Someone's Jealous
*Arielle's PoV*
*Kruuu~Kruuu~*
pesteng tyan to!
napakaingay!
kinapa ko yung phone sa ilalim ng unan ko.
nyemas 4:00 lang pala ng umaga!
gutom na ako!!! waffles lang yung kinain ko kahapon tas meryenda lang yun! kaya maghahanap ako ng makakain huhuhuhu kaso mukhang wala pang almusal sa baba eh :(
tumunganga na lang ako sa kisame. kaso talagang tumutunog yung tyan ko -_____-
feeling ko magigising yung mga kasama ko dito dahil sa tunog ng tyan ko eh -____-
kaya naman tumayo na ako at dahang-dahang lumabas ng kwarto.
pumunta muna ako sa cr para maghilamos ng mukha.
naka dress pala ako -______-
ano bang nangyari sa akin?! bakit sobrang sabog ako ngayon?!
habang naghihilamos ako, naalala ko yung mga nangyari kahapon.
napapikit na lang ako ng mariin dahil sa hiya. nakakaloka!
nagtoothbrush na rin ako tas bumaba.
buti naman may gising ng mga house keepers. sana may pagkain na!
lumapit ako kay ate na nakatalikod. kinalabit ko sya, na ikinagulat nya.
"ay kabayo!" gulat na sabi nya.
mukha ba akong kabayo?!
ngumiti na lang ako.
"ay sorry po ma'am. ano pong kailangan nyo?" tanong nya.
"may almusal na po ba?" tanong ko.
"nako ma'am nagluluto pa lang po sila eh" sagot nya. sobrang nadismaya naman ako lalo na yung tyan ko.
"kape na lang po" sabi ko, tumango sya at iniwan ako saglit.
habang naghihintay ako natanaw ko na naman yung dagat, ang payapa nya tignan. dun na lang ako tatambay.
pagka-bigay nya ng kape nagpasalamat ako at lumabas na.
malamig na hangin ang sumalubong sa akin.
"bakit di ko dinala yung jacket ko?" tanong ko sa sarili ko.
naglakad na ako sa tabing dagat at naupo sa buhanginan. tumingala ako sa langit, ang ganda talaga.
siguro kung nandito si Drei sasabihin din nyang maganda yung langit. naghahalo yung kulay orange at dark blue, ang ganda lang talaga kahit sino mapapatingin para tignan yung langit eh.
hinipan ko yung kape ko.
"up too early huh?"
napahinto ako sa paginom ng kape, muntik na akong mapaso eh.
kung hindi ako nagkakamali si Drei yung nagsalita.
hindi na ako tumingin sa kanya, kasi baka mastuck na lang yung mata ko sa mukha nya.
kinakabahan, nanginginig at the same time natutuwa.
Lord, mamamatay na po ba talaga ako? bakit po nangyayari sa akin to?
"pwede umupo?" he asked.
tumango ako ng hindi ko namamalayan.
TUMANGO AKO!
AT NGAYON KATABI KO NA SI DREI!
KATABI KO SI DREI!
"am i dreaming?" tanong ko.
tumawa sya ng mahina.
"i guess your not dreaming" sagot nya.
napalingon ako sa kanya.
narinig nya ako! nasabi ko pala yun! dapat sasabihin ko yun sa utak ko lang PERO NASABI KO!
AT NARINIG NI DREI AT NATAWA SYA AT SUMAGOT PA!
napatingin na lang ako sa dagat. jusme ano bang nangyayari sa mundo?!
tahimik lang kami.
alon lang yung maririnig mo.
pero tingin ko dahil lakas ng kabog ng dibdib ko maririnig na rin yun.
i felt awkward but i just shrug it off. choosy pa ba ako crush ko na yung katabi ko?
"ba't ang aga mo nagising?" tanong ko. TINANONG KO SI DREI!!!
oh well alam ko naman na masi-seen ako ng literal eh. bahala na.
"nagugutom ako eh" sagot nya.
