The Dinner
*Arielle's PoV*
hmmm...
teka?
where am i?
nasaan ako?
bakit tinagalog ko lang?!
minulat ko yung mga mata ko.
bakit ako natulog sa damuhan?
bakit ako naka puting dress?
bakit ako naka-paa?
bakit ba bakit ako ng bakit?
pinagmasdan ko ang paligid ko, maaliwalas at payapa.
nasa langit ba ako?
tumayo ako at naglakad. hindi ko alam kung saan ako pupunta? may hangganan ba dito?
"Arielle"
wtf? sinong tumawag sa akin?
"Arielle"
"sino yan?" tanong ko.
"Arielle, hija"
napalingon ako.
isang magandang babae ang sumalubong sa akin.
para syang dyosa, hindi tingin ko dyosa talaga sya!
"sino ka?" tanong ko.
"Arielle, hija. ako 'to. ako yung nang hula sayo noon. naaalala mo pa ba?" mahinahong tanong nya.
0_________0
"ba-bakit ka b-bumata?!" kinakabahang tanong ko.
"wala ng panahon, hija. hindi ko na kinayang maghintay sa pagbabalik mo" sabi nya.
"anong ibig mo pong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
"oras ko na kasi. di ba sabi ko sayo bumalik ka sa akin pag nakita mo na yung 'the one' mo" paliwanag nya
"ha?"
naguguluhan talaga ako.
natawa sya. ang ganda nyaaaaaaa!
"darating yung panahon na kailangan mo ng mamili sa dalawa" sabi nya.
"sa dalawa?" tanong ko.
"oo, kila Clyde at Alexandrei" sagot nya.
"hindi ko alam" wala sa sariling sagot ko.
"you have to choose one or you'll lose them both" sabi nya.
naguguluhan ako. hindi ko alam ang isasagot ko. hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
biglang lumabas si Clyde at Drei sa kung saan, napagitnaan nila yung magandang manghuhula.
"Arielle, hija I think it's about time" sabi nya.
"ayokong mamili" halos bulong na sabi ko.
"ayaw mong mamili dahil ayaw mong masaktan yung isa. hija sa ginagawa mo mas lalo mo lang masasaktan yung taong yun" paliwanag nya.
ayokong mamili! ayoko!
but i have to.
"hija" naaawang sabi nya.
napatingin ako kila Clyde at Drei, na malungkot ang mukha nila.
sabay nila akong tinalikuran, na para bang hindi nila ako kilala.
may lumabas na dalawang pigura ng babae, yung isa kaakbay ni Clyde at yung isa naman kayakap ni Drei.
i felt my tears streamming down my face.
what have i done?
"hija, tao din sila. napapagod yan" sabi nya.
pero kung gusto talaga nila ako, hindi nila ako susukuan, hindi nila ako tatalikuran.
ayaw ng tumigil ng mga luha ko.
"ang sakit" naiiyak na sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.
"kung wala kang pipiliin, lahat kayo masasaktan. sa buhay pag-ibig, meron talagang masasaktan at magpaparaya. natural lang yun, pero hija kung wala kang pipiliin tanga ang tawag dun. wag mo na silang dagdagan, over populated na eh" sabi nya.
hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi nya or magagalit eh.
pinunasan ko yung luha ko.
"paano ako makakapili?" tanong ko.
"it's for me to know and for you to find out" nakangiting sabi nya.
"decide which one, always remember. magpadala ka lang sa hangin at hayaan mo ang tadhana na gabayan ka" sabi nya.
unti unti syang naglaho hanggang sa ako na lang ang naiwan dito.
hayaan ang tadhana na gabayan ako.
*Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!*
-_______________-
what the hell was that?!
"bakit di nyo ako ginising? nananaginip na nga ako ng masama wala pa rin kayong ginawa!" reklamo ko.
"meow"
"arf"
oo, si A at Demon yung kausap ko. bastos na 'to di man lang sumagot.
oh well ang aga ko na namang nababaliw. kasi naman kasi yung panaginip na yun eh!
napahilamos ako sa mukha.
ANONG KLASENG PANAGINIP YUN?!
Di ko akalaing makakatulog pa ako ah. I glanced at my wall clock. 9:00 pa lang pala, mamaya pa naman yung klase ko.
