Serendipity
An*
Sneak peek ng book 2/side-story entitled: Dear Prince Charming.
-Miss A
*Lance's PoV*
You're my Serendipity.
I wasn't looking for you.
I wasn't expecting you.
But I'm very lucky, I met you.
"What kind of book is this?" Tanong ko sa sarili ko. Agad kong sinara yung libro, kung ano anong libro yung binibili ni Arielle, wala namang kwenta.
Serendipity.
Alam ko yung ibig sabihin nyan eh. I really know it. I just can't remember! Tsk. Waste of time kung iisipin ko pa.
"Kuyaaaaaaaaaa!"
Napatingin ako sa garden namin. Anong problema ng babaeng yun?
"Kuyaaaaaaaaa!" Sigaw nya ulit.
Pumunta na ako kung nasaan sya. Nailing ako sa nakita ko. Basang-basa lang naman si Arielle. Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na abnormal?
"Kuya! Kunin mo si D!" Utos nya.
Ako? Inuutusan nya?
Tinalikuran ko sya, bahala sya sa aso nya.
*poinks!*
"Fck! WHAT WAS THAT FOR?!" inis na tanong ko. Binato ba naman ako ng brush.
"Ilakad mo si D, para matuyo" sabi nya sabay abot ng tali
"Bakit ako? Eh aso mo yan" sagot ko.
"Maglalakad ako sa labas ng basa? Tapos ganito yung suot ko?" Tanong nya.
Napa-facepalm na lang ako.
"Sabihin mo sa boyfriend mo, pagbawalan kang magsuot ng ganyan! Dapat naka pants ka palagi! Tapos sweater or long sleeves!" Sermon ko.
Inirapan nya lang ako tapos pumasok na sa loob ng bahay. Aba't talagang!
"D!" Tawag ko sa aso nya.
Lumapit naman agad sa akin, tsk iba talaga pag gwapo kahit aso napapasunod ko.
Tinali ko na sya, why do i have to do this? Hindi nakakagwapo!
"Any problem, Lance?" Tanong ni mama.
"Si Arielle, pinapalakad sa akin yung aso" i said gloomily.
Natawa si mama.
Great.
"You know, nakakadagdag pogi points yung may kasama kang aso" sabi ni mama.
"And why is that?" I asked.
"Kasi girls love dogs" simpleng sagot ni mama tapos pumuntang kitchen.
Girls love dogs?
Eh hindi naman ako aso, bakit nila ako love? *smirks*
Lumabas na ako, ok namang maglakad lakad dito sa village maaga pa naman eh tapos makulimlim pa.
"Come on, D" i said.
May makikita kaya akong chicks?
I fix my gray hair, yup it's gray and girls love it. Haha.
Pumunta kami sa village park, dun siguro may chicks.
Malayo pa lang, may nakikita na akong mga girls na naglalaro ng volleyball. Ah what a scene.
Naupo ako sa bench malapit sa court, i bet mamaya may isang lalapit sa akin.
*ringsss...ringsss*
"Jacob" i said. He's my friend. Sya rin yung private investigator ko.
["May rumor na kumakalat na nadito yung babaeng hinahanap mo"] he said. Napaayos agad ako ng upo.
"Where is she?" I asked.
["That's the problem, pre. Hindi ko alam, basta within this week kararating lang nya sa bansa"] He said.
I massage the bridge of my nose, trying to calm myself.
"Call me if there's any lead and make sure alam mo na kung nasaan yung babaeng yun" i said through gritted teeth.
["Pre, chill. Makikita mo din yun"] he said then i ended the call.
At kailan ko naman kaya makikita yung babaeng hindi sumipot sa kasal namin?!
"Hey"
Napa-angat ako ng tingin and then i met a girl with a pair of brown eyes.
"Hi" i said,
"Alone?" She asked.
Umiling ako.
"Nope, I'm with my dog" i said then i flashed my killer smile.
Sandali syang natulala sa kagwapuhan ko.
