I saw the signs?!

*Arielle's PoV*

I love you and that's all I wanted you to know.


*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*


Oh gahd Drei


-///////////-


1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart.


Sht. Di ba normal lang yun? Kasi buhay ako?! Malamang titibok yung puso ko para mag pump ng dugo sa katawan ko -_________-


I love you and that's all I wanted you to know.


*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*


O///////////O


2. You can't stop blushing.


What's happening to me?!?!?!?!


"Ok ka lang ba?"


"O-Oo" sagot ko.


"Bakit namumula ka? May sakit ka ba, sleeping beauty?" Tanong ni Clyde.


"Wala" sagot ko.


Tama. Si Clyde yung kasama ko pero si Drei yung iniisip ko.


Great.


5. He's the only thing on your mind.


-______________-


Binggo na sya sa signs ko ah!


Partida hindi pa kami magkasama nyan ah!


Kalimutan ko na muna yung kay Drei. Si Clyde yung kasama ko kaya dapat yung feelings ko para sa kanya yung tinitimbang ko.


"Ang ganda ng sasakyan mo ah" sabi ko.


"Mas maganda ka" sabi nya.


*dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug*


-////////////////////-


1. You ALWAYS hear the "*dug.dug.dug.dug*" of your heart.

2. You can't stop blushing.


Hindi na ako umimik, wala eh! Na-binggo yung dalawang signs ng sabay eh!


"Kinilig ka na naman?" Sabi nya.


"Mukha mo! Bakit ako kikiligin?!" Inis na tanong ko.


Natawa lang sya.


"Saan galing 'to?" Tanong ko.


Ang ganda ng sasakyan nya eh, aba kasi naman naka Ferrari yung loko! Ang yaman! Nyemas!


"Kay Dad" sagot nya.


Silence....


Hindi nya nakukwento sa akin yung dad nya, alam ko kasing hiwalay yung parents nya.


"Ahh" yun na lang yung nasabi ko.


"They're patching things up, binalikan na ni Dad si Mom" sabi nya.


"Buti naman kung ganon" sagot ko.


"He wants to meet you personally" sabi nya


"ANO?!" gulat na tanong ko.


Natawa sya.


"Gusto kang makilala ni Dad, though alam nya kung sino ka kasi naririnig ka nya siguro sa business meetings" sabi nya.


Tumango na lang ako.


"Bakit pala sila naghiwalay?" Tanong ko.


Ugh! Stupid curiosity!


"Hindi kasi gusto ni lolo si Mom para kay Dad, yung parents ng Dad ko yun ah. Hindi kasi galing sa mayamang pamilya si Mom. Ayun pinaghiwalay sila at hindi naman pinaglaban ni Dad si Mom" paliwanag nya.


"Kapag nangyari sa atin yun. You and Me against the world, ipaglalaban kita hanggang kamatayan" sabi nya.


O______O


"Siraulo ka!" Sabi ko sabay hampas na braso nya.


Nanahimik na lang kami hanggang sa makarating kami sa school. Nawala tuloy ako sa concentration sa pagtitimbang ng feelings! Hays.


Pumasok na kami ni Clyde sa room, nakita ko naman yung tatlo sa likod tas sabay nag-ngisian.

Great.

Ano na naman ba yung iniisip nila?!


"Hi Arielle!" Bati ni Nadia sa akin.


Ngumiti na lang ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago yung mood ko.


Naupo ako sa tabi ni Ellena. As expected tatanungin nya ako tungkol sa signs.


"Anong nangyari?" Tanong ni Ellena.


Lumapit bigla sa amin sila Kat para makinig.


"Ano--"


"Ano?" Sabay sabay nilang tanong.


Mga excited ang loka!


Nilabas ko yung phone ko para mapakita ko sa kanila yung message ni Drei.


>/////////<


"Ba-Basahin nyo" sabi ko.


Silence....


"Oh my gahd" sabay sabay nilang bulong.


Tinignan nila ako ng maigi.


"Nakapili ka na?" Tanong ni Kat.


"Di pa" sagot ko.


"Tsk. Akala ko pa naman nakapili ka na!" Reklamo ni Nadia.


Hays napaka mainipin naman! Sila kaya sa posisyon ko?! Jusme ewan ko na lang.


"So anong nangyari?" Tanong ni Ellena.


Nilibot ko muna yung tingin ko sa room, nasan na yung impaktong yun?!


"Umalis na si Clyde, kasama nya si Alex" sabi ni Nadia.


Tumango na lang ako.


"Magkasama kami ni Clyde pero si Drei yung iniisip ko kasi hindi pa rin ako makaget over sa message nya na yan eh" bulong ko.


"Soooo anong signs yung nabinggo nya?" Tanong ni Kat.


"Yung 1, 2 atsaka 5" sagot ko. Habang inaalala yung mga signs.


