Princess in Distress
*Arielle's PoV*
"I--"
"I'm almost there"
Argh!
Gahd! Give me some sleep! Huhuhuhu puyat na naman ako, in fact wala pa akong tulog tapos nakikita ko na yung haring araw!
Bakit ko ba sinabi yun?
Where the hell did i get those words?!
"I'm almost there"
Uuuuuugh!
NAKAKAHIYAAAAAAAAA!
*flashback*
"I--"
"I'm almost there"
Katahimikan...nakakabinging katahimikan~
He smiled tapos ginulo nya yung buhok ko.
"Let's go home, my princess" nakangiting sabi nya.
Uhm anong nangyayari?
Wala po akong maintindihan.
Ang awkward super!
Nagpanggap na lang akong natutulog sa sasakyan, baka kasi magtanong sya tungkol sa "I'm almost there" drama ko, jusme! Wala akong masasagot!
Tinapik nya ako.
"We're here" nakangiting sabi nya.
Jusmiyo! Bakit ba kanina ka pa nakangiti! Nakakaloka!
Hinatid nya ako sa gate, hinalikan nya ako sa noo and he bid his goodbye.
Pumasok ako sa bahay na parang gelatin yung binti ko. Mygulay!
Pagpasok ko sa kwarto ko tumalon agad ako sa higaan at paulit-ulit kong nireplay sa utak ko yung "I'm almost there"
"AAAAARRRGH! NAKAKAHIYAAAAAA!" sigaw ko.
Dahil wala na rin naman akong magagawa at nasabi ko na yun. Huhuhu gahd! Magti-twitter na lang ako.
Drei @itscastillodrei
She never fails to amaze me <3
Drei @itscastillodrei
Almost there <3
0////////////////0
Naibato ko yung phone ko dahil sa tweet na nakita ko nyemas!
Uggggh!
Omg!
Makatulog na nga lang! Nakakahiya talaga!
*end of flashback*
Umayos ako ng upo sa kama, wala na ring namang sense kung pipilitin ko pang matulog. Hays.
"Meow"
"Hi A! Nakatulog ka ba? Si mommy kasi di nakatulog ng maayos eh" sabi ko sa pusa habang binubuhat ko.
"Meow"
Sana naiintindihan kita di ba?
HAHAHA NABABALIW NA AKO!
binaba ko na si A, siguro magja-jogging na lang ako ng may magandang maidulot yung kawalang tulog ko.
It's already 6 nung lumabas ako ng kwarto. Buti na lang 9 pa yung klase ko kaya ok lang kung magja-jogging ako.
Sinama ko na rin si Demon, remember him? Sya yung siberian husky na bigay ni Impakto sa akin.
So nag-jog kami paikot sa village.
Habang nagja-jog kami, hindi pa rin maalis sa isip ko yung "I'm almost there" pati na rin yung fact na tinamaan ko yung sampung signs kay Drei.
Nakumpleto ko!
It means that, si Drei talaga! Sya yung gusto ko! Naguguluhan lang ako sa feelings ko kay Clyde-slash-Impakto.
Clear na ngayon sa akin na kaibigan lang ang tingin ko kay Clyde. A very close friend. Very close to the point na ayoko syang masaktan.
Ayokong may masaktan!
Kung pipiliin ko si Drei masasaktan si Clyde at ayokong mangyari yun!
Clyde's very important to me and pati na rin si drei. Pareho silang importante sa akin.
Hindi ako makapili!
Or ayaw mo lang pumili dahil ayaw mong may masaktan?
Oh shut up conscience!
Takbo lang ako ng takbo kasama si Demon.
Ugh!
Hindi naman pwedeng takbuhan ko na lang yung sitwasyon ko eh. I need to face this!
Kailangan kong mamili!
Kailangan kong magdecide!
Kailangan kong--
*boogsh!*
"ARAY!"
At...
Nadapa ako.
I'm so amazing!
Umupo na lang ako sa gitna ng kalsada, ang aga-aga pero nasstress na ako.
"Arf! Arf!"
