Preparation

*Arielle's PoV*

blah...blah...blah...

lutang ako ngayon sa klase kahit kanina pa ako binibwisit ng impaktong katabi ko.

wala ako sa mood pwede ba? -___-

paano ba naman kasi...

~Flashback~

"Anak, one month na lang at debut mo na. any plans?" tanong ni mama.

"actually ma, i don't have any plans" sabi ko sabay kamot sa batok. hindi ko nga namalayan na malapit na pala yung debut ko!

"we will throw a party" sabat ni papa, na kakarating lang.

"what?!" di makapaniwalang tanong ko.

"why you're my unica hija. yung debut isang beses lang yun" sabi ni papa.

"at may surprise din ako" dagdag nya.

"ano na naman yun" tanong ni mama

"ako na yung major stockholder ng kompanya" sagot ni papa.

0____________0

for real?!

"talaga?" tanong ni mama.

"yeah, tapos may bago pa kaming magiging partner sa business. we're planning to expand the company sa ibang bansa" sabi ni papa.

"this really calls for a celebration" sabi ni mama.

"i'm planning to celebrate it also on your birthday" sabi ni papa sa akin.

napatango na lang ako, i mean hello?! major stockholder yung tatay ko! tas mageexpand pa yung business! nakakaloka!

"kailangan mo ng planuhin yung debut mo" sabi ni mama

"anak, i'll be inviting new investors of our business to your party. by that time planado na lahat para sa expansion, ila-launch na lang" sabi ni papa.

wala akong masyadong maintindihan, but my parents were damn happy. sino ba ako para pumigil sa kaligayahan nila?

"sure, i'll plan everything for my debut" sabi ko

"don't worry about the budget anak, noon pa man pinagipunan na namin ng papa mo yung debut mo" sabi ni mama

tumango na lang ako.

~end of flashback~

i'm happy and excited.

malayo pa yung debut ko pero naeexcite na talaga ako.

may tinawagan na si mama para sa gagawa ng gown ko, photographer, assistant coordinator ko and etc etc.

bongga talaga yung debut.

nakakaloka!

now, i'm thinking about the theme

gusto ko kasi yung kakaiba. yung ako lang yung may debut na ganon. taray di ba?

"kanina ka pa lutang" sabi ni Clyde.

kakalabas lang namin sa room, hinihintay namin yung tatlo.

"oi Arielle! malapit na birthday mo ah!" sabi ni Kat

"oo nga anong plano?" tanong ni Nadia.

"for sure magdedebut yan" sabi ni Ellena.

ngumiti na lang ako, pumunta kami sa may Garden. dun ko sasabihin sa kanila yung plano sa debut ko. nakaisip na rin ako ng theme.

hahahaha.

"magdedebut ako guys" sabi ko.

"nice" sabay nilang sabi.

"anong theme?" tanong ni Ellena.

"Royal" sagot ko

"ha?" naguguluhang tanong nila kahit si impakto napatanong din eh.

"explain mo nga" sabi ni Nadia.

"Royal, princes and princesses. yung makaluma talaga. yung mga nakikita mo sa movies at yung madalas na nababasa mo sa fairytale" sabi ko.

"seryoso?" tanong ni Kat.

"oo, lahat ng bisitang babae naka ballgowns tas yung lalake naman yung parang pang prince charming" sabi ko.

"nasisiraan ka na ba?!" di makapaniwalang tanong ni Clyde.

"di pa yun tapos, bukod sa ballgowns and prince costumes kailangan may mask din. my debut will be a Royal Masquerade Ball" sabi ko.

"WHAT?!" tanong nilang lahat.

"what? got a problem with that? eh yun yung gusto ko eh" sabi ko.

"grabe naman Arielle" reklamo ni Ellena.

"papahirapan mo kaming maghanap ng gown" sabi ni Nadia.

"oo nga" reklamo ni Kat.

"hoy! tigilan nyo ako, mayayaman din kayo! bawas bawasan nyo yung kayamanan nyo!" sabi ko.