"decide which one, always remember. magpadala ka lang sa hangin at hayaan mo ang tadhana na gabayan ka"
Tsk. Sumasakit yung ulo ko dahil sa panaginip na yun ah.
Tumayo na ako at nagtungo ng CR, maaga akong papasok, hihingi ako ng tulong sa tatlo.
May point naman kasi talaga yung manghuhula eh, kailangan ko ng mamili sa dalawa.
Hays.
After 1 hour
"Goodmorning Ma" bati ko.
"Goodmorning, Anak" bati ni mama sa akin.
"Papasok na po ako" paalam ko.
"Wait, Arielle. May problema ba kayo ng kuya mo?" Tanong nya.
Tsk, paano ko ba sasabihin 'to? Eh hindi ko pa rin pinapansin yun eh.
"Wala naman, Ma" sagot ko.
"Are you sure? Worried lang ako, Arielle. Hindi kasi kayo naguusap" nagaalalang sabi ni mama.
"Don't worry, Ma" nakangiting sabi ko at humalik sa pisngi nya.
"I have to go" sabi ko.
"Di ka ba susunduin ni Clyde?" Tanong nya.
"Di siguro, medyo busy yata sya ngayon eh" sagot ko.
"Hmmmm. Don't tell me may problema kayo?" Tanong nya.
"Wala, mama hahaha alis na ako" sabi ko.
Isa pa yung impaktong yun! Di pa rin talaga sya nagpaparamdam eh! Boset!
"Tsk! Nakakainis naman eh! Magtataxi na naman ako!" Reklamo ko habang binubuksan yung gate.
"Missed me?" Nakangising tanong ng impakto pagbukas ko ng gate.
0____0
"Mukha mo! Anong ginagawa mo dito?!" Inis na tanong ko.
Aba't ang impakto tinawanan lang ako!
"I missed you too" sabi nya.
0////0
"Siraulo!" Sabi ko.
"Nasaan yung sasakyan mo?" Tanong ko.
"Wala, nasira eh. Ok lang ba kung magco-commute tayo?" Tanong nya.
"May magagawa pa ba ako?" Bored na tanong ko.
Kinuha nya yung bag ko at sya nagdala, baliw talaga eh. Tsk! Saan ka nakakita ng gwapong medyo macho na lalake na may bitbit na sling bag?! Hays.
Naglakad na kami palabas ng village. Tahimik lang kami.
Ako lang ba? O talagang may tension sa pagitan namin?
Ang awkward eh.
"Bakit di ka nagparamdam?" Pambasag ko sa katahimikan.
"Hindi naman kasi ako multo" seryosong sabi nya.
*poinks*
"ARAY! BAKIT KA NAMBABATOK?!" reklamo nya.
"Sumagot ka kasi ng maayos!" Inis na sabi ko.
"Ano...ahm nawala yung phone ko..tama nawala sya" sagot nya.
"Really Clyde? I won't buy that" masungit na sabi ko.
"Hays, akala ko kasi galit ka" sabi nya.
"Galit?" Natatawang tanong ko.
"Wag mo akong tawanan!" Reklamo nya.
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko.
"Dahil dun sa nangyari nung nakaraang araw" sagot nya.
Natahimik ako.
Natahimik ulit kami.
"Alam mo bang natakot ako?" Mahinang tanong nya.
Nilingon ko sya, seryoso sya ngayon. Tatahimik na lang muna ako.
"Natakot ako sa sinabi mong hihindian mo kami" bulong nya.
Natigil yata yung paghinga ko sa sinabi nya.
"Natakot ako na baka mawala ka na lang bigla" sabi nya.
"Natakot ako na baka lumayo ka" dagdag nya.
"Takot na takot ako" bulong nya.
Oh gahd. I can't breathe!
Pinagmasdan ko sya, nakayuko sya, seryoso. Ibang-iba sa impaktong kilala ko.
"Pero sa sinabi mong yun mas lalo kitang hindi susukuan" nakangiting sabi nya.
"Walang makakapigil sa akin" natatawang sabi nya.
Silence....
"Pero kung sasabihin mong tumigil na ako...titigil ako" sabi nya.
Ano ba naman, Arielle magsalita ka! What the hell?!