"Hey D! Magrerest lang si mommy, napapagod na ako eh. Sit" sabi ko kay Demon or D na lang for short.
Tinignan ko yung binti ko baka may sugat. Luckily pasa lang yung nakuha ko.
Tsk! Katangahan kasi Arielle!
"Hays, sinong pipiliin ko D?" Tanong ko sa aso.
Silence~
-_____________-
What do i expect, tinignan lang ako ni D! Hays! Nababaliw na ako!
Bumalik na kami sa bahay dahil medyo mainit na at may klase pa ako.
Just like the normal days, ginawa ko yung mga ritwal ko.
Naligo.
Nagbihis.
Nagayos.
Nagalmusal.
Etc. Etc.
*ding!dong!ding!dong!*
"Ako na magbubukas, my love"
Napairap na lang ako sa kuya ko.
Kumain na lang ako ng tahimik hanggang sa bumalik si kuya na lukot lukot yung mukha.
"What's with the face?" Tanong ko.
"Tanong mo sa manliligaw mong impakto" sagot nya.
"Si Clyde?" Tanong ko.
"Sino pa ba? Hey my love, bustedin mo yun ah!" Sabi ni Kuya.
"Sige kunwari wala ako dito at di ko narinig yung usapan nyo"
Napalingon ako kay Clyde.
"Goodmorning" nakangiting bati nya sa akin sabay salute.
"Tsssssssss" react ni kuya.
"Kumain ka na?" Tanong ko kay Impakto.
Tumango naman sya.
"Good akala ko makikikain ka pa dito sa amin eh" sabi ni kuya.
Napa-roll eyes na lang ako sa kanya eh, ang damot talaga porket sya yung nagluto eh.
Mabilis kong tinapos yung pagkain ko para makalayas na kami ni Clyde. Ang sama ng tinginan nila ni Kuya eh.
Jusme stress much!
"Yung kuya mo laging badtrip sa akin" sabi ni Clyde sabay pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan nya.
"Dont mind him" sabi ko.
Natawa sya.
"Feeling ko insecure lang sa kagwapuhan ko yun" mayabang na sabi nya.
Wow! Teh lakas ng aircon!
"Ang hangin" bored na sabi ko.
Tumawa lang sya.
Bigla kaming natahimik. Sobrang tahimik tapos ang bigat ng atmosphere!
Woooooh!
"Arielle/Clyde" sabay naming sabi.
Nyemas na yan! Mas lalong naging awkward amp!
"Ikaw na mauna" sabay naming sabi.
I mentally facepalm
-__________-
"Nevermind" sabi nya.
And natahimik na naman kami.
Gahd gusto ko na lang umalis sa sasakyan nya eh!
Pero hindi! Kailangan hindi kami awkward!
I need to do something!
"Hmmmm~" i started humming.
Napalingon sya sa akin.
"I can't help it if you look like an angel, can't help it if i wanna kiss you in the rain~" kanta ko
"Ang pangit ng boses mo" reklamo nya.
"Wow! Ang galing mo kasing kumanta eh" sabi ko.
Natawa sya.
"Tawa ka ng tawa! Magkakabag ka sana! Hmp!" Sabi ko.
Sinundot nya ako sa tagiliran.
"Haha sorry na" natatawang sabi nya.
"Che!" Sabi ko.
Kainis! Minsan na lang kumanta masasabihan pang pangit yung boses! Kakaloka!
Jusme ako na nga gumagawa ng paraan para di awkward tapos ganon lang yung mangyayari?! Huhuhu asan yung hustisya!
"Hahaha maganda yung boses mo" sabi nya
Tinignan ko sya.
"Weh?" Tanong ko.
"Tignan mo to, magagalit pa sinabihang pangit yung boses tapos pag sinabihang maganda hindi naman maniniwala" sabi nya.
Hinampas ko nga sa braso! Siraulo eh
Nag-asaran lang kami hanggang sa makarating sa school. Mas ok na yun kesa namang maging awkward kami.
Mas ok na yung nabibwisit ako kesa naman mananahimik na lang kami.
