May the best man win

*Arielle's PoV*

*Kriiiiiiing...Kriiiiiiing*

UGGGGGGGGH!

Ang galing talaga!

huhuhuhuhu umaga na!

tumayo na ako at humarap sa salamin.

takte.

pwede nyo na akong kunin bilang cast ng walking dead MUKHA AKONG ZOMBIEEEEEE!

agad akong pumunta ng CR para maligo, baka malate pa ako sa klase ko.

Arrrrrgh! hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kagabi!

natampal ko na lang yung mukha ko, gahd Arielle! get a hold of yourself!!!!

kalma!

eeeeeeh! ayaw maalis sa utak ko eh!

"I'll do whatever it takes to win your heart, Arielle."

>/////////////////<

*Flashback*

"Drei" i said.

"hi" nakangiting sabi nya.

gahd, totoo ba 'to? hindi ba 'to joke? nasaan yung camera baka nasa wow mali ako!

"it's real. totoo lahat ng 'to, Arielle" natatawang sabi nya.

paanong nangyari?

ha?

ayaw gumana ng utak ko. ayaw maprocess ng utak ko na si Drei yung nasa harap ko.

"paanong ikaw si Mr. whoever-you-are?" tanong ko.

he just shrug at me then smiled.

napaiwas ako ng tingin.

goodness gracious pwede pa pala syang gumwapo!!!!!

"come on" nakangiting sabi nya.

"saan tayo pupunta?" tanong ko.

"lalabas tayo sa maze" sagot nya.

"alam mo ba?" tanong ko.

"i really don't know" sagot nya.

napalingon ako sa kanya.

"i don't mind spending the whole night trying to get out from this maze, atleast i know you're here next to me" sabi nya habang nakatingin sa harap.

0////////0

did i saw him blushed too?

hinawakan nya yung kamay ko at naglakad na kami.

MAGKAHOLDING HANDS KAMI!!!!

sht. oxygen nga guys di na ako makahinga!

i glanced at him.

he's smiling. more like pinipigilan nya yung ngiti nya.

WHAT THE HELL IS HAPPENING?!

tahimik lang kaming naglalakad sa maze, walang kumikibo sa amin.

"Drei/ Arielle" sabay naming sabi.

"mauna ka na/you first" sabay na naman naming sabi.

natawa kami.

"anong sasabihin mo?" he asked.

ahm. ano nga ba????

gahd Arielle!!!!!!!


"bakit?" yan yung unang lumabas sa bibig ko.

kunot noo syang tumingin sa akin.

tas maya-maya parang naintindihan na nya ako.

"honestly, i don't know. but someone told me that if i really like her, i should prove it. so here i am" sabi nya.

eh ako yung nagsabi nun eh!

"I like you, Arielle. ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin" nakayukong sabi nya.

0////////0

*dug.dug.dug.dug.dug.dug*

mygoodness!

natahimik ako, para akong nawalan ng dila, naubusan ng mga salita.

he chuckled.


"you know what i'm feeling right now?" tanong nya.

umiling ako.

"nahihiya ako, kinakabahan, i'm trying to find the right words to keep our conversation going. but i guess silence is our way of talking" sabi nya.

ang lalim nya ah.

"ayokong mailang ka sa akin, Arielle" sabi nya.

naiilang ba ako?

konti.


"i want to know you more, and i want you to know me more" sabi nya.

"ah---" sabi ko.


sht. this is embarrassing!


he looked at me and then he smiled.


"i want to court you." sabi nya.

0////////////0

"and i'll do whatever it takes to win your heart, Arielle" sabi nya.

0/////////0

ok lantaran na akong namumula ngayon sa harap nya. jusme!

"you're really cute when you're blushing" natatawang sabi nya.

napayuko na lang ako.

*ding....ding.....ding*

tumunog na yung clock tower, 12 na.


"i think you need to go now, My Princess" sabi nya.

wooooh. MY PRINCESS!

"hindi pa tayo nakakalabas" sabi ko.

kanina pa kami lakad ng lakad sa loob ng maze pero puro dead end lagi yung napupuntahan namin.

"ah yeah, i forgot we're in a maze" sabi nya.


"i tend to forget everything when i'm happy" sabi nya.

masaya sya?

"so masaya ka?" tanong ko.

what the hell Arielle?!

"you don't how happy i am tonight, Arielle" nakangiting sabi nya.

magkahawak kamay kaming naglakad at sa wakas natanaw na namin yung dulo ng maze.

pero biglang huminto sa paglalakad si Drei.

"ayoko pang lumabas dito" sabi nya.

"ha?" i asked.

