Royal Masquerade Ball (debut part 1)

*Arielle's PoV*

everything's set.

ako na lang hindi!

nandito pa rin ako sa room at inaayusan, mamayang 6:00 magsisimula na yung party.

dito sa Glass Garden ang ganap. oh taray di ba?! HAHAHA

ang ganda ng pagkakaset-up sa venue! para talagang royal ball yung magaganap!

"Ms. Arielle, nandito na po yung mga kaibigan nyo" sabi nung babae.

"papasukin mo sila" sabi ko.

buti na lang at malaki yung room na binayaran nila mama, for preparations.

"Arielle!!!" sigaw nilang tatlo.

"magayos na kayo" sabi ko.

pansin kong dala-dala nila yung gown nila. ano kayang kulay yung sa kanila? gusto ko ng makita!

"sure sure" sabi ni Nadia.

konti na lang at matatapos na yung hairstylist sa buhok ko. kinulot lang sya tas nilagyan ng clip para nakagilid sya, gets nyo ba? HAHAHAHA

then make up naman.

hindi ko na pinansin yung tatlo dahil busy din sila sa ginagawa nila, nagrent din ako ng stylist para magayos sa kanila. ang bait ko talaga!

natapos na, ayos na ako. mukha na akong tao.HAHAHAHAHA.

nakasuot pa rin ako ng robe, grabe 5:15 na! huhuhu.

"baba na kami, Arielle" sabi ni Ellena.

"excited na akong makita yung gown mo" sabi ni Kat.

"kakain muna kami dun sa baba" sabi ni Nadia.

natawa na lang ako sa kalokohan nilang tatlo.

"ang gaganda nyo" sabi ko.

"sus maliit na bagay" sabi ni Kat, na naka light yellow ballgown na open yung likod. oh taray!

"don't metion it" sabi naman ni Ellena. na naka light pink na ballgown na may ilang mga crystals na design

"di ka pa nasanay?" sabi ni Nadia, na naka Cream colored ballgown, na iba't ibang burda at crystals

"ang hangin! magsilayas na nga kayo baka masira pa yung buhok ko" natatawang sabi ko.

umalis na silang tatlo, for sure magseselfie yang mga yan, tas susugurin na yung photobooth. mga baliw talaga.

"ma'am isuot na po natin yung gown mo, malapit na pong magsimula yung party" sabi ng designer ko.

sinuot ko na yung gown ko, I'm wearing a light blue ballgown with swarovski crystals. mayroon din akong suot na light blue gloves hanggang sa siko ko. oh taray!

"ayyy perfect!" sigaw ni Dyosa, yung assistant coordinator ko.

"bet ko talaga mag ballgown din ngayon eh, kaso baka masapawan kita kaya prince ako ngayong gabi" sabi nya.

natawa na lang ako, dahil naka prince costume sya pero naka pink lipstick. laughtrip.

"dumarating na yung mga bisita mo sa baba. ipapakilala ka na in 10 minutes" masayang sabi ni Ate Dyosa.

sinuot ko na yung mask ko.

wooooh! this is it!

debut ko na!

naririnig ko na nagsasalita na si Ate Dyosa sa baba. nakabukas na yung pintuan ng room ko, para marinig ko yung signal ko.

maya-maya narinig ko na yung trumpet, yung parang sa mga ball talaga pag inaannounce yung reyna. HAHAHAHA i love it!

naglakad na ako, huminto ako taas ng hagdan at nilibot ko yung tingin ko. gusto kong matawa ng bongga kasi lahat sila naka ballgown tas prince costume at naka mask talaga, this is so amazing!

matapos yung tunog ng trumpet, magsasalita na yung Royal Announcer yung sumisigaw ng pangalan ng mga prinsesa bago pumasok sa ballroom.

"Your Royal Highness, Princess Arielle Marie" pagkasabi ng pangalan ko tumunog ulit yung trumpet pero this time mas mahina na, nagpalakpakan naman yung mga tao.

"To be escorted by Prince Clyde" dagdag nung announcer.

natanaw ko naman sa dulo ng naghagdan yung Impaktong nagaabang sa pagbaba ko.

he's wearing a gold prince costume, white pants and a black mask.

pfffffft.

nilahad nya yung kamay nya at inabot ko naman yun.

"ang gwapo mo naman, Prince Clyde" bulong ko sa kanya.

"matagal na akong gwapo, sleeping beauty. tsk nakakainis yung maskara mo" bulong nya.

"inaano ka ng maskara ko?" tanong ko.