PAREHO KAMI NG DAHILAN!!!
OMG.OMG.OMG.OMG.OMG.OMG.
I'M GONNA DIE.I'M GONNA DIE!!!
"ikaw bakit ang aga mo nagising?" tanong nya.
"m-maaga kasi ako nakatulog kagabi kaya maaga ako nagising" sagot ko.
natahimik ulit kami.
kahit ginaw na ginaw na ako dito, wapakels ako! basta ba katabi ko si Drei eh.
*kruuu~kruuu~*
tyan ko ba yun?!
"sorry, gutom na talaga ako eh" sabi ni Drei.
omg! mukha syang nahihiya!
omg! ang cute nya at the same time ang gwapo din nya!
omg! ang landi ko na!!!
natahimik na naman kami, medyo madilim pa rin pero kita mo ng papasikat na yung araw. niyakap ko yung tuhod ko kasi medyo lumakas yung hangin.
nagulat ako nung pinatong ni Drei yung hoodie nya sa tuhod ko.
"wear this" sabi nya.
tinignan ko sya, naka tshirt na lang sya, baka lamigin sya.
"hindi ok lang, baka ikaw naman yung lamigin" sabi ko at binalik sa kanya yung hoodie.
"sanay naman ako sa malamig" he said at binalik yung hoodie sa akin.
tumayo na sya.
"wear it, I insist" sabi nya.
natulala na lang ako sa kagwapuhan nya.
sinuot ko na.
hindi ko mapigilang ngumiti!
"thanks" sabi ko.
ngumiti sya!!!
SI DREI NA FOREVER POKERFACE NGUMITI!!!
"i'll be going inside, i'm really starving. it's really nice talking to you" sabi nya.
natulala na lang ako.
"it's really nice talking to you"
"it's really nice talking to you"
"it's really nice talking to you"
jusmiyo marimar!
nawawalan na yata ako ng oxygen!!!
nanatili akong nakaupo sa pwesto ko.
hindi pa rin ako makapaniwala!!!
nakausap ko si Drei, nginitian pa nya ako, pinahiram nya sa akin yung hoodie nya.
kinikilig ako!
niyakap ko yung sarili ko. nope more like niyakap ko yung hoodie na suot ko. damn it! feeling ko yakap yakap din ako ni Drei!!!!
"AAAAAAAAH!" sigaw ko sabay higa sa buhangin.
omg! di ko na mapigilan yung kilig ko!!!
tumayo na ako dahil baka nadumihan yung hoodie nya, nakakahiya naman pinahiram na nga lang eh.
naglakad ako habang bitbit yung tsinelas ko, binabasa ko yung paa ko sa tubig.
hindi ko pa rin mapigilang ngumiti! gahd!
i put my earphones on at boom! may sarili na naman akong mundo.
"Dance! wooooh! i wanna dance, dance dance da-dance! wow fantastic baby!"
mukha na naman akong shunga habang sumayaw dito sa tabing dagat take note with matching kanta pa yan ah!
i don't care! i'm happy right now and i don't need them to care!
gahd!
his simple gesture is making me insane!
kahapon paaaaaa!
*Clyde's PoV*
damn it!
damn it!
damn it!
kanina pa ako inis na inis sa sarili ko! kanina pa talaga!
hindi ko dapat hinayaan na maiwan silang dalawa dito kahapon eh. dapat nagpaiwan na lang na din ako. dapat binantayan ko si Arielle.
ugh!
now, pinapanood ko syang parang ewan dahil pinahiram lang sya ng hoodie -______-
she's dancing! for fvck sake!
and she hates dancing! but she's dancing right now!
kahit malayo ako sa kanya kitang kita ko naman yung nangyari kanina.
i was on the pool area, binabantayan ko sya actually. pero yung nakakainis na lalaking humalik kay Arielle sa noo dumating at nilapitan si Arielle. hindi nya yata ako napansin dahil madilim pa nun at nakaitim pa ako.
i know that they're having a little conversation but i don't care!
