Off to Nowhere
*Arielle's PoV*
lumipas ang sabado at linggo ng hindi nagpaparamdam yung dalawa. oo! walang text or chat.
feeling ko naniwala silang hihindian ko sila kaya di na nila ako kinakausap.
isa kang hangal, Arielle! jusme dalawang gwapong nilalang hihindian mo?!
nanlulumo akong tumingin sa binta ko, wala si Clyde.
meaning walang maghahatid sa akin. great.
lumabas na ako ng kwarto ko. chineck ko pa yung phone ko, umaasang baka may text sila sa akin kaso wala :(
"hatid na kita, My Love" sabi ni kuya.
"i can handle myself" malamig na sabi ko.
hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapansin si kuya, on going pa rin yung acting chu chu ko dito sa bahay.
"wag ka ng makulit" sabi nya.
"ikaw din, hindi ako baldado kuya, kaya kong magcommute" sagot ko.
iniwan ko na lang sya dun, sorry talaga kuya but you need to stop your games. hindi ako papayag na pakialaman mo yung lovelife ko.
HAHAHAHAHA baliw much? jusme minsan na nga lang magkalove-life, sisirain pa?! grabe sya oh!
pumara ako ng taxi at nagpahatid ako sa school.
buong saturday at sunday nasa driving school lang ako, nililibang ko yung sarili ko para di na ako mag overthink ng mga bagay-bagay.
minsan kasi naiisip ko na titigil na silang manligaw, makakahanap sila ng babae na 'mas' sa lahat ng bagay kaysa sa akin. hay nako. naiisip ko na naman.
sa nangyayari ngayon, feeling ko nagkakatotoo na yung naiimagine ko :( HUHUHU
ang shungu shunga ko talaga!
nakarating na ako sa school, nakita ko naman yung tatlo nakaupo sa may lobby, agad ko naman silang nilapitan.
"oh nasaan si Clyde?" tanong ni Nadia.
"wala" matamlay na sagot ko.
"malamang wala, kasi naman nagulat yata sya sa sinabi mo" sabi ni Kat.
hays.
"ok lang, Arielle. di ka matitiis nun" sabi ni Ellena.
nakwento ko sa kanila yung nangyari sa bahay nun, yung mga acting and such.
di nga sila makapaniwala na nasabi ko yun eh, tsk nagsisisi na ako at sinabi ko yun, tignan nyo naman yung kinalabasan di ba? wala man lang akong text or chat na natanggap galing sa kanila.
"baka naman kasi ang OA mo mag-acting" sabi ni Kat.
"dapat nagpa-video ka para nakita namin" sabat ni Nadia.
natawa na lang ako sa kanila. mga sira talaga, gusto pa nilang makita yung acting chu-chu ko.
"ARIELLE!"
napalingon ako sa tumawag sa akin. si Alex lang pala.
"dumaan ako sa bahay nyo para sunduin ka kaso wala ka na" hingal nyang sabi.
"at bakit mo sya susunduin?" tanong ni Ellena.
"pinapasundo ni Clyde" sagot ni Alex.
"bakit hindi sya yung magsundo?" tanong ni Kat.
"nahihiya yung loko, ano bang ginawa mo?" tanong ni Alex.
so ayun, habang nakatambay kami sa lobby, kinuwento nung tatlo yung mga nangyari kay Alex.
"HAHAHA tanga ni Clyde, naniwala yun kaya ganon" natatawang sabi ni Alex
"masyado mo kasing ginalingan yung acting mo eh" dagdag nya.
ngumiti na lang ako. made in china. tsk fake.
tahimik kaming pumunta sa room namin. si Drei kaya? anong nangyari sa kanya?
atleast alam ko na may pake pa pala si Clyde sa akin, nahihiya lang daw. alam kong concern sya kasi pinasundo pa nya ako kay Alex.
pero dapat nga hindi nya pinaniwalaan yung acting ko na yun, kasi naman alam nyang hilig ko yun. tsk. nagkanda leche-leche yung araw ko ngayon ah.
buong klase lutang lang ako. physically present ako pero mentally absent talaga -________-
mapalunch break tahimik lang ako, talagang hindi pumasok si Clyde ngayong araw. si Drei naman hindi ko nakasalubong. ihahatid kaya nya ako pauwi mamaya???
hays.