"hmmp!" sabay na sabi nung tatlo.

tssss mayayaman din yang mga yan eh, kung makapagreklamo akala mo walang pambili ng gown eh halos araw arawin na nila yung pagsho-shopping!

"sinong 18 roses?" tanong ni Kat.

natahimik ako.

kinuha ko yung papel sa bag ko.

hinati na yun ni mama eh.

1st - papa

2nd - 9th - mga investors sa kompanya

10th - 17th bahala na ako

18th Clyde

halos mapunit na yung papel sa pagaagawan nung tatlo.

"omg!" sabi ni Ellena.

i'm guessing nakita na nila.

"ikaw pala yung escort eh" sabi ni Kat.

"nice Clyde" sabi ni Nadia.

"talaga?" di makapaniwalang tanong nung impakto.

tumango na lang ako.

lumapad naman yung ngiti nya, tssss.

"si mama yung nagdecide nyan" sabi ko.

nawala naman yung ngiti nya. HAHAHAHAHAHA

"ayaw mo akong escort?" tanong ni Impakto.

"wala na akong choice!" sabi ko.

"yieee" asar nung tatlo.

-_____________-

"gandahan mo yung costume mo, ikaw pa naman yung escort" sabi ni Kat.

napairap na lang yung impakto.

"wala na akong choice" pang-gagaya nya sa akin.

kinurot ko sya sa tagiliran nya.

"so sino yung ibang nasa 18 roses mo?" tanong ni Nadia.

kinuha ko yung papel at nagsulat.

10th -Alex

11th -Thor

12th - Ken

13th -Gabby

14th -

15th - Carl

17th - James

"oh kasama sila Thor?" tanong ni Nadia.

"oo" sabi ko.

"sino yung 14th?" tanong ni Kat.

sasabihin ko ba?

nandito si Clyde eh.

eh ano naman?

birthday ko naman eh.

wala naman akong pag-asa kay Drei eh. crush ko nga sya, crush ba nya ako?

walang ugnayang magaganap.

sasayaw lang kami.

"si Drei"

napalingon kaming lahat kay Clyde.

"di ba?" tanong nya sa akin.

hindi ko sya mabasa! hindi ko alam kung galit ba sya or what?

bigla syang ngumiti.

"i'm your last dance anyways" sabi nya at kinindatan ako.

-___________-

phew.

akala ko galit eh.

sinulat na ni Kat yung name ni Drei.

pupunta kaya sya?

hays.

"kailan mo ibibigay yung invitations?" tanong ni Clyde.

"bukas siguro" sabi ko at pinicturan yung papel.

isesend ko yun sa assistant coordinator ko para magawa na agad yung invitations.

sinabi ko na rin na parang pang royal ball yung design ng invitations.

"saan kami?" tanong ni Kat.

"kasama kayo sa 18 Treasures" sabi ko.

"wow ang gastos naman" reklamo ni Ellena.

"ilagay na lang kaya kita sa 18 roses para wala kang gastos" natatawang sabi ko.

hinampas nya lang ako sa braso tas tumawa. hahahaha baliw din eh no?

hours passed....

uwian na!

sabay kami ni Impakto, as usual.

"seryoso talagang kailangang pang prince yung damit ko?" tanong nya.

tuwang-tuwa akong tumango. excited na talaga ako eh.

"hay, lahat kaming 18 roses mo nakaganon?" tanong nya.

"oo, bawal pumasok pagnaka tuxedo ka lang" sabi ko.

nailing na lang sya.

nakarating na kami sa bahay. mula sa labas kita mo ng medyo maraming tao sa loob.

pumasok na kami ni Clyde.

"ayy! eto na yung debutant!" sabi nung bakla, i guess sya yung assistant coordinator ko.

"hi" bati ko.

"ayyy oh! kabog ang beauty! ayy teh! jowa mo?" tanong nya sabay nguso kay Clyde.

"manliligaw" sagot ko.

"soon to be boyfriend" sabat ni Impakto.

hinampas ko nga. tsssssss.

"sweet, akala ko available pa si fafables eh" sabi nung bakla.

"by the way you can call me dyosa" sabi nya.