kanina ko pa gustong kaladkarin si Arielle palayo sa lalaking yun eh!
sa pagkakaalam ko hindi naman sila close! pero bakit ganon na lang yung tingin ni Arielle sa kanya!?
hindi ko namalayan na papunta na pala si Arielle dito. hindi nya pa ako napapansin. tssss. wala akong pake. ano naman kung hindi nya ako pansinin?!
lumampas sya sa akin, fvck! nilampasan nya lang ako.
tumingin ako sa kanya, tumigil sya bigla sa paglakad nya at lumakad ng paatras papunta sa katapat ko.
wag mo syang tignan, Clyde.
wag mo syang tignan, Clyde.
wag mo syang tignan, Clyde.
"GOODMORNING CLYDE!" bati nya sa akin.
halos lumundag yung puso ko dahil tinawag nya ako sa pangalan ko! impakto ang tawag nya sa akin. hindi ako sanay.
napatingin ako sa kanya at sinalubong ako ng magaganda nyang ngiti na mas matingkad pa sa sikat ng araw.
damn it! i told you not to look at her!
"bakit ka nandito?" tanong ko.
"wala lang" natutuwang sabi nya. para syang tanga, nakakainis.
"umalis ka nga! ang pangit mo!" sabi ko.
biglang nawala yung maganda nyang ngiti.
"bwisit ka talagang impakto ka! nakakainis ka!" sigaw nya habang pinapalo ako.
natatawa na naman ako sa mukha nyang beastmode ngayon.
tumayo na ako para makalayo sa kanya kasi sobrang sakit nyang mamalo. pero hinabol nya ako.
tinggal nya yung hoodie na suot nya, medyo mainit na rin kasi. takbo kami ng takbo hanggang sa.
*Splaaaaaaaaash*
"nakakainis ka talagang impakto kaaaaa!" she screamed at the top of her lungs.
"bakit ka galit na galit eh pareho naman tayong nahulog sa pool!?" inis na sigaw ko pero ang totoo nyan natutuwa ako sa itsura nya ngayon.
"ugh! buti na lang hindi ko suot yung hoodie nya!" sabi nya.
biglang nawala yung ngiti ko.
iniisip nya yung hoodie ng lalakeng yun kesa sa sarili nya! wtf?!
paano kung magkasakit sya? hindi ba nya naisip yun?
tsssss. umahon ako sa pool at iniwan sya dun. naiinis ako!
naiinis talaga ako!
pumunta ako sa table ko kanina at kinuha yung towel dun. imbis na gamitin ko.
"oh!" sabi ko sabay abot ng towel sa babaeng to.
tinignan nya lang ako ng masama.
"Thank you" mahinang sabi nya. buti na lang hindi ako bingi, kahit nakalayo na ako narinig ko pa yun.
"Thank you, Lord! dahil nahubad ko yung hoodie! oh my gahd! patay ako kung nabasa yun" sabi nya.
natawa ako ng mapait.
akala ko ako yung sinabihan nya ng thank you.
all this time yung hoodie pa rin yung inaalala nya.
damn it!
i suddenly want to become a hoodie.
*Arielle's PoV*
nakaligo na ako at nakaayos na yung gamit ko, pwede na kaming bumalik sa manila.
naka-tapis pa rin ako ng towel kasi wala akong makitang damit ko!
"may damit pa ba kayo?" tanong ko kila Kat na tahimik na nagaayos. ang weird nila ah.
"kahit meron kaming damit, hindi naman kasya sayo" sabi ni Kat.
aray ah!
habang iniisip ko kung magdadamit ba ako or wag na lang may biglang naghagis ng kung ano sa mukha ko.
pagtingin ko, t-shirt pala.
binuklat ko yung shirt at nyemas ang laki sa akin!
"gamitin mo daw muna yan" sabi ni Nadia.
"kanino to?" tanong ko.
"kay Clyde" sagot ni Ellena.
ibabalik ko sana sa kanila kaso...