Tumango tango naman si Ellena na para bang inaanalyze nya talaga yung nangyari.


"Eh kay Clyde? Wala ba?" Tanong ni Nadia.


"Yung 1 at 2" sagot ko.


"Oh" sabay sabay nilang sabi.


Natahimik kami. Grabe lang ah serious mode on sila?


Sobrang lalim ng iniisip! Nakakaloka!


"Teka Arielle" napatingin ako kay Ellena.


"Bakit?" tanong ko.


"Yung kay Clyde ba, biglang bumilis yung tibok ng puso mo sa exact time na nakita mo sya?" Tanong ni Ellena


"Hindi, bumilis yung tibok ng puso ko nung bumanat sya kasabay nun yung pagblush ko" nahihiyang sagot ko.


"I see" sagot nya.


Bumalik na naman sila sa malalim na pagiisip. Srsly?!


Teka? Wala ba kaming prof ngayon?!


Nakakaloka lang ah!


"Sabi mo si Drei yung nasa isip mo kahit magkasama kayo ni Clyde kanina, so anong naramdaman mo? Yung totoo ah" tanong ni Kat.


"Ano..."


Sasabihin ko ba?


Duh Arielle duh!!!! Tinutulungan ka na nga nila eh! Panahon na te! Eto na yung lovelife na hinihintay mo! Kaya wag ng umarte!


"Simula kagabi nung natanggap at nabasa ko yung message, tas kahit maalala ko lang yung isang line sa message nya, biglang bumibilis yung tibok ng puso ko. Tas parang naririnig ko yung boses nya na binabasa sa akin yun kaya naman... Nagba-blush ako" honest na sagot ko.


Ugh! Gahd! Bakit ba ako nahihiya?!


"Ehem"


Tumikhim si Nadia. Tas nagbulungan sila, ok. What's happening?


"Share naman?" Sabi ko.


Lumingon sila sa akin at sabay sabay na umiling.


0_____0


"Bawal" sabi ni Kat.


"Malalaman mo din sa takdang panahon" sabi ni Nadia.


"Timbangin mo lang Arielle" nakangiting sabi ni Ellena.


Ha?


Ang sabog ko lang ngayon!


Kung sabagay halos wala akong tulog dahil sa message na yun. Hays.


Mukhang wala ng prof ngayon, tsk. Matutulog na nga lang ako!


Kinabit ko yung earphones ko tas yumuko sa desk. Kaso sa kasamaang palad hindi ako makatulog!


Jusme kahit naka-earphones ako naririnig ko yung tawanan nung tatlo, great.


Tumanaw na lang ako sa bintana.


Mula sa upuan ko kitang kita yung field pati yung open court, natanaw ko pa nga sila Clyde na nagbabasketball eh. Hays.


Pag bored ka talaga, lahat na lang ng pwedeng tignan, titignan mo eh. Hays.


Napatingin naman ako sa mag-asawang naglalakad ng makaakbay, kasama din nila yung anak nila.

Ang cute nilang tignan.


Napangiti ako, kaso biglang naglaho yung ngiti nung nakita kong si Sir Dela Fuente pala yun tas yung asawa nya tas yung anak!!!


Gahd! Sa sobrang sungit nun inakala kong wala syang asawa eh! HAHAHAHA


ang bad ko.


Pinagmasdan ko lang sila.


Ang sweet nilang pamilya. Nagtatawanan tas nagkukulitan.


Kitang kita mo sa mata ni Sir na love na love nya yung asawa nya eh. Hays. Kainggit. HAHAHAHAHA charot!


Bigla namang tumakbo yung anak nyang babae tas ayun...naghabulan sila sa field. ANG CUUUUUUTE!


di mo akalaing sweet pala yung masungit na prof na yun. Hays.


Family Goals sila.


Kung magkakaroon ako ng pamilya, gusto ko ganun din. Simple lang pero masaya. Pero syempre bago ako magka-pamilya dapat ikasal muna ako di ba? HAHAHAHA.

nababaliw na ako.

Dahil wala na sila sir sa paningin ko, naisip ko namang magdoodle sa likod ng binder ko.


Kung ano ano yung sinusulat ko para lang di mabored, kaso wala eh. Hays.


Naalala ko na naman yung pamilya nila, someday i want a family of my own. Yung masayang pamilya, gusto ko isang anak lang. Pero pag kinasal ako ayoko munang mag-anak agad kasi gusto ko munang magtravel kasama nung future husband ko.





O______O


Gahd! Ansabe ng drawing ko? HAHAHAHAHA


dalawang taong ikinasal. Parehong masaya, parehong nagmamahalan.


Biglang nagflash sa isip ko si Drei na naka tuxedo, messy pa rin yung buhok nya, nakangiti sya na parang maiiyak na tas naghihintay sya sa may altar.

