Last 3 wishes
*Arielle's PoV*
It's already 5 p.m.
I still have 1 more hour.
Not to prepare myself dahil kanina pa ako nakabihis.
I still have 1 more hour to calm myself.
Sobrang kabado ako, para akong nababaliw na. To think na kanina pa nagayos, mga 3 nagsimula na ako. Masyadong excited? Nope. Not at all.
Humarap ako sa salamin.
0_______0
Ang ganda ko pala!
Hahahahaha nababaliw na talaga ako -_______-
Simple make-up, black and white sleeveless na Aztec dress tapos plain white sneakers.
Wooooh. I can do this!
*tok!tok!tok!*
"Come in" sabi ko.
"Are you ready?" Tanong ni mama.
"I guess?" Alanganing sabi ko sabay buntong hininga.
Lumapit sya sa akin tapos pinaupo ako, she grabbed the comb and then she start combing my hair.
"Dalaga na yung anak ko" sabi nya.
"Mama naman" reklamo ko.
"Noon inakala kong walang magkakagusto sayo eh" panimula nya.
Wow ma! Thanks!
"But look at you now, mamimili ka na kung sino sa dalawa mong manliligaw yung gusto mo" dagdag nya.
-/////-
Ewan ko ba't bigla akong nahiya. Nakakaloka!
Tinapos na nya yung pagsusuklay sa buhok ko.
"Just follow this" sabi nya sabay turo sa puso ko.
"They're both good guys, kung sino man yung piliin mo, susuportahan ka namin dyan" sabi nya bago tumayo.
Palabas na sya na pinto.
"Ma" tawag ko.
She stopped tapos lumingon sya sa akin.
"Thank you for everything" sabi ko.
Tumango lang sya.
"Oh, and i love you" nakangiting sabi ko.
"I love you too" sabi nya.
I'm so blessed to have my family.
Humarap ulit ako sa salamin, hinawakan ko yung necklace na suot ko. Ito pa yung bigay ni impakto sa akin, yung key necklace. Simula nung binigay nya sa akin to never na tong nawala sa leeg ko eh, paminsan-minsan tinatanggal ko pero binabalik ko kaagad.
That's why i found out na may naka-engrave na letter sa likod ng key pendant.
M
Hindi ko alam kung kanino nabili or nakuha ni Clyde yung necklace, but i think there's a reason behind that letter. That's why nagtanong ako sa bestfriend nya na si Miggy, nasagot naman nya ako but it's not clear. I have to confirm from Clyde.
*bzzzt...bzzzt*
From: Clyde Impakto :)
Meet you at the village park. Maghihintay ako.
Napatingin ako sa wall clock, 5:30 pa lang! Don't tell me nandun na sya?!
Magrereply sana ako kaso may magtext ulit.
From: Drei :)
See you later, My Princess.
*dug.dug.dug.dug.dug.dug*
Omg! What kind of spell did you cast in me? Drei.
Mabilis na akong bumaba, di na ako nagreply sa kanila pareho. Matatagalan pa ako, maglalakad lang kasi ako papunta sa village park.
Nasalubong ko pa sa couch si A at D, so i stopped first.
"Hey babies! Wish me luck" sabi ko sa kanila.
"Good luck"
0____________0
"D? Nagsalita ka?" Tanong ko sa aso.
"Srsly? Nagsasalita ba yung aso ha? Tsk"
Napalingon ako, si Kuya pala.
"Tsssss, alis na ako" inis na paalam ko.
"Choose wisely" sabi nya.
Hindi ko na sya pinansin, lumabas na lang ako ng gate.
"Hey Arielle! Choose the guy who treats you with respect and who has the capacity to take care of your heart! Magkamali man lang sya ako mismo magtatapon sa kanya sa pluto!" sabi nya.
I smiled. May lahing alien yung kuya ko :)
"I will, kuya" sabi ko.
Lumabas na ako at nagsimulang maglakad.
Habang papalapit ako sa village park parang bumibigat yung paghakbang ko. Parang ayoko ng gawin!
Pwede bang magback-out?
Paliko na ako ng kalsada tapos ayun na, village park na.
I glanced at my wrist watch, 5:50 na. Maaga ako ng 10 minutes, pero yung impakto feeling ko kanina pa nandito eh.
Nakasandal sya sa sasakyan nya habang nakatanaw sa paglubog ng araw, he's wearing a plain white v-neck shirt tapos pants tapos sneakers.
I'm sorry drei, i just have to this.
"Hoy Impakto! Anong drama yan?" Tanong ko
Gulat syang napalingon sa akin.
"Nandito ka" sabi nya.
"Hindi! Hologram lang to!" Sabi ko sabay irap.
Natawa sya. Nakangiti syang lumapit sa akin.