"kanina ka pa lutang" sabi ni Nadia.
"oo nga eh" matamlay na sagot ko.
"bakit ba kasi?" tanong ni Kat.
"kwento mo na, habang vacant pa natin" sabat ni Ellena.
"kasi baka paniwalaan nilang hihindian ko sila" nanlulumong sabi ko.
natahimik sila tas biglang...
"HAHAHAHAHAHAHA"
bigla silang natawa -______-
"hindi ako nagpapatawa ah" reklamo ko.
tawa pa rin sila ng tawa.
"tingin mo ba ganon ka nila kadaling sukuan?" natatawang tanong ni Ellena.
"hahaha dapat nga hindi ka nagda-drama ngayon eh kasi dahil sa ginawa mo, mas lalo mo lang silang minotivate na makuha ka" paliwanag ni Nadia.
"knowing Clyde, hindi yun magpapatalo. isama mo pa si Drei" sabi ni Kat.
hindi ko alam kung gagaan yung pakiramdam ko o ano eh -____-
pumunta na kami sa last class namin.
as usual, lutang pa rin. nabalik lang ako sa katinuan nung nag-announce yung prof na may research work by group.
nagkahiwalay-hiwalay kami nung tatlo, kagroup ko sana si Clyde kaso absent sya.
wala tuloy akong kakilala sa ka group ko -____- kung suswertihin ka nga naman mukhang masipag sila *note my sarcasm here*
"Arielle, paano ka uuwi?" tanong ni Kat.
"ahm, taxi?" sagot ko.
"hindi ka ba ihahatid ni Drei?" tanong ni Nadia.
"ewan ko?" sagot ko.
"mauna na ka kasi may group meeting kami tungkol dun sa research work" sabi ni Ellena.
sabay-sabay kasi silang uuwi since nasa isang apartment sila nakatira.
"sige, sa library muna ako pupunta gagawin ko rin yung research work namin" sabi ko.
"hoy babae! magpatulong ka!" sabi ni Nadia.
"hindi ko naman tatapusin eh, sisimulan ko lang" sabi ko at umalis na.
naglakad na ako papuntang library.
"OMG ang gwapo talaga ni Alexandrei!"
"kahit suplado ang gwapo pa rin"
"bumagay sa kanya yung new look nya!"
napakunot naman yung noo ko sa mga babaeng nakasalubong ko.
anong new look?
at bakit nila pinaguusapan si Drei?!
tsk, sabunutan ko sila eh.
girlfriend ka? girlfriend ka? tanong ng conscience ko. leshe 'to, panira eh.
hindi ko na lang pinansin yung mga babae nagpunta na lang ako ng library, hinanap ko kaagad yung book na related sa assigned topic sa group namin.
tatlong books yung nakita ko, babasahin ko muna bago ko hiramin.
naupo ako at nagbasa.
"hay Alexandrei, sino kaya yung nililigawan mo?"
"alam ko finance student yung nililigawan nya eh"
"sino ba yung babaeng yun ng masabunutan ko"
bigla naman akong napahawak sa buhok ko. gahd no! hindi naging ganito kaganda yung buhok ko para sabunutan nila no!
"did you saw him ba? kanina nasa lobby sya? omg he is so gwapo with his new look!"
sumakit tenga ko sa ka-conyo-han nya ah. sinara ko na yung libro, hihiramin ko na lang lahat 'to sa bahay ko babasahin.
naiintriga ako sa new look kuno ni Drei ah.
"omg umalis na si Alexandrei! paano natin makikita yung babaeng sinusundo nya?!"
50-50 na yata buhay ko sa mga fangirls ni Drei ah.
dali-dali akong lumabas ng library, buti na lang at commute ako ngayon pauwi, pero ang sabi nung babae, may susunduin si Drei. hindi kaya ako yung susunduin nya?
duh, Arielle! duh. of course ikaw yun! ikaw yung nililigawan eh, shunga lang?
batukan ko kaya yung sarili ko? nakakaloka eh, paano kung may iba na syang nililigawan? DAHIL SA SINABI KO! OMG! </3
nanlulumo akong naglakad sa lobby, hindi na ako yung nililigawan ni Drei, sumuko na sya dahil sa pesteng acting ko na yun!
huhuhuhuhu epal naman kasi si Kuya pati yung game kuno nya eh!
sasabihin ko na talaga kila Clyde na kuya ko talaga si Lance -_____-
*beep...beep*
napatalon ako sa gulat dahil sa busina, buti di nalaglag yung libro ko.
isang magandang white mustang ang nasa tabi ko. maya-maya bumaba ang driver nito, halos mapa-nga nga ako ng makitang si Drei pala yun.
nakangiti syang sumandal sa bagong sasakyan nya, tama nga sila bumagay yung new look nya. hindi ko alam na pwede pa palang gumwapo yung gwapo?!