"May i sit?" She asked.
"Sure" i said agad naman syang umupo sa tabi ko.
"What's his name?" She asked.
"Mas gusto mong malaman yung pangalan nya kaysa sa pangalan ko?" I asked while smiling.
Nagulat sya then her cheeks turn into bright red.
"He's D and I'm Lance" i said.
"Althea" she said.
"So Althea, can i get your number?" I asked.
Nagulat ulit sya, magugulatin sya ah.
I laughed, then inabot ko yung phone ko sa kanya.
She typed her number and handed my phone back to me.
Nagusap kami about common things. Nalaman kong same pala kami ng school.
"Oh my, i didn't know na may runaway bride talaga" she said.
Kumunot yung noo ko. Runaway bride?
My eyes grew big, hindi kaya si Dela Rosa yun? Impossible.
I turn my gaze, then i saw the bride. The running bride.
"Ang ganda ng gown nya" sabi ni Althea.
She's wearing a white bridal ball gown and a crown. She looks like a princess.
Hinarang sya ng mga bata.
Malapit lang sila sa amin, and i can clearly see that she's really beautiful. Kahit pa nakatakip pa yung veil sa mukha nya.
She stopped tapos kinausap pa nya yung mga bata. She even sit para lang magkausap sila nung batang babae.
"That's so nice of her, pero nakakalimutan nya yatang may tinatakbuhan syang kasal" sabi ni Althea, i nodded. I can't keep my eyes off her.
Tinanggal nya yung veil, kasama nung crown. She gave the crown to the little girl and then she smiled.
Damn those smile, she can slay lives using them.
Brown hair, fair skin, pointy nose, thin lips.
Tumayo sya and she bid her goodbyes to the children.
"She's beautiful" sabi ni Althea.
"Indeed" i said.
Tumakbo ulit sya, mukhang dadaan pa dito sa pwesto namin.
At hindi ako nagkamali, even our eyes met.
Why is she wearing contacts? Yun pa naman yung gusto kong makita!
Eyes, yan yung una kong napapansin sa babae, believe or not.
Nakalayo na sya, hindi ko na sya makita. She's a fast runner tho.
Naalala ko tuloy yung babaeng yun. Paano kaya sya tumakas sa kasal namin?
Umiling ako.
Mayamaya may dumating na limang guards, sila siguro yung humabol dun sa bride. Tinuro pa nung mga bata sa maling daan yung mga guards
"I have to go" i said. Tapos umalis na.
Pumunta kami ni D sa street na dinaanan nya, she's still running pero malayo na sya sa amin.
I called Jacob.
"Send me pictures of her, the latest ones" sabi ko.
["I'll pm it to you"] he said then i ended the call.
Nag-vibrate yung fb messenger ko.
Damn it! It's her! That runaway bride is the same bride who didn't show up on our wedding day!
Tumakbo ako pauwi sa bahay.
How come na brown yung buhok nya tapos brown pa yung mata nya? The picture that I've got she has gray hair and a pair of green eyes?
Is she in disguise or something?
Kahit ano pa yan! I need to find her! I want her life miserable!
Now this is the thing called Serendipity.
I wasn't expecting to see her but i did.
*Clyde's PoV*
Two months and a half since the day she broke my heart, I'm still recovering though, tanggap ko na. In fact kaibigan ko na rin si Drei ngayon dahil we're on the same team.
I'm on my way to his house, paguusapan daw yung bakasyon ng tropa bago magstart yung bagong school year.
Maraming nagbago sa loob ng maiksing panahon. Pero here i am still single! Haha i don't have time to flirt dahil na rin sa company ng daddy ko, I'm on training kung paano ko mama-manage yung company.
I turned the radio on.
"I look at her have to smile, as we go driving for a while"
Pinatay ko agad, not that i don't like the song but basta!
Kinuha ko yung necklace sa bulsa ko, this key necklace lagi ko tong dala kahit saan ako magpunta.