Nagflash din sa isip ko yung sarili ko na nakagown at may hawak na bouquet ng red roses.


Mahabang isle pati red carpet.

Magandang gown halatang mamahalin.

Si Papa na nasa tabi ko, nakangiti.

Tears of joy.

*snap!*

Napabalik ako sa katinuan dahil sa pagpitik ni Nadia sa harap ko.

"Anong mukha yun, Arielle?" Tanong nya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Anong ha? Kanina ka pa kaya tulala!" Sabi ni Kat.

"Stress na yan si Arielle" sabi ni Ellena. Pero umiling ako.

"Bakit?" Sabay sabay nilang tanong.

"May naimagine lang ako" sagot ko.

"Ano?" Sabay sabay ulit sila. Wow pwede na pangsabayang pagbigkas eh.

"Kasal ko" sagot ko.

Silence...

"Sabihin mo na kaya ng buo para malaman na" sabi ni Kat.

So ayun kinuwento ko sa kanila simula nung nakita ko yung sweet family ni sir, na si Drei yung groom ko blah...blah...blah...

"Di ba yun yung 10th sign?" Tanong ni Nadia.

"Oo" nakangiting sagot ni Ellena.

Nagkatinginan silang tatlo tas nag-form ulit ng bilog tas nagbulungan.

-___________-

hindi na ako magtatanong sa kanila, hindi din naman nila sasabihin eh.

Niligpit ko na lang yung mga gamit ko sa bag. Jusme parang basurahan yung bag ko!


Hays Arielle.

Matapos kong ayusin yung gamit ko as usual sa bintana na naman ako nakatanaw.

Busy ako sa pagbibilang ng mga taong naglalakad hanggang sa bigla na lang akong nainis.

Ellena's POV

Di ko na kinaya yung mga pangyayari!

"Naimagine nya yung future nya kasama si Drei" sabi ni Kat.

"Oo ngaaaa, tas di ba nabinggo din nya yung pang first at second tas pang lima yata? Basta yung He's the only thing on your mind chu chu" kinikilig na sabi ni Nadia.

Napalingon naman ako kay Arielle, busy sya sa pagaayos ng gamit nya. Jusme kung titignan nga yung mga signs marami na syang natamaan pag si Drei, partida di pa sila magkasama nun ah.

Halata naman sa umpisa pa lang na si Drei na talaga eh. Hindi nya lang ma-sort out yung feelings nya ng maayos, kaya naman may signs sya.

"Si Drei na talaga" sabi ni Kat.

"Oo"pagsang-ayon ni Nadia.

Tumango ako.

Dapat na siguro na maayos na ni Arielle yung feelings nya. Naguguluhan lang sya, i know.

Kailangan nya lang ng konting push para maintindihan yung feelings nya.

"Hayaan na natin, if it's meant to be, it will be" sabi ni Nadia.

"Mukha namang makukumpleto nya yung signs kay Drei eh" sabi ni Kat.

"Oo nga,kaya na ni Arielle yan" sabi ko.

*Blag!*

Napatingin kami kay Arielle. Sya ba yung nagdabog? Well kaming apat lang naman yung nandito eh.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Nakatingin lang sya sa may bintana habang nakatayo.

Seryoso sya medyo nakakatakot.

"CR lang ako" malamig na sabi nya.

*slaaaam!*

Napapikit ako sa pagdabog nya ng pinto.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Kat.

Napatayo ako at sumilip sa may bintana.

Sumunod naman yung dalawa.

"Nakakatakot pala magselos si Arielle" sabi ni Nadia.

Ano ba yung nakita namin?

Si Drei  at Inah magkausap tas nagtatawanan.

"I agree, ngayon ko lang sya nakitang ganon" dagdag ni Kat.

"Oo parang papatay ng tao eh" sabi ko.

Silence....

Seryoso natakot talaga ako kay Arielle. Walang emosyon, cold na pagsasalita. Di mo alam kung galit ba o ano. Katakot nyemas.

"So 9th sign, check" pambasag ko sa katahimikan.

Clyde-2 signs

Drei- 5 signs

Kahit halos makalahati na ni Drei yung signs, feeling ko mas magiging komplikado yung lahat. Sa dinami-dami ba naman kasi ng babaeng kakausapin eh si Inah pa yung kinausap, eh sya nga yung babaeng dating nalink kay Drei eh. isama mo pa yung butiking nakaaway ni Arielle.

Hays ang sakit sa ulo.

End of Chapter

An*

Sooooooooo Hi guys!

Sorry for the super duper mega ultra late update. Hays sobrang busy ko lang kasi. HAHAHA pero babawi ako sa bakasyon pramis! Malay nyo matapos ko na 'to. HAHAHA sana.

So lame ba? Huhuhu sorry naman.

Comment lang.

Vote.

Di naman nakakamatay yun. HAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top