Gahd! Just how will i do it?!
"I'm glad you're here" sabi nya sabay yakap sa akin ng mahigpit. I hugged him back.
Una syang kumalas sa yakap tapos ginulo yung buhok ko.
"Tara na?" Nakangiting tanong nya.
Tumango ako.
Inalalayan nya ako sa pagpasok sa Ferrari nya, tapos patakbo naman syang umikot sa driver's seat.
"Hindi ako nananaginip ah?" Tanong nya.
"Hindi" sagot ko.
Hindi sya makapaniwalang nandito ako! Ang saya nya, nakangiti sya habang nagda-drive! I'm the one who gave that smile and i will also be the one who will take that away from him.
Tahimik lang kami sa sasakyan nya, hindi awkward silence. Plain silence lang.
Minsan he would glanced at me then smiled. Paulit ulit.
"Kanina ka pa ah" sabi ko.
"What?" Natatawang tanong nya.
"Dukutin ko yang mata mo eh" sabi ko.
"Wag naman, how will i have the chance to look at this beautiful girl beside me?" Sabi nya.
Oh gahd!
"Ewan ko sayo" sagot ko.
Natahimik kami. He turned the radio on.
Natawa sya after nyang malaman kung ano yung ipini-play ng radio ako naman, i mentally cursed and suddenly wanted to kill the dj who played that song!
Intro pa lang alam na alam na ng impakto, mukhang natutuwa pa sya!
NP: Passenger Seat
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
He started to sing the song also. Nakangiti sya habang kumakanta, pa sway-sway pa sya. I just smiled, a fake one. Hindi na nya napansin because he is really happy. Too bad, it will not last.
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go i see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
He looked at me while he's singing, as if he was really singing the song for me. He wriggled his eyebrows and gave me a wink.
Just how will i dump this guy?
And I've got all that i need
Right here in the passenger seat
Hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan yun. Naiiyak na ako.
Just thinking of breaking his heart, breaks my heart.
Oh, and i can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Thank God dahil naka dim yung lights, I'm sure namumula na yung ilong ko pati mata ko sa kakapigil ng iyak.
We stop to get something to drink
My mind clouds and i can't think
Scared to death to say i love her
I'm crying. Literally. Clyde is one of the ideal guys that I've met. I'm sure ibu-bully ako ng fangirls nya dahil ako lang yung kaisa-isahang babaeng ida-dump sya.
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply
He is smiling while singing. I've never seen him this happy before.
Full package na sya eh. Mabait, matalino, gwapo, mayaman, sporty, etc. Ideal boyfriend indeed.
And I've got all that i need
Right here in the passenger seat
Oh, and i can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Bago pa nya matapos yung kanta, mabilis kong pinunasan yung luha ko. I turned to him and smiled.
"Ang pangit ng boses mo" pabirong sabi ko.
"Kahit pa pangit yung boses ko, kung gusto mong haranahin kita, gagawin ko kahit sa harap pa ng maraming tao" sabi nya.
He will never do that. Of course mayabang sya, ayaw nyang masira yung ego nya but with the look that he's giving me right now. He's serious. Damn serious.
He's willing to lose his ego just to make me happy.
I don't deserve him. He deserves the best.
Nagda-drive lang sya, still with a goofy smile on his face.
Kailangan ko ng tapusin to.
"Hoy impakto" tawag ko.
"Bakit" tanong nya, naka-focus lang sya sa daan.
"Walang magbabago ah" sabi ko.
Natawa sya.
"Bakit naman ako magbabago?" Tanong nya.
"Maging mayabang, mahangin, hambog, mabait, sporty etc etc ka na lang forever" sabi ko.
At sana i can still keep you as my friend.
"Don't worry di ako magbabago" nakangiting sabi nya.
Natahimik ulit kami.
"May meteor shower mamaya, make a wish ah" sabi nya.
"Hindi naman matutupad yun eh" sagot ko.
"Malay mo matupad di ba?" Sabi nya.
He focused on driving, napatingin na lang ako sa city lights. Pati sa langit na punong-puno ng stars.
Gahd give me the courage to say those words to him.
"Kung sakaling hindi nga matupad ng meteor shower yung wish ko pwede bang ikaw na lang yung tumupad?" Sabi ko.
"Go ahead, ilan ba yan?" Natatawang tanong nya.
"Tatlo lang naman" sagot ko.
My last three wishes.
"Sure ano yung una" tanong nya.
Sasabihin ko na ba?
Wooooh kinakabahan ako.
"Hey what's your first wish?" Untag nya sa akin.
"Pag-iisipan ko muna, pwede?" Pabirong sabi ko.
Napatingin ako sa labas. Omg. We're stuck.
"Tsk, traffic pa" inis na sabi nya.
"Matagal pa yan" sabi ko.