"wag ka ng choosy, Arielle! isuot mo na yan! aalis na tayo" sabi ni Kat.
so sinuot ko na.
white shirt yung suot ko na parang jersey na naman -_______-
kaya yung likod may nakalagay na Alonzo -____-
"yieeee" sabi nilang tatlo.
ang bipolar nila! kanina lang ang cold nila tas ngayon kinikilig!
"bagong shirt lang yan para sa mga varsity eh" sabi ni Ellena.
"pinalitan pa talaga ni Clyde yung jersey number nya" sabi ni Nadia.
hindi ko napansin yung number eh! anong number ba? dati number 5 yung jersey number nya!
"talikod ka tas mag peace sign ka, pipicturan ko" sabi ni Ellena.
"bakit may peace sign pa?!" inis na tanong ko
"GAWIN MO NA LANG!" sigaw nung tatlo.
*click*
"palitan mo na DP mo dali!" sabi ni Kat.
pinakita nya sa akin yung picture.
0//////0
wtf?!
ALONZO
13
*lubdublubdublubdub*
nyemas talaga!
flashback***
"bakit number 9 yang jersey number mo?" tanong ko sa impaktong to.
5 naman talaga yung jersey number nya eh kasi birthday nya yun.
teka bakit ko ba sya tinatanong?!
"9 kasi yung birthday ng babaeng gusto ko" sagot nya.
end of flashback***
"Oi! namumula ka na dyan!" sabi ni Nadia.
"Arielle!" tawag nila.
"ha?" tanong ko.
"sabog ka na naman" sabi ni Ellena.
lumabas na kami ng kwarto.
pinagtitinginan naman ako ng mga babae dahil sa damit ko.
ugh!
kung gusto nila yung tshirt edi sa kanila na!
nagpunta kami sa may dinning hall para sa ilang announcement ng prof namin.
"guys yung may mga sasakyan dyan pwede na kayong umalis at bumalik sa manila, but i know most of you magpupunta pa sa kung saan...paglabas nyo sa resthouse na 'to we are no longer responsible of your actions. so please yung mga gagala pa dyan umuwi din kayo mamaya sa manila" sabi nung prof.
"saan tayo pupunta?" tanong ni Alex.
"uuwi" sabat ni Nadia.
"uwi agad?" tanong ni Kat.
"tara tagaytay tayo" sabi ni Impakto.
tinignan nya ako, bigla naman akong nailang.
nyemas naman kasi!
"9 kasi yung birthday ng babaeng gusto ko"
13 na yung jersey number nya ngayon at...at...
Oct. 13 ang birthday ko!
ayokong magassume pero hindi ko mapigilan!
ugh!
ano ba Arielle! si Drei yung crush mo! hindi si Clyde!
sobrang naiilang na ako nakakainis! lalo na nung kinuha pa nya yung bag ko nilagay sa trunk ng sasakyan nya.
gahd! what's happening?!
noon hindi sya ganito sa akin.
hindi sya gentleman, hindi sya caring, halos hindi nga kami naguusap eh dahil puro asaran lang kami. pero ngayon...
wtf?! ngayon?!
huhuhuhuhuhu :(
"Arielle!" tawag nila Kat sa akin.
"ha?" sagot ko.
"ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Kat.
"sabog ka ba?" tanong ni Nadia
"gutom lang yan" sabi ni Ellena.
"o-oo gutom lang ako ha-ha" sabi ko.
nauna na ako sa loob ng sasakyan, sa likod ako umupo, ayoko munang makatabi yung impakto, may weird akong nararamdaman eh.
habang busy ako sa pagti-twitter.
"usog" sabi nung impakto.
"bakit ka nandito?!" tanong ko.
tinaasan nya ako ng kilay.
"bakit iyo to?!" inis na tanong nya.
-______________-
sasakyan nya pala to.
umusog na ako, katabi ko pa talaga sya ah!
bale ganito yung pwesto namin.