"i want you to give this to girl that can make your world turn upside down. Or find the real owner of this necklace"
"give that to the girl that can make you smile again, give that to the girl that can make you move on and forget about me, give that to girl that can turn your world upside down"
"When will i ever meet that girl, Arielle?" I asked myself.
"they say the right person will come in the most unexpected time at the unexpected place. Trust me makikita mo din yun. Malay mo nakita mo na talaga, or baka maka-bunggo mo sya somewhere, you'll never know when destiny start playing it's game"
Natawa ako, lagi na lang nyang nasasagot yung mga tanong ko kahit wala naman talaga sya dito sa tabi ko.
*ringsss...ringsss*
"Hello" nakangising bati ko.
["Nasan ka?"] She asked.
"Naghahanap ng babae" i said.
["That's good! Pero hindi moko maloloko impakto ka!"] Sabi nya.
Damn Arielle! She never fails to make me smile.
Bakit ang hirap mag-move on?
Should i ask her that question baka may sagot sya? Or nah?
"Papunta ako kila Drei" i said.
["Oh paguusapan nyo yung outing natin?"] She asked.
"Yup" sabi ko.
Natahimik sya.
["Kamusta ka naman Clyde?"] She asked.
Kailan ba ako masasanay na Clyde na ang tawag nya sa akin.
"I'm fine" sagot ko.
["How's your heart?"] Tanong nya.
I can't find my heart, i think it's lost.
"Nasa akin pa rin" natatawang sagot ko.
["I need to set you out on a date"] sabi nya.
"Wait what?!" Tanong ko.
["Narinig moko, di ba sabi ko sayo ako na mismo maghahanap ng babaeng para sayo"] she said.
"You don't have to do that, you know" sabi ko.
["Napapadalas yung english ng koya mo ah! Hahaha"] natatawang sabi nya.
It's good to hear her laugh like that.
"Stop laughing, it's annoying" sabi ko.
["Seryoso Clyde, hahanapan talaga kita gusto mo yung mga chickas di ba?"] Tanong nya.
"Kailan ka pa naging bugaw?" I asked.
["Grabe ka sa akin! Sige ganito na lang hahanapan ka ni Destiny ng babaeng para sayo"] sabi nya.
"Ah huh?" I said.
["Naniniwala ka sa signs?"] She asked.
"Hindi, bakit?" Sabi ko.
["Dapat maniwala ka! Kasi yung babaeng makikita mo ngayon yun na yung destiny mo"] sabi nya.
"Seriously? Saan ko sya makikita sa bahay nila Drei?" I asked.
["Bakit naman magkakaroon ng babae sa bahay ni Dre?!"] Inis na tanong nya.
"Just asking? Baka may katulong sya dun tapos yun na yung destiny ko" i said.
["Pwede, pwede hahahaha no wag kang magbase na sa bahay lang ni Drei mo makikita yung destiny mo"] she said.
"Saan ako magbe-base?" I asked.
["Malay mo madadaanan mo sya dyan? Or baka makasalubong mo"] sabi nya.
"That's impossible! Nagda-drive ako" sabi ko.
["Basta yung babaeng makikita mo ngayon destiny mo na yun. Ngayong araw lang ah!"] She said.
I still have the half of the day to find the one.
"Paano pag nakakita ako ng tatlong babae?" I asked.
["Dapat isa sa tatlong yun yung makatuluyan mo"] sabi nya.
Nailing na lang ako sa kalokohan ni Arielle.
["Anong kaya mong gawin para sa destiny mo? Para sa babaeng mahal mo?"] She asked.
Why so random?
"I'll fight for her, protect her and love her with all of my heart. Why did you asked?" Tanong ko.
["She's a lucky a girl"] sabi nya
Ikaw sana yun, Arielle. Hay.
"Yeah tapos ang gwapo ko pa, ang bait ko pa, matalino, masipag" i said.
["Yabang mo! Sana yung makikilala mong babae kayang tapatan yang yabang mo!"] Sabi nya.
"Well, good luck to her" natatawang sabi ko.