"hindi ko makita kung gaano ka kaganda ngayong gabi" sagot nya.

naginit naman yung pisngi ko.

hindi na ako sumagot dahil malapit na akong maupo sa trono ko, HAHAHAHA yes may trono ako, sa gitna ng trono ni mama at papa.

laughtrip si papa, naka costume na pang hari tas may crown pa talaga, ganon din si mama, pang reyna naman yung kanya. HAHAHAHA.

tumayo ako sa harap ng trono ko, magsasalita kasi ako eh, potek! woooh!

natahimik ang lahat ng nasa ballroom.

"Thank You for attending the Royal Masquerade Ball, I'm glad that you follow the dresscode" sabi ko. nagtawanan naman sila.

"Tonight we are here to celebrate, my 18th birthday. hope we'll enjoy this night. Thank you" sabi ko at nagpalakpakan naman sila.

"Thank You for that wonderful opening remark, Princess Arielle Marie" sabi ni Ate Dyosa, sya din kasi yung MC eh.

nagsimula na yung program, nagplay pa sa may projector yung mga pictures ko nung bata hanggang sa lumaki na ako. maraming wacky, tipong nakanganga ako, nakatawa, nakapikit. kanino pa ba mang-gagaling yun? edi sa tatlo!

nakakaloka!

pinakita din yung video shoot namin, mukha lang akong tanga dun na tumatakbo tas biglang hihiga sa damo. boset.

pinakita din yung photoshoot ko.

ugh! nakakahiya!

after ipakita yung karumaldumal na krimen, HAHAHAHAHA chos jk lang, yung mga pictures ko talaga yun eh, nagsimula na yung 18 treasures.

isa-isa silang nagbibigay ng regalo sa akin tas maikling message na din. nung sila Kat na, gusto kong matawa, feeling ko kasi kinabisado nila yung sasabihin nila ngayon eh.

kahit nakamask yung tatlo makikita mo talagang kinakabahan sila.

si Kat yung nauna,

"Hi your Highness" sabi nya sabay bow sa harap ko.

"Princess Arielle Marie, ano bang sasabihin ko? ahm Happy Happy Birthday, wish ko sana maging masaya ka, gumanda na sana yung lovelife mo, yieeee! sana naman hindi ka na manghingi ng christmas gift kasi ang gastos eh. anyways, always remember na nandito lang ako, tawagan mo lang ako kung may problema ka, pero ibang usapan kapag mangungutang ka.hahaha. Happy Birthday Arielle!" sabi Kat sabay abot ng paper bag sa akin.

niyakap ko sya at ang loka, umiiyak pala! HAHAHAHAHAHA laughtrip!

umalis na sya, si Ellena naman.

"Hi Princess Arielle Marie, Happy Birthday!!! grabe ka sobrang gastos mo! naubos yung ipon ko sayo! huhuhu pero ok lang yun, ikaw naman eh. wishing you good health, good luck, good grades and a wonderful lovelife.hahahaha, kagaya ni Kat ahm, nandito lang ako whenever you need someone to talk with, punta ka lang sa apartment, dala ka foods ah, hahaha! happy birthday ulit!" sabi ni Ellena at niyakap ako.

inabot nya sa akin yung box nilagay ko naman sa gilid ng trono ko, kasama nung iba pang regalo.

si Nadia na.

"Hi Princess Arielle Marie, ahm wala na akong sasabihin. sinabi na nila Kat at Ellena eh! ahm happy birthday, yun nga sana more birthdays to come, para malibre mo kami. when you need a friend, i'm only one call away...oh taray! english yun! hahaha ayoko na nakakahiya ako, Happy birthday Arielle! labyah!" sabi nya sabay yakap sa akin.

nilagay nya sa gilid yung regalo.

tapos na yung 18 treasures. 18 letters naman from my family and relatives.

matapos iabot yung letters. eto na. woooh!

18 roses na!!!! gahd! hahaha

bakit ba ako kinakabahan eh wala naman si Drei? :(

ok lang yan Arielle. ok lang yan.

"may we call on King Amhyr as the 1st rose of Princess Arielle Marie" sabi ni Ate Dyosa.

nagpalakpakan naman yung mga tao.

pumunta si papa sa trono ko.

"may i have this dance?" nakangiting tanong ng tatay ko.

"pleasure is mine, your highness" sabi ko.

pumunta kami sa gitna ng ballroom, tumugtog na yung orchestra, inabot naman ni papa yung Blue rose sa akin, saka kami nagsayaw.