Hindi kasi ako sanay. Hays.
"Una ka na sa room, kailangan ako sa faculty ngayon" sabi nya.
"Tutor?" Tanong ko.
Umiling sya.
"Para daw sa varsity, nag-quit na ako sa tutor di ba?" Nakangiting sabi nya.
Tumango na lang ako.
"Sige" nakangiting paalam ko bago tumalikod.
Clyde is a very nice person, he doesn't deserve to be dumped.
Ugh! Tapos sooner or later mamimili na ako, may isang masasaktan!
I don't want to hurt anybody.
Tulala akong pumasok sa room.
Himala wala pa yung tatlo, nagbasa-basa muna ako ng notes.
Maya-maya lang nagsidatingan na yung ibang students pati na rin yung prof.
"Hi Arielle" bulong na bati nilang tatlo sa akin.
Ngumiti lang ako.
Magdamag akong nakinig sa lecture ng prof. Hindi ko muna pinapansin yung tatlo mamaya kasi tanungin nila ako about sa signs.
"Oi nasan si Clyde?" Tanong ni Ellena.
"Nasa faculty" sagot ko.
"Anong mukha yan?" Tanong ni Kat.
"Bakit?" Tanong ko.
"Anong bakit? May problema ba?" Tanong ulit ni Kat sa akin.
Mabilis akong umiling.
"Sure ka?" Tanong ni Nadia.
Ngumiti ako tas tumango.
Hindi na ulit sila nagtanong hanggang sa mag-dismiss yung prof.
As usual nagpunta kami sa garden para tumambay.
Naabutan naming nandun si Clyde.
"Bakit di ka pumasok?" Tanong ko.
"Namiss ka nya" sabat ni Nadia.
Natawa na lang si Clyde. Inirapan ko naman silang lahat.
"Haha varsity na ako ng school" sabi ni Clyde.
"Wow congrats" sabi ni Kat.
"Galing naman" sabi ni Ellena.
"Waterboy ka?" Tanong ko.
Natahimik kaming lahat.
"Aba't talaga! Hoy! Sa gwapo kong to waterboy lang ako?" Mayabang na sabi nya.
At hindi na naman sya tumigil sa kagwapuhan nya.
Ganyang ganyan sya noong highschool kami eh, mayabang, mahangin, anyare?
Akala ko nawala na yun eh!
Napangiti ako.
He's back.
The oh-so arrogant Clyde.
"Oh muntik ko ng malimutan" sabi nya sabay abot ng kitkat sa akin.
"Ayieeeee" asar nung tatlo.
-_________-
*bzzzt...bzzzt*
Phone ni Clyde.
"Ah. Alis muna ako, ipapakilala na yung ibang members ng varsity. Btw kasama ko si Alex dun" sabi nya
Tinignan nya ako.
"FYI, hindi ako waterboy, ako ang future star player na kababaliwan ng lahat" sabi nya sabay kindat sa akin.
"Siraulo! Lumayas ka na nga" natatawang sabi ko.
"Sus, kinikilig ka lang eh" sabi nya sabay takbo.
Noon Clyde, noon.
Lumapit ka lang kinakabahan na ako, pag nagaasaran tayo sobrang hirap pigilan ng ngiti at kilig ko, hindi ako makapagisip ng maayos pag naramdaman ko na yung presensya mo.
Kaso noon yun.
Hindi na ikaw yung nagbibigay ng epekto na yun.
"Hoy! Tulala lang?" Sabi sa akin ni Kat sabay hampas sa braso ko.
"Aray!" Reklamo ko.
"Lalim ng iniisip mo ah" sabi ni Nadia.
"Oo nga" sabat ni Ellena.
"Kamusta?" Tanong ni Kat.
"Tuloy ka, halika na pare wag kang mahiyang pumasok, pasensya ka na sa bahay ko medyo madumi at nakakasulasok~" pag rap ko.
Pokerface silang tatlo sa akin.
What?
"Ha Ha, dalawa lang yan tipirin mo" sabi ni Kat.