Tumango naman sya.
"Sasabihin ko na yung wish ko para di tayo mabore" sabi ko.
Humarap sya sa akin, patiently waiting for me to speak.
"My first wish is...i want you to be happy" sabi ko.
Naguguluhan syang nakatingin sa akin.
"Di ba dapat para sayo yung wish mo?" Tanong nya.
"Hindi kasi ako makasarili" sagot ko.
"So my first wish is, i want you to be happy" sabi ko.
"But i am already happy" nakangiting sabi nya.
"I want you to be happy even without me" sabi ko.
Just what I'm expecting. His smile vanished and turn into a frown.
"Nagpapatawa ka ba?" Natatawa nyang tanong, but i can already hear sadness in his voice.
"Hindi ako nagpapatawa Clyde. My second wish is--"
"Stop" bulong nya.
"I know where you're heading" dagdag nya.
Napalingon ako sa kanya because i heard his voice cracked. He's crying.
"My second wish is---"
"I said stop" sabi nya habang pilit na tinatakpan yung tenga nya.
I'm crying.
I held his hands. Kasabay nun yung pagtingin nya sa akin. My heart sank.
I don't deserve his tears.
"Listen to me" sabi ko.
"My second wish is, i want you to move on and find the perfect girl that you deserve" sabi ko.
"Kalokohan! Maging masaya habang wala ka?! Tapos mag-move on pa?! Sabihin mo nga paano ko makakalimutan yung nararamdaman ko para sayo?" Naiiyak na sabi nya.
Umiling ako.
"Perfect girl? You're the perfect girl for me, Arielle" dagdag nya.
He look like he's lost.
I held his face. Pinunasan ko yung luha nya.
"No, I'm not the perfect girl for you, please Clyde, don't make this hard for me, for you" sabi ko.
Natahimik kami. He resume on driving, kahit paunti-unti gumagalaw naman yung traffic sa edsa.
Ayaw tumigil ng luha ko, i bit my lip so i won't make sound.
Nahinto ulit kami because of the traffic.
"Is this what you really want?" Pagbasag nya sa katahimikan.
Napalingon ako sa kanya.
"I'll grant your wish, but please give me time" sabi nya.
"I'm expecting this to come, actually I'm prepared for this. Hindi ko alam na kahit anong klaseng preparation yung gawin ko, magugulat at masasaktan pa rin ako" mahinang sabi nya.
Clyde.
"He's one damn lucky guy" nakangiting sabi nya but it didn't reach his eyes.
Hindi na ako makapagsalita. Umiiyak pa rin kasi ako. Tsk!
Now his turn to held my face, just like what I've done, he also wipped my tears.
"Should i punish myself because i made you cry?" Sabi nya.
"I really don't deserve you" sabi ko as he wipe my tears.
Napangiti sya, made in China, fake.
"Don't say that, maybe i wasn't enough for you" sabi nya.
Umiling ako.
"You're more than enough, that's why i don't deserve you. You deserve the best" sabi ko.
"So it means i deserve you, because you're the best" sabi nya.
Pinangingkitan ko sya ng mata, kainis to!
"Clyde" i said on a warning tone.
"Libre lang naman mangarap di ba?" Tanong nya while he's driving,
Hinampas ko sya sa braso, hindi ako sanay na ganito sya! Nagpapakababa.
"Aray! Easy ok?" natatawang sabi nya.
Natahimik kami.
"Your last wish?" Tanong nya.
Oo nga pala, may isa pa.
I remove the necklace that he gave and held his hand open, i placed the necklace on his palm.
"My last wish is, i want you to give this to girl that can make your world turn upside down. Or find the real owner of this necklace" sabi ko.
Napakunot yung noo nya.
"May nakapagsabi kasi sa akin na galing yan sa batang babae na nakilala mo nung bata ka pa. By this time I'm sure malaki na sya" sabi ko.
"Mamili ka na lang sa last wish ko, its either you will find the right girl and give that necklace or find the owner of that necklace" dagdag ko.
"Impossibleng mahanap ko pa yun! I can't ever remember her face" sabi nya.
"Then give that to the girl that can make you smile again, give that to the girl that can make you move on and forget about me, give that to girl that can turn your world upside down" naiiyak na sabi ko.
Being a crybaby sucks!
Pinunasan ko yung luha ko.
"Tuparin mo yung tatlong wish ko" sabi ko.
"How?" Tanong nya.
"You can be happy even without me, but always remember that I'm here for you, walang magbabago. Ako pa rin yung number 1 na kakumpitensya mo. You can move on, yes it will take time but I'm sure makaka-move on ka din. One favor, pagnakamove on ka na, can we still be friends?" Tanong ko.
Natahimik sya.