"paglumabas na tayo dito, aalis ka na. am i selfish for wanting you not to go?" seryosong tanong nya.

0////0

"ah---eh" ano bang sasabihin ko?!

"tssss. don't mind me. you need to go home and take a rest, My Princess" sabi nya at hinatak na ako palabas ng maze.

pumunta na kami sa ballroom kaso nasa labas lang kami.

"Salamat D-Drei" sabi ko.

i mentally cursed, gahd Arielle why did you stuttered?!

ngumiti sya.

"you're always welcome, Arielle" sabi nya.

lumingon sya sa likod ko.

"looks like your prince charming is searching for you" sabi nya.


ha? prince charming?!

di ba nya alam na sya yun?! hahahaha boset Arielle!


lumingon din ako, nakita ko si Clyde kanina pa pabalik-balik sa paglalakad.


"if he's your prince charming..." sabi nya.

napalingon ako sa kanya.

"then I will be your Knight, My Princess" sabi nya.

0/////0

woooh jusme, hinay hinay lang sa kilig nakakaloka na!

"I-I need to g-go, Drei. ahm--- bye" sabi ko.

tumalikod na ako pero hinila nya ulit ako at hinalikan ako sa noo.

"Belated Happy Birthday, My Princess" nakangiting sabi nya.



woooh! wag ka ng ngumiti Drei! maawa ka sa akin! jusme!

natulala na lang ako.

nakita ko na lang syang naglalakad ng paatras at kumakaway sa akin tas tumakbo na palayo.

wooh!

my heart is still beating fast.

i still can't process the fact that Mr. whoever-you-are and Drei...

iisa lang sila.

IISA LANG SILA!!!!!

yung secret admirer ko na si Mr. whoever-you-are ay si Drei!

kanina lang inamin nya na gusto nya ako.

GUSTO AKO NI DREI!!!!!!!

pwede na bang magcollapse?

*end of flashback*


Natigil na lang ako sa pagsusuklay ko ng buhok. napalingon ako sa relo.

sht!

MALE-LATE NA AKO?!?!?!?!?!?!

i grab my things and my glasses, yep gagamit ako ng salamin ngayon para matago yung eyebags ko.

agad-agad akong bumaba, nakita ko pa sila mama at papa na nagaalmusal.

"oh, papasok ka?" tanong ni mama

"opo, sayang tuition fee" sabi ko.

"parang totoo ah?" natatawang tanong ni papa.

nagpoker face na lang ako.

"paano ka pupunta sa school?" tanong ni mama.

"commute" sabi ko.

"bye ma, bye pa! alis na ako" sabi ko sabay takbo.

pumara ako ng taxi at nagpahatid sa school.

maya-maya lang nakarating na ako.

bumaba na ako. woooh takbo lang, Arielle para maabutan mo yung klase mo.

jusme yung mga libro ko nasa locker pa!

umakyat ako sa 4th floor, good thing dun din yung room ko ngayon.

binuksan ko yung locker ko at may nakita akong stuff toy na pusa.

kinuha ko na lang yun kasama ng mga libro ko tsaka ko sinara yung locker tas takbo ulit.

dumating ako sa room, nagkakagulo silang lahat.

natahimik sila nung pagpasok ko.

"oh Arielle" sabi ni Ellena.

lumapit naman agad sa akin si Clyde tas kinuha yung iba kong gamit. kunot noo naman syang tumingin sa stuff toy.

"akala ko ba di ka papasok? sabi kasi ni tito na wag na kitang sunduin eh" sabi nya.

"akala mo lang yun" sagot ko.

nagpokerface lang yung impakto.

natawa naman ako.

"walang prof guuuuys" sabi ni Nadia na kakapasok palang ng room kasama si Kat.

"Hi Arielle!" bati ni Nadia.

"Hi your highness" pabirong bati ni Kat.

"bakit ka nakasalamin?" tanong ni Kat.

"eyebags" sagot ko.

"di ka nakatulog?" tanong ni Ellena.

tumango ako.

"ba't di ka nakatulog?" tanong ni Nadia.

nako po, nasa hot seat na ako.

inabot naman ni Impakto yung yellow paper sa akin.

"nakasulat na yung pangalan mo" sabi nya

hinanap ko naman.

Arielle Marie Guevarra-Alonzo

>//////<

"impakto ka talaga!" sigaw ko sabay bato ng ballpen sa kanya.

"pengeng ballpen" sabi ko kila Kat.

"eto oh" sabi ni Impakto sabay abot ng ballpen na binato ko sa kanya.

inirapan ko sya.

pinirmahan ko na yung pangalan ko tas binura yung 'Alonzo'

baliw talaga kahit kelan eh.