"anak, i'm so proud of you, dalaga ka na at malalaman ko na lang may boyfriend ka, tapos magpapakasal na kayo, tapos may pamilya ka ng sarili, tapos kakalimutan mo na kami ng mama mo" sabi nya.

natawa ako.

"papa naman eh! 18 palang ako, wala pa akong balak magpakasal" natatawang sabi ko.

"pero mag boyfriend meron?" nakangising sagot ni papa.

niyakap ko si papa, boset kasi. napatawa sya ng malakas.

"hindi naman kita pipigilan eh, basta ba magaaral ka pa rin ng mabuti kahit may boyfriend ka na" sabi nya.

"pag may boyfriend na ang prinsesa ko, hindi na lang ako yung nagiisang lalake sa buhay nya" sabi ni papa.

"papa naman eh" reklamo ko.

"tama na, alam kong gustong-gusto ka ng makasayaw ni Clyde" sabi ni papa tas nginisian ako.

umalis na sya at sinayaw naman ako ng ibang partners nya sa business.

~fast forward~

"may we call on king julian as the 9th rose of Princess Arielle Marie" sabi ni Ate Dyosa.

kaso wala, wala yung isang investor ni papa. hindi yata naka attend.

i look at ate dyosa and mouthed

"next"

agad naman syang tumango.

"King Julian didn't arrive, so may we call on Prince Alex as the 10th rose of Princess Arielle Marie" sabi ni ate Dyosa.

lumapit naman si Alex sa akin, nagbigay galang muna sya bago inabot yung Blue rose.

"your highness, happy birthday" sabi nya habang nagsasayaw kami.

"buti naman nakapunta ka" sabi ko.

"edi sinapak ako ni Clyde kung hindi ako pumunta?" sabi nya.

"hahaha siraulo yun" sabi ko.

"kamusta naman kayo?" tanong nya.

"nino?" tanong ko.

"ni Clyde" sabi nya at nginisian ako.

"baliw!" yan lang yung nasabi ko.

"yieee, sasagutin mo na ba?" tanong nya.

"gunggong ka! umalis ka na nga dito" natatawang sabi ko.

pinaikot naman nya ako.

"iba ka talaga. ramdam ko na yung masamang tingin ng manliligaw mo" natatawang sabi nya.

"hayaan mo yun" sabi ko.

"baka ipabugbog ako nun paglabas ko ng Venue" sabi nya.

pinaikot nya ako ulit tas nagbigay galang ulit at umalis na.

"may we call on Prince Thor as the 11th rose of Princess Arielle Marie" sabi ni ate dyosa.

nakangiting lumapit sa akin si Thor.

"happy birthday" sabi nya sabay bow, inabot nya yung blue rose tas nagsayaw na kami.

"sayang wala si Drei" sabi nya.

di na ako nagsalita ngumiti na lang ako.

"loko kasi yun eh, may importante daw na gagawin" sabi nya.

"ok lang " nakangiting sabi ko.

"kulang yung 18 roses mo ah, pag natapos 'to, kulang pa rin ng isa" sabi nya.

"oo nga eh, baka humabol pa yun, investor yun ni papa eh" paliwanag ko.

"yaman talaga, sige na. isayaw mo na yung dalawa" sabi nya. tinutukoy nya si Ken at Gabby.

nagbow sya at umalis na.

"may we call on Prince Ken as the 12th rose of Princess Arielle Marie" sabi ni Ate Dyosa.

lumapit naman si Ken sa akin, ang lapad ng ngiti.

"happy birthday to you" pakanta nyang sabi sabay abot ng blue rose sa akin.

"hi Princess, may kakilala akong mamatay sa inggit dahil nakasayaw kita" sabi nya.

"sino naman yun?" tanong ko.

"secret" natatawang sabi nya.

nagpoker face ako kahit hindi nakikita dahil sa mask ko.

natapos na kaming sumayaw ni Ken at si Gabby naman.

"may we call on The most handsome Prince Gabby as the 13th rose of Princess Arielle Marie" sabi ni Ate Dyosa.

nakunot naman yung noo ko, parang may iba sa pagpapakilala kay Gabby ah.

tatawa-tawa syang lumapit sa akin, lumuhod sya at inabot yung blue rose sa akin.

loko talaga.

"Happy Birthday your highness" sabi nya, ngumiti lang ako.

"bakit iba yung pagpapakilala sayo?" tanong ko.

"anong iba? eh ako naman talaga yung the most handsome prince" mayabang na sabi nya.

"sige" sabi ko na lang.

napasimangot naman sya.