"Walang magbabago di ba? So technically ako pa rin yung mayabang na kakumpitensya mo na ubod ng gwapo pero tinatawag mong impakto" nakangiting sabi nya.
I smiled too and hugged him tight.
Maswerte yung babaeng mamahalin nya at mamahalin sya. For once, naranasan ko yung maging maswerte becuase in a small span of time naging ako yung babaeng yun.
"I will be happy and i will move on, just give me time. But there's a problem" sabi nya.
Napakalas ako sa yakap.
"What problem?" Tanong ko.
"Baka matagalan pa yung sa right girl" natatawang sabi nya.
"Hindi yan matatagalan, they say the right person will come in the most unexpected time at the unexpected place. Trust me makikita mo din yun. Malay mo nakita mo na talaga, or baka maka-bunggo mo sya somewhere, you'll never know when destiny start playing it's game" sabi ko.
Pinitik nya ako sa noo.
"Bawasan mo yung pagbabasa mo ng love story, ang corny mo" sabi nya.
"Yeah yeah ako na yung corny, pero wag kang lalapit sa akin pag destiny na mismo yung gumawa ng paraan para makita mo si right girl" sabi ko.
"Opo" sagot nya.
Natahimik kami. Traffic pa rin nakakainis.
"Oo nga pala, san mo pupuntahan si Drei?" Tanong nya.
0_____________________0 sht.
Bigla akong naging aligaga. Mygash! Nakalimutan ko si Drei!
Omg!
Omg!
Omg!
"Hey hey hey! Calm down will you?" Sabi ni Clyde.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"8 na" sagot nya
0____0 8 NAAAAAAA?!
hindi ako mapakali sa upuan ko, i have to do something!
"Traffic pa rin, baka mas lalo kang matagalan" sabi nya.
Ok it's now or never.
"Clyde, thank you sa lahat. Gwapo ka, mabait ka, matalino, sporty, lahat na nasayo. I'm sure makakakita na ng right girl para sayo. Pag hindi ka nakahanap agad, ako mismo maghahanap para sayo" sabi ko.
"Yung tatlong wish ah! Hihintayin kong matupad yun" sabi ko.
"You really love him, do you?" Tanong nya.
"I do love him" sagot ko.
"Lucky bastard" sabi nya.
"Hoy impakto! Walang magbabago! Mayabang ka pa rin dapat!" Sabi ko.
"Oo na, oo na" sabi nya.
Niyakap ko sya for the last time.
"Bababa na ako, baka hindi ko sya maabutan dun dahil sa traffic" sabi ko.
Bubuksan ko na sana yung pinto pero pinigilan nya ako. He held my face tapos hinalikan ako sa noo.
"Always remember, minahal ka ng impaktong to, to the point na he will let you go for your happiness" sabi nya.
Naluluha na naman sya! Tuloy nahawa ako! Kainis!
"I will never forget that" sagot ko.
Niyakap ko ulit sya.
"Umalis ka na, baka hindi na kita mapakawalan" sabi nya sabay punas sa luha ko.
Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan.
"Mag-iingat ka, if something happened tawagan mo ako. Pag hindi ka nya nahintay, balikan mo lang ako" sabi nya.
"Baliw! Hihintayin ako nun" sagot ko.
"Bye" sabi nya.
Pero binato ko sa kanya yung panyo ko.
"Anong 'bye'?! Mawawala ka ba?! Hoy impakto! Magkikita pa tayo kaya wag kang mag-babye! Impakto talaga! Alis na ako! Ingat ka din sa pag drive! Wag kang magpapakamatay ah!" Sabi ko.
Umalis na ako.
Narinig ko naman yung busina nya. Siraulo talaga.
Buwis buhay tong ginagawa ko! Imagine tumatakbo ako sa gitna ng Edsa papunta sa mrt!
Walang poise! Walang kahit ano! Kahit naka-dress ako hala sige takbo!
Buti talaga nag-sneakers ako.
Nakarating agad ako sa mrt station. Pumila pa ako para sa ticket. Hays hays!
Nagmamadali ako! Tabi! Tabi!
Sarap isigaw nyan eh, kakaloka!
*bzzzt...bzzzt*
From: Clyde Impakto :)
You're the best thing that I never had. But thanks for everything. You will always be loved by this impakto.
Ugh Clyde! Bakit?!
Tumakbo na ako papunta sa train, buti naman hindi masyadong puno at pwede pa akong makaupo! Mygahd! Ang layo din kaya ng tinakbo ko!
This is it! Nasabi ko na kay Clyde yung last three wishes ko.
Now it's time to choose you, Alexandrei Castillo.
*end of chap*
An*
Oh I'm scared to see the ending, why are we pretending this is nothing?~~
Huhuhuhu Clyde!
Comment.vote.spread the love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top