"Alam ko namang darating yung araw na kailangan mong mamili sa aming dalawa...sabihin mo lang, isang salita mo lang, titigil ako" sabi nya.
Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglakad, ayoko yung topic namin! Ayokong pagusapan yan!
"Kung sya man yung pipiliin mo, masakit man pero...titigil ako, sabihin mo lang" sabi nya.
"Ganon kita kamahal"
Napatigil ako sa paglalakad kasabay ng pagkabog ng puso ko.
What the hell did he just said?!
Nilingon ko sya, nasa likod ko na sya. Nakatayo, nakayuko.
"C-Cly--"
"Pero wag muna ngayon, please. Hayaan mo muna akong samahan ka ng mas matagal. Hayaan mo muna akong patuyan yung sarili ko sayo" sabin nya.
Naglakad sya papalapit sa akin.
"I won't end this without putting up a good fight" seryosong sabi nya.
Inangat nya yung tingin nya sa akin at nagtama ang tingin namin.
Those dark brown eyes that once caught me.
Ngumiti sya but it didn't reach his eyes.
"Tara na" hinawakan nya yung kamay ko.
"Parang ayoko ng pumasok ngayon" sabi nya.
Nilingon ko sya sabay hampas sa balikat nya.
"Nababaliw ka na ba?! May klase tayo" sabi ko. At last nahanap ko din yung boses ko.
"Dalawa lang yun tas minor subjects pa, anong nirereklamo mo?!" Inis nyang tanong.
Tignan mo 'to! Kanina ang seryoso nya, tas biglang ngumiti though alam kong fake yun, tas biglang masusungit?!
"Meron ka ba?" Tanong ko.
"What the hell, Arielle?!" Ooops. Inis na talaga sya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Mahinahong tanong ko.
"Basta" nakangiting sabi nya.
Tsk. Bipolar!
Kinaladkad nya ako papasok sa loob ng tricycle, ramdam ko pa rin yung tension pero ngayon magaan compare kanina.
"Ganon kita kamahal"
"Ganon kita kamahal"
"Ganon kita kamahal"
ARGH!!!!!!
mahal nya ako?!?!?!?!
"May problema ba?" Nagaalalang tanong nya.
Tinignan ko lang sya.
Etong lalakeng 'to mahal ako pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman!
"Oi" sabi nya sabay yug-yog sa balikat ko.
"Ha?" Tanong ko.
"Kung ayaw mo, tara na lang sa school" malungkot na sabi nya.
"Ano ka ba?! May sinabi ba akong ayaw ko?!" Inis kong sabi.
Bumaba na kami sa tricycle. Tinalikuran ako ng impakto! Aba't talagang!
"Ayoko ng tinatalikuran ako" malamig kong sabi.
Natigil sya sa paglakad nya.
"Hay... Tara na impakto, saan mo ba ako dadalhin?" Mahinahong tanong ko.
Lumingon sya sa akin ng nakangiti.
Bipolar -__________-
"Akin na yung phone mo" sabi nya
"Bakit?" Tanong ko.
"Para walang istorbo" sagot nya.
"Ayoko nga" sabi ko.
"Arielle naman, ngayon lang! baka kasi ito na yung huling beses na magkasama tayo" sabi nya.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi nya or what?! Anong huling beses?!
"Oh" sabi ko sabay abot ng phone ko.
In-off nya yun tas nilagay sa bag nya. Ganon din yung ginawa nya sa phone nya.
Hinila nya ako pasakay ng bus, yung totoo? Saan ako dadalhin ng impaktong 'to?!
Pinaupo nya ako malapit sa bintana.
"Tsk"
"Anong problema mo?" Tanong ko.
"Bakit ba kasi ang iksi ng skirt mo?" Tanong nya.
"Sira ka ba?! Standard length 'to ng skirt sa campus" sagot ko.
Kinuha nya yung hoodie nya sa bag nya, teka hoodie ko yun eh!
Pinatong nya sa lap ko.
"Bibili muna tayo ng damit, nakauniform kasi tayo eh" sabi nya.
Pumayag na ako at pumunta kami sa mall.
Pumasok kami sa penshoppe.