["Oi yung makikita mong babae ngayon destiny mo na yun!"] Sabi nya
Ang kulit nya ah! Nailing na lang ako.
"Tsk! Ang kulit mo nalaglag tuloy yung kwintas!" Sabi ko.
I checked the streets first bago ako yumuko para abutin yung kwintas, gladly naabot ko naman agad.
["Mag-ingat ka nga habang nagda-drive baka makabunggo ka"] sabi nya.
Umayos na ako ng upo, biglang may dumaan na nakaputi.
"Fck!"
*screeeeeeeeeeeech!* napa-preno ako bigla
["Anong nangyari?"] Tanong ni Arielle.
"May nabunggo yata ako?" Sabi ko.
["Hoy mamaya ine-echos mo lang ako?"] She asked.
"Meron talaga, nakaputi pa" sabi ko.
["Nasan na?! Check mo kaya! Mamaya patay na yun"] sabi nya,
"Hindi naman bumangga eh, wala namang tumunog. Baka multo yun" sabi ko.
["Ohmygahd! Multo yung destiny mo!!!"] Sabi nya.
*booogsh*
Napatingin ako sa hood ng sasakyan ko, may kamay na nakapatong
["Ano yun?"] Tanong nya.
"Kinalampag nya yung hood ng Ferrari ko, call you later" inis na sabi ko,
["Sya na yan Clyde, yung babaeng gugulo ng mundo. Trust me"] sabi nya then she ended the call.
Paano kung hindi babae yung nabunggo ko?! Tsk Arielle talaga minsan hindi nagiisip.
Inayos ko muna yung shades ko bago bumaba ng sasakyan.
*booogsh*
Fck?! May balak ba syang sirain yung sasakyan ko?! Ugh! Baka mapatay ko to, nakadalawang hampas na sya!
Bumaba na ako.
"MAY BALAK KA BANG MAGPAKAMATAY?!"
"MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO?!"
Sabay naming sabi.
"Sya na yan Clyde, yung babaeng gugulo ng mundo. Trust me"
bakit bigla akong kinabahan?
I look at her, yeah her meaning babae.
*boogsh*
Wtf?!
Ginamit nya yung hood ng sasakyan ko para makatayo.
"Haven't you heard the word chivalry?" She asked coldly.
Inis na inis sya habang pinapagpagan yung wedding gown nya.
"Stupid gown!"reklamo nya.
Wait she looks familiar
Brown hair. Fair skin. Brown eyes
"Argh! Stupid contacts"
It's her! Ms. Dela...something, i can't remember!
"Thanks for the help" mataray na sabi nya.
Alam pala nya yung salitang thanks?
"You're welcome" nakangising sagot ko.
"You beast" sabi nya. Ako beast?!
Naglakad ulit sya palayo pero bigla nyang natapilok.
"Ouch!" Reklamo nya.
Nilingon nya ako, probably she's waiting for me to help her. Tsss bahala sya dyan, tinawag nya akong beast eh!
Tinaas nya yung gown nya tapos tinanggal nya yung heels na nabali.
Tumayo ulit sya tapos naglakad ng naka yapak.
Should i give her a ride?
Nah, tinawag nya akong beast.
Sumakay na ako sa sasakyan ko, nakababa lang yung bintana. Nakasunod ako sa kanya.
*BEEP! BEEP!*
Napatalon sya sa gulat! Hahahaha!
"That's for calling me beast!" Sabi ko nung madaanan ko sya.
"Argh! YOU BEAST!" sigaw nya.
"Sya na yan Clyde, yung babaeng gugulo ng mundo. Trust me"
Sya yung babaeng gugulo ng mundo ko? Hahaha
I don't think so.
An*
Itutuloy ko ba or itutuloy ko? Hahaha
Naka-upload na yung Dear Prince Charming, check nyo na lang yung profile ko, just in case na macurious kayo. Hahahaha
Feel free to comment and vote! Lovelots!
-Miss A
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top