"may pustahan daw. Basketball" sabi nung isa naming kaklase.

"alis muna ako Sleeping Beauty, maglalaro muna ako" nakangiting sabi nya sabay kindat pa sa akin.

-/////-

hay nako.

kaming apat na lang yung natira sa room.

inayos ko muna yung bag ko.

ay yung stuff toy na pusa pala.

nasaan na yun?

"nasaan yung---"

"eto ba?" tanong ni Nadia.

"kanino galing 'to?" dagdag nya.

"ewan ko" sagot ko.

inabot naman nya sa akin yun.

may nakita akong note sa bulsa ng pusa.

ang weird may bulsa yung pusa?

Good Morning, My Princess.

Thanks for the eyebags :)

-Drei

0////////////0

"oy ano yan?" tanong ni Kat.

"bakit bigla-bigla ka na lang namumula?" tanong ni Ellena.

"w-wala 'to" sabi ko.

"anong wala?! bakit ka namumula?" tanong ni Nadia.

tumayo ako tas lumayo sa kanila.

"patingin nyan!" sigaw ni Kat.

"share naman" sabi ni Ellena.

nacorner na nila akong tatlo.

tas naagaw ni Nadia yung papel.

pinagitnaan naman ni Kat at Ellena si Nadia.

ako?

eto nasa sulok -______-

tinakpan ko yung tenga ko kasi in

3...

2...

1...



"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

-____________-

"Arielle! ano 'to?!" sabi ni Kat habang niyuyugyog ako.

"Arielle!!!!" sigaw ni Ellena

"mayroon kang hindi sinasabi sa amin!!!!" sigaw ni Nadia.

automatic namang naupo yung tatlo sa upuan.

of course.

story telling time!

so ayun, kinuwento ko sa kanila lahat. as in lahat.

sinabi ko na yung tungkol kay Mr. whoever-you-are, yung mga texts namin, sinabi ko din yung dahilan kung bakit ako biglang nawala, sinabi ko din yung nangyari sa maze, yung sapatos na bigay ni Drei, yung pagkanta nya, yung sayaw, yung mga cheesy lines, etc. basta sinabi ko lahat.

"at ayun" sabi ko.

~~silence~~

"hoy!" sabi ko sa tatlo.

tulaley pa rin.

"HOY!" sigaw ko.

napailing sila tas ngumisi.

"kyaaah! kinikilig pa rin ako!" sabi ni Ellena.

"grabe di akalain na ganon pala si Drei" sabi ni Nadia

"woooh! ang haba ng hair! hays hays" sabi nya tas nagflip hair din sya.

mga baliw talaga.

"anong plano mo?" tanong ni Ellena.

"plano saan?" tanong ko.

"sino pipi---qerwueasfhdhl"

"ha?" naguguluhang tanong ko.

bigla kasing tinakpan ni Kat yung bibig ni Ellena.

"ah eh plano ngayon? walang prof eh, so wala na tayong klase" sabi ni Nadia.

oo isa lang yung klase ko ngayon tas wala pang prof. ang galing di ba?

"di ko alam" sagot ko.

*ringsss...ringsss*

Mama Calling...


"Hello Ma" bati ko.

["sama ka sa dinner meeting mamaya"] sabi nya.

"ayoko ma" sagot ko.

["sabi ng papa mo"] sabi nya.

-_________-

"anong gagawin ko dun?" nanlulumong tanong ko.

["maguusap tungkol sa partnership ng company"] sagot ni mama

"wala ba sila kagabi?" tanong ko.

jusme nagparty na nga ako kagabi tas dinner meeting naman ngayon?

["wala, so pumunta ka sa mall dun ka na bumili ng dress, tas magpaayos ka na rin dadaanan ka namin ng papa mo doon"] sabi ni mama.

"fine, casual dress lang ah" sabi ko.

["yeah, simple lang"] sabi ni mama sabay baba ng tawag.



"ano daw?" tanong ni Kat.

"tara sa mall" sabi ko.

"oh bakit?" tanong ni Nadia.

"may dinner meeting akong pupuntahan mamaya" sagot ko.

"ay taray! tara na nga" sabi ni Ellena.

Mall~~~~~~~

namili kami ng dress ko, inabot kami ng syam syam jusme para sa isang dress!

si Nadia gusto nyang mag floral ako.

si Ellena gusto nyang naka pink ako.

si Kat gusto nyang naka yellow ako.

potek!

ilang dress na yung nasusukat ko pero wala pa rin silang nagustuhan.

-________-

wala ako sa mood mamili ngayon eh, baka kasi mamaya kung ano na lang yung pulutin ko dyan tas yun na lang yung isuot ko. tsk, baka mamaya di bumagay sa akin.