-_________- ang bully!
"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Nadia.
"Ang lalim ng eyebags mo, mukha kang stressed" dagdag nya.
"Namomoblema ka ba sa paperworks mo?" Tanong ni Ellena.
"Hindi last week tapos ko na yun eh" sagot ko.
"Oh eh bakit ganyan yung mukha mo? May problema ka ba?" Tanong ni Nadia.
"Malamang lovelife nya" sabat ni Kat.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Kaloka!
Nabinggo ni Kat! Pak na pak!
"Oo nga pala! Yung signs?" Tanong ni Ellena.
Anak ng tipaklong naman oh!
"Anong meron sa signs?" Tanong ko pabalik.
"Arielle" sabay nilang sabi.
"Ano?" Kinakabahang tanong ko.
"Yung signs?" Tanong ni Nadia.
"We need info!" Sabi ni Kat.
"Naka-ilan na sila?" Tanong ni Ellena.
Hindi ako kumikibo. Omg!
Nasa hot seat ako! Nakakaloka!
Nagulat ako ng hablutin ni Kat yung bag ko!
0____________0
OMG! OMG! OMG!
tinakbo nya yung bag ko, hinawakan naman ako ni Ellena at Nadia sa braso.
Dinala ni Kat yung bag ko sa pinakadulong bench tas kinalkal nya!
0____________0
Omg!
Dala ko ba yung notepad ko?
Omg sana di ko dala yung notepad ko!
Sana naiwan ko yung notepad ko!
Paulit ulit kong nirerecite yan sa utak ko! Omg!
"Nakita ko na!" Sigaw ni Kat
"WAG YAN!" sigaw ko
Binuklat ni Kat yung notepad ko.
"Kyaaaaaaaaaaaaaah!"
0_______0
Bigla sya tumili!
Bigla din akong binitawan nung dalawa! Ang ending?
Ayun lagapak ako sa lupa!
Tumakbo si Ellena at Nadia papunta kay Kat.
The next thing i know tatlo na silang tumitili na parang baliw doon!
Oh gahd! Bakit ko sila naging kaibigan? HAHAHAHAHA charot!
Tumakbo sila papalapit sa akin,
Talon-talon pa sila sa happiness nakakaloka!
"Omg.omg.omg!" Sabi ni Kat.
"Nakapili ka na pala!!!!" Sigaw ni Nadia
"I'm so happy for you!" Sabi ni Ellena
Ano bang nakita nila?
Edi yung signs ko!
10 signs that you've already fallen
1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart. ✔ ✖
2. You can't stop blushing.✔✖
3. You're ALWAYS conscious about your appearance when you're with him. ✔
4. You can't think straight. ✔
5. He's the only thing on your mind.✔
6. Butterflies are partying inside your stomach whenever he's around. ✔
7. You ALWAYS feel the "it's-to-good-to-be-true" feeling when you're with him. ✔
8. You can't stop staring at him. And ask yourself "bakit ang swerte ko?". ✔
9. You're jealous over small things or someone.✔✖
10. You've imagined your whole future with him.✔
✔- Drei
✖ - Clyde
Note: pag nakikita ko si Drei sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nagwawala yung butterflies sa tyan ko, nahihiya yung kamatis sa pula ng mukha ko. In short, nawawala ako sa sistema ko pag nandyan si Drei.
Si Clyde bibilis lang yung tibok ng puso ko pag babanat sya or pag nagsasabi ng nakakakilig at the same time i blush too.
Last note: tinamaan ng lintek! Nabinggo ni Drei!
"Omg! Paulit ulit ko ng nabasa pero kinikilig pa din ako! Nakakaloka" sabi ni Kat.
"Ano ng plano mo?" Seryosong tanong ni Ellena.
"Hindi ko pa alam" sagot ko.
"Anong di mo pa alam?" Tanong ni Nadia.
*ringggs...ringggs*
"Hello" bati ko.
["Anong oras na Arielle?"] Tanong ni Clyde.
Oo sya yung tumawag.
"Ha? 12:30 na" sagot ko.