Kat-Ellena-Ako-Impakto
-___________________-
naiilang ako lalo! pesteng t-shirt naman kasi eh! boset.
umalis na kami, si Alex yung nagda-drive katabi nya si Nadia sa harap.
ang tahimik!!!!
tulog kasi yung tatlo!
eto namang impakto nakatulala sa may bintana.
"anong problema mo Arielle?" tanong ni Alex.
"wala" sagot ko.
"hahaha matulog ka na lang din" sabi nya tas tinaas baba nya yung kilay nya sabay nguso kay Impakto
-_______-
paano ko nakita?
sa rear view mirror.
lakas mangasar ng epal na to!
sumandal na lang ako at nagcross arms.
ANG BORING!!!
hindi naman ako makatulog! naiinis na naman ako! -___-
kinuha ko yung bag para kunin yung hoodie ni Drei, nakalimutan kong ibalik sa kanya kanina, di bale sa school ko na lang ibabalik.
"kaninong hoodie yan?" tanong ni Alex.
"kay Drei" sagot ko.
"KANINO?!" tanong nung tatlo.
nagulat ako dahil akala ko tulog sila! ang lalakas talaga ng trip -__-
"kay Drei" sagot ko ulit.
"Paano/omg/yieee" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.
"paano?! ikaw Arielle di ka nagku-kwento!" sabi ni Kat.
"anong nangyari ba?" tanong ni Nadia.
"dali na Arielle" sabat ni Ellena.
magsasalita na sana ako kaso...
"Sino ba yung Drei na yun?" tanong ni Impakto.
"Crush ni Arielle" agad na sagot ni Nadia.
natahimik kaming lahat.
ewan ko ba!
parang may anghel na dumaan sa loob ng sasakyan.
"yun?! crush mo?! HAHAHAHA" pagbasag ni impakto sa katahimikan.
ewan ko ba feeling ko nahihiya akong malaman nyang crush ko si Drei, siguro dahil crush ko sya noon eh. tsk.
"HAHAHAHA lakas mo talaga Arielle" natatawang sabi nya.
yumuko na lang ako kasi nahihiya ako! parang ang awkward kasi eh.
"akala mo ba magugustuhan ka nya?" natatawang sabi nya.
aray.
"ang galing mo talagang mamili eh, dun ka pa nagka-crush sa lalakeng imposibleng magustuhan ka" natatawang sabi nya.
:(
tahimik kaming lahat, well except kay Impakto.
inakbayan nya ako.
halos maluha-luha sya sa kakatawa tas ako maluha-luha na ako sa sakit.
ang sakit ng sinabi nya ah.
sobra </3
"Arielle, dapat kasi pagmamimili ka ng crush dapat yung ka-level mo lang hindi yung sobrang hirap abutin" sabi nya.
kahit gaano pigilin yung luha ko naiiyak pa rin talaga ako.
"tingin mo papatulan ka nun? HAHAHAHAHA IN YOUR DREAMS!" sabi nya tsaka humagalpak ng tawa.
"Clyde" sabi ni Alex, warning tone.
"bakit? totoo naman di ba? imposibleng magustuhan sya nung Drei na yun" sabi ni impakto.
wala na.
umagos na yung luhang kanina ko pa pinipigilan.
ramdam kong hawak ni Ellena yung kamay ko.
"Arielle..." mahinang bulong ni Kat.
"ihinto mo yung sasakyan Alex" plain na sabi ko.
"HAHAHA bakit ihihinto? ituloy mo lang yung pagdrive, lex" sabi ni Impakto.
"IHINTO MO SABI EH!" sigaw ko.
nagulat silang lahat, napahinto si Alex.
"ANONG PROBLEMA MO?!" inis na sigaw ni Clyde.
"ikaw anong problema mo, Clyde?" i said in my coldest voice.
silence...
nakahinto pa rin kami, pero nasa tagaytay na kami eh.
"ah i get it! haha truth hurts right?" tanong nya.
kinuyom ko yung kamao ko, napabitaw naman si Ellena sa kamay ko.
