sabihin ni Drei yung 3 magic words na yun eh, nagulat na lang ako kay kuya kasi bigla syang dumating tas wala na pala si Drei.
Natahimik ulit kami.
"Oi teka sya yung apo ni lolang manghuhula di ba?" Tanong ni Nadia.
Napalingon ako sa counter, sya nga! Yung magandang babae!
"Ate!" Sigaw ni Kat.
Sinaway naman sya ni Ellena dahil ang ingay nya, lumingon sa amin si Ate.
"Kayo pala" sabi nya. Naalala nya kami.
"Kamusta po? Hindi pa po kami nakakabalik sa shop nyo para magpahula" sabi ni Ellena.
Pansin kong bigla syang naging malungkot.
"Oo nga po, gusto ko po ulit magpahula" sabi ni Kat.
"Galing po ako sa shop nyo nung nakaraang araw, kaso sarado" sabat ko. Napalingon naman sila sa akin.
"Hindi na magbubukas yung shop" malungkot na sabi ni Ate.
Bigla akong kinabahan.
"Bakit po?" Malungkot na tanong ng tatlo.
"Wala na kasi si lola, actually 40 days nya nung nakaraang araw nung pumunta ka Arielle" sabi nya.
Nagulat ko.
"Condolence po" sabi ko.
Tipid lang syang ngumiti.
Natahimik kami, ang awkward na kasi masyado na kaming naging personal kay Ate.
"Dinalaw ka ba ni lola?" Tanong nya.
Para akong nawalan ng hininga sa sinabi nya, hindi ako makapag salita.
"Sabi kasi ni lola nung nakaratay sya sa hospital na hanapin kita at kamustahin ka" sabi nya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Gustong gusto malaman ni lola kung nakita mo na ba yung lalakeng nakatadhana sayo" dagdag nya.
"Kaso hindi kita mahanap, umasa akong babalik ka sa shop kaso hindi na, hanggang sa mawala na si lola. Tumigil na ako sa paghahanap tas nung nakaraang araw napanaginipan ko sya at sinabi nyang sya na lang daw ang kakamusta sayo" sabi nya.
Biglang tumaas yung balahibo ko, that was really creepy.
"I believe she visited you in your dreams" sabi nya.
Tumango ako.
"Hindi na ako magtatanong pa, kailangan ko na ring umalis" sabi nya.
Tumayo sya dala yung mga sweets na pinamili nya.
"Arielle, do you believe in signs?" Tanong nya.
"Ha?" Tanong ko.
Anong signs?
"I believe the signs can help you identify which one of them is 'the one" sabi nya sabay labas sa shop.
Natameme kami. What the hell did just happened?!
"Wala na si lola" bulong ni Kat.
"Sumalangit nawa ang kaluluwa nya" bulong ni Nadia.
Napabuntong hininga ako.
"Signs, sabi ni Ate makakatulong sayo ang mga signs" sabi ni Ellena.
Napatingin kami sa kanya.
"Yun ba yung, kapag binigyang ka nya ng violet na rose or something sya na yung the one mo?" Tanong ko.
Natawa si Ellena.
"May signs ding ganon" sabat ni Nadia.
"Gumawa ka ng signs" suggestion ni Kat.
Signs? Totoo ba yun?!
May nilabas si Ellena na maliit na notebook.
"Signs ang makakatulong sayo, Arielle." Seryosong sabi nya.
"Paano?" Tanong ko.
"Actually nakagawa na ako ng signs, para sa akin dapat 'to kasi naalala nyo ba yung hula ni lola sa akin? Sabi nya sabay na darating yung soulmate ko pati si 'the one' so gumawa ako ng signs para pag dumating yung araw na kailangan kong mamili magagamit ko" sabi ni Ellena.
"Since sa tingin ko wala pa sila, ikaw na lang gumamit" nakangiting sabi nya.
"Anong signs ba yan?" Tanong ni Kat.
"Yan din ba yung bibigyan ng kung ano ano si Arielle para malaman na sya si the one?" Tanong ni Nadia.
Hindi ko sila maintindihan! Huhuhuhu
"Hindi, matatagalan kasi kapag ganon, buti na lang hindi ganon yung signs na ginawa ko" sabi ni Ellena,
"Eh anong signs yan?" Naguguluhang tanong ko.
"Itong signs, sa sarili mo 'to. Meaning yung sarili mo yung oobserbahan mo" sabi nya.
"So hindi mo na kailangang maghintay, na mabigyan ng kung ano ano" natatawang sabi ni Kat.
Ha?