"eto try mo" sabi ni Nadia sabay abot ng floral blue dress.

"eto din" sabi ni Ellena sabay abot ng pink off shoulder dress

"eto oh" sabi ni Kat sabay abot ng yellow na backless dress.

-___________-

nilapag ko na lang yung mga dress na inabot nila.

"Bakit?!" sabay-sabay nilang tanong.

naglakad ako palayo sa kanila, nagpunta ako sa mga dress tas kumuha ako ng isa.

black dress yung nakuha ko. ok eto na yung susuotin ko.

pumunta agad ako sa cashier tas binayaran.

para di na sila makaangal.

"hoy! baka di yan bagay sayo!" sabi ni Kat.

"oo nga" sagunda naman nung dalawa.

"ang tagal nyong mamili eh" sabi ko.

"wait lang isusuot ko na 'to, pilian nyo ako ng sapatos, bilisan nyo pag inabot yan ng syam syam magra-rubber shoes ako" sabi ko.

agad naman silang umalis tas pumunta sa shoe section ng boutique.

pumasok na ako sa dressing room

bahala na si Batman sa dress na 'to.

0______0

potek napasubo yata ako sa dress na'to

fit pala sa akin.

pero sakto naman yung sukat.

off shoulder black dress yung nakuha ko may black crystals din na design.

tumalikod ako.

potek talaga.

natampal ko na lang yung noo ko.

ang galing mong mamili ng damit Arielle.

may pagkabackless din sya.

inabot naman nung tatlo yung sapatos, black pumps yung inabot sa akin.

"HOY BAKIT GANITO?! ANG TAAS!" sigaw ko.

nagtawanan sila.

"yan yung napili namin eh" sabi ni Nadia.

"bayad na pala yan" sabi ni Ellena

"isuot mo na tas lumabas ka" sabi ni Kat.

so ayun, sinuot ko na. tas lumabas.

"wow/sexy/taray" sabi nilang tatlo.

napairap na lang ako.

hay nako.

tumingin ako sa phone ko, jusmiyo marimar! wala na akong panahon para magpaayos!!!

"tara na sa salon" sabi ni Kat.

"di na! kayo na lang magmake-up sa akin" sabi ko.

"wala ng oras papunta na sila papa dito" dagdag ko.

kinuha naman ni Ellena yung make-up kit nya, light make-up lang at pinagpilitan nila yung matte red lipstick.

-_______-

mukha akong hostess!

"ganda" sabi ni Kat.

"tara na nga" sabi ko.

umalis na kami tas nagpunta sa parking lot.

nandun na sila mama.

"wow, Anak" sabi ni mama

"tsk, kailangan na kitang bantayan" sabi ni papa

siniko naman sya ni mama. natawa na lang si papa.

nagpaalam na ako sa tatlo tas umalis na kami.

"ang ganda ng anak ko" sabi ni papa.

"bolero" sabi ko.

"pagaagawan ka ng mga investors ko" sabi ni papa.

"anong pagaagawan?! ibebenta mo ba yung anak mo?!" tanong ni mama

"hindi no" sagot ni papa.

hinayaan ko na lang silang magusap dalawa.

nakarating na kami sa restaurant.

walang tao.

feeling ko pinasara talaga 'to para sa dinner meeting eh.

nauna sila mama at papa sa akin, sinalubong naman sila ng dalawang magasawa, mukhang eto na yung business partner ni papa.

"Mr. and Mrs. Guevarra" bati nung babae.

"is she your daughter?" tanong nung lalake.

"my one and only daughter" sagot ni papa.

"wow, marami sigurong bachelors ang maghahabol sayo" sabi nung babae.


ngumiti na lang ako sa kanila.

"Hi" napalingon kami dun sa bumati.

0____0

Mama ni Clyde.

"Carmina" bati nila mama at papa

"sya yung architect na magdedesign ng hotel" sabi ni papa

"nice meeting you" bati nung lalake.

naupo kami tas hinihintay na lang iserve yung food.

naguusap lang sila about sa hotel and such. ako naman naglalaro lang sa phone.

"sorry mom and dad, ang kulit kasi nung tatlo eh, sumama pa sila"

0_______0

"Hi tito! Hi tita!"

sht.

"it's ok Alexandrei, paupuin mo na sila Thor" sabi nung babae.

tumayo ako.

sa di malamang dahilan...

TUMAYO AKO!

ganon din sila mama at papa.

"what happened, Arielle?" tanong ni mama

"Arielle?" tanong ni Drei.

my heart starts to beat faster again.

napalingon ako.