"hi" bati nya.
wala na syang salamin, yung buhok nyang medyo gulo-gulo pero maayos pa ring tignan, yung ngiti nyang makalaglag panty jusme!
nabalik ako sa katinuan nung tumawa sya.
"done drooling?" nakangising tanong nya.
nabigla ako, bakit parang linyahan ni Clyde yun pero di ko alam na mas gwapo syang tignan pag nakangisi.
"a-anong d-drooling? sa sasakyan mo ako n-nakatingin" depensa ko.
"ok" nakangiti nyang sabi.
"bakit hindi ka nagtetext?"
0______0
nabigla ako sa sarili kong tanong, what the hell Arielle!
"i was busy this weekend, sorry kung hindi kita natext nasa hospital kasi ako" paliwanag nya.
"bakit ka nasa hospital?" kunot-noong tanong ko.
"pinalaser ko yung mata ko, so that i don't have to wear glasses" sabi nya.
tumango na lang ako, ok lang naman sa kanya yung nakasalamin eh, pero mas ok yung wala mas lalo syang gumwapo!!!!!!! omg.
"hindi ba bagay?" nahihiyang tanong nya.
"bagay" sagot ko. nangiti naman sya bigla.
Oo bagay na bagay tayo. HAHAHAHA charaught :)
naramdaman ko yung mga matang nakatingin sa amin. napalunok ako dahil sa kaba, kung hindi ako nagkakamali, mga fangirls ni Drei yun.
"what's wrong?" nagaalalang tanong nya.
"a-ahm papatayin na yata ako ng m-mga f-fangirls mo" kinakabahang sabi ko.
lumapit sya sa akin at inakbayan ako.
0//////0
*dug...dug...dug...dug...dug*
"i won't let them" bulong nya sa akin na nakapagpataas ng balahibo ko.
nakarinig ako ng ilang pag-singhap mula sa mga fangirls nya.
inikot nya ako parahap sa kanila.
"girls, meet Arielle" nakangiting sabi ni Drei sa mga fangirls nya.
nanlaki naman yung mata ko sa ginawa nya.
"my world" dagdag nya. biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
ako yung mundo nya?! wth?!
hindi nakaimik yung mga babae.
"i'm still courting her though" nakangiting sabi nya.
tahimik pa rin yung mga fangirls nya
"lay a finger on her and i will let you see Hell" malamig na sabi nya, kahit ako natakot.
umalis sya pagkaka-akbay sa akin at kinuha yung mga gamit ko. naglakad sya papuntang shotgun seat at binuksan iyon
"anong gagawin mo?" tanong ko.
may bigla syang binato sa akin, buti nasalo ko.
"ano 'to?" tanong ko.
"drive" sagot nya tas bigla syang ngumisi.
"seryoso ka ba?" di makapaniwalang tanong ko.
"yeah, i know you spend your whole weekend on driving school and i know that you're doing great" sabi nya.
"stalker" sabi ko.
"i prefer to be called, Admirer. My Princess" nakangising sabi nya.
"paano pag nabunggo tayo?" tanong ko.
"edi mamamatay tayo ng magkasama" natatawang sabi nya.
he's impossible.
nagdadalawang isip pa rin ako kung magda-drive ako, baka maaksidente kami. maayos naman ako magdrive actually practical exam na lang yung kulang ko at makukuha ko na yung license ko.
"hey, i trust you. i don't care kung magasgasan yung sasakyan ko. alam kong nagugustuhan mo ng magdrive" sabi nya.
ngumiti ako sa kanya. sumukay na ako. gahd ako yung magda-drive ng bagong sasakyan ni Drei.
"so saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"just drive" sabi nya.