"yeah, you're damn right. imposibleng magustuhan ako ni Drei" sabi ko.
"buti alam mo" sabi nya.
i bit my lip and try to calm myself.
"imposibleng magustuhan nya ako dahil hindi ako yung tipo ng babaeng magugustuhan nya, yeah i get it" natatawang sabi ko pero umiiyak talaga ako
silence...
"gusto nyo kasi yung mga babaeng magaganda, mapuputi tipong pang victoria's secret model, ganon yung gusto nyo" natatawang sabi ko pero napahikbi ako kaya naman hinawakan ni Clyde yung magkabilang balikat ko para maiharap nya ako sa kanya.
nagulat sya kasi umiiyak na ako.
"you're not really good at watching your words, you didn't know that those words hurt me, big time" naluluhang sabi ko.
"alam ko naman na hindi nya ako magugustuhan eh, i'm fvcking aware of it but you don't have to rub it in!" inis na sabi ko.
"marami ng nagsabi sa akin, na kahit kailan hindi ako magugustuhan ng mga nagiging crush ko, pero di ko pinansin, i myself naniniwalang imposible nga yun pero hindi ko pinansin, hindi ko pinansin yung opinyon nila" sabi ko.
"pero nung ikaw na yung nagsabi, those words...damn it hurts. parang ang daming ibig sabihin" natatawang sabi ko.
he just stared at me, pinapanuod ako kung gaano ako ka-shunga.
"akala mo ba magugustuhan ka nya?" pang-gagaya ko sa kanya.
"those words...haha, sino bang niloloko ko? sa mukha kong 'to may magkakagusto pa ba? lahat naman tayo physical appearance yung napapansin, napaimpokrita ko naman kung sasabihin kong ayoko sa gwapo...haha" dagdag ko.
i pat him on his shoulders.
"thank you, dahil sinampal mo sa akin ang katotohanan, thank dahil niremind mo ako na ang pangit pangit ko para magustuhan ako ni Drei, thank you talaga" nakangiting sabi ko.
i look so pathetic! nyemas!
"excuse me" sabi ko kila Kat.
bumaba sila ni Ellena.
"saan ka pupunta?" tanong ni Nadia.
bumaba silang lahat sa sasakyan.
"maghahanap ako ng bagong crush at sisiguraduhin ko yung ka-level ko na" nakangiting sabi ko.
"Arielle" sabi nung tatlo.
"ay oo nga pala, kahit kailan wala ng magkakagusto sa akin" natatawang sabi ko bago pumara ng taxi.
"manong sa picnic groove po" sabi ko.
then i cry, and cry and cry...
nakakatawang isipin na si Clyde na naman yung dahilan ng pag-iyak ko.
yung tanong ko noon na kung bakit hindi ako pinapansin ni Clyde? pero halos yung iba kong kaklaseng babae kinakausap nya.
nasagot nya.
it's because i'm not his type.
hahahahahaha.
akala ko naka move on na ako, akala ko wala na akong pake sa kanya, akala ko si Drei yung crush ko.
pero bakit sobra akong nasasaktan sa mga sinabi nya? na para bang sya yung crush ko na imposible akong magustuhan.
well, sya si Clyde at kahit kailan hindi nya ako magugustuhan.
so hindi na rin naiiba sa case ni Drei, kahit kailan hindi din nya ako magugustuhan.
damn Clyde.
he really knows how to make me cry.
*Clyde's POV*
"ang gago mo" sabi ni Alex.
"alam ko" sabi ko.
tahimik sila Kat. walang kumikibo sa amin.
bakit ko ba sinabi yun?!
bakit?!
sumakay na ako sasakyan, ganon din sila.
"sundan natin si Arielle" sabi ni Kat.
"baka maligaw yun!" sabi ni Nadia.
"baka umiiyak pa rin yun" bulong ni Ellena.
damn!
gusto kong sapakin yung sarali ko ngayon. gusto ko talaga.