"Hi" bati ko.

nanlaki naman yung mata nila.

"wow" sabi nila Thor.

si Drei

walang kibo.

"magkakilala kayo?" tanong nung mama ni Drei.

"schoolmates kami" sagot ni Drei.

"oh that's great! sila yung bago nating business partners" sabi nung papa ni Drei.

tahimik kaming naupo ulit.

ang awkward! bakit ba kasi bigla akong tumayo?!

ugh! puro ka kahihiyan Arielle!


maya-maya sinerve na yung food.

"Alexandrei, pansin ko kanina ka pa nagnanakaw" natatawang sabi nung papa nya.

napatingin ako sa kanila.

"dad" sabi ni Drei, parang warning tone.

"masamang magnakaw Drei" asar nila Ken.

natawa naman sila. pati sila papa at mama nakitawa din.

ha?

i don't get it!


"Sir, Ma'am" napatingin kaming lahat kay Drei.


0____0

oh God, please don't.

sana mali yung iniisip ko.

"ano yun hijo?" tanong ni papa.

"ahm I-I want to formally ask you" sabi ni Drei


nauubusan na yata ako ng hangin.

"ask what hijo?" tanong ni mama


"I want to court, Arielle" sabi nya.

natahimik kaming lahat.


*dug.dug.dug.dug.dug*

"i knew it!" natatawang sabi ni papa.

"bakit ba kami yung tinatanong mo? di ba dapat si Arielle?" natatawang sabi ni mama.

nabungisngisan naman sila Thor.

"Arielle, I will court you. whether you like it or not" sabi ni Drei.

0///0

"woooh iba ka na Drei!" sabi ni Thor.

"binata ka na!" sabi ni Ken.

"pa-cheeseburger ka naman" sabi ni Gabby.

natawa sila.

ako napayuko na lang.

"you see, matagal ka ng nakukwento ni Drei sa amin hija, torpe lang talaga sya" natatawang sabi ng mama nya.

"mom" saway ni Drei.

"i can see that you like my daughter" sabi ni papa.

"so if she agrees, i'll agree too" dagdag nya.

"the thing is, i didn't ask her so she doesn't have to agree, Sir. I'll court her whether she like it or not" sabi ni Drei

napangisi si papa.

"i like your guts hijo" sabi ni papa.

"that's my son" natatawang sabi nung papa ni Drei

"pareho kayong torpe" natatawang sabi nung mama ni Drei


"hijo call us tito and tita na lang" sabi ni mama.

nagtawanan naman sila.

ngumiti na lang ako.

"Am I missing something?"

0_________0


holy mother of cats and dogs!

"Akala ko di ka makakapunta?" tanong ni tita Carmina kay Clyde.

yep Clyde's here.

mas bumilis yung tibok ng puso ko.

naupo naman si Clyde sa bakanteng pwesto sa tabi ko.

"Hi po" bati nya kila mama pati na rin sa parents si Drei.

natahimik kami.

biglang nagkaroon ng tension habang kumakain kami.

lalo na nung nilagyan ako ni Clyde ng hiwa hiwang steak sa plato.

tumikhim si papa.

"you see, Drei ahm di lang ikaw yung manliligaw ni Arielle" sabi ni papa.


nyemas papa!


"i'm aware of it Tito" sagot ni Drei.


"let me introduce you formally" nakangising sabi ni papa.


ugh! papa! he's enjoying it!

"Drei, He's Clyde, anak ni Carmina, manliligaw ni Arielle" sabi ni papa.

tumayo naman si Clyde.

"Clyde, He's Drei, anak ng bagong business partner namin, bagong manliligaw ni Arielle" sabi ni papa

tumayo naman si Drei.

wooooh! sht! tension woooh!

nagkamay sila.

"I like Arielle" plain na sabi Clyde.

"wow, I like Arielle too" parang di makapaniwalang sabi ni Drei.

napa-tiim bagang si Clyde. naiinis na sya! sht. pikon nga pala si impakto. nyemas!

kahit fully airconditioned yung restaurant feeling ko pinagpapawisan ako dahil sa tension.

magka shake hands pa rin sila.

oi nagseselos na ako ah! HAHAHAHAHA jk.

kung ano-ano na lang naiisip ko just to ease the tension.

"well, kung ganon...." nakangising sabi ni Clyde.

JUICECOLORED MAMAMATAY NA YATA AKO!!!!! TAKTE!!!!!














"May the best man win"  nakangising sabi ni Drei.

i just died.


*end of Chap*

An*

Helloooooooooo :)

anong masasabi nyo?

sino ba bet nyo? Clyde or Drei??? HAHAHAHA :)

comment.vote.share.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top