"ako yung assistant coordinator mo. sila yung team ko. sya yung photographer, designer, make-up artist, hairstylist. blahhh...blahhh...blahhh" sabi ni Ate Dyosa

wala akong naintindihan dahil nandito si Impakto. oo hindi pa sya umuuwi!

nakakaloka!

"hoy!" tawag ko sa impakto.

sumunod naman sya sa akin.

"maka-hoy ka ah!" sabi nya.

"hindi ka pa uuwi?" tanong ko.

"pinapauwi mo na ako?" tanong nya.

"bakit ayaw mo?" tanong ko ulit.

"may sinabi ako?" tanong nya ulit.

kinurot ko sya sa tagiliran. pinagti-tripan na naman ako ng impakto!

"umuwi ka na" sabi ko

"bakit?" tanong nya.

"aayusin namin yung debut, wala kang maiintindihan" sabi ko

"ayoko" sabi nya.

"umuwi ka na, please" sabi ko.

tinignan nya lang ako. alam ko na kung bakit ayaw nya umuwi.

"makinig ka, ikaw yung escort ko at wala ng iba. kung kailangan sa program, like may gagawin kang ek ek or what. sasabihin ko sayo promise" sabi ko.

ngumiti lang sya.

ayaw nya pa ring umalis!

-____________-

"umuwi ka na sabi eh! alam kong pagod ka na ok! matulog ka na or magpahinga ka, magtext ka na lang mamaya" sabi ko.

mas lalong lumapad yung ngiti nya.

lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.

0/////0

"magpahinga ka rin, Sleeping Beauty" nakangiting sabi nya at umalis.

damn that kiss on the forehead!

bumalik na ako sa loob at sinabi ko na yung plano ko.

nakahanap na sila ng perfect venue para dun. nagustuhan ko yung design ng invitation, sobrang simple lang nya, plain white envelope tas may red seal na letter A yung naka engrave.

ang gandaaaaa!

naplano na lahat, mula sa venue at gown ko.

nakalagay naman sa invitation kung ano yung susuotin nila hahahaha excited na ako!

umakyat na ako sa room ko para makatulog na, sobrang nakakapagod ngayon.

mas lalo pa akong mapapagod bukas dahil magbibigay ako ng invitations.takte.

*bzzzttt...bzzzttt*

From: Mr. whoever-you-are :)

lapit na birthday mo :)

Me:

pag inivite ba kita pupunta ka?

From: Mr. whoever-you-are :)

hindi. nahihiya ako sayo eh. nabasa mo naman yung letter ko di ba?

Me:

-_____________- di ka pupunta?

From: Mr. whoever-you-are :)

let's see :)

Me:

wag mo akong paasahin :(

From: Mr. whoever-you-are :)

don't expect. magpapractice muna ako na wag kabahan pag nandyan ka.

Me:

srsly?

From: Mr. whoever-you-are :)

yeah. matulog ka na nga, ngayon pa lang magpapractice na ako. but i'm telling you this, don't expect. baka atakihin ako ng katorpehan sa exact date ng birthday mo eh.

Me:

HAHAHAHAHAHAHA i told you, I won't bite :) anyways goodnight :)

From: Mr. whoever-you-are :)

Sweet dreams, My Princess :)

*dug..dug..dug..dug..dug..dug*

pusha! nasabihan lang ng My Princess eh!

hay nako Arielle!

Clyde Impakto Calling...

"Hello?" bati ko.

["..."] sya.

"Hello?" sabi ko.

["..."] sya

anong trip neto?! ayaw magsalita? pero naririnig ko yung paghinga nya! tsk nababaliw na naman to!

"hoy! impakto hindi ka ba magsasalita?! ibababa ko na'to?!" sabi ko.

["I Like you, Goodnight!"] sabi nya.

0///////////0

*tooot...tooot*

binaba na nya na yung tawag.

nagiinit yung pisngi ko! nyemas parang may nagtatakbuhang daga sa dibdib ko sa bilis ng tibok eh!

woooh jusme!

Lord, hinay-hinay lang ah aatakihin na ako sa puso eh, baka di ko na kayanin yung kilig!!!

*end of Chap*



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top