"seryoso?" gulat na tanong ko.
"yeah, drive. kahit saan tayo pumunta" sabi nya.
inistart ko na yung engine at hinawakan yung manibela.
"off to nowhere then" nakangiting sabi ko at nagdrive na.
maingat akong nagda-drive baka kasi mamaya may mabangga ako, though kaya ko namang bilisan but still i won't take the risks. HAHAHAHAHA ayoko pang mamatay.
"slowpoke" sabi ni Drei.
"maingat lang" sabi ko.
"this is a damn sportscar, Arielle" sabi ni Drei.
hindi ko na sya sinagot ako binilisan ko na lang yung takbo.
natawa na lang sya, nakakahawa yung tawa nya kaya natawa din ako.
*click...click...click*
0________0
"HEY! STOP TAKING PICTURES!" reklamo ko.
"hahahahaha" tawa sya ng tawa.
nagfocus na lang ako sa pagdrive, huhuhu ang bully ni Drei :(
bigla na lang kaming natahimik, kinakalikot nya yung phone nya.
"wag mong ipo-post yun" sabi ko.
ngitian lang nya ako, tas maya-maya may nag notify na sa phone ko.
nagpokerface ako sa kanya bigla na lang syang natawa. ang saya nya ah?
inirapan ko sya hindi ko akalain na pwede pa lang syang mam-bully na parang si Clyde. akala ko tahimik lang sya at hindi mahilig ngumiti pero tignan nyo naman ngayon, wagas kung makatawa.
tuloy-tuloy lang ako sa pagda-drive, di ko na alam kung nasaan kami -___-
"nasaan na tayo?" tanong ko.
"i don't know" sagot nya.
great, naliligaw na yata kami pero maganda naman yung lugar, kita namin yung citylights at matataas na buildings.
nagulat ako nung binaba ni Drei yung bintana nya kaya naman gumaya ako HAHAHAHAHA lakas trip eh.
pinatay ko yung aircon, pinakiramdaman ko lang yung hangin na humahampas sa mukha ko.
"next time remind me to buy a convertible car" sabi nya.
"ha?" naguguluhang tanong ko.
"you liked it" sabi nya.
"ano?" hindi ko talaga sya maintindihan.
ngumiti sya at umiling na lang "nevermind" sabi nya.
drive...drive....drive....drive
then suddenly we're stuck in the middle of traffic.
"mukhang alam ko na kung nasaan tayo" sabi ko.
"yeah, the traffic says it all" natatawang sabi nya.
sinubsob ko yung mukha ko sa manibela, i'm bored, damn bored. sinara na rin pala namin yung bintana no, puro pollution dito sa edsa baka umuwi kaming itim na yung mukha dahil sa usok -___-
"wanna do something fun?" bulong ni Drei na ikinagulat ko.
napalingon ako sa kanya. what was he thinking?!
"a-anong f-fun? baliw ka ba?" kinakabahang tanong ko.
"i'm bored, My Princess. let's do something fun" nakangising sabi nya.
ako lang ba or parang ang seductive ng pagkasabi nya nun?! wooooh.
hindi na ako nakaimik, nilakasan ko pa yung aircon kasi feeling ko ang init bigla sa loob ng sasakyan. i can feel my face is burning.
-//////-
nagulat ako nung hawakan nya yung baba ko at hinarap ako sa kanya.
from -////- to 0/////0 real quick.
he looked directly into my eyes. jusme baka atakihin na ako sa puso nito!!!!!
laking pasasalamat ko at medyo madilim na, nako makikita nya kung gaano ako kapula ngayon! nakakaloka!
*poinks*
"ARAY!" sigaw ko.
"hahaha silly, what were you thinking?" natatawang sabi nya.
napaiwas na lang ako ng tingin at nagdrive na, awa ng diyos gumalaw yung traffic ng kaunti -____-
"My Princess is thinking about something green" nakangising sabi nya.
"oi hindi ah!" depensa ko pero natawa lang sya.
"anong laro ba yung gusto mong laruin ah? something fun?" tanong ko.
"you know, i don't know much about you" sabi nya.
"how about i'll ask you questions and then answer it honestly" sabi nya.
"what will i get in return?" tanong ko.
"edi tanungin mo din ako" sagot nya.
"game" sabi ko.
"ako muna" sabay naming sabi.