0_________0
"HALA 12:30 NA!!!!" sigaw ko.
Naalarma yung tatlo, aba malamang late na kami!
Di pa kami naglunch! Ang saya lang!
Binaba ko na yung phone call tas kumaripas kami ng takbo.
Malas ba? Hahahaha nope.
I was saved by the phone call!
Nalate kami pero di kami pinagalitan.
Tahimik lang kami hanggang sa matapos ang klase.
At uwian na! Bilis di ba?
Nag-cr muna kami. Nagulat ako nung sinara nila yung pinto.
"Oi bakit nyo sinara?" Tanong ko.
"Baka kasi tumakas ka" sabi ni Nadia.
"Hehe saan ako pupunta?" Kinakabahang tanong ko.
"Arielle sagutin mo kami, anong plano mo?" Tanong ni Ellena.
"....."
Hindi ako kumibo.
"Para matulungan ka namin, kaibigan mo kami" sabi ni Kat.
Fine. Sasabihin ko na.
"Obvious naman yung sa signs, pero may problema" panimula ko.
Tahimik lang silang naghihintay sa sasabihin ko.
"Ayokong may masaktan" sabi ko.
"Ayokong masaktan si Clyde, he doesn't deserve it" dagdag ko.
"Kailangan mong mamili" sabi ni Kat.
"Normal lang yung may masaktan" paliwanag ni Nadia.
"Natatakot ako na baka magbago sya after nito" malungkot na sabi ko.
"Natatakot ako na baka magiba sya, lumayo sya" dagdag ko.
"Kaibigan ko sya at importante sya sa akin" sabi ko.
"Pero si Drei ang gusto mo" sabi ni Kat.
*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*
By just hearing his name makes my heart pound real fast.
Tumango ako.
"Gusto ko si Drei" sabi ko.
"Pero ayokong masaktan si Clyde" dagdag ko.
Silence~~~
"Ikaw lang ang makakapagdecide Arielle" sabi ni Ellena.
"Pero tandaan mo nandito lang kami" sabi ni Nadia.
"Tara na ihahatid ka pa ni Drei" sabi ni Kat tas ngumiti ng nakakaloko.
Lumabas na kami nakita ko namang nag-aabang na si Drei sa labas ng room.
"San ka galing?" Tanong ni Drei
"Nag-cr lang" sabi ko.
"That long?" Natatawang tanong nya.
"Nagpapaganda para sayo" sabat ni Nadia.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"She doesn't have to, she's already beautiful" sabi ni Drei
0//////////////0
Ansabe?
"Ayiiiiiieeeeeee" silang tatlo. Nakakaloka!
Nagpunta na kami sa parking lot.
Nagpaalam na din yung tatlo.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan sa pagpasok.
Sumakay na din sya at nagsimula ng magdrive.
Silence~~~~~~
"About yesterday" sabi nya.
Di na naman ako mapakali sa upuan ko.
Omg!
"Hindi naman kita minamadali" sabi nya. Nakafocus lang sya sa daan.
Jusme yung puso ko, yung tyan ko, lahat na! Naghuhurumentado! Omg! Ang lalim! Nakakaloka!
"But I'm happy" sabi nya.
Nawawala yata yung dila ko.
"Just take your time, mukhang pareho naman kami ni Clyde na handang maghintay" sabi nya.
Wooooh jeske nemen pe!
Nakapili na ako eh!
May konting problema lang!
Hays hays.
"No matter how long it takes, I'm willing to wait because i know you're worth it" nakangiting sabi nya.
*bzzzt...bzzzt*
From: Clyde Impakto
Always remember that you're worth the fight and most especially the wait.
Dear Rapunzel,
Ansabe ng haba ng buhok mo sa haba buhok ko? Kakaloka! Nababaliw na ako!
Oh gahd!
*end of chap*
An*
Hi guys! Huhuhu lame ba? Nakakaloka! Hahaha
Comment lang po, paramdam naman kayo malapit ng matapos to! Hahahahaha :)
Lovelots
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top