At ang impakto tinulak ako papasok sa fitting room
"Hoy! Mamimili ako ng damit!" Reklamo ko.
"Dyan ka lang at wag ka ng makulit" sabi nya at sinara yung pinto.
At nandito ako ngayon sa loob ng fitting room, kinulong ng impakto!
"Ganon kita kamahal"
What the eff?!
Ugh! Ayoko na huhuhuhuhuhu bakit Clyde bakit?!
"Oh" sabi nya sabay abot ng damit.
"Bilisan mong magbihis" utos nya. Ang demanding ah!
Sinuot ko na yung faded ripped jeans na bili nya, wow paano nya nalaman yung size ko?! Boset na yun!
Tas white shirt na medyo malaki sa akin na may nakasulat na 'no selfies please'
Really Clyde?! Hays.
Lumabas na ako, ayos na sana yung porma ko kaso naka black shoes ako, tsk! Hays paki ba nila sa suot ko?!
Nakita ko naman yung impakto sa labas naka upo tas may hawak na dalawang shades at dalawang pair ng rubber shoes.
"Rubber shoes" sabi nya.
"Magkano 'to?" Tanong ko.
"Bayad na 'to" sabi nya.
"Libre?" Tanong ko.
"Ano ka hilo?! Walang libre sa panahon ngayon" sabi nya.
Sinuot ko na yung rubber shoes.
Pareho pa kami! Nakakaloka!
Tinignan ko yung suot nyang damit. Naka black sya tas ripped jeans din.
"Isuot mo din 'to" sabi nya sabay abot ng shades.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko.
"Secret" sagot nya.
Tumayo sya at tinignan yung itsura namin malaking salamin.
"Ang jejemon" sabay naming sabi.
"HAHAHAHAHAHA" sabay din kaming natawa.
Nilabas nya yung phone nya.
"Picture tayo" sabi nya.
Ngayon ko lang napansin yung naka sulat sa shirt nya '#PicturePerfect'
Unfair tapos sa akin 'no selfies please' siraulo talaga!
Nagpose kami ng pang jeje kahit mukha kaming ewan sa loob ng penshoppe ok lang eh HAHAHAHA
"post ko 'to mamaya" natatawang sabi nya.
"Tara na" sabi nya at umalis na kami.
Naglakad kami around the mall naalala ko na dito pala kami nagpahula noon.
"Ahm impakto, may dadaanan lang ako" sabi ko.
Tumango sya.
Nagpunta kami sa shop ng manghuhula pero sarado na, ano kayang nangyari?
Umalis na lang kami at Sumakay kami ng taxi.
"Manong sa Baclaran po" sabi nya.
Simbahan? Anong trip neto?
Hindi ako umimik or nagreact. Kaya nga lang naguguluhan pa rin ako, anong gagawin namin sa simbahan?
Nakarating na kami sa Baclaran. Inanalalayan nya pa ako sa pagbaba, ang gentleman ah.
Hinawakan nya ako sa kamay at marahang hinila papasok sa loob ng simbahan, walang masyadong tao sa loob dahil walang misa, naupo kami sa pinakaharap.
Binitawan ako ni Clyde at lumuhod sya. Nagulat naman ako sa kanya. Hindi ko alam na may ganito syang side, akala ko puro kalokohan at kayabangan lang yung alam nya pero tignan nyo sya ngayon, mukha syang anghel.
Nakapikit sya at taimtim na nagdadasal. Napangiti ako, you never failed to surprise me, impakto. Kanina ka pang umaga.
Lumuhod na din ako at nagdasal.
Lord, tulong naman dyan, nahihirapan na ako dito eh. Kasalanan po ba 'to? Ayokong mawala sila sa akin, ayokong mamili sa dalawa. Ayokong may masaktan. Pareho silang importante sa akin, ang selfish ko ba dahil ginusto ko silang dalawa? Lord, tulungan nyo po ako, bigyan nyo ako ng sign kung sino sa dalawa ang pipiliin ko. Maraming salamat sa lahat.
Minulat ko ang mata ko at napalingon kay Clyde, nagulat ako dahil naka titig sya akin. Agad kong iniwas ang tingin ko at umupo na.
"Humingi ka ba ng tawad sa mga kasalanan mo?" Tanong ko.
Umupo na din sya.