"ladies first" sabi ko
"fine" pagsuko nya.
anong tatanungin ko? baliw much, Arielle? hala! anong tatanungin ko?!
"ano wala ka naman yatang tanong eh" naiinip nyang sabi.
"ilan yung mga naging girlfriend mo?" tanong ko.
what a lame question, Arielle.
"dalawa" sagot nya.
nakadalawa sya?!
"seryoso yun?" seryosong tanong ko.
paano kung hindi pa sya nakakamove on dun sa huling gf nya tas ginagamit lang nya ako para maging rebound? huhuhu :(
"nope, highschool pa lang ako nung una akong nagka-gf, trip lang yun. tas yung last 4th year na ako, pinilit lang ako ng pinsan ko" paliwanag nya.
tumango tango ako.
"maganda ba sila? sexy? matalino? chicks? pang victoria secret model ba?"
di ko napansin na sunod-sunod na yung tanong ko, natigil lang ako nung natawa na sya.
"why do i feel like you're jealous?" natatawang tanong nya.
ako nagseselos?! ha!
ewan ko?
"bawal kang magtanong!" sabi ko.
"well, maganda sila, mostly famous din sa school yun eh" sabi nya.
awch, ang sakit ah. famous pala yung mga ex nya, kamusta naman ako? hello! hindi ako famous!
nawawalan na ako ng gana magtanong -_____-
"favorite color?" bored na tanong ko.
"black, white, gray, blue" sagot nya.
"favorite food?" tanong ko.
"kare-kare" sagot nya. wow pareho kami! soulmate? HAHAHAHA
"ice cream flavor?" tanong ko.
"rocky road" sagot nya.
wala na akong maisip na tanong! nakakaloka.
"hirapan mo naman yung tanong" sabi nya.
fine.
"naging crush mo ba si Inah?" tanong ko.
i've been dying to know the answer to that question gahd!
"no" sagot nya.
napalingon ako sa kanya.
"why?" tanong ko.
"nirereto lang yun si Ken sa akin" sagot nya.
"pero niligawan mo sya di ba?" tanong ko.
"yeah, pero di ko gustong ligawan sya ok?" paliwanag nya.
gusto kong matawa sa reaksyon nya, akala mo nagkasala eh.
"bakit mo sya niligawan kung ayaw mo?" tanong ko.
"peer pressure. yung tatlo may mga nililigawan nung time na yun, napilitan lang ako para di na nila ako asarin" sagot nya.
tumango-tango ako. ok hindi pala nya crush si Inah. pero para kasing totoong crush nya eh!!!! madalas pa silang magkausap nun sa twitter eh!
"last question na lang, My Princess" sabi nya.
"describe Arielle Marie Guevarra in a sentence" sabi ko.
"wow the best question" nakangising sabi nya.
"ang galing ko talaga" sabi ko.
natawa kami sa kalokohan namin.
"Arielle Marie Guevarra is the girl of my dreams" seryosong sagot nya.
0/////////0
*dug.dug.dug.dug.dug*
dear heart,
chill lang ok!
"ok, it's my turn" sabi nya.
"g-game" nautal na sabi ko.
nyemas kinakabahan kasi ako eh!
"ilan na yung naging boyfriend mo?" tanong nya.
"wala, NBSB here" sagot ko.
"really?" tanong nya. tumango ako bilang sagot.
mukhang wala naman syang matatanong sa akin, di kagaya ng mga tanungan ko sa kanya. HAHAHAHA i'm safe!
"favorite color?" -Drei
"light blue" sagot ko.
"favorite food?" -Drei
"kare-kare" sagot ko.
"gaya-gaya ka!" sabi nya.
"luto lang ni mama na Kare-kare yung favorite ko, hindi ako kumakain ng kare-kare pag hindi si mama yung nagluto" paliwanag ko.
tumango-tango din sya.
"icecream flavor?" -Drei
"cookies and cream, gusto ko rin ng korean ice cream" sagot ko.
natahimik kami saglit.
feeling ko ito na yung next level of questions eh! huhuhu nyemas ayoko na!
"ano si Clyde para sayo?" tanong nya.
what the hell?! woooh hinga Arielle, answer honestly.
lumingon ako sa kanya, nakatingin din pala sya sa akin.