"ang swerte ko naman, nakasayaw kita sigurado akong maiingit yun sa akin" sabi nya.

"sinong maiingit sayo?" tanong ko.

"secret" nakangiting sagot nya.

natapos na kaming sumayaw.

~fast forward~

"Thank you" sabi ko kay James, kapitbahay namin. hahahaha.

18th rose na. meaning si Clyde na.

biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

kinakabahan ako.

"May we call on, the escort. Prince Clyde as the 18th rose of Princess Arielle Marie" sabi ni Ate Dyosa.

nagpalakpakan naman ang lahat ng tao pero wala pa sya.

biglang namatay yung ilaw tas sumindi yung spotlight sa akin. medyo nasilaw ako. nung naimulat ko ng maayos yung mata ko, namangha ako sa paligid ko, para akong nasa outerspace. may mga maliliit na ilaw sa paligid.

biglang tumugtog yung orchestra

(playing: isn't she lovely)

Isn't she lovely, Isn't she wonderful,
Isn't she precious,
Less than one minute old.

SI CLYDE.

SI CLYDE KUMAKANTA!

papalapit sya sa akin.

I never thought through love we'd be, making one as lovely as she
But isn't she lovely made from love.

inabot nya sa akin yung blue rose. tas nagsayaw na kami. natatawa ako dahil feel na feel nya yung kanta, nakalapel pala sya kaya rinig na rinig sa buong venue yung boses nya.

Isn't she pretty
Truly the angel's best
Boy, I'm so happy
We have been heaven blessed
I can't believe what God has done
Through us he's give life to one
But isn't she lovely made from love.

instrumental~~~

*dug...dug...dug...dug*

isang nakangiting prinsipe yung nasa harap ko ngayon hindi impakto.

nakangiti habang nagsasayaw kami, yung ngiti nya nakakahawa kaya naman napangiti ako.

he mouthed

"i like you"

na ikinapula ng pisngi ko, laking pasasalamat ko sa mask na suot ko woooh!

Isn't she lovely
Life and love are the same
Life is Aisha
The meaning of her name
Londie, it could have not been done
Without you who concieved the one
That's so very lovely made from love.

pinaikot nya ako bago yakapin. i hugged him back, nagbukas lahat ng ilaw sa venue kasabay ng palakpakan ng mga bisita.

bumitaw na ako sa yakap, nakakahiya eh ang daming tao!

"Thank you Prince Clyde. what a surprising 18th rose performance, anong masasabi nyo?" tanong ni Ate dyosa sa mga tao.

"yieeeeee" sabay sabay nilang sabi.

0///////////0

napayuko na lang ako, kahit kasi sila mama nakikiasar din eh.

hinatid na ako ni Clyde sa trono ko, nandun lang sa likod ko nakatayo.

kung ano ano pa yung sinasabi ni Ate Dyosa, pero ramdam kong malapit ng kumain oo! huhuhu gutom na ako!

"let us call on Princess Arielle Marie for the blowing of her cake" sabi ni Ate Dyosa

inalalayan naman ako ni Clyde.

"masakit na yung paa mo no?" tanong nya.

he really knows me, damn well.

tumango ako.

"talaga naman ayaw ng layuan ng Prinsipe yung Prisesa" kantyaw ni Ate Dyosa at nagtawanan naman ang lahat.

lumapit na ako sa cake.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday...happy birthday to you" kanta nila.

pumikit ako at nagwish. kung ano yung wish ko?

Secret! HAHAHAHAHA

hinipan ko na yung candle tas nagpalakpakan yung mga bisita, syempre natutuwa sila dahil tapos na yung program at kainan na!

gutom na ako!

pumunta na ako sa principal table kung saan kasama ko sila Kat, Ellena, Alex, Nadia at Clyde.

nakahanda na yung pagkain dun.

"taray Clyde!" sabi ni Ellena.

"may pasabog ka pala" sabi ni Nadia

"sweetest" sabi naman ni Kat.

nanahimik na lang ako kasi gutom na talaga ako eh.

kain ako ng kain.

"baka pumutok yung gown mo" bulong ni Clyde sa akin.

napatigil ako sa pagnguya.

hinampas ko sya, nilunok ko muna yung pagkain ko bago magsalita.

"hoy! yung kitkat ko! natalo ka" sabi ko.

inabot naman nya paper bag na puro kitkat.

sakto lang kasi yung fit ng gown sa akin kaya panalo ako. hahahaha yeah!

kwentuhan, tawanan, sayawan.

masaya yung party ko

pero parang may kulang?

*end of chap*



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top