"Patingin nga ako" inis na sabi ko.
Inabot nya sa akin yung notebook.
10 signs that you've already fallen
1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart.
2. You can't stop blushing.
3. You're ALWAYS conscious about your appearance when you're with him.
4. You can't think straight.
5. He's the only thing on your mind.
6. Butterflies are partying inside your stomach whenever he's around.
7. You ALWAYS feel the "it's-to-good-to-be-true" feeling when you're with him.
8. You can't stop staring at him. And ask yourself "bakit ang swerte ko?".
9. You're jealous over small things or someone.
10. You've imagined your whole future with him.
"SERYOSO TO?!" gulat na tanong ko.
"Patingin nga!" Sabi ni Kat.
Inabot ko sa kanya tas nakibasa na rin si Nadia.
"Oo seryoso yan" sagot ni Ellena.
"Bakit parang ang hirap?" Tanong ko,
"You just have to assess your feelings" sabi nya.
Nabigla ako sa English nya ah. HAHAHAHA
"Oo, it's about time" sabi ni Kat.
Aba't nag english din.
"Let these signs guide you in the search for The One" sabi ni Nadia.
-____________- gravity maka English naman nose blood na dito oh!
"Kailangan pag kasama mo sila, tinitimbang mo yung feelings mo at DAPAT MEMORIZE MO YUNG SIGNS!" sabi ni Ellena.
Tumango yung dalawa bilang pagsang-ayon.
Pinunit nya yung papel sa notebook nya tas binigay sa akin,
"Keep it, memorize ko na yan. Nandito lang kaming tatlo sa likod mo" sabi ni Ellena sabay ngiti sa akin.
"Sa likod lang kami ah" sabi ni Kat.
"Susuportahan ka namin, kung sino man ang mapili mo" sabi ni Nadia.
Awwwwwwww, i'm so lucky to have them as my friends.
"My love!"
-____________-
When will he stop?
Napalingon yung tatlo akala mo sila yung tinawag eh.
"Hi" bati ni Kuya sa tatlo.
Namula naman sila.
Juicekopo!
Napangisi si kuya! Juicecolored.
"Kuya! Stop flirting with my friends" bored na sabi ko.
Napaawang naman yung bibig nung tatlo.
"KUYA!?" sabay nilang sigaw.
Naupo si Kuya sa tabi ko. Ininom pa ng magaling yung frappe ko! Tsk!
"Yeah, kuya ko sya" sabi ko.
"Akala namin--" Sabay nilang sabi pero pinutol ko.
"Akala nyo lang yun, kuya ko sya period! Magkadugo kami eh" sabi ko.
Natawa naman si kuya.
"I'm Lance by the way. Nice to meet you" nakangiting sabi ni Kuya.
Yung tatlo naman kilig na kilig. Jusme!
"Arielle, pinapauwi na pala tayo ni mama" sabi ni kuya.
I glanced at my risk watch, almost lunch pa lang naman ah.
"Bakit daw?" Tanong ko.
He just shrug.
"I'll wait you in the parking lot" sabi nya sabay alis.
Hays. Kuya. Hilig mangiwan. Karma nya siguro yung hindi sya sinipot ng bride to be nya sa kasal nila eh.
"Ahm alis na ako" sabi ko.
Nabalik naman sila sa katinuan.
"Wag yung kuya ko, playboy yun" inunahan ko na sila.
Natawa naman sila.
"Nagwapuhan lang kami" sabi ni Kat.
"Oo nga, possessive little sister" sabi ni Nadia.
Inirapan ko sya.
"Sige na umalis ka na, basta yung signs ah! Wag mong kakalimutan" sabi ni Ellena
Tumango ako at lumabas na ng shop, mukhang magsho-shopping pa sila eh.
Nilabas ko sa bag ko yung papel kung saan nakasulat ang signs at binasa ulit ito.
*boooogsh!*
"ARAY!" reklamo ko, grabe! Napaupo pa ako dun ah!
"I'm sor--ARIELLE?!"
*dug.dug.dug.dug.dug*
Should i consider this as one point dun sa signs?
"Drei"
*end of chapter*
An*
Hiiiiiiii :)
I'm planning to write a sidestory pag natapos ko na 'tong Dear Crush. It's about Lance at si Marielle the bride na tumatakbo plus si Drei or Clyde (kung sino mang hindi mapili ni Arielle HAHAHAHA sino nga bang pipiliin?hahaha)
So ayun, hope you like my UD :)
Comment.Vote.Be a fan? HAHAHAH charaught!
Lovelots <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top