"Oo tas nagpasalamat ako" sabi nya.
"Nagpasalamat? Para saan?" Tanong ko.
"Nagpasalamat ako sa Diyos, dahil nakilala kita" seryosong sabi nya.
0_________0
"Ah ha.ha.ha ang bait mo naman" nahihiyang sabi ko.
Ngumiti sya at tumingin muli sa altar.
"Drei!!!"
Napalingon ako bigla, at kelan pa naging Drei yung pangalan ko?!
"Drei! Anak halika dito"
Napatingin ako sa bata na Drei yung pangalan, sya pala akala ko kung sino.
"Kapag ikinasal ako, gusto ko sa simbahan na mas maganda pa dito" sabi ni Clyde.
"Maraming simbahan na magaganda ah" sabi ko.
"Ikaw ba saang simbahan mo gustong ikasal?" Tanong nya.
Ha?
Ako? Kasal? Saang simbahan? Bakit hindi nagtutugma? HAHAHAHA
"Kahit saan, basta ba sa lalaking mahal ko ako ikakasal eh" sagot ko.
"He's one damn lucky guy for having you as his bride" nakangiting sabi nya.
Nilingon ko sya, ngayon lang kita hindi mabasa Clyde. Hindi ko mabasa yung naiisip mo.
Tumayo na sya at hinila ako palabas ng simbahan.
"So saan na tayo? Tanong ko.
Ngumiti lang sya at hinila ako, habit na nya eh -__________-
"Dyan tayo sasakay?" Gulat na tanong ko.
"Oo, ayaw mo ba?" Tanong nya.
Kung saan kami sasakay? SA KALESA! JUSME
Tinignan ko sya. He won't be taking no as an answer.
Sumakay na kami.
"Manong sa Sea side po" sabi ni Clyde.
Umandar na yung kalesa, muntik pa ako malaglag buti na lang nahawakan ako ng impakto.
"Kahit ilang beses kang mahulog nandito pa rin ako, handang sumalo sayo" sabi nya.
-_________-
"Hindi mo ako sinalo, hinila mo ako" bored na sabi ko.
"Basag trip" bored din na sabi nya.
Nakarating na kami sa sea side. Wala kaming ibang ginawa kundi kumain ng kumain ng street food.
Inasar ko pa yung impakto dahil may baklang nagpapicture sa kanya. HAHAHAHA laughtrip eh kahit ginawa akong photographer.
"Tsk! Kainis yung baklang yun!" Reklamo nya.
"HAHAHAHA" tawa ko.
Ang sakit na ng tyan ko sa kakatawa dahil sa impaktong 'to nyemas. Gabi na pero nandito pa rin kami.
"Ang bilis ng oras" sabi nya.
"Oo nga, gabi na. At hindi ako pumasok sa school" sabi ko ng naka pout.
*click*
0___________0
Natawa naman sya.
"HOY! DELETE MO YUN! BWISIT KANG IMPAKTO KA!" sigaw ko.
Potek, tinakbuhan pa ako! Huhuhuhu bully!
Naghahabulan kami sa sea side kahit ang daming tao, woooh kapagod!
"Tara na! Ang bagal kumilos!" Sigaw ni Clyde.
"Siraulo! Ang bilis mong tumakbo!" Sigaw ko.
Matapos ng habulan eklabu namin, nakatanggap ng malutong na batok yung impakto mula sa akin, boset patakbuhin daw ako!
Nagdecide na kaming umuwi, since pagod na talaga ako. Nagtaxi na lang kami.
"Hoy! Samahan mo ako ah, papagalitan ako nun kasi hindi ako pumasok" kinakabahang sabi ko.
"Akong bahala sayo" nakangiting sabi nya.
Kinakabahan talaga ako kasi parang ang laki ng kasalanan ko ngayon, hindi ako pumasok!!!!
Paano kung hindi na nila ako bilhan ng sasakyan?
Paano kung bawasan nila yung allowance ko?
Paano kung i-grounded nila ako?
Duh! Arielle! College ka na teh! Matanda ka na! Kaya mo ng magdecide para sa sarili mo!
Decide? Eh hirap na hirap nga akong magdecide kung sino kila Clyde at Drei eh!