"ang gago mo clyde! anong pumasok sa utak mo at sinabi mo yun!?" inis na tanong ni Alex.
"nasaktan yun si Arielle kasi crush ka nya noon, parang sinabi mo na rin sa kanya na kahit kailan hindi mo sya magugustuhan" sabi ni Nadia.
"wala lang sa kanya yun iba naman na yung gusto nya eh" sabi ko.
"ANG GAGO MO TALAGA!" sigaw ni Alex.
"yung totoo? nasaan yung utak mo ha?! anong wala sa kanya yun?! nakita mo ba kanina kung gaano sya nasaktan sa sinabi mo?" tanong ni Kat.
"akala ko ba gusto mo sya?" tanong ni Ellena.
silence...
"hindi ka lang pala gago bro, ang tanga mo din" sabi ni Alex.
"si Arielle, sobrang baba ng tingin nya sa sarili nya, alam mo ba yun? pangit na pangit sya sa sarili nya alam mo ba yun? kaya nung sinabi mo yun, yung unang pumasok sa utak nya kaya hindi sya magustuhan ng crush nya dahil ang pangit nya" pag eexplain ni Alex.
natahimik kami.
tinatawagan nila Kat si Arielle pero ayaw sagutin.
*ring..ring*
"Hello...ha?oo...sige huhuhu salamat talaga" sabi ni Nadia.
"sino yun?" tanong ni Ellena.
"nakita nila Thor si Arielle, nasa picnic groove daw sila eh" sabi ni Nadia.
nagdrive na si Alex papunta dun.
"magsorry ka" sabi ni Kat.
"sabihin mo nga, pangit ba si Arielle?" tanong ni Alex
"h-hindi" sagot ko.
"EH BAKIT MO SINABING HINDI SYA MAGUGUSTUHAN NI DREI!?" sigaw ni Alex.
"nagseselos ako ok!" sigaw ko.
"nakita ko sila kanina, naguusap sila sa beach. kung paano tignan ni Arielle yung Drei na yun iba, ibang iba sa tingin nya sa ibang tao. nagseselos ako kasi noon ako yung tinitignan nya ng ganon pero ngayon iba na" sabi ko.
silence...
"nasabi ko yun kasi alam kong may gusto din sa kanya si Drei" bulong ko.
"dapat nangingisay na ako sa kilig ngayon eh! dahil ang haba ng hair ni Arielle kaso...ugh! magsorry ka sa kanya!" sabi ni Nadia.
bumaba na kami ng sasakyan.
hinanap namin sya.
gusto kong magsorry, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.
gusto ko na ring sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.
kaso...
"oh my gosh" sabi nila Kat.
nakita namin si Arielle.
yakap-yakap ni Drei.
fvck.
pwede na yata akong mamatay.
"yan ba yung.... imposibleng magustuhan ka nya?" pang-gagaya ni Alex sa akin.
sinamaan ko sya ng tingin.
pinunasan pa ni Drei yung luha ni Arielle.
damn it!
ako dapat yun di ba?!
"bukod sa mababa yung tingin ni Arielle sa sarili nya. alam kong pagminaliit mo sya, she'll prove you that you were wrong" sabi ni Ellena.
"kakumpitensya ka nya noon di ba at minamaliit mo sya kaya naman ginawa nya lahat para malampasan ka" sabi ni Nadia.
"ngayong sa tingin nya sinabihan mo syang pangit...anong gagawin nya?" tanong ni Kat.
she'll prove me wrong.
bakit ba ang seloso ko?!
bakit ba hindi muna ako nagiisip bago magsalita?!
"sabihin na nating nagayos si Arielle. ngayon pa lang sa tingin ko gusto na sya ni Drei, paano pa kaya pag nagbago pa sya?" tanong ni Alex.
pinagmasdan ko si Arielle.
kanina lang umiiyak sya dahil sa akin.
ngayon naman nakangiti na sya dahil kay Drei.
*end of Chapter*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top