"Clyde is my friend, my enemy, my competitor in everything. crush ko sya nung highschool kami" sagot ko.
"crush mo pala sya nung highschool, anong nangyari?" tanong nya.
pansin ko yung pagtamlay ng boses nya.
"well, famous sya nun maraming nagkakagusto sa kanya kahit kaklase ko, nagkataong pati kaibigan ko nagkagusto sa kanya, so i have hide my feelings. i can't be his friend kasi mahuhulog lang ako so i became his enemy pero nahulog pa rin ako. kalagitnaan ng highschool days bigla nya akong nilayuan, kahit kasi magkaaway kami naging close na rin kami, asaran tas barahan pero bigla na lang hindi nya ako kinausap tas ayun, hanggang sa matapos yung highschool" paliwanag ko.
silence~~~~
"last three questions, Drei" sabi ko.
"madaya ka, nagiisip pa ako" sabi nya.
"nasaktan ka ba sa kanya?" tanong nya.
ok, gusto ko na lang magpasagasa sa mga sasakyan dito sa edsa. intense na tanong ah.
"yeah, who wouldn't? mahirap yung set up ko noon, two of my dearest friends may gusto sa kanya while i secretly have a crush on him, take note nasa isang section lang kaming apat ah. nasaktan ako kasi i really wanted to get rid of my feelings pero hindi ko nagawa noon mahirap kasi araw araw ko syang nakikita" sagot ko.
bakit ba sya nagtatanong ng ganyan?! nawiwindang na ako! but i have answer honestly! paano pag tinanong nya kung sino yung crush ko?
hay jusme! huli ka balbon!
silence....very long silence...
hindi na ulit sya nagtanong. nakaalis na rin kami sa traffic ng edsa jusmiyo! pauwi na rin kami sa bahay, it's already late.
"will you be my girlfriend?"
*Screeeeeeeeeeeeeech!!!!!!!*
bigla akong napa-preno sa tanong nya.
0////0
fck. be still my heart, kalma!
hinarap ko sya, he's so damn serious! damn serious! hindi na ako makahinga!
"ah--"
"reserve that question, next time ko na lang ulit itatanong yun sayo" sabi nya.
nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.
"remind me not to ask you that question while you're driving, baka mabangga tayo" natatawang sabi nya.
inirapan ko na lang sya, gahd akala ko kailangan ko ng sagutin yung tanong eh, baka mahimatay ako bigla nyemas.
nanginginig ako, hindi ko pa rin iniistart yung engine ng sasakyan.
Drei! what have you done to me!?
hinawakan nya yung kamay ko.
"you're tired, let me drive you home" sabi nya.
bumaba na sya at binuksan yung driver's seat.
pumunta na ako sa shotgun seat at marahang pinikit ang mata ko, i need to calm myself.
"sorry about the question, My Princess. hindi kita minamadali. if i have to wait, i'm very much willing" sabi nya.
salamat naman at kumalma na ako.
"may last na tanong pa pala ako" sabi nya.
tumango ako.
"sino si Alexandrei Castillo sayo?" tanong nya.
i faced him and stared directly into his eyes.
"Alexandrei Castillo is a person that is very close to my heart" sagot ko.
gulat na expression ang nakadrawing sa mukha nya nung pagkasabi ko.
hinawakan nya yung kamay ko, hindi ko akalaing totoo pala yung electric volts na dumadaloy kapag nahahawakan mo yung taong gusto mo. what the heck am i saying?! nababaliw na ako!
"Arielle" bulong nya sa pangalan ko.
"thank you" sabi nya.
"for what?" tanong ko.
"bawal ka ng magtanong, My Princess" nakangiti nyang sabi.
ngumiti lang din ako.
"salamat din" sabi ko.
we stared at each other hanggang sa unti-unting lumalapit yung mukha ni Drei sa mukha ko.
IS HE GOING TO KISS ME?!
*dug.dug.dug.dug.dug.dug*
pipikit ba ako or what?
iiwas ba ako or hindi?
ugh! ayaw ng magfunction ng utak ko.
*chup*
HE KISSED ME!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
then everything went black
*end of chapter*
An*
i know it's late but...Merry Christmas guys! and Happy New Year na din :)
hope you like my UD :) feel free to comment & vote HAHAHAHA :)
xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top