"Hey, kumalma ka lang, mukha ka ng najejebs dyan eh" natatawang sabi nya.
Sinamangutan ko sya.
"Ako kasi yung mapapagalitan eh, hindi naman ikaw eh" sabi ko.
"Sisiguraduhin kong pareho tayong mapapagalitan" natatawang sabi nya.
"Wow ang galing ng idea mo!" Bored na sabi ko.
Nakarating na kami sa bahay, dali-dali akong bumaba ng taxi pero nahinto naman ako sa tapat ng gate namin.
Now what?
Papasok ba ako or ano?
Bahay ko naman 'to eh! Ano bang kinakatakot ko?
*ding...dong...ding...dong*
Nanlaki yung mata ko nung biglang nagdoorbell yung impakto,
"Sira ka ba!? Di pa nga ako ready eh!" Reklamo ko sabay hampas.
Bumungad sa amin ang magaling kong kuya -__________- great.
"Where have been, My love? We're so worried about" nagaalalang sabi nya. May pinagmanahan pala ako ng acting skills ko.
Pumasok na ako agad sa bahay, hindi ko na lang pinansin si kuya pero naramdaman kong nagsusukatan pa sila ng tingin ni Clyde sa may gate.
"Clyde" tawag ko.
Mabalis syang nakalapit sa akin at sinabayan ako sa pagpasok, which is sana hindi ko na lang ginawa dahil...
NANDITO SI DREIIIII?!
"what are you doing here?" Gulat na tanong ko,
Nyemas bigla kong naalala yung himatay ek ek ko sa sasakyan nya!!! Ugh!!!! Waaaaaah!
"Hindi ka pumasok sa school, akala ko may sakit ka" sagot nya.
"Care to explain, Arielle" tanong ni papa.
"Pa--"
"Why don't we have some dinner first?" Sabat ni mama
Thanks Ma! Huhuhuhu the best!
Nagpunta na kami sa dinning area, nakahanda na lahat. Tahimik akong umupo at nyemas naman mga te! Napagitnaan ako ng dalawa tas nasa harap ko pa si kuya!!!!
Ang galing lang!
Tahimik kaming kumain, i can really feel the tension in the dinning room, nakakaloka!
"Anak, bakit di ka pumasok?" Tanong ni papa
"Papa, ano ahm---"
"I'm sorry po tito, ako po talaga yung may kasalanan, ako po yung nagyaya kay Arielle na wag na lang pumasok. Sorry po talaga" sabat ni Clyde.
"See? He's no good for you, My love" sabat ni kuya.
"I'm not asking for your opinion, Lance" malamig na sabi ko.
Naramdaman kong hinawakan ni Drei yung kamay ko, he gently squeeze it to calm me down and it worked.
"So saan kayo nagdate?" Tanong ni mama
"It's not a date" nahihiyang sagot ko.
"Date yun, sleeping beauty" nakangising sabi ni impakto.
"So saan kayo galing?" Tanong ni mama
So ayun, kinuwento ni Clyde lahat. Habang ako tahimik lang na kumakain though nararamdaman ko yung tingin ni kuya sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
"That's cute. The shirt you're wearing" sabi ni mama
Oh goodness!
"It's lame" sabat ni kuya.
"Bakit hindi ka matawagan?" Tanong ni Drei
"Ahm naka-off yung phone ko, sorry" sagot ko.
"It's fine" nakangiting sabi nya.
"Tsssss. Anong gamit ng phone mo kung hindi ka naman matawagan?" Sabat ni kuya.
Oh gahd! Give me patience please please please.
"Lance, don't talk to your sister like that!" Saway ni mama.
Silence.......... Very long silence...........
"Did i say something wrong?" Tanong ni mama
"MAGKAPATID KAYO?!" gulat na tanong nung dalawa.
"Oh dear!" Pati si mama nagulat sa pagsigaw nung dalawa.
"Sorry po" sabay nilang sabi.
Nabisto ka ngayon kuya, HAHAHAHAHAHA sorry :)
"Hindi nyo alam na magkapatid sila ni Lance?" tanong ni papa sa dalawa.
Tulala yung dalawa sa gilid ko, still processing the fact that the devil in front of me is my brother.
"Akala ko po manliligaw sya ni Arielle"
Tumango naman si Drei.
Natawa si papa.
"So ito pala yung sinasabi mong game, Lance? Magpanggap na manliligaw ni Arielle" natatawang sabi ni papa.
"Bawal pang magboyfriend si Arielle" matigas na sabi ni Kuya.
"Eh ba't ikaw gabi-gabi iba yung girlfriend mo?" Sabat ko.
Tsk. Kung pagbawalan ako ni kuya wagas eh! Kala mo tatay ko eh -____-
"Hahaha that's enough dear" pagpigil ni mama.
Ang sama ng tingin ni kuya sa dalawa, pero pag lingon ko ganon din naman sila. Parang may electric waves na lumalabas sa mata nila!
"Stop your games, Lance. Leave them alone" sabi ni papa.
Ngiting tagumpay naman ako. BWAHAHAHAHA
"Fine. Pero dun pa rin ako sa school nila magaaral next year" sabi nya.
WHAT?!
"anong sa school?!" Gulat na tanong ko.
"Magaaral sya sa school nyo, Arielle. Marketing yung course nya, next year pa naman yun" sabi ni mama.
Nak ng?! Bakit sa kaparehong school ko pa?!
"It's final, My love." Nakangising sabi ni kuya.
"Stop calling me that!" Reklamo ko.
"No, porket may manliligaw ka lang bawal na?" Tanong ni kuya.
Ugh! Useless makipagaway kay kuya eh! Matatalo ka lang kasi eh!
*Ringggsss...Ringggsss*
"Excuse me" paalam ni kuya at umalis sa dinning area.
Sino naman tumawag dun? Tsk i'm sure magbabar na naman yun, tas mambababae. Nakakaloka kuya ko!
Silence....
"Tito, tita. I really have to go. Salamat po sa dinner" sabi ni Drei.
Aalis na sya?
"You're always welcome, Drei" sagot ni mama.
Ngumiti naman si Drei.
"Hatid mo sya palabas, Arielle" sabi ni papa
Tumango naman ako.
"Tulungan ko na po kayong magligpit, Tita" sabi ni Clyde.
Ang bait ah.
Tumayo na kami ni Drei at lumabas ng dinning area.
"Leaving so soon?" Tanong ko.
Nilingon nya ako at ngumiti.
*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*
"Ayaw mo ba akong umalis?" Tanong nya pabalik.
Oo, dito ka na lang please! HAHAHAHA NYEMAS LANDI KO!
"H-Hindi! Sige U-Umalis ka na" nauutal na sabi ko. Nice Arielle! Nice!
"I really am worried about you, tinatanong kita kila Kat pero sabi nila hindi ka pumasok. I've called you a hundred times but you're not picking up" sabi nya.
"Sorry, na kay Clyde yung phone ko" nahihiyang sagot ko.
Para akong nagkasala eh. Hays.
"It's ok. At least you're here now" sabi nya.
Lumabas na kami ng bahay, nakita ko yung sasakyan nya sa labas. Hindi ko napansin yun kanina ah.
"Ingat sa pag-drive" sabi ko.
"I will" sagot nya.
"Text me when you got home" sabi ko. Ansabe?! English yun!
"I will" natatawang sagot nya.
Silence....
Lumapit sya sa akin at hinawakan yung magkabilang pisngi ko.
O////////O
"Each passing day, you never fail to make me fall for you over and over again" bulong nya.
*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*
OXYGEN! PABILI NG OXYGEN! HINDI AKO MAKAHINGA!!!!
hinalikan nya ako sa noo.
Lord, yung puso ko huhuhu lalabas na yata sa ribcage ko nakakaloka.
Silence.......
Tinignan nya ako sa mata, jusme salamat at madilim na! Huhuhu mahihiya yung kamatis sa pula ng mukha ko ngayon!!!!!
Hahalikan ba nya ako?
Oh gahd! Baka mahimatay ulit ako!
Pipikit na ba ako?
What?!
Think, Arielle! Think!
"I Love You" sabi nya.
I think i just died.
*end of chap*
An*
Sorry for the late and lame update? Hahaha
Say something i'm giving up on you~~~ hahaha charaught!
Feel free to...
Comment.
Vote.
HAHAHAHA lovelots <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top