The Notebook
*Arielle's POV*
ask.fm- eto yung site na pwedeng pwede kang magtanong sa kahit na sino ng hindi nalalaman yung identity mo...
:)
me: kilala mo ba si Arielle Marie Guevarra?
damn. itatanong ko ba or what?!
ugh! itatanong ko na nga!!!
Drei: ya -______-
(0___0) omg...
kilala nya ako?!
nasa klase ako ngayon. wala eh boring kaya nagsstalk na lang ako tas napagtripan kong mag ask.fm kay Drei.
me: bakit ang sungit mo?
*beep*
Drei: hindi ah, friendly kaya ako :)
weh?! parang di noh! mukha kaya syang masungit -___-
scroll lang ako ng scroll sa mga tanong na nasagot na nya.
Question: say 'Hi' to Arielle please?
Drei: Hi Arielle :)
Q: anong gusto mo sa babae?
Drei: sorry mataas yung standards ko eh :)
ANSABE?! goodluck Arielle asa ka pang maabot mo yung standards nya.
Q: May crush ka na ba?
Drei: ya -___-
Q: Anong first letter ng name nya?
Drei: I
OK I'M DONE!
ayoko na magstalk! wala akong napapala eh -___-
nasisira lang araw ko eh. tsss yung ibang tanong dun for sure sila Kat yung nagtanong nun. nakakahiya!!! puro ba naman Arielle yung nandun jusme -___-
last na tanong na lang pramis.
me: gusto mo ba yung babaeng magaling kumanta?
sana sagutin nya pag sinagot nya yan haharanahin ko na sya! hahaha jk lang :)
*beep*
Drei: yes. sino ba to? PM me.
OMG! PM DAW?!
nakakaloka di pa nga kami friends sa fb eh -_____- sadnu?
ayoko na nga!
"dismissed" sabi nung prof.
bilis naman!
inayos ko na yung gamit ko. tas lumabas na. hinihintay pala nila ako sa labas.
"napaka bagal kumilos" sabi ni Kat.
"mukha kang sabog" sabi ni Nadia.
"anyare ba?" tanong ni Ellena.
"tigilan nyo ng magtanong kay Drei sa ask.fm ah" sabi ko tas nauna na akong maglakad. hays
"SIGE WAG KA NA MAGTANONG KAY DREI SA ASK.FM ARIELLE MARIE GUEVARRA!" sigaw ni Kat.
"OO NGA WAG KA NA MAGTANONG KAY DREI!" dagdag ni Nadia.
"PURO PA NAMAN ARIELLE YUNG TANONG SA ASK.FM NI DREI!" sabi ni Ellena.
nilingon ko sila at
0____________0
literal na nga-nga ako eh.
kaya pala sila sumisigaw. akala ko nasa likod ko sila, yun pala si Drei kasunod ko lang.
anak ng tipaklong naman! ugh!
nakatingin sya sa akin as usual gamit ng bored look nya.
yumuko na lang ako tas tumalikod sa kanya. jusme yung tuhod ko nanlalambot!!!
huhuhu parang gelatin!
thank God at nakalakad pa ako palayo sa kanila!
woooh!
nung makakita agad ako ng bench, naupo agad ako dun. shemay nakakahiya!!! Arielle!
"HAHAHAHAHA"
tawa pa sige lang. huhuhuh :(
"epic yung mukha mo!" sabi ni Nadia.
"nga-nga eh" sabi ni Kat.
"hahaha tagal nyong nag eye to eye ni Drei ah" asar ni Ellena sa akin.
natampal ko na lang yung noo ko.
ayoko na gusto ko ng umuwi huhuhu
wala na akong kahihiyan, grabe nakakahiya kay Drei mukha siguro akong shunga dun kanina.
"kain na tayo, nagugutom na ako eh" sabi ko sa kanila.
magsstress eating na lang ako.
kumain kami sa KFC dami kong order huhuhu kailangan ko to!
"Arielle baka tumaba ka naman nyan?" sabi ni Kat.
"mataba naman talaga si Arielle eh" sagot ni Nadia.
"grabe kayo, stress na nga yung tao eh" sabat ni Ellena. huhu thanks pinagtanggol nya ako.
"di sya tao! baboy sya!" sagot ni Nadia.
osige na! baboy na!
"ang sama naman" sabi ko tas pout.
"Hi Nadia!"
napalingon kami. si Thor lang pala...
0___0 kasama nya si Drei!!!
"ibabalik lang ni Drei yung napulot nya kaninang umaga" sabi ni Thor.
ayokong tumingin kay Drei! nahihiya ako! ayoko ayoko ayoko!
kain lang ako ng kain. bahala sila dyan!
"oh"
0___0 *coughs...coughs*
PAANO NAPUNTA SA KANYA YUNG DC NOTEBOOK KO?!
uminom ako ng tubig tsaka ko inagaw yung notebook. nyemas nabasa nya kaya?!
huhuhuhu nakakaloka!
kill me now!!!
"n-nabasa mo?" mahinang tanong ko.
"oo" sagot nya.
wala na. gumuho na yung mundo ko.
natahimik kami sa table, paano kasi alam ng tatlo yung laman ng notebook ko.
anong gagawin ko?!
"ah ano aalis na pala kami guys naman late na tayo!!!" sabi ni Ellena.
napatingin ako sa relo ko. maaga pa. pero wala akong pake!!!
"gosh!" sabi ko.
tumayo na ako. tsaka nagmadali akong lumabas.
ano bang klaseng araw to?! puro na lang kahihiyan
bahay**
di na ako pumasok sa klase. tutal isa na lang naman yun. ganon din yung tatlo.
tambay na lang kami sa bahay.
tahimik lang sila.
kinuha ko yung notebook ko. tas kumuha din ako ng lighter. susunugin ko na to!!!!!
"oi Arielle! susunugin mo talaga?" tanong ni Nadia.
"wala ng kwenta to" sagot ko.
"paano ba nalaglag yan?" tanong ni Kat.
"nung paglingon ko siguro -__- nalaglag tas di ko napansin" sagot ko.
sinunog ko na.
wala ng DC Notebook :(
"ano ng balak mo?" tanong ni Ellena.
balak ko?
maglalayas ako tas magpapapalit ako ng mukha! huhuhuhu
ayoko ng pumasok sa school!!!
"bakit di ka mag install ng diary app?" sabi ni Nadia.
"ano yun?" tanong ko.
"app" sagot ni Kat.
wow -_______-
"sa phone mo lang yun atleast mas safe kapag ganon" sabi ni Ellena.
"di ba pwede ding mabas@$/#($/*"
ano daw?!
"anong sabi mo Kat?" tanong ko.
"wala.akin na yung phone mo install ko na lang yung app" sabi ni Nadia.
binagay ko sa kanya yung phone ko.
mas ok na siguro kung sa phone ako magsusulat no? mas safe daw sabi ni Ellena?
nasanay na kasi akong nagsusulat ng kadramahan ko sa buhay eh. parang may kulang sa araw ko pag di ako nagsusulat sa Diary or what.
hays.
ngayon... paano ako papasok sa school ng hindi napapansin ni Drei?!
kailangan